ANG BANTAYAN

32
B A NTAYA N NAGHAHAYAG NG KAHARIAN NI J EHOVA ENERO 1, 2011 ANG HARDIN NG EDEN ALAMAT O KATOTOHANAN? 8 ANG

description

LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala ng uniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayari sa malayo. Sa katulad na paraan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig ayon sa mga hula ng Bibliya. Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos, isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitong paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan at namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Angmagasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika at patuluyang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.

Transcript of ANG BANTAYAN

Page 1: ANG BANTAYAN

BANTAYANNAGHAHAYAG NG KAHARIAN NI JEHOVA

ENERO 1, 2011

ANGHARDIN

NGEDENALAMATO KATOTOHANAN?

8ANG

Page 2: ANG BANTAYAN

ANGBANTAYANNAGHAHAYAG NG KAHARIAN NI JEHOVA

Limbag sa Bawat Isyu:42,162,000 SA 185 WIKA

LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala nguniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayari sa malayo. Sa katulad naparaan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig ayon sa mga hula ng Bibliya.Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos,isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitong paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mgatao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika at patuluyanginilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

8ENERO 1, 2011

TAMPOK NA MGA ARTIKULO3 Eden—Ito ba ang Orihinal

na Tahanan ng Tao?4 Talaga Bang May Hardin ng Eden?9 Ang Kahalagahan sa Iyo ng Eden

REGULAR NA MGA SEKSIYON12 Tanong ng mga Mambabasa16 Matuto Mula sa Salita ng Diyos—Bakit Dapat

Matuto Mula sa Diyos?18 Maging Malapıt sa Diyos—“Pinalambot Niya

ang Mukha ni Jehova”19 Alam Mo Ba?

& 24 Tularan ang Kanilang Pananampalataya—Nakapagtiis Siya sa Kabila ng mga Kabiguan

30 Para sa mga Kabataan—Pahalagahan angSagradong mga Bagay!

SA ISYU RING ITO13 Alam ba ng Diyos na Magkakasala Sina Adan at Eva?

& 20 Talaga Bang Mahal Ka ng Diyos?29 Isang Taga-Silangang Asia sa Sinaunang Italya

Page 3: ANG BANTAYAN

ISIPIN mong ikaw ay nasa isang hardin. Walang mga pang-abala, walang ingay ng magulong buhay sa lunsod. Payapa at

napakalawak ng harding ito. Walang mga problema, sakit, aler-dyi, o kirot. Damang-dama mo ang kapaligiran.

Tuwang-tuwa ka sa nakikita mong matitingkad na kulay ngmga bulaklak, sa kislap ng batis, at sa luntiang mga halaman atdamo sa liwanag ng araw at sa lilim. Nadarama mo ang banayadna dampi ng hangin at nalalanghap ang mabangong simoy nito.Naririnig mo ang pagaspas ng mga dahon, ang lagaslas ng tubigsa mga bato, ang huni ng mga ibon, at ang ingay ng mga insekto.Hindi ka ba nananabik na tumira sa gayong lugar?

Sa buong daigdig, marami ang naniniwala na gayon nga angorihinal na tahanan ng tao. Sa loob ng mga dantaon, ang mgamiyembro ng Judaismo, Sangkakristiyanuhan, at Islam ay tinu-ruan tungkol sa hardin ng Eden, kung saan pinatira ng Diyossina Adan at Eva. Ayon sa Bibliya, namuhay sila rito nang mali-gaya at payapa. Hindi sila sinasaktan ng mga hayop, at may ma-buti silang kaugnayan sa Diyos, na may-kabaitang nagbigay sakanila ng pag-asang mabuhay magpakailanman sa magandangharding iyon.—Genesis 2:15-24.

May sariling paniniwala rin ang mga Hindu tungkol sa isangparaiso noong unang panahon. Naniniwala ang mga Budista naang dakilang espirituwal na mga lider, o mga Buddha, ay maaa-ring lumitaw sa mga ginintuang panahon kung kailan ang daig-dig ay gaya ng isang paraiso. At maraming relihiyon sa Aprikaang nagtuturo ng mga kuwentong kahawig ng ulat tungkol kinaAdan at Eva.

Sa katunayan, ang ideya tungkol sa sinaunang paraiso ay laga-nap sa maraming relihiyon at tradisyon. Sinabi ng isang awtor:“Maraming sibilisasyon ang naniniwala sa sinaunang paraisokung saan may kasakdalan, kalayaan, kapayapaan, kaligayahan,kasaganaan, at walang panggigipit, tensiyon, at alitan. . . . Dahil

EDENITO BA ANG ORIHINALNA TAHANAN NG TAO?

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 3

Page 4: ANG BANTAYAN

ALAM mo ba ang kuwento tungkol kinaAdan at Eva at sa hardin ng Eden? Alam ito

ng mga tao sa buong daigdig. Bakit hindi mobasahin ang ulat na ito sa Genesis 1:26–3:24?Ganito iyon:

Inanyuan ng Diyos na Jehova� ang tao mulasa alabok, pinanganlan itong Adan, at inilagaysa isang hardin sa lugar na tinatawag na Eden.Ang Diyos mismo ang gumawa ng harding ito.Saganang tubig ang dumadaloy rito at mara-ming magaganda at namumungang punung-kahoy. Nasa gitna nito “ang punungkahoy ngpagkakilala ng mabuti at masama.” Ipinagba-

� Jehova ang personal na pangalan ng Diyos sa Bibliya.

wal ng Diyos sa tao ang pagkain ng bunga ngpunungkahoy na ito. Sinabi niyang ang pag-suway ay mangangahulugan ng kamatayan.Nang maglaon, gumawa si Jehova ng isang ka-sama para kay Adan—ang babaing si Eva—nainanyuan mula sa isa sa mga tadyang ni Adan.Inutusan sila ng Diyos na pangalagaan ang har-din, magpakarami, at punuin ang lupa.

Nang nag-iisa si Eva, kinausap siya ng isangserpiyente, o ahas. Tinukso siya nito na kaininang ipinagbabawal na bunga at pinalabas nanagsisinungaling sa kaniya ang Diyos at namay ipinagkakait na mabuti sa kaniya. Kungkakain daw siya nito, magiging gaya siya ng

TALAGA BANG MAYHARDIN NG EDEN?

sa paniniwalang ito, inaasam-asam ng lipunansa pangkalahatan na maibalik ang isang nawa-la ngunit di-nalimutang paraiso.”

Maaari kayang isa lamang ang pinagmu-lan ng lahat ng kuwento at tradisyong iyon?Mayroon kayang mapananaligang batayan ang“inaasam-asam ng lipunan sa pangkalahatan”?Talaga bang may hardin ng Eden noon? Totooba sina Adan at Eva?

Marami ang nag-aalinlangan sa ulat tungkolsa hardin ng Eden. Ngayong masulong na angsiyensiya, iniisip nila na alamat lamang ito. Atang nakagugulat pa, hindi lahat ng lider ng re-lihiyon ay naniniwala sa hardin ng Eden. Sina-sabi nila na walang gayong lugar at na ito ay isa

lamang metapora, alamat, pabula, o taling-haga.

Totoo, ang Bibliya ay may binabanggit namga talinghaga. Kay Jesus mismo nagmula angpinakakilala sa mga ito. Pero iniulat ng Bibliyaang tungkol sa Eden hindi bilang talinghagakundi bilang kasaysayan—simple at pawang ka-totohanan. Kung ang pangyayari sa Eden ayhindi kailanman naganap, paano mapagkaka-tiwalaan ang iba pang bahagi ng Bibliya? Suri-in natin kung bakit ang ilan ay nag-aalinlangantungkol sa hardin ng Eden at alamin natinkung makatuwiran ang kanilang mga dahilan.Pagkatapos, susuriin natin kung ano ang kaha-lagahan ng ulat na ito sa bawat isa sa atin.

ANGBANTAYANNAGHAHAYAG NG KAHARIAN NI JEHOVA

Nais mo ba ng higit pang impormasyon o ng walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Pakisu-yong ipadala ang iyong kahilingan sa mga Saksi niJehova, na ginagamit ang isa sa mga adres sa ibaba.Para sa kumpletong listahan ng mga adres, tingnanang www.watchtower.org/address.

Australia: PO Box 280, Ingleburn, NSW 1890. Britain: TheRidgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, George-town, ON L7G 4Y4. France: BP 625, F-27406 Louviers Cedex.Germany: 65617 Selters. Hong Kong: 4 Kent Road, KowloonTong, Kowloon. Israel: PO Box 29345, 61293 Tel Aviv. Italy: Viadella Bufalotta 1281, I-00138 Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashin-den, Ebina City, Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of:PO Box 33, Pyungtaek PO, Kyunggi-do, 450-600. Malaysia: PetiSurat No. 580, 75760 Melaka. Philippines: PO Box 2044, 1060Manila. Spain: Apartado 132, 28850 Torrejon de Ardoz (Ma-drid). Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu 32746. United Statesof America: 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483.

The Watchtower (ISSN 0043-1087) is publishedsemimonthly in the United States by WatchtowerBible and Tract Society of New York, Inc.; M. H.Larson, President; G. F. Simonis, Secretary-Treasurer;25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483,U.S.A., and in the Philippines by Watch Tower Bibleand Tract Society of the Philippines, Inc., PO Box 2044,1060 Manila, R.P. Periodicals Postage Paid at Brooklyn,NY, and at additional mailing offices. Entered assecond-class matter at the Manila Central Post Office onSeptember 12, 1961. � 2011 Watch Tower Bible andTract Society of Pennsylvania. Reserbado ang lahat ngkarapatan. Printed in R.P.

Vol. 132, No. 1 Semimonthly TAGALOG

8

4

Page 5: ANG BANTAYAN

Diyos. Natukso si Eva at kinain ang bunga.Nang maglaon, nakisama sa kaniya si Adan sapagsuway sa Diyos. Hinatulan ni Jehova siAdan, si Eva, at ang ahas. Matapos palayasinang mga tao sa paraisong hardin, may mgaanghel na humarang sa pasukan.

Noon, naniniwala ang karamihan sa mga is-kolar, intelektuwal, at istoryador na talagangnaganap ang mga pangyayaring nakaulat sa ak-lat ng Bibliya na Genesis. Pero ngayon, masmarami na ang nag-aalinlangan. Bakit ba pi-nag-aalinlanganan ang ulat ng Genesis tungkolkina Adan at Eva at sa hardin ng Eden? Suriinnatin ang apat na karaniwang kinukuwestiyonng mga kritiko.

1. Totoong lugar ba ang hardin ng Eden?Bakit ba ito pinagdududahan? Marahil, dahil

sa pilosopiya. Sa loob ng mga dantaon, ipinala-lagay ng mga teologo na ang hardin ng Diyosay umiiral pa. Pero ang simbahan ay naimplu-wensiyahan ng mga pilosopong Griego na gayanina Plato at Aristotle, na nagsabing walanganumang bagay sa lupa ang sakdal, o perpekto.Sa langit lamang makasusumpong ng kasakda-lan. Kaya inisip ng mga teologo na ang orihinalna Paraiso ay malapit sa langit.� Sabi ng ilan,ang hardin ay nasa tuktok ng isang bundok nanapakataas anupat hindi naapektuhan ng ma-gulong planetang ito; sabi ng iba, ito raw aynasa North Pole o South Pole; sabi naman ngiba pa, ito raw ay nasa buwan o malapit dito.Hindi kataka-taka, ang Eden ay nagmistulangisang pantasya. Iginigiit naman ng ilang iskolar

� Ang ideyang ito ay wala sa Kasulatan. Itinuturo ng Bibliyana ang lahat ng gawa ng Diyos ay sakdal; hindi nanggaling sakaniya ang kasiraan. (Deuteronomio 32:4, 5) Pagkatapos lala-ngin ni Jehova ang lupa, sinabi niyang ang lahat ng gina-wa niya ay “napakabuti.”—Genesis 1:31.

ngayon na walang saysay na pag-usapan pa anglokasyon ng Eden, yamang hindi ito talagaumiral.

Pero hindi ganiyan ang pagkakalarawan ngBibliya sa hardin. Sa Genesis 2:8-14, malala-man natin ang ilang detalye tungkol sa lugarna iyon. Ito ay nasa silangan ng lugar na tinata-wag na Eden. Natutubigan ito ng isang ilog nanagsanga sa apat na ilog. Pinanganlan ang mgaito at binanggit kung saan umaagos. Dahilsa mga detalyeng ito, nagpursigi ang mga isko-lar na saliksikin pa ang bahaging ito ng Bibliyapara matunton ang aktuwal na lokasyon nghardin ng Eden. Pero iba-iba ang naging opin-yon nila. Ibig bang sabihin, hindi totoo o ala-mat lamang ang paglalarawan tungkol sa Eden,sa hardin nito, at sa mga ilog nito?

Isaalang-alang ito: Ang mga pangyayari sahardin ng Eden ay naganap mga 6,000 taon naang nakalipas. Si Moises ang sumulat nito, ma-rahil batay sa mga ikinuwento sa kaniya osa makukuhang mga dokumento noon. Isa pa,isinulat niya ito mga 2,500 taon pagkataposnitong mangyari. Sa paglipas ng libu-libongtaon, posible kayang nagbago ang mga pala-tandaan nito, gaya ng mga ilog? Ang topograpi-ya ng lupa ay laging nagbabago. Ang rehiyonna malamang na kinaroonan ng Eden ay ma-dalas tamaan ng lindol. Sa katunayan, dito na-ganap ang mga 17 porsiyento ng pinakamalala-kas na lindol sa daigdig. Sa gayong mga lugar,normal lang ang pagbabago. Bukod pa riyan,maaaring binago ng Baha noong panahon niNoe ang topograpiya ng lupa sa maraming pa-raan na hindi natin alam ngayon.�

� Maliwanag na binura ng Delubyo, na pinasapit ng Diyos,ang lahat ng bakas ng hardin ng Eden. Ipinahihiwatig ng Eze-kiel 31:18 na ang “mga punungkahoy sa Eden” ay matagalnang hindi umiiral pagdating ng ikapitong siglo B.C.E. Kayaang lahat ng naghahanap sa hardin ng Eden ay nabibigo.

INILALATHALA NA SA 185 WIKA: Afrikaans, Albanian,Amharic, Arabic, Armenian, Armenian (West), Aymara,Azerbaijani, Azerbaijani (Cyrillic), Baoule, Bengali, Bi-col, Bislama, Bulgarian, Cambodian, Cebuano, Chiche-wa, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)� (audioMandarin only), Chitonga, Chuukese, Cibemba, Croa-tian, Czech,� Danish,� Dutch,�� Efik, English�� (alsoBraille), Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,� French,��� Ga,Georgian, German,�� Greek,Greenlandic, Guarani, Gu-jarati, Gun, Haitian Creole, Hausa, Hebrew, Hiligaynon,Hindi, Hiri Motu, Hungarian,�� Icelandic, Igbo, Iloko,Indonesian, Isoko, Italian,�� Japanese,�� Kannada, Ka-onde, Kazakh, Kikongo, Kikuyu, Kiluba, Kimbundu, Ki-

nyarwanda, Kirghiz, Kiribati, Kirundi, Kongo, Korean,��Kwangali, Kwanyama, Latvian, Lingala, Lithuanian, Lu-ganda, Lunda, Luo, Luvale, Macedonian, Malagasy,Malayalam, Maltese, Marathi, Marshallese, MauritianCreole, Maya, Mizo, Moore, Myanmar, Ndebele, Ndo-nga, Nepali, Niuean, Norwegian,�� Nyaneka, Nzema,Oromo, Ossetian, Otetela, Palauan, Pangasinan, Pa-piamento (Curacao), Persian, Polish,�� Ponapean,Portuguese,��� Punjabi, Quechua (Ancash), Que-chua (Ayacucho), Quechua (Bolivia), Quechua (Cuz-co), Quichua, Rarotongan, Romanian,Russian,�� Samo-an, Sango, Sepedi, Serbian, Serbian (Roman), Sesotho,Seychelles Creole, Shona, Silozi, Sinhala, Slovak, Slove-

nian, Solomon Islands Pidgin, Spanish,�� Sranantongo,Swahili, Swati, Swedish,� Tagalog,� Tahitian, Tamil, Ta-tar, Telugu, Tetum, Thai, Tigrinya, Tiv, Tok Pisin, Tongan,Totonac, Tshiluba, Tsonga, Tswana, Tumbuka, Turkish,Tuvaluan, Twi, Tzotzil, Ukrainian,� Umbundu, Urdu,Uruund, Uzbek, Venda, Vietnamese, Wallisian, Waray-Waray, Wolaita, Xhosa, Yapese, Yoruba, Zande, Zapotec(Isthmus), Zulu

� Makukuha rin sa CD.� Makukuha rin sa MP3 CD-ROM.� Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.

Page 6: ANG BANTAYAN

6 ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011

Gayunman, narito ang ilang katotohanangalam natin: Tinutukoy sa ulat ng Genesis anghardin bilang isang totoong lugar. Dalawa saapat na ilog na binanggit sa ulat—ang Eufratesat ang Tigris, o Hidekel—ay umiiral pa at angilang pinagmumulan ng mga ito ay malapit saisa’t isa. Binabanggit pa nga ng ulat ang panga-lan ng mga lupaing dinadaluyan ng ilog at anglikas na yaman ng mga lupaing iyon. Sa mga Is-raelita noon, na siyang unang bumasa ngulat na ito, ang mga detalyeng ito ay kapaki-pakinabang.

Ganiyan ba ang mga alamat o fairy tale? Saganitong mga kuwento, hindi binabanggit angmga detalye na maaaring magpatunay kung itoay totoo o hindi. “Noong unang panahon saisang malayong lupain”—ganiyan nagsisimulaang isang alamat. Pero iniuulat ng kasaysayanang mahahalagang detalye, gaya ng ulat tung-kol sa Eden.

2. Kapani-paniwala bang inanyuan ngDiyos si Adan mula sa alabok at si Evamula sa isa sa mga tadyang ni Adan?

Pinatunayan ng makabagong siyensiya naang katawan ng tao ay binubuo ng iba’tibang elemento—gaya ng hidroheno, oksi-heno, at karbon—lahat ay masusumpungan

sa lupa. Pero paano naging isang nabubu-hay na nilalang ang mga elementong iyon?

Ayon sa teoriya ng maraming siyentipiko,ang buhay ay basta na lamang lumitawnang walang sinumang lumikha. Mula sanapakasimpleng anyo, unti-unti itong na-ging masalimuot sa paglipas ng milyun-milyong taon. Pero ang salitang “simple” aymaaaring makalito, sapagkat ang lahat ngnabubuhay na bagay—kahit ang pagkaliit-liit na isang-selulang organismo—ay lub-hang masalimuot. Walang ebidensiya naang anumang uri ng buhay ay bigla na la-mang lumitaw. Sa halip, ang lahat ng nabu-buhay na bagay ay nagpapatunay na mayisang napakatalinong Disenyador.�—Roma1:20.

Kapag nakikinig ka sa napakagandangmusika ng isang orkestra o humahanga saisang makulay na painting o sa isang pambi-hirang imbensiyon, iniisip mo bang walanggumawa ng mga ito? Siyempre hindi! Ngu-nit ang mga obramaestrang iyon ay walang-sinabi sa kagandahan, pagkamalikhain, opagiging masalimuot ng pagkakadisenyo sakatawan ng tao. Kaya paano natin masasa-

� Tingnan ang brosyur na The Origin of Life—Five QuestionsWorth Asking, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Page 7: ANG BANTAYAN

bing walang Maylalang? Isa pa, ipinaliliwa-nag ng ulat ng Genesis na sa lahat ng buhaysa lupa, ang tao lamang ang ginawa ayon salarawan ng Diyos. (Genesis 1:26) Kaya mgatao lamang ang nakagagawa ng imbensiyono nakabubuo ng kahanga-hangang likhang-sining at musika dahil minana nila ang ka-kayahang ito sa Diyos. Dapat ba tayongmagtaka na makalilikha ang Diyos nangmas mahusay kaysa sa atin?

Kung tungkol naman sa paglalang sa ba-bae mula sa isang tadyang ng lalaki, mahi-rap ba iyon para sa Diyos?� Maaaring guma-mit ang Diyos ng ibang paraan, pero angpaglalang niya sa babae ay may malalim nakahulugan. Gusto niyang ang lalaki at babaeay maging mag-asawa at mabuklod na pa-rang “isang laman.” (Genesis 2:24) Hindi baisang matibay na ebidensiya ng isang mata-lino at maibiging Maylalang ang pagigingkapupunan sa isa’t isa ng lalaki’t babae, anu-pat nakabubuo sila ng isang matibay at ma-sayang buklod?

Isa pa, kinikilala ng mga eksperto sa henetikangayon na ang lahat ng tao ay posibleng nag-mula sa isang lalaki at babae lamang. Kaya ma-layo bang mangyari ang ulat ng Genesis?

� Kapansin-pansin, natuklasan ng makabagong siyensiya samedisina na ang tadyang, di-tulad ng ibang buto, ay may pam-bihirang kakayahan na tumubong muli kung hindi napinsalaang lamad na nakabalot dito.

3. Parang alamat ang punungkahoy ngpagkakilala ng mabuti at masama at angpunungkahoy ng buhay.

Ang totoo, hindi itinuturo ng ulat ng Genesisna ang mga punungkahoy na ito ay mahiwagao may anumang pambihirang kapangyarihan.Sa halip, ang mga ito ay karaniwang mga pu-nungkahoy na binigyan ni Jehova ng makasa-gisag na kahulugan.

Hindi ba kung minsan, ginagawa rin iyan ngmga tao? Halimbawa, maaaring sabihin ng isa,‘Hindi mo na iginalang ang pamamahay ko.’Hindi naman talaga ang mismong bahay angwinalang-galang kundi ang karapatan ng may-ari sa sarili niyang pamamahay. Ginagamit dinng iba’t ibang monarka ang setro at korona bi-lang sagisag ng kanilang awtoridad.

Kaya ano ang isinasagisag ng dalawang pu-nungkahoy? Maraming masalimuot na teoriyaang lumitaw. Ang tunay na sagot, bagamansimple, ay malalim. Ang punungkahoy ng pag-kakilala ng mabuti at masama ay kumakata-wan sa karapatan na nauukol lamang sa Diyos—ang magtakda ng kung ano ang mabuti atmasama. (Jeremias 10:23) Kaya isang krimenang magnakaw mula sa punungkahoy na iyon!

Page 8: ANG BANTAYAN

Ang punungkahoy ng buhay naman ay kuma-katawan sa isang kaloob na Diyos lamang angmakapagbibigay—ang buhay na walang hang-gan.—Roma 6:23.

4. Parang isang karakter lamang sa pabu-la ang ahas na nagsasalita.

Sabihin pa, ang bahaging ito ng ulat ng Ge-nesis ay nakalilito, lalo na kung hindi natin isa-saalang-alang ang iba pang bahagi ng Bibliya.Pero unti-unting ipinaliliwanag ng Kasulatanang misteryong ito.

Paano nakapagsalita ang ahas na ito? Noon,alam ng mga Israelita ang ilang bagay na maka-pagbibigay-linaw sa papel ng ahas na iyon. Ha-limbawa, alam nila na bagaman hindi nagsasa-lita ang mga hayop, maaaring gawin ng isangespiritung persona na tila nagsasalita ito. Bu-kod diyan, isinulat ni Moises ang tungkol sapagsusugo ng Diyos sa isang anghel upang pag-

salitain na parang tao ang asno ni Balaam.—Bi-lang 22:26-31; 2 Pedro 2:15,16.

Maaari bang magsagawa ng himala angibang espiritung persona, kabilang na ang mgakaaway ng Diyos? Nakita ni Moises na ginayang mga mahikong saserdote ng Ehipto ang ilansa mga himala ng Diyos, gaya noong gawin ni-lang ahas ang tungkod. Maliwanag na ang ga-yong mga himala ay galing sa mga espiritungkaaway ng Diyos.—Exodo 7:8-12.

Maliwanag na si Moises din ang sumulat ngaklat ng Job. Maraming itinuturo ang aklat naiyon tungkol sa pangunahing kaaway ng Diyos,ang sinungaling na si Satanas, na humamon sakatapatan ng lahat ng lingkod ni Jehova. (Job1:6-11; 2:4, 5) Naniniwala ba ang mga Israelitanoon na si Satanas ang kumontrol sa ahas saEden, kung kaya nakapagsalita ito at nadaya siEva? Malamang na gayon nga.

Si Satanas ba ang kumokontrol sa ahas? Ti-nukoy ni Jesus si Satanas na “sinungaling atama ng kasinungalingan.” (Juan 8:44) Kungsiya ang “ama ng kasinungalingan,” siya angpasimuno ng unang kasinungalingan, hindiba? Ang unang kasinungalingan ay ang sinabing serpiyente kay Eva. Bilang pagsalungat sababala ng Diyos na ang pagkain sa ipinagbaba-wal na bunga ay magdudulot ng kamatayan, si-nabi ng serpiyente: “Tiyak na hindi kayo ma-mamatay.” (Genesis 3:4) Maliwanag, alam niJesus na si Satanas ang kumokontrol sa serpi-yente. Niliwanag ito sa pagsisiwalat na ibinigayni Jesus kay apostol Juan, nang tawagin Niya siSatanas na “ang orihinal na serpiyente.”—Apo-calipsis 1:1; 12:9.

Mahirap bang paniwalaan na kayang mani-pulahin ng isang makapangyarihang espiri-tung persona ang isang ahas para magtinginitong nagsasalita? Kung nagagawa ng mga taona maging kapani-paniwala ang mga special ef-fect at palabasing nagsasalita ang isang papet,gaano pa kaya ang makapangyarihang mga es-piritu?

Ang Pinakamatibay na EbidensiyaHindi ka ba sasang-ayon na ang pag-aalinla-

ngan tungkol sa ulat ng Genesis ay wala na-

Page 9: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 9

mang matibay na saligan? Sa kabilang dako,may matibay na ebidensiya na ang ulat ng Ge-nesis ay tunay na kasaysayan.

Halimbawa, si Jesu-Kristo ay tinawag na “sak-sing tapat at totoo.” (Apocalipsis 3:14) Bilangisang sakdal na tao, hinding-hindi siya nagsi-nungaling ni pinilipit man niya ang katotoha-nan. Higit pa riyan, itinuro niya na umiral nasiya bago pa naging tao sa lupa. Sa katunayan,nabuhay na siya kapiling ng kaniyang Ama, siJehova, “bago pa ang sanlibutan.” (Juan 17:5)Kaya buhay na siya nang magsimula ang bu-hay sa lupa. Ano ang sinabi ng pinakatapat nasaksing ito?

Tinukoy ni Jesus sina Adan at Eva bilang tu-nay na mga tao. Binanggit niya ang kanilang

pag-aasawa nang ipaliwanag niya ang paman-tayan ni Jehova tungkol sa pagkakaroon ng isalamang asawa. (Mateo 19:3-6) Kung hindi umi-ral sina Adan at Eva at isa lamang alamat anghardin na tirahan nila, lumalabas na si Jesus aynadaya o isang sinungaling. Imposible iyan! SiJesus ay nasa langit at nakita niya ang masaklapna pangyayari sa hardin. May mas matibay pabang ebidensiya kaysa riyan?

Sa katunayan, ang hindi paniniwala sa ulatng Genesis ay nagpapahina ng pananampalata-ya kay Jesus. Imposible ring maunawaan angilan sa pinakamahahalagang tema ng Bibliyaat ang pinakamaaasahang mga pangako nitokung hindi ka naniniwala sa ulat na ito. Ting-nan natin kung bakit.

IGINIGIIT ng ilang iskolar na hindi sinusuporta-han ng iba pang bahagi ng Bibliya ang ulat

tungkol sa Eden. Halimbawa, ganito ang isinulatni Paul Morris, propesor sa pag-aaral hinggil sarelihiyon: “Hindi na muling tuwirang binanggitsa Bibliya ang tungkol sa Eden.” Ang kaniyangopinyon ay maaari ngang sang-ayunan ng diu-mano’y mga eksperto, pero salungat ito sa kato-tohanan.

Sa katunayan, madalas banggitin sa Bibliyaang tungkol sa hardin ng Eden, kina Adan atEva, at sa serpiyente.� Pero ang pagkakamalingito ng ilang iskolar ay napakaliit kumpara sa na-gawa ng mga lider ng relihiyon at mga kritiko saBibliya. Nang palabasin nilang di-mapananali-gan ang ulat ng Genesis tungkol sa hardin ngEden, para na rin nilang pinalabas na hindi ma-pananaligan ang buong Bibliya. Paano?

Napakahalagang maunawaan ang nangyari saEden para maunawaan ang iba pang bahagi ng

� Halimbawa, tingnan ang Genesis 13:10; Deuteronomio32:8; 2 Samuel 7:14; 1 Cronica 1:1; Isaias 51:3; Ezekiel 28:13;31:8, 9; Lucas 3:38; Roma 5:12-14; 1 Corinto 15:22, 45; 2 Co-rinto 11:3; 1 Timoteo 2:13, 14; Judas 14; at Apocalipsis 12:9.

Bibliya. Halimbawa, ang Salita ng Diyos ay dini-senyo para tulungan tayong mahanap ang sagotsa pinakamahahalagang tanong ng tao. Ang sa-got ng Bibliya sa mga tanong na iyon ay madalasna nauugnay sa nangyari sa hardin ng Eden.Tingnan natin ang ilang halimbawa.˘ Bakit tayo tumatanda at namamatay? SinaAdan at Eva ay mabubuhay sana magpakailan-man kung patuloy silang magiging masunurinkay Jehova. Mamamatay lamang sila kung mag-hihimagsik sila. Nang maghimagsik sila, nagsi-mula na silang tumanda at mamatay. (Genesis2:16, 17; 3:19) Naiwala nila ang kasakdalan atang tanging naipamana nila sa kanilang mgaanak ay kasalanan at di-kasakdalan. Ganito angpaliwanag ng Bibliya: “Sa pamamagitan ngisang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibu-tan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasa-lanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaga-nap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat aynagkasala.”—Roma 5:12.˘ Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang labisna kasamaan? Sa hardin ng Eden, tinawag ni

ANG KAHALAGAHAN SA IYO NG EDEN

Page 10: ANG BANTAYAN

“Mag

lala

gay

ako

ngal

itan

sapa

gita

nm

o[a

ngse

rpiy

ente

]at

ngba

bae

atsa

pagi

tan

ngiy

ong

binh

iatn

gka

niya

ngbi

nhi.

Siya

ang

susu

gats

aiy

osa

ulo

atik

awan

gsu

suga

tsa

kani

yasa

sako

ng.”

—G

enes

is3:

15.

Iyan

ang

unan

ghu

lasa

Bibl

iya

nabi

nigk

asng

Diy

ossa

Eden

.Kan

ino

tum

utuk

oyan

gap

atna

tauh

an:a

ngba

bae,

ang

kani

yang

binh

i,an

gse

rpiy

ente

,ata

ngbi

nhi

nito

?Pa

ano

nagk

aroo

nng

“alit

an”

sapa

gita

nng

mga

ito?

ISAN

GH

ULA

NA

NAG

-UU

GN

AYSA

BUO

NG

BIBL

IYA

ANG

SERP

IYEN

TESi

Sata

nas

naD

iyab

lo.

—Ap

ocal

ipsis

12:9

.

ANG

BABA

EAn

gor

gani

sasy

onni

Jeho

vasa

lang

it.(G

alac

ia4:

26,2

7)In

ihul

ani

Isai

asna

ang

“bab

ae”

aym

agsis

ilang

ngisa

nges

pirit

uwal

naba

nsa.

—Is

aias

54:1

;66:

8.

ANG

BIN

HIN

GSE

RPIY

ENTE

Ang

laha

tng

sum

usun

odka

ySa

tana

s.—

Juan

8:44

.

ANG

BIN

HIN

GBA

BAE

Pang

unah

inna

,siJ

esu-

Krist

o,na

mul

asa

orga

nisa

syon

niJe

hova

sala

ngit.

Kabi

lang

din

sa“b

inhi

”an

ges

pirit

uwal

nam

gaka

patid

niKr

isto

nana

ghah

arin

gka

sam

ani

yasa

lang

it.An

gm

gaKr

istiy

anon

gito

napi

nahi

ran

ngba

naln

aes

pirit

uan

gbu

mub

uosa

espi

rituw

alna

bans

a,an

g“I

srae

lng

Diy

os.”

—G

alac

ia3:

16,2

9;6:

16;G

enes

is22

:18.

ANG

SUG

ATSA

SAKO

NG

Isan

gm

asak

itna

pags

ugat

saM

esiy

asng

unit

hind

ipe

rman

ente

ang

mga

epek

to.N

aipa

pata

yni

Sata

nas

siJe

sus

salu

pa.P

ero

siJe

sus

aybi

nuha

y-m

uli.

ANG

SUG

ATSA

ULO

Ang

lubu

sang

pagd

urog

kay

Sata

nas.

Pupu

ksai

nni

Jesu

ssi

Sata

nas.

Pero

bago

iyan

,pap

awiin

niJe

sus

ang

kasa

maa

ngsin

imul

anni

Sata

nas

saEd

en.—

1Ju

an3:

8;Ap

ocal

ipsis

20:1

0.Pa

rasa

mai

klin

gsu

mar

yong

pang

unah

ing

tem

ang

Bibl

iya,

tingn

anan

gbr

osyu

rna

Ang

Bibl

iya

—An

oan

gM

ensa

heN

ito?

nain

ilath

ala

ngm

gaSa

ksin

iJeh

ova.

Page 11: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 11

Satanas ang Diyos na isang sinungaling na nag-kakait ng mabubuting bagay sa kaniyang mganilalang. (Genesis 3:3-5) Sa gayon, kinuwesti-yon niya ang pagiging matuwid ng pamamaha-la ni Jehova. Pinili nina Adan at Eva na sumu-nod kay Satanas; kaya tinanggihan din nila angpamamahala ni Jehova at para na rin nilang si-nabi na nasa tao na ang pagpapasiya kung anoang mabuti at masama. Dahil sa kaniyang sak-dal na katarungan at karunungan, alam ni Je-hova na isa lamang ang paraan upang masagotang hamon—palipasin ang panahon upang angmga tao ay magkaroon ng pagkakataong pama-halaan ang sarili sa paraang gusto nila. Angresultang labis na kasamaan, dahil na rin sa im-pluwensiya ni Satanas, ay unti-unting nagsiwa-lat ng katotohanang ito: Hindi kayang pamaha-laan ng tao ang kaniyang sarili nang wala angDiyos.—Jeremias 10:23.˘ Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa? Inata-san ni Jehova sina Adan at Eva na punuin anglupa ng kanilang mga anak at “supilin iyon,”upang ang buong lupa ay maging kasinggandang hardin ng Eden. (Genesis 1:28) Kaya layuninng Diyos na ang lupa ay maging paraiso natinatahanan ng sakdal at nagkakaisang pamilyang mga anak nina Adan at Eva. Sinasabi ng ma-raming teksto sa Bibliya kung paano tutuparinng Diyos ang orihinal na layuning iyan.˘ Bakit pumarito si Jesu-Kristo sa lupa? Angpaghihimagsik sa hardin ng Eden ay nagbungang kamatayan kina Adan at Eva at sa lahat ngkanilang anak, ngunit maibiging naglaan angDiyos ng pag-asa. Isinugo niya ang kaniyangAnak sa lupa bilang pantubos. (Mateo 20:28)Ano ang ibig sabihin niyan? Si Jesus “ang hu-ling Adan”; nagtagumpay siya kung saan nabi-go si Adan. Naingatan ni Jesus ang kaniyangsakdal na buhay-tao sa pananatiling masunurinkay Jehova. Pagkatapos, kusa niyang ibinigayang kaniyang buhay bilang isang handog, opantubos, na nagsilbing daan para ang lahat ngtaong tapat ay mapatawad sa kanilang mga ka-salanan at sa dakong huli ay magtamo ng bu-hay na tinamasa nina Adan at Eva sa Eden bagosila nagkasala. (1 Corinto 15:22, 45; Juan 3:16)Kaya ginarantiyahan ni Jesus na matutupad ang

layunin ni Jehova na gawing paraisong gaya ngEden ang lupang ito.�

Ang layunin ng Diyos ay hindi malabo, niisang relihiyosong turo na walang malinaw nabasehan. Totoo ito. Kung paanong ang hardinng Eden ay totoong lugar dito sa lupa, na maytunay na mga hayop at tao, ang pangako ngDiyos sa hinaharap ay tiyak—at malapit na itongmatupad. Ito kaya ang magiging kinabukasanmo? Depende iyan sa iyo. Iyan ang kinabukasanna gusto ng Diyos para sa mga tao, pati na samga taong naligaw ng landas.—1 Timoteo 2:3, 4.

Habang naghihingalo si Jesus, kinausap niyaang isang makasalanang lalaki. Ang lalaking itoay isang kriminal; alam niya na karapat-dapatsiyang mamatay. Pero bumaling siya kay Jesuspara sa kaaliwan at pag-asa. Ano ang naging tu-gon ni Jesus? “Makakasama kita sa Paraiso.” (Lu-cas 23:43) Kung gusto ni Jesus na makita roonang dating kriminal na iyon—na binuhay-muli atbinigyan ng pagkakataong mabuhay magpakai-lanman sa isang paraisong gaya ng Eden—hindikaya ganiyan din ang gusto niya para sa iyo? Si-yempre! At gusto rin iyan ng kaniyang Ama!Kung gusto mo rin ang kinabukasang iyan, ga-win ang lahat ng magagawa mo para matutotungkol sa Diyos na gumawa ng hardin ng Eden.

� Para sa higit pang impormasyon tungkol sa haing pantu-bos ni Kristo, tingnan ang kabanata 5 ng aklat na Ano ba Tala-ga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi niJehova.

Pinagdusahan nina Adan at Eva angkapaha-pahamak na mga epekto ngkanilang kasalanan

Page 12: ANG BANTAYAN

12 ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011

ˇ Batay sa tinalakay sa pahina 8, maaaring sang-ayon ka rin na si Satanas ang nakipag-usap kay Evasa pamamagitan ng serpiyente, o ahas. Ito nga angitinuturo ng Bibliya. Pero baka maitanong mo, ‘Ba-kit naman kokontrolin na parang papet ng isangmakapangyarihang espiritu ang isang ahas?’

Inilalarawan ng Bibliya ang mga taktika ni Sata-nas bilang “mga pakana,” o “tusong mga gawa,” atpinatutunayan iyan ng naganap sa Eden. (Efeso6:11; talababa sa New World Translation of the HolyScriptures—With References) Ang pangyayaring ito ayhindi basta isang kuwento tungkol sa nagsasalitanghayop; isa itong halimbawa ng tusong pakana na di-nisenyo para ilayo ang mga tao sa Diyos. Paano?

Pinag-aralang mabuti ni Satanas kung sino angkaniyang pupuntiryahin. Nang panahong iyon, siEva ang pinakabata sa lahat ng matatalinong nila-lang sa langit at sa lupa. Kulang pa siya sa karana-san kaya siya ang dinaya ni Satanas. Sa paggamit ngahas, isang hayop na maingat, naitago ni Satanasang kaniyang pangahas at ambisyosong hangarin.(Genesis 3:1) Tingnan din kung ano ang nagawaniya nang pangyarihin niyang tila nagsasalita angahas.

Una, nakuha ni Satanas ang atensiyon ni Eva.Alam ni Eva na hindi nagsasalita ang ahas; mala-mang na pinag-aralan munang mabuti ng kani-yang asawa ang lahat ng hayop, pati na ang isangito, bago niya pinanganlan ang mga iyon. (Genesis2:19) Marahil, naobserbahan din ni Eva ang nila-lang na ito. Dahil sa pakana ni Satanas, nagsimu-lang mag-usisa si Eva. Naibaling ang pansin niya sakaisa-isang bagay na ipinagbabawal sa kaniya sabuong hardin. Ikalawa, kung nakapulupot ang ahassa mga sanga ng ipinagbabawal na punungkahoy,ano kaya ang iisipin ni Eva? Hindi kaya inisip niya nakinain nito ang bunga kung kaya nakapagsalita ito?Kung ganoon ang naging epekto ng bunga sa ahas,ano naman kaya ang magiging epekto nito sa kani-ya? Hindi natin alam kung ano ang inisip ni Eva okung kumain nga ba ng bunga ang ahas. Pero alamnatin na nang sabihin ng ahas kay Eva na siya aymagiging “tulad ng Diyos” kung kakainin niya ang

bunga, nakumbinsi si Eva na paniwalaan ang kasi-nungalingang iyon.

Malaman din ang mga pananalitang ginamit niSatanas. Naghasik siya ng pag-aalinlangan sa isipanni Eva. Pinalitaw ni Satanas na ang Diyos ay napaka-higpit at may ipinagkakait na mabuting bagay kayEva. Ang tagumpay ng pakana ni Satanas ay naka-depende sa posibilidad na mahigitan ng pag-ibigni Eva sa kaniyang sarili ang pag-ibig niya sa Diyosna nagbigay sa kaniya ng lahat ng tinataglay niya.(Genesis 3:4, 5) Nakalulungkot, nagtagumpay angestratehiya ni Satanas. Hindi nalinang ni Eva o ma-ging ni Adan ang matinding pag-ibig at pagpapa-halaga kay Jehova. Hindi ba ganiyan ding estratehi-ya ang ginagamit ni Satanas ngayon?

Kumusta naman ang motibo ni Satanas? Ano baang gusto niya? Sa Eden, sinikap niyang itago kungsino talaga siya at kung ano ang kaniyang motibo.Pero nang maglaon, lumantad na rin siya. Nangtuksuhin ni Satanas si Jesus, alam niyang hindi uu-bra ang kaniyang pagpapanggap. Kaya tuwiran ni-yang hinimok si Jesus: ‘Sumubsob ka at gumawa ngisang gawang pagsamba sa akin.’ (Mateo 4:9) Ma-liwanag, noon pa ma’y naiinggit na si Satanas sapagsambang iniuukol sa Diyos na Jehova. Gagawinniya ang lahat upang hadlangan ang mga taona sumamba kay Jehova o maging di-katanggap-tanggap sa Diyos ang kanilang pagsamba. Gustoniyang sirain ang katapatan natin sa Diyos.

Maliwanag, ipinakikita ng Bibliya na napakatusoni Satanas sa paggawa ng estratehiya upang ipaha-mak ang kaniyang mga biktima. Mabuti na lang,puwedeng hindi tayo malinlang na gaya ni Eva, “sa-pagkat hindi naman tayo walang-alam sa kaniyangmga pakana.”—2 Corinto 2:11.

TANONG NG MGA MAMBABASA

Bakit gumamit si Satanas ng ahas paramakipag-usap kay Eva?

Page 13: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 13

GUSTONG malaman ng maraming tao angsagot sa tanong na ito. Kapag pinag-

uusapan kung bakit pinahihintulutan ng Diyosang labis na kasamaan, nauungkat ang kasala-nan ng unang mag-asawa sa hardin ng Eden.Dahil sa paniniwalang ‘nalalaman ng Diyos anglahat ng bagay,’ iniisip ng iba na tiyak na sa um-pisa pa lang, alam na ng Diyos na susuway sa ka-niya sina Adan at Eva.

Kung talagang alam na ng Diyos na magkaka-sala ang sakdal na mag-asawang ito, ano ang ipi-nakikita nito? Na ang Diyos ay masama. Lalabasna siya ay walang pag-ibig, di-makatarungan, athindi taimtim. Baka isipin pa nga ng iba na na-pakalupit ng ginawa ng Diyos nang ilagay niyaang unang tao sa isang sitwasyong alam niyangmay kapaha-pahamak na kahihinatnan. Lilitawna ang Diyos ang may pananagutan sa lahat ngkasamaan at pagdurusa o may kinalaman siya samga ito. Para sa ilan, ang ating Maylalang aymagtitingin pa ngang mangmang.

Ganiyan ba ang sinasabi ng Kasulatan tung-kol sa Diyos na Jehova? Para masagot iyan, suri-in natin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pag-lalang at personalidad ni Jehova.

“Iyon ay Napakabuti”Tungkol sa mga nilalang ng Diyos, kasali na

ang unang mga tao sa lupa, sinasabi ng ulat ngGenesis: “Nakita ng Diyos ang bawat bagay naginawa niya at, narito! iyon ay napakabuti.”(Genesis 1:31) Sina Adan at Eva ay perpekto, atdinisenyo talaga para makapamuhay sa lupa.Walang depekto ang pagkakagawa sa kanila. Da-hil “napakabuti” ng pagkakalalang sa kanila,may kakayahan silang gumawa ng mabuti, nasiya namang hinihiling sa kanila. Nilalang sila“ayon sa larawan ng Diyos.” (Genesis 1:27) Kayasa paanuman, may kakayahan din silang mag-pakita ng makadiyos na mga katangiang gayang karunungan, matapat na pag-ibig, kataru-ngan, at kabutihan. Ang mga katangiang ito aytutulong sa kanila na makagawa ng pasiyangmakabubuti sa kanila at magpapasaya sa kani-lang Ama sa langit.

Pinagkalooban ni Jehova ang sakdal at mata-talinong nilalang na ito ng kalayaang magpasi-ya. Hindi sila dinisenyo na parang mga robot

upang pasayahin ang Diyos. Pag-isipan ito. Alinang mas gusto mo—isang regalo na basta ibini-gay sa iyo o isa na ibinigay sa iyo mula sa puso?Maliwanag ang sagot. Sa katulad na paraan,kung kusang pinili nina Adan at Eva na sumu-nod sa Diyos, mas masisiyahan siya sa kanilangpagsunod. Dahil may kalayaang magpasiya angunang mag-asawa, makasusunod sila kay Je-hova udyok ng pag-ibig.—Deuteronomio 30:19, 20.

Makatuwiran, Makatarungan, at MabutiIpinakikita sa atin ng Bibliya ang mga kata-

ngian ni Jehova. Dahil sa mga katangiang ito,imposibleng gumawa ng masama ang Diyos.Ayon sa Awit 33:5, si Jehova ay “maibigin sa ka-tuwiran at katarungan.” Kaya sinasabi ng San-tiago 1:13: “Sa masasamang bagay ay hindi ma-susubok ang Diyos ni sinusubok man niya angsinuman.” Dahil makatarungan at makonside-rasyon ang Diyos, binabalaan niya si Adan:“Mula sa bawat punungkahoy sa hardin ay ma-kakakain ka hanggang masiyahan. Ngunit kungtungkol sa punungkahoy ng pagkakilala ng ma-buti at masama ay huwag kang kakain mularoon, sapagkat sa araw na kumain ka mula roonay tiyak na mamamatay ka.” (Genesis 2:16, 17)Ang unang mag-asawa ay pinapili sa pagitan ngbuhay na walang hanggan at kamatayan. Hindiba’t parang nililinlang lang sila ng Diyos kungbababalaan niya sila laban sa isang espesipikongkasalanan gayong alam na niya na susuway rinsila? Dahil si Jehova ay “maibigin sa katuwiran

Alam ba ngDiyos naMAGKAKASALA SINAADAN AT EVA?

Page 14: ANG BANTAYAN

14 ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011

at katarungan,” hindi niya sila papipiliin kungwala naman talagang pagpipilian.

Si Jehova ay sagana rin sa kabutihan. (Awit31:19) Ganito inilarawan ni Jesus ang kabutihanng Diyos: “Sinong tao sa gitna ninyo ang hinihi-ngan ng kaniyang anak ng tinapay—hindi niyasiya bibigyan ng bato, hindi ba? O, kaya, hihi-ngi siya ng isda—hindi niya siya bibigyan ng ser-

piyente, hindi ba? Samakatuwid, kung kayo, ba-gaman balakyot, ay marunong magbigay ngmabubuting kaloob sa inyong mga anak, lalo pangang higit na ang inyong Ama na nasa la-ngit ay magbibigay ng mabubuting bagay samga humihingi sa kaniya!” (Mateo 7:9-11) AngDiyos ay nagbibigay ng “mabubuting bagay” sakaniyang mga nilalang. Ang pagkakalalang satao at ang Paraisong tahanan na inihanda niyapara sa kanila ay katibayan ng kabutihan ngDiyos. Maglalaan ba ng isang magandang taha-nan sa mga tao ang isang mabuting Soberanokung alam niya na sa dakong huli ay hindi rinito mapapasakanila? Ang ating Maylikha ay ma-tuwid at mabuti at hindi dapat isisi sa kaniyaang paghihimagsik ng tao.

Ang “Tanging Marunong”Ipinakikita rin ng Kasulatan na si Jehova

ang “tanging marunong.” (Roma 16:27) Nakitang mga anghel ng Diyos sa langit ang mara-ming katibayan ng walang-hanggang karunu-ngang ito. Sila ay nagsimulang “sumigaw sapagpuri” nang lalangin ni Jehova ang buonglupa. (Job 38:4-7) Tiyak na sinubaybayan ngmatatalinong espiritung nilalang na ito angmga pangyayari sa hardin ng Eden. Kaya maka-tuwiran ba na ang isang matalinong Diyos, pag-katapos niyang lumalang ng isang kahanga-hangang uniberso at ng iba pang bagay sa lupa,ay lilikha ng dalawang espesyal na nilalang na

alam niyang magkakasala at masasaksihan pang kaniyang mga anghel? Hindi nga makatuwi-ran iyan.

Pero baka may magsabi, ‘Paanong hindi itomalalaman ng isang ubod-talinong Diyos?’ To-too, dahil sa dakilang karunungan ni Jehova,may kakayahan siyang malaman ang “wakasmula pa sa pasimula.” (Isaias 46:9, 10) Pero hin-di niya kailangang gamitin nang pagkakataongiyon ang kakayahang ito, kung paanong hindiniya laging ginagamit nang lubusan ang kani-yang napakalakas na kapangyarihan. May-kata-linuhang nagpapasiya si Jehova kung kailanniya gagamitin ang kaniyang kakayahan na pa-tiunang alamin ang mga bagay-bagay.

Maihahalintulad ito sa isang bagay na nagaga-wa ng modernong teknolohiya. Maaaring piliinng isang nanonood ng nakarekord na laro ngbasketball ang mga huling segundo nito upangmakita na niya kung sino ang mananalo. Perohindi naman kailangang ganito ang gawin niya.Puwede naman niyang panoorin ang buonglaro mula sa simula kung gusto niya. Sa katuladna paraan, maliwanag na pinili ng Maylalang nahuwag tingnan ang kalalabasan ng mga pangya-yari. Sa halip, pinili niyang maghintay at, ha-bang nagaganap ang mga bagay-bagay, maki-ta kung ano ang gagawin ng kaniyang mga anaksa lupa.

Gaya ng nabanggit na, dahil sa karununganni Jehova, hindi niya nilalang ang unang mgatao na parang robot. Sa halip, maibigin niya si-lang pinagkalooban ng kalayaang magpasiya.Kung pipiliin nila ang tamang landasin, maipa-kikita nila ang kanilang pag-ibig, pasasalamat,at pagsunod, sa gayo’y higit silang masisiyahanpati na si Jehova na kanilang Ama sa langit.—Ka-wikaan 27:11; Isaias 48:18.

Ipinakikita ng Kasulatan na sa maraming pag-kakataon, hindi ginamit ng Diyos ang kaniyangkakayahang malaman nang patiuna ang mgabagay-bagay. Halimbawa, nang ihahandog nang tapat na si Abraham ang kaniyang anak, na-sabi ni Jehova: “Ngayon ay nalalaman ko ngangikaw ay may takot sa Diyos sa dahilang hindi moipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong ka-isa-isa.” (Genesis 22:12) May mga pagkakataon

Hindi nilalang ni Jehova angunang mga tao na parangmga robot

Page 15: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 15

namang nasaktan ang Diyos dahil sa masamanggawa ng ilang indibiduwal. Masasaktan pa basiya kung alam na niya ang gagawin nila?—Awit78:40, 41; 1 Hari 11:9,10.

Kaya makatuwiran lamang isipin na hindi gi-namit ng ubod-talinong Diyos ang kaniyang ka-kayahan para patiunang alamin kung magkaka-sala ang ating unang mga magulang. Hindimangmang ang Diyos para lumikha ng tao atpagkatapos ay gawin silang mga tauhan sa isangserye ng mga pangyayari na alam na niya angkatapusan.

“Ang Diyos ay Pag-ibig”Ang kaaway ng Diyos, si Satanas, ang pasimu-

no ng paghihimagsik sa Eden na nagbunga ngnegatibong resulta, kasali na ang kasalanan atkamatayan. Kaya si Satanas ay isang “mamama-tay-tao.” Siya rin ay “isang sinungaling at amang kasinungalingan.” (Juan 8:44) Pinalalabasniya na ang ating maibiging Maylalang ang maymasamang motibo at hindi siya. Gusto niyangisisi kay Jehova ang pagkakasala ng tao.

Ang pag-ibig ang pinakadahilan kung bakitpinili ni Jehova na huwag alamin nang patiuna

kung magkakasala sina Adan at Eva. Pag-ibigang pangunahing katangian ng Diyos. “AngDiyos ay pag-ibig,” ang sabi ng 1 Juan 4:8. Angpag-ibig ay positibo, hindi negatibo. Hinahanapnito ang mabuti sa iba. Oo, dahil sa pag-ibig,gusto ng Diyos na Jehova ang pinakamabutipara sa unang mag-asawa.

Bagaman ang mga anak ng Diyos sa lupa aymaaaring makagawa ng maling desisyon, hindinasiraan ng loob ang ating maibiging Diyos ninagduda man sa kaniyang sakdal na mga nila-lang. Ibinigay niya sa kanila ang lahat ng kaila-ngan nila at ipinaalam ang lahat ng dapat ni-lang malaman. Angkop lamang na asahan ngDiyos na susuklian nila ito ng maibiging pagsu-nod, hindi ng paghihimagsik. Alam niyang ma-gagawa nina Adan at Eva na maging tapat, gayang pinatunayan nang dakong huli ng di-sakdalna mga taong tulad nina Abraham, Job, Daniel,at marami pang iba.

Maaaliw tayo sa sinabi ni Jesus: “Sa Diyos ayposible ang lahat ng mga bagay.” (Mateo 19:26)Dahil sa pag-ibig ni Jehova, kasama na ang ibapa niyang nangingibabaw na mga katangiangaya ng katarungan, karunungan, at kapangya-rihan, makatitiyak tayo na kaya niya at talagangaalisin niya sa takdang panahon ang lahat ngepekto ng kasalanan pati na ang kamatayan.—Apocalipsis 21:3-5.

Maliwanag, hindi inalam ni Jehova kungmagkakasala ang unang mag-asawa. Bagamannasaktan siya sa pagsuway ng tao at sa idinulotnitong pagdurusa, alam niyang panandalian la-mang ito at hindi nito mapipigilan ang katupa-ran ng kaniyang layunin para sa lupa at sa mgatao. Bakit hindi magsuri nang higit tungkolsa layuning ito at kung paano ka makikinabangsa katuparan nito?�

� Para sa higit pang impormasyon tungkol sa layunin ngDiyos sa lupa, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano ba Ta-laga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi niJehova.

Alam ng Diyos na magagawa ninaAdan at Eva na maging tapat

Page 16: ANG BANTAYAN

MATUTO MULA SA SALITA NG DIYOS

Bakit Dapat Matuto Mula sa Diyos?Tinatalakay ng artikulong ito ang mga tanong na maaaring naiisip mo atipinakikita kung saan sa iyong Bibliya matatagpuan ang sagot. Nais ng mgaSaksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyo ang mga sagot na ito.

1. Bakit dapat matuto mula sa Diyos?May mabuting balita ang Diyos para sa mga tao. Si-

nasabi niya ito sa atin sa Bibliya. Ang Bibliya ay pa-rang isang sulat mula sa ating maibiging Ama sa la-ngit.—Basahin ang Jeremias 29:11.

2. Ano ang mabuting balita?Kailangan ng tao ang isang mahusay na gobyerno.

Walang pinunong tao ang kailanma’y nakapag-alis ngkarahasan, kawalang-katarungan, sakit, o kamatayan.Ngunit may mabuting balita. Bibigyan ng Diyos angmga tao ng isang mahusay na gobyerno na papawi sa la-hat ng sanhi ng pagdurusa.—Basahin ang Daniel 2:44.

3. Bakit napakahalagang matutomula sa Diyos?

Malapit nang alisin ng Diyos ang mga taong nagdudu-lotng pagdurusa. Samantala, tinuturuan niya ang milyun-milyong maaamo kung paano magkakaroon ng mas ma-gandang buhay at magpapakita ng pag-ibig sa Diyos at sakapuwa. Mula sa Salita ng Diyos, natututuhan ng mga taokung paano haharapin ang mga problema, kung paanomagiging tunay na maligaya, at kung paano mapasasayaangDiyos.—BasahinangZefanias2:3.

Page 17: ANG BANTAYAN

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 2ng aklat na ito, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

ANO BA TalagaANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

4. Sino ang Awtor ng Bibliya?Ang Bibliya ay binubuo ng 66 na maliliit na aklat.

Mga 40 lalaki ang sumulat nito. Ang unang limang ak-lat ay isinulat ni Moises mga 3,500 taon na ang nakali-pas. Ang huling aklat naman ay isinulat ni apostol Juanmahigit 1,900 taon na ang nakalipas. Pero kaisipan ngDiyos ang isinulat ng mga manunulat ng Bibliya, hindiang sa kanila. Kaya ang Diyos ang Awtor ng Bibliya.—Basahin ang 2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:21.

Alam natin na ang Bibliya ay mula sa Diyos dahilmay-katumpakan at detalyado nitong inihuhula anghinaharap. Hindi iyan magagawa ng sinumang tao.(Isaias 46:9, 10) Ipinakikita rin sa atin ng Bibliya angmga katangian ng Diyos. Kaya nitong baguhin ang bu-hay ng mga tao. Dahil dito, kumbinsido ang milyun-milyon na ang Bibliya ay Salita ng Diyos.—Basahin angJosue 23:14; 1 Tesalonica 2:13.

5. Paano mo mauunawaan ang Bibliya?Nakilala si Jesus bilang guro ng Salita ng Diyos. Ba-

gaman pamilyar sa Kasulatan ang karamihan ng mgataong nakausap niya, kinailangan nila ng tulong paramaunawaan ito. Kaya naman bumanggit si Jesus ngmga teksto sa Bibliya at saka ipinaliwanag “ang kahulu-gan ng Kasulatan.” Sa seksiyong ito na “Matuto Mulasa Salita ng Diyos,” gagamitin din ang pamamaraangiyan para tulungan ka.—Basahin ang Lucas 24:27, 45.

Wala nang hihigit pa sa pagkatuto mula sa Diyostungkol sa layunin ng buhay. Ngunit hindi lahat ay ma-tutuwa sa pagbabasa mo ng Bibliya. Pero huwag kangmasiraan ng loob. Ang iyong pag-asa na magkaroonng buhay na walang hanggan ay nakadepende sa pag-kilala mo sa Diyos.—Basahin ang Mateo 5:10-12; Juan17:3.

17

Page 18: ANG BANTAYAN

“PAKIRAMDAM ko’y wala nang halaga ang buhayko,” ang sabi ng isang lalaking naligaw ng lan-

das. Nang magbagong-buhay siya, natakot siyangbaka hindi na siya mapatawad ng Diyos. Pero naa-liw siya ng ulat ng Bibliya tungkol kay Manases nanasa 2 Cronica 33:1-17. Kung nadarama mong walanang halaga ang buhay mo dahil sa iyong mga ka-salanan, maaaliw ka rin ng karanasan ni Manases.

Si Manases ay lumaki sa makadiyos na pamilya.Ang kaniyang ama, si Hezekias, ay isa sa pinakama-huhusay na hari ng Juda. Isinilang si Manases mgatatlong taon matapos makahimalang pahabain ngDiyos ang buhay ng kaniyang ama. (2 Hari 20:1-11)Tiyak na itinuring ni Hezekias ang kaniyang anak bi-lang isang regalo na bunga ng awa ng Diyos. Sini-kap niyang ituro sa kaniyang anak na ang tunay naDiyos lamang ang dapat sambahin. Pero hindi la-ging tinutularan ng mga anak ang kanilang maka-diyos na mga magulang. Ganiyan ang nangyari kayManases.

Wala pang 13 anyos si Manases nang maulila siyasa ama. Nakalulungkot, “ginawa [ni Manases] angmasama sa paningin ni Jehova.” (Talata 1, 2) Angbatang hari bang ito ay naimpluwensiyahan ng ka-niyang mga tagapayong walang pagpapahalaga sapagsamba sa tunay na Diyos? Walang sinasabi angBibliya. Binanggit lamang nito na naging malupit siManases at nagtaguyod ng pagsamba sa mga ido-

lo. Nagtayo siya ng mga altarpara sa huwad na mga diyos,inihandog ang kaniya mis-mong mga anak, nagsagawang espiritismo, at naglagayng inukit na imahen sa tem-plo ni Jehova sa Jerusalem.Matigas ang ulo ni Mana-ses. Hindi niya pinakingganang paulit-ulit na mga babalani Jehova, ang Diyos na pi-nagkakautangan niya ng bu-hay dahil sa Kaniyang hima-la.—Talata 3-10.

Nang dakong huli, hinayaan ni Jehova na mabi-hag sa Babilonya si Manases. Habang naroroon,napag-isipan ni Manases ang mga ginawa niya.Nakita ba niyang hindi pala siya kayang protekta-han ng kaniyang walang-buhay na mga idolo? Na-alaala ba niya ang mga bagay na itinuro sa kaniyang kaniyang makadiyos na ama? Anuman ang na-pag-isip-isip niya, nagbago si Manases. Sinasabi ngulat: “Pinalambot niya ang mukha ni Jehova na ka-niyang Diyos at patuloy na nagpakumbaba nanglubha . . . At patuloy siyang nanalangin sa Kaniya.”�(Talata 12, 13) Pero talaga bang mapapatawad ngDiyos ang isang nakagawa ng gayon kalulubhangkasalanan?

Naantig si Jehova sa taimtim na pagsisisi ni Ma-nases. Dininig ng Diyos ang kaniyang pagmamaka-awa “at isinauli siya sa Jerusalem sa kaniyangpaghahari.” (Talata 13) Upang patunayan ang ka-niyang pagsisisi, ginawa ni Manases ang lahat paramaituwid ang kaniyang mga pagkakamali—inalisniya sa kaniyang kaharian ang pagsamba sa mgaidolo at pinasigla ang kaniyang bayan na “pagling-kuran si Jehova.”—Talata 15-17.

Kung inaakala mong hindi ka mapapatawad ngDiyos sa mga nagawa mong kasalanan, alalahaninang karanasan ni Manases. Ang ulat na ito ay baha-gi ng Salita ng Diyos. (Roma 15:4) Maliwanag, gus-to ni Jehova na malaman nating siya ay “handangmagpatawad.” (Awit 86:5) Ang tinitingnan niya ayang kalagayan ng puso ng nagkasala, hindi ang ka-salanan nito. Kung mananalangin at magsisisi angisang nagkasala, hindi na uulitin ang kaniyang pag-kakasala, at sisikaping gawin ang tama, gaya ng gi-nawa ni Manases, ‘mapapalambot niya ang mukhani Jehova.’—Isaias 1:18; 55:6, 7.

� Ganito ang mababasa sa Biblia ng Sambayanang Pilipi-no: “Sinikap niyang palubagin ang galit ni Yaweng kanyangDiyos.”

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

“Pinalambot Niya ang Mukha ni Jehova”

��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA ENERO:˛ 2 Cronica 29–Ezra 10

��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Page 19: ANG BANTAYAN

ˇ Mula Oktubre hanggang Abril, umuu-lan sa Israel at kung minsan ay umaagosang tubig sa mga agusang libis. Pero ka-pag tag-araw, natutuyo ang karamihan ngmga “ilog” na ito, at maaaring hindi umu-lan sa loob ng maraming buwan. Paanonapanatili ng mga tao noong panahon ngBibliya na sapat ang suplay nila ng tubig?

Umuka sila ng mga daluyan ng tubig-ulan sa gilid ng mga burol papunta samga hukay, o imbakang-tubig sa ilalim nglupa. Ang mga bubungan ay nakahiligpara dumaloy ang tubig-ulan patungosa mga imbakang-tubig na ito. Mara-ming pamilya ang may sariling imbakang-tubig, na mapagkukunan nila ng tubig namaiinom.—2 Hari 18:31; Jeremias 6:7.

Kumukuha rin ng tubig sa mga bukalang mga Israelita. Sa bulubunduking mgalugar, ang ulan ay sinisipsip ng lupa hang-

gang sa makarating ito sa mga suson ngmga bato na hindi napapasok ng tubig.Mula roon ay dumadaloy ito patungo samga bukal. Ang mga nayon ay karani-wang itinatayo malapit sa isang bukal (ensa wikang Hebreo) gaya ng ipinakikita ngpangalan ng lugar na En-semes, En-rogel,at En-gedi. (Josue 15:7, 62) Sa Jerusalem,isang padaluyan ang hinukay sa solidongbato para magdala ng tubig-bukal sa lun-sod.—2 Hari 20:20.

Sa mga lugar na walang bukal, isangbalon (be�er� sa wikang Hebreo) ang hinu-hukay upang makakuha ng tubig sa ilalimng lupa, gaya ng balon sa Beer-sheba.(Genesis 26:32, 33) Binanggit ng awtor nasi Andre Chouraqui na “kahanga-hangapa rin maging sa ngayon ang teknikal namga solusyong natuklasan [ng mga Israe-lita].”

ALAM MO BA?

Yamang mahaba ang tag-init sa Israel, ano ang ginawa ng mgananinirahan doon noong unang panahon upang matiyak na maysapat silang suplay ng tubig?

CISTERN, HORVOTMEZADA, ISRAEL

˘ Masada National Park, IsraelNature and Parks Authority

ˇ Si Abram at ang kaniyang asawa ay na-katira sa mayamang lunsod ng Ur ngmga Caldeo. Pero sa utos ng Diyos, nili-san nila ang lunsod at nanirahan sa mgatolda. (Genesis 11:31; 13:12) Isip-isipinang sakripisyong kinailangan nilang ga-win.

Ang Ur, na nasa Iraq ngayon, ay nahu-kay ni Leonard Woolley sa pagitan ng1922 at 1934. Kabilang sa mga gusalingnahukay niya ang 73 bahay na yari sa lar-yo. Marami sa mga bahay na ito ang maymga silid na nakapalibot sa isang loobanna nilatagan ng bato. Ang gitnang baha-gi ng looban ay bahagyang nakalundo,kung saan umaagos palabas ang maru-ming tubig. Sa mas malalaking bahay,

ang mga silid para sa bisita ay may sari-ling palikuran. Ang mga kusina na mayapuyan at mga tulugan ng mga alipin aynasa unang palapag. Sa ikalawang pala-pag naman nakatira ang pamilya. Mayhagdan na patungo sa balkonaheng ka-hoy na nakapalibot sa looban at konekta-do sa mga silid sa itaas.

“Ang bahay . . . , na may loobang nila-tagan ng bato at puting dingding, maysariling sistema ng labasan ng tubig, ma-raming silid na matitirhan, ay nagpapa-hiwatig ng mataas na uri ng pamumu-hay,” ang isinulat ni Woolley. “At ganitoang bahay . . . ng mga may-kaya sa bu-hay, may-ari ng tindahan, maliliit na ne-gosyante, mga eskriba, at iba pa.”

Ano kaya ang hitsura ng bahay ni Abram (Abraham)?

DROWING NG ISANGBAHAY NOONG

PANAHON NIABRAHAM

˘ Drawing: A. S. Whitburn

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 19

Page 20: ANG BANTAYAN

KUNG minsan ba ay nadarama mong walang nagmamahal saiyo? Sa daigdig na ito kung saan ang mga tao ay makasarili at

napakaabala, baka isipin mong wala kang halaga. Gaya ng inilala-rawan sa Bibliya, marami sa ngayon ang walang iniintindi kundiang kanilang sarili, at wala silang pakialam sa iba.—2 Timoteo 3:1, 2.

Anuman ang kanilang edad, kultura, wika, o lahi, lahat ng taoay may masidhing pangangailangang magmahal at mahalin.Ayon sa ilang ulat, ang ating nervous system ay dinisenyo para ma-kadama ng pagmamahal. Higit kaninuman, nauunawaan ngDiyos na Jehova, na siyang lumalang sa atin, ang ating panganga-ilangang mahalin at pahalagahan. Ano kaya ang madarama mokung sabihin niya sa iyo na mahalaga ka sa kaniya? Tiyak na wa-lang pagsidlan ang iyong kagalakan. Talaga bang interesado saatin si Jehova kahit hindi tayo sakdal o perpekto? Nagmamalasa-kit kaya siya sa bawat isa sa atin? Kung gayon, paano magiging ka-lugud-lugod sa kaniya ang isang tao?

Mahal Ka ni JehovaMga 3,000 taon na ang nakalipas, isang mang-aawit na may ta-

kot sa Diyos ang namangha nang husto noong mapagmasdanniya ang kagandahan ng mabituing langit. Kumbinsido siyangwalang limitasyon ang kapangyarihan ng Isa na lumalang sa di-mabilang na mga bituin. Sa pagbubulay-bulay sa kadakilaan ni Je-hova at sa pagiging hamak ng tao, ipinahayag niya ang kaniyangpaghanga sa maibiging pagmamalasakit ni Jehova: “Kapag tini-tingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong mga daliri,ang buwan at ang mga bituin na iyong inihanda, ano ang taongmortal anupat iniingatan mo siya sa isipan, at ang anak ng maka-lupang tao anupat pinangangalagaan mo siya?” (Awit 8:3, 4) Kayabaka masabi natin na napakalayo at napakaabala ng Kataas-taasan para bigyang-pansin ang tao. Pero alam ng mang-aawit nasa kabila ng ating kawalang-halaga at maikling buhay, talagangmahalaga tayo sa Diyos.

Ganito ang sinabi ng isa pang mang-aawit: “Si Jehova ay naka-susumpong ng kaluguran sa mga may takot sa kaniya, sa mganaghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan.” (Awit 147:11) Na-pakasarap isipin ang pananalita ng mga awit na ito. Totoo, na-pakataas ni Jehova. Pero hindi lamang niya napapansin ang

Talaga Bang Mahal Kang Diyos?

Page 21: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 21

mga tao, kundi ‘pinangangalagaan din niya sila’ at ‘nakasusum-pong siya ng kaluguran sa kanila.’

Idiniriinpa ito ng isang hula sa Bibliya na naglalarawan ng mganagaganap sa ating panahon. Sa pamamagitan ni propeta Hagai,sinabi ni Jehova na ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaha-rian ng Diyos ay isasagawa sa buong daigdig. Ano ang magigingresulta? Pansinin ang isa sa mga ito: “Ang mga kanais-nais na ba-gay ng lahat ng mga bansa ay darating; at pupunuin ko ng kalu-walhatian ang bahay na ito.”—Hagai 2:7.

Ano ang “mga kanais-nais na bagay” na ito na tinitipon mula salahat ng mga bansa? Hindi ito mga kayamanan, yamang hindi pi-lak at ginto ang tunay na nagpapasaya sa puso ni Jehova. (Hagai2:8) Ang mga taong sumasamba sa kaniya dahil sa pag-ibig, kahithindi sila perpekto, ang kinalulugdan niya. (Kawikaan 27:11) Silaang “mga kanais-nais na bagay” na nagdudulot sa kaniya ng kalu-walhatian. Pinahahalagahan niya ang kanilang buong-pusongdebosyon at masigasig na paglilingkod. Isa ka ba sa kanila?

Para yatang imposibleng maging kanais-nais sa Dakilang May-lalang ng uniberso ang di-perpektong mga tao. Pero ang totoo,dapat itong magpakilos sa atin na tanggapin ang mainit niyangpaanyaya na maging malapıt sa kaniya.—Isaias 55:6; Santiago 4:8.

“Ikaw ay Lubhang Kalugud-lugod”Isang gabi, nang matanda na ang propetang si Daniel, may di-

pangkaraniwang bagay na nangyari sa kaniya. Habang nananala-ngin siya, dumating ang isang kagalang-galang na bisita, siGabriel. Kilala na siya ni Daniel bilang anghel ni Jehova. Ipinali-wanag ni Gabriel ang dahilan ng bigla niyang pagdating: “O Da-niel, ngayon ay lumabas ako upang pagkalooban ka ng kau-nawaan na may pagkaunawa . . . sapagkat ikaw ay lubhangkalugud-lugod.”—Daniel 9:21-23.

Sa isa pang pagkakataon, sinabi ng isa sa mga anghel ni Jehovakay Daniel: “O Daniel, ikaw na lubhang kalugud-lugod na lalaki.”At upang patibayin si Daniel, sinabi ng anghel: “Huwag kang ma-takot, O lubhang kalugud-lugod na lalaki. Sumaiyo nawa ang ka-payapaan.” (Daniel 10:11, 19) Kaya tatlong beses na inilarawan siDaniel bilang “lubhang kalugud-lugod,” na nangangahuluganding “lubhang minamahal,” “lubhang pinahahalagahan,” o “pa-borito” pa nga.

Tiyak na naging malapıt si Daniel sa kaniyang Diyos at alamniya na natutuwa si Jehova sa kaniyang tapat na paglilingkod. Si-guradong napalakas si Daniel sa mga kapahayagang iyon ng ma-tinding pagmamahal ng Diyos. Hindi nga kataka-taka, sinabi niDaniel: “Pinalakas mo ako.”—Daniel 10:19.

Ang nakaaantig na ulat tungkol sa pagmamahal ni Jehova sa ka-niyang tapat na propeta ay isinulat sa Salita ng Diyos para sa atingkapakinabangan. (Roma 15:4) Kung bubulay-bulayin natin ang

Ipinakita ng Diyosang kaniyangpagmamahal kayDaniel nang isugoniya ang anghelna si Gabriel parapalakasin siya

Page 22: ANG BANTAYAN

22 ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011

halimbawa ni Daniel, mauunawaan natin kungpaano magiging kalugud-lugod sa ating maibi-ging Ama sa langit ang isang tao.

Laging Pag-aralan ang Salita ng DiyosSi Daniel ay masikap na estudyante ng Kasu-

latan. Alam natin ito sapagkat isinulat niya: “Na-pag-unawa ko . . . sa pamamagitan ng mga aklatang bilang ng mga taon . . . na magaganap angmga pagkawasak ng Jerusalem.” (Daniel 9:2)Maaaring kabilang sa mga aklat na nabasa niyanoong panahong iyon ang mga isinulat ninaMoises, David, Solomon, Isaias, Jeremias, Eze-kiel, at ng iba pang propeta. Makikini-kinita na-tin si Daniel na napaliligiran ng maraming ba-lumbon, at buhos na buhos sa pagbabasa atpag-aaral ng mga hulang may kaugnayan sapagsasauli ng tunay na pagsamba sa Jerusalem.Malamang, habang nasa kaniyang silid sa bu-bungan kung saan walang istorbo, binubulay-bulay niya ang kahulugan ng mga tekstongiyon. Dahil sa kaniyang makabuluhang pag-aaral, napatibay ang kaniyang pananampalata-ya at napalapıt siya kay Jehova.

Hinubog din ng pag-aaral ng Salita ng Diyosang personalidad ni Daniel at nakaapekto ito sakaniyang buong buhay. Ang itinuro sa kaniyamula sa Kasulatan noong bata pa siya ay tiyakna tumulong sa kaniya na maging determina-dong sumunod sa mga Kautusan ng Diyos tung-kol sa pagkain noong kabataan niya. (Daniel1:8) Nang maglaon, walang-takot niyang ipina-hayag ang mensahe ng Diyos sa mga pinuno ngBabilonya. (Kawikaan 29:25; Daniel 4:19-25; 5:22-28) Kilalang-kilala siya sa kaniyang kasipa-gan, katapatan, at pagiging mapagkakatiwalaan.(Daniel 6:4) Higit sa lahat, sa halip na sumuwaysa Diyos upang iligtas ang kaniya mismong bu-hay, lubusang nagtiwala si Daniel kay Jehova.(Kawikaan 3:5, 6; Daniel 6:23) Hindi nga kataka-taka na siya ay “lubhang kalugud-lugod” saDiyos!

Sa ilang paraan, mas madali para sa atin nga-yon ang mag-aral ng Bibliya kaysa noong pana-hon ni Daniel. Ang malalaking balumbon aynapalitan na ng mga aklat. Mayroon na tayongayong kumpletong Bibliya, kasama na ang re-

kord kung paano natupad ang ilang hula ni Da-niel. At marami tayong magagamit na mga pan-tulong sa pag-aaral at pagsasaliksik sa Bibliya.�Ginagamit mo ba ang mga ito? Nag-iiskedyul kaba ng panahon sa pagbabasa ng Bibliya at pag-bubulay-bulay? Kung gagawin mo ito, makiki-nabang ka rin na gaya ni Daniel. Tutulong ito saiyo na magkaroon ng matibay na pananampala-taya at malapıt na kaugnayan kay Jehova. AngSalita ng Diyos ay magiging gabay sa iyong bu-hay. Tinitiyak nito na mahal ka ng Diyos.

Magmatiyaga sa PanalanginMahalaga sa buhay ni Daniel ang panalangin.

Bumigkas siya ng mga kahilingang katanggap-tanggap sa Diyos. Noong siya’y kabataan pa, na-nganib ang kaniyang buhay. Kasi papatayin siyakung hindi niya mabibigyan ng kahulugan angpanaginip ng hari ng Babilonya na si Nabuco-donosor. Hindi nagdalawang-isip si Daniel namanalangin kay Jehova para suportahan siya atproteksiyunan. (Daniel 2:17, 18) Makalipas angmga taon, mapagpakumbabang kinilala ng pro-peta ang kaniyang di-kasakdalan. Ipinagtapatniya ang kaniyang kasalanan pati na ang kasala-nan ng kaniyang bayan at nagsumamo na pata-warin sila ni Jehova. (Daniel 9:3-6, 20) Kapaghindi nauunawaan ni Daniel ang mga bagay naipinakikita sa kaniya sa pamamagitan ng banalna espiritu, humihingi siya ng tulong sa Diyos.Minsan, ang anghel na nagbigay ng higit na ka-unawaan kay Daniel ay nagsabi: “Dininig naang iyong mga salita.”—Daniel 10:12.

Pero ang tapat na si Daniel ay hindi lamangnakiusap sa Diyos. Ganito ang sinasabi ng Da-niel 6:10: “Tatlong ulit nga sa isang araw ay . . .nananalangin at naghahandog [siya] ng papurisa harap ng kaniyang Diyos, gaya ng lagi niyangginagawa.” Maraming dahilan si Daniel para la-ging magpasalamat at pumuri kay Jehova. Oo,ang panalangin ay mahalagang bahagi ng kani-yang pagsamba. Sa katunayan, hindi niya itoinihinto kahit manganib pa ang kaniyang bu-

� Ang mga Saksi ni Jehova ay naglalathala ng maramingpantulong para maging mas kapaki-pakinabang ang pagba-basa, pag-aaral, at pagsasaliksik sa Bibliya. Kung interesadokang magkaroon nito, magtanong sa mga Saksi ni Jehova.

Page 23: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 23

hay. Tiyak, napamahal siya kay Jehova dahil sa kaniyang katata-gan.

Isa ngang napakagandang regalo ang pribilehiyo ng panala-ngin! Huwag mong palipasin ang isang araw nang hindi nakiki-pag-usap sa iyong Ama sa langit. Lagi siyang pasalamatan at puri-hin sa lahat ng kaniyang kabutihan. Malayang sabihin sa kaniyaang iyong mga kabalisahan at mga problema. Isipin kung paanosinagot ang iyong mga kahilingan o panalangin, at saka magpasa-lamat. Huwag magmadali sa pananalangin. Kapag ibinubuhosnatin kay Jehova ang nilalaman ng ating puso, damang-dama na-tin ang kaniyang pag-ibig. Sulit nga na ‘magmatiyaga sa panana-langin’!—Roma 12:12.

Luwalhatiin ang Pangalan ni JehovaWalang mabubuong pagkakaibigan

kung ang isa ay makasarili. Totoo rin itokung tungkol sa ating kaugnayan kay Jeho-va. Alam ito ni Daniel. Lagi niyang iniisipkung paano luluwalhatiin ang pangalan niJehova. Tingnan natin ang mga halim-bawa.

Nang sagutin ng Diyos ang panalanginni Daniel at sabihin ang kahulugan ng pa-naginip ni Nabucodonosor, sinabi ni Da-niel: “Pagpalain nawa ang pangalan ng Diyos mula sa panahongwalang takda at maging hanggang sa panahong walang takda, da-hil sa karunungan at kalakasan—sapagkat ang mga iyon ay sa ka-niya.” Nang ipaliwanag niya kay Nabucodonosor ang panaginipat ang kahulugan nito, paulit-ulit na pinapurihan ni Daniel si Je-hova, na idiniriin na Siya lamang ang “Tagapagsiwalat ng mga li-him.” Gayundin, nang humingi si Daniel ng kapatawaran at ka-ligtasan, nanalangin siya: “O Diyos ko, . . . ang iyong sarilingpangalan ay itinatawag sa iyong lunsod at sa iyong bayan.”—Da-niel 2:20, 28; 9:19.

Marami tayong pagkakataong tularan si Daniel. Kapag nanana-langin, maaari nating sabihin na ‘pakabanalin nawa ang panga-lan’ ng Diyos. (Mateo 6:9, 10) Hinding-hindi tayo gagawa ng anu-mang bagay na sisira sa banal na pangalan ni Jehova. Sa kabilangbanda, lagi nawa nating luwalhatiin si Jehova sa pamamagitan ngpagsasabi sa iba ng natututuhan natin tungkol sa mabuting balitang kaniyang Kaharian.

Totoo, salat sa pag-ibig at pagmamalasakit ang daigdig. Peromakasusumpong tayo ng malaking kaaliwan sa pagkaalam na ta-lagang minamahal ni Jehova ang bawat sumasamba sa kaniya.Gaya ng sinabi ng mang-aawit: “Si Jehova ay nalulugod sa kani-yang bayan. Pinagaganda niya ng kaligtasan ang maaamo.”—Awit149:4.

Dahil sa masikapna pag-aaral atpananalangin niDaniel, nahubogang kaniyangpersonalidad atnapamahal siyasa Diyos

Page 24: ANG BANTAYAN

24 ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011

Kabilang ito sa sunud-sunod na trahedya. Angmataas na saserdoteng si Eli ay may dalawangnapakasamang anak, sina Hopni at Pinehas, nanagmartsa palabas ng Shilo dala ang sagradongkaban ng tipan. Ang mahalagang kaban na itoay sagisag ng presensiya ng Diyos at karaniwangnasa loob ng banal na silid ng tabernakulo—isang tulad-toldang templo. Pero ngayon, di-nala ng bayan sa digmaan ang Kaban. Iniisip ni-lang magsisilbi itong agimat at magbibigay sakanila ng tagumpay. Ngunit nakuha ng mga Fi-listeo ang Kaban at pinatay sina Hopni at Pine-has.—1 Samuel 4:3-11.

Sa loob ng daan-daang taon, ang Kaban aynasa tabernakulo sa Shilo. Ngayon ay wala naito. Nang mabalitaan iyan ng 98-anyos na si Eli,nabuwal siya nang patalikod mula sa kaniyangupuan at namatay. Ang manugang naman niyana nabiyuda nang araw na iyon ay namatay sapanganganak. Bago mamatay, sinabi niya: “Angkaluwalhatian ay lumisan sa Israel tungo sa pag-katapon.” Tunay, ang Shilo ay hindi na magi-ging gaya ng dati.—1 Samuel 4:12-22.

Paano haharapin ni Samuel ang matitindingkabiguang ito? Mananatili kayang matatag angpananampalataya niya sa pagtulong sa isangbayan na wala nang proteksiyon at pagsang-ayon ni Jehova? Kung minsan, maaari tayongmapaharap sa mga problema at kabiguang su-musubok sa ating pananampalataya. Tingnannatin kung ano ang matututuhan natin kay Sa-muel.

Siya ay “Nagpangyari ng Katuwiran”Sa puntong ito, sa sagradong Arka na nakatu-

on ang ulat ng Bibliya. Ipinakikita nito sa atinkung paano nagdusa ang mga Filisteo nang ku-nin nila ang Arka at mapilitang ibalik ito. Nangbanggiting muli ng ulat si Samuel, mga 20 taonna ang lumipas. (1 Samuel 7:2) Ano ang pinag-kaabalahan niya nang mga panahong iyon?Tingnan natin ang sinasabi ng Bibliya.

Nalaman natin na bago nito, “ang salita ni Sa-muel ay patuloy na dumating sa buong Israel.”(1 Samuel 4:1) Ipinakikita ng ulat na pagkalipasng panahong iyon, taun-taong dumadalaw si Sa-muel sa tatlong lunsod sa Israel. Nag-aasikasosiya ng mga problema at nagbibigay-kasagutansa mga tanong. Pagkatapos, bumabalik siya sa ka-niyang bayang Rama. (1 Samuel 7:15-17) Maliwa-nag, naging abala si Samuel, maging sa loob ng20-taong iyon.

Dahil sa imoralidad at katiwalian ng mgaanak ni Eli, gumuho ang pananampalataya ngbayan. Lumalabas na marami ang bumaling sapagsamba sa mga idolo. Pero pagkatapos ng da-lawang-dekadang pagtitiyaga, ganito ang na-ging mensahe ni Samuel sa bayan: “Kung buongpuso kayong manunumbalik kay Jehova, alisinninyo ang mga banyagang diyos sa gitna ninyoat gayundin ang mga imahen ni Astoret, at ituonninyo nang walang maliw ang inyong puso kayJehova at siya lamang ang inyong paglingkuran,at ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filis-teo.”—1 Samuel 7:3.

TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA

Nakapagtiis Siya sa Kabilang mga KabiguanNADARAMA ni Samuel ang paghihinagpis sa Shilo. Halos bumaharoon ng luha. Ilang kababaihan at mga bata kaya ang maririnig na tu-

matangis sa pagkaalam na hindi na makauuwi ang kanilang mga ama, asawa, anak, atmga kapatid na lalaki? Nalaman natin na namatayan ng 4,000 sundalo ang Israel saisang naunang digmaan laban sa mga Filisteo, at 30,000 naman ang napatay nang mulisilang matalo ng mga ito.—1 Samuel 4:1, 2, 10.

Page 25: ANG BANTAYAN

“Ang kamay ng mga Filisteo” ay naging mabi-gat sa bayan. Dahil halos napulbos na ang huk-bo ng Israel, inakala ng mga Filisteo na puwedena nilang api-apihin ang bayan ng Diyos. Suba-lit tiniyak ni Samuel sa bayan na magbabagoang mga bagay-bagay kung babalik sila kay Je-hova. Pero gusto ba nilang gawin iyon? Lakingtuwa ni Samuel nang alisin nila ang kanilangmga idolo at “kay Jehova na lamang nagling-kod.” Nagpatawag ng pagtitipon si Samuel saMizpa, isang bayan sa bulubunduking lugar sahilaga ng Jerusalem. Doon, nag-ayuno ang mgatao at nagsisi sa pagsamba nila sa mga idolo.—1 Samuel 7:4-6.

Gayunman, natunugan ng mga Filisteo angtungkol sa malaking pagtitipong ito. Kaya nag-padala sila ng hukbo sa Mizpa upang lipulin angmga mananamba ni Jehova. Nabalitaan ng mgaIsraelita ang nakaambang panganib. Sa takot,hinilingan nila si Samuel na ipanalangin sila. Gi-nawa iyon ni Samuel at naghandog din siya.Nang pagkakataong iyon, dumating sa Mizpaang hukbo ng mga Filisteo. Pero sinagot ni Jeho-va ang panalangin ni Samuel. Siya ay ‘nagpaku-log ng malakas na ingay nang araw na iyon la-ban sa mga Filisteo,’ anupat nalito ang mga ito.—1 Samuel 7:7-10.

Ang mga Filisteo bang iyon ay parang maliliitna batang tatakbo at magtatago sa likod ng kani-lang mga nanay kapag nakarinig sila ng kulog?Hindi, sila ay matatapang na sundalong sanay sadigmaan. Kaya malamang na di-pangkaraniwanang kulog na iyon. Bakit kaya di-pangkaraniwan?

Dahil ba sa nakabibinging “ingay” nito? O dahilnanggaling ang kulog sa maaliwalas na kalangi-tan, o dumagundong ito mula sa mga dalisdis ngburol? Anuman ito, labis na natakot at nalito angmga Filisteo. Kaya para silang matatapang na asona nabahag ang buntot. Nilusob sila ng mga kala-lakihan ng Israel mula sa Mizpa, tinalo, at tinugisnang mga ilang kilometro hanggang sa timog-kanluran ng Jerusalem.—1 Samuel 7:11.

Malaking tagumpay ito sa bayan ng Diyos, da-hil mula noon hanggang sa katapusan ng pagi-ging hukom ni Samuel, patuloy na umatras angmga Filisteo. Naibalik din sa bayan ng Diyos angmga lunsod nito.—1 Samuel 7:13,14.

Makalipas ang daan-daang taon, isinama niapostol Pablo si Samuel sa talaan ng tapat na mgahukom at propeta na “nagpangyari ng katuwi-ran.” (Hebreo 11:32, 33) Talagang tinulungan niSamuel ang Israel na maitaguyod ang mabuti atmatuwid sa paningin ng Diyos. Nagawa niya itodahil matiyaga siyang naghintay kay Jehova atbuong-katapatan niyang ginampanan ang kani-yang atas sa kabila ng mga kabiguan. Naging ma-pagpahalaga rin siya. Pagkatapos magtagumpaysa Mizpa, nagpatayo si Samuel ng isang monu-mento bilang alaala sa pagtulong ni Jehova sa ka-niyang bayan.—1 Samuel 7:12.

Gusto mo rin bang ‘magpangyari ng katuwi-ran’? Makabubuting tularan mo ang pagtitiis,pagpapakumbaba, at pagpapahalaga ni Samuel.Sino ba naman sa atin ang hindi nangangaila-ngan ng mga katangiang ito? Mabuti na lamang,bata pa si Samuel ay taglay na niya ang mga kata-ngiang ito. Nakatulong ito nang mapaharap siyasa matitinding kabiguan sa kaniyang buhay.

“Ang Iyong Sariling mga Anakay Hindi Lumalakad sa Iyong

mga Daan”Nang banggiting muli si Sa-

muel, siya ay “matanda na.” Ma-lalaki na ang kaniyang dalawanganak na sina Joel at Abias. Pi-nagkatiwalaan niya sila ng

Paano natulungan ni Samuelang kaniyang bayan namakayanan ang matindingkalungkutan at kabiguan?

Page 26: ANG BANTAYAN

pananagutang tulungan siya sa pagiging hu-kom. Pero nakalulungkot, nagkamali siya sapagtitiwala sa kanila. Bagaman tapat at matuwidsi Samuel, ginamit ng kaniyang mga anak angkanilang posisyon para sa makasariling interes,binaluktot ang katarungan, at tumanggap ng su-hol.—1 Samuel 8:1-3.

Isang araw, nagreklamo sa may-edad nangpropeta ang matatandang lalaki ng Israel. Sinabinila: “Ang iyong mga anak ay hindi lumalakadsa iyong mga daan.” (1 Samuel 8:4, 5) Alam kayani Samuel ang problema? Walang sinasabi angulat. Pero di-tulad ni Eli, tiyak na responsablengama si Samuel. Sinaway at pinarusahan ni Jeho-va si Eli dahil hindi niya itinuwid ang kasamaanng kaniyang mga anak. Mas pinarangalan niyaang kaniyang mga anak kaysa sa Diyos. (1 Samu-el 2:27-29) Hindi nakita ni Jehova kay Samuelang gayong pagkukulang.

Hindi binabanggit ng ulat ang matinding ka-hihiyan, pagkabalisa, o kabiguang nadama niSamuel nang malaman niya ang napakasamangpaggawi ng kaniyang mga anak. Nakalulungkot,nararanasan iyan ng maraming magulang. La-ganap kasi ngayon ang pagrerebelde sa mga ma-gulang. (2 Timoteo 3:1-5) Ang mga magulangna nakararanas ng gayong kirot ay makasusum-

pong ng kaaliwan at patnubay sa halimbawa niSamuel. Hindi niya hinayaang matinag ang ka-niyang katapatan ng kawalang-katapatan ng ka-niyang mga anak. Tandaan, hindi man magingsapat ang mga salita at disiplina, maaari pa ringmaabot ang puso ng mga anak sa pamamagitanng halimbawa ng mga magulang. At gaya ni Sa-muel, laging may pagkakataon ang mga magu-lang na mapasaya ang kanilang Ama, ang Diyosna Jehova.

“Mag-atas Ka Para sa Amin ng Isang Hari”Napakalaki ngepekto ng kasakimang ipinakita

ng mga anak ni Samuel. Sinabi ng matatandanglalaki ng Israel kay Samuel: “Ngayon ay mag-ataska para sa amin ng isang hari upang humatol saamin gaya ng lahat ng mga bansa.” Sa hinilingnilang ito, nadama ba ni Samuel na inaayawanna siya ng bayan? Kung tutuusin, napakatagal naniyang naglilingkod bilang hukom sa bayan niJehova. Ngayon, hindi lamang isang propetanggaya ni Samuel ang gusto nilang maging hukom,kundi isang hari. May mga hari ang mga bansa sapalibot nila, kaya gusto rin ng mga Israelita ngisang hari! Ano ang reaksiyon ni Samuel? Maba-basa natin: “Ang bagay na iyon ay masama sa pa-ningin ni Samuel.”—1 Samuel 8:5, 6.

Paano nakayanan ni Samuel angkabiguang dulot ng kasamaan ng

kaniyang mga anak?

Page 27: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 27

Pansinin ang naging sagot ni Jehova nangidulog ito sa kaniya ni Samuel sa panalangin:“Makinig ka sa tinig ng bayan may kinalaman salahat ng sinasabi nila sa iyo; sapagkat hindi ikawang itinatakwil nila, kundi ako ang itinatakwilnila mula sa pagiging hari sa kanila.” Tiyak nanakaaliw ito kay Samuel, pero kaylaking insultonaman sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahatang ginawa ng bayan! Sinabi ni Jehova sa kani-yang propeta na babalaan ang mga Israelita namalaki ang magiging kabayaran ng pagkakaro-on ng isang haring tao. Nang sabihin ito ni Sa-muel, iginiit nila: “Hindi, kundi isang hari angmamamahala sa amin.” Palibhasa’y masunurinsa kaniyang Diyos, hinirang ni Samuel ang ha-ring pinili ni Jehova.—1 Samuel 8:7-19.

Napilitan bang sumunod si Samuel? Naghi-nanakit ba siya? Hinayaan ba niyang lasunin ngkabiguan ang kaniyang puso at mag-ugat ditoang sama ng loob? Maaaring ganiyan ang ma-ging reaksiyon ng marami, ngunit hindi si Sa-muel. Hinirang niya si Saul at kinilalang ito angpinili ni Jehova. Hinalikan niya si Saul, isangtanda ng pagtanggap at pagpapasakop sa ba-gong hari. At sinabi niya sa bayan: “Nakikita baninyo ang isa na pinili ni Jehova, na walang si-numan ang tulad niya sa gitna ng buong ba-yan?”—1 Samuel 10:1, 24.

Hindi mga kapintasan ang tiningnan ni Sa-muel, kundi ang mabubuting katangian ng ta-ong pinili ni Jehova. Kung tungkol naman sakaniyang sarili, nagtuon si Samuel ng pansinsa kaniyang rekord ng katapatan sa Diyos sa ha-lip na sa pagsang-ayon ng bayang pabagu-bagoang isip. (1 Samuel 12:1-4) Buong-katapatan dinniyang ginampanan ang kaniyang atas, pinayu-han ang bayan ng Diyos tungkol sa mga magsa-sapanganib sa kanilang kaugnayan sa Diyos, atpinatibay silang manatiling tapat kay Jehova.Tumagos sa puso nila ang payo ni Samuel kayanakiusap sila sa kaniya na ipanalangin sila. Ga-nito ang kaniyang tugon: “Malayong mangyari,sa ganang akin, na magkasala laban kay Jehovasa pamamagitan ng pagtigil sa pananalanginalang-alang sa inyo; at ituturo ko nga sa inyo angmabuti at tamang daan.”—1 Samuel 12:21-24.

Naranasan mo na bang maghinanakit nangmapili ang ibang tao, sa halip na ikaw, para saisang posisyon o pribilehiyo? Ang halimbawa ni

Samuel ay isang magandang paalaala na hindinatin dapat hayaang mag-ugat sa ating puso anginggit o hinanakit. Ang Diyos ay maraming ka-paki-pakinabang at kasiya-siyang gawain para sabawat tapat na lingkod niya.

“Hanggang Kailan Ka MagdadalamhatiPara kay Saul?”

Tama naman na maganda ang naging impre-syon ni Samuel kay Saul. Matangkad siya at ma-kisig, malakas ang loob at maabilidad, pero ma-pagpakumbaba. (1 Samuel 10:22, 23, 27) Bukodsa mga katangiang iyan, pinagkalooban din siyang kakayahang magpasiya at pumili ng kani-yang landasin sa buhay. (Deuteronomio 30:19)Ginamit ba niya ito nang tama?

Nakalulungkot, kapag nakatitikim na ng ka-pangyarihan ang isang tao, kadalasan nang ka-pakumbabaan ang unang nawawala. Di-nagta-gal, naging mayabang si Saul. Pinili niyangsuwayin ang utos ni Jehova. Minsan, hindi nanakapaghintay si Saul kaya siya na ang naghan-dog sa Diyos sa halip na si Samuel, na siyang ta-nging may karapatang gawin iyon. Matindi angpagtutuwid sa kaniya ni Samuel. Inihula pa ngang propeta na ang pagkahari ay hindi mananati-li sa angkan ni Saul. Hindi nadala si Saul. Sa ka-tunayan, lalo pa siyang nagpakasama.—1 Samu-el 13:8, 9, 13,14.

Page 28: ANG BANTAYAN

28 ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011

Sa pamamagitan ni Samuel, inutusan ni Jeho-va si Saul na makipagdigma sa mga Amalekita atpatayin ang ubod-samang hari nito na si Agag.Pero hindi pinatay ni Saul si Agag. Bukod diyan,kinuha niya ang pinakamaiinam sa mga sam-sam na dapat sana’y pinatay o sinunog nila.Nang ituwid siya ni Samuel, nakitang ibang-ibana siya sa dating Saul. Sa halip na mapagpakum-babang tanggapin ang pagtutuwid, nangatuwi-ran pa siya, nagmalinis, ipinagmatuwid ang ka-niyang ginawa, iniwasan ang isyu, at sinisi angbayan. Nang tanggihan ni Saul ang disiplina atmangatuwirang ihahandog naman kay Jehovaang mga samsam, binigkas ni Samuel ang kila-lang pananalitang ito: “Narito! Ang pagsunoday mas mabuti kaysa sa hain.” Lakas-loob na si-naway ni Samuel ang lalaking ito at sinabi sa ka-niya ang hatol ni Jehova: Ang pagkahari ay aali-sin kay Saul at ibibigay sa iba—sa isang masmabuting tao.—1 Samuel 15:1-33.

Lungkot na lungkot si Samuel sa mga pagkaka-mali ni Saul. Magdamag siyang umiyak kay Jeho-va. Nagdalamhati pa nga siya para kay Saul. Ga-yon na lamang ang panghihinayang ni Samuelkay Saul dahil nakita niyang napakalaki ng po-tensiyal nito. Kaya lang, hindi na ito ang Saul nanakilala niya—nawala na ang kaniyang mabubu-ting katangian at lumaban siya kay Jehova. Ayawnang makita pa ni Samuel si Saul. Pero nangmaglaon, itinuwid ni Jehova ang pangmalas niSamuel: “Hanggang kailan ka magdadalamhatipara kay Saul, gayong itinakwil ko siya mula sapamamahala bilang hari sa Israel? Punuin mo nglangis ang iyong sungay at yumaon ka. Isusugokita kay Jesse na Betlehemita, sapagkat naglaanako mula sa kaniyang mga anak ng isang haripara sa akin.”—1 Samuel 15:34, 35; 16:1.

Matutupad ang layunin ni Jehova, manatilimang matapat o hindi ang di-sakdal na mga tao.Masira man ang katapatan ng isang tao, maka-hahanap pa rin si Jehova ng ibang magsasagawang Kaniyang kalooban. Kaya inihinto ng matan-da nang si Samuel ang kaniyang pagdadalamha-ti kay Saul. Sa utos ni Jehova, pumunta si Samu-el sa bahay ni Jesse sa Betlehem, kung saannakilala niya ang makikisig na anak na lalakinito. Pero mula pa lang sa panganay, ipinaalaalana ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tu-mingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang

tindig . . . Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pag-tingin ng tao ang paraan ng pagtingin ng Diyos,sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano angnakikita ng mga mata; ngunit kung tungkol kayJehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasapuso.” (1 Samuel 16:7) Sa wakas, nakilala ni Sa-muel ang bunsong anak na lalaki, ang pinili niJehova—si David!

Sa huling mga taon ng buhay ni Samuel, na-patunayan niyang tama ang desisyon ni Jehovana palitan ni David si Saul. Napuno ng inggit siSaul, anupat ginusto niyang patayin si David, atnaging apostata rin siya. Samantala, si David aynagpakita ng magagandang katangian—lakas ngloob, integridad, pananampalataya, at pagka-matapat. Noong malapit nang mamatay si Sa-muel, lalo pang tumibay ang kaniyang pana-nampalataya dahil nakita niyang kayang lutasinni Jehova ang lahat ng problema at gawin itongpagpapala. Nang mamatay ang tapat na si Samu-el sa edad na halos sandaan, hindi nga kataka-takang nagdalamhati ang buong Israel! Sa nga-yon, makabubuting itanong ng mga lingkod niJehova, ‘Tutularan ko ba ang pananampalatayani Samuel?’

Page 29: ANG BANTAYAN

ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011 29

PAANO kaya napadpad ang isang taga-Sila-ngang Asia sa sinaunang Imperyo ng Roma

2,000 taon na ang nakalipas? Iyan ang tanongng mga arkeologo nang mahukay nila ang ka-lansay nito sa timugang Italya noong 2009.

Natagpuan ito sa isang sinaunang sementer-yong Romano sa Vagnari, 60 kilometro sa kan-luran ng Bari. Pitumpu’t limang kalansay ngtao ang nahukay. Ipinakikita ng mga pagsusurisa mga buto na ang karamihan sa mga taongito ay isinilang sa kalapit na lugar. Pero palaisi-pan sa mga mananaliksik ang kalansay ngisang tao. Ipinakikita ng pagsusuri sa kaniyangDNA na taga-Silangang Asia ang kaniyang na-nay.� Tinatayang namatay siya noong una oikalawang siglo C.E. Ayon sa isang report, “wa-ring ito ang unang pagkakataon na may natag-puang kalansay ng isang taga-Silangang Asia saImperyo ng Roma.” Sino kaya ang taong ito?

“Sa unang tingin, maiuugnay ang taong itosa kalakalan ng seda sa pagitan ng Tsina atRoma,” ang sabi ng report ding iyon. Pero ayonsa pala-palagay, ang gayong kalakalan ay gina-wa ng mga tagapamagitan, o mga ahente, kayawalang sinuman ang talagang naglakbay nang8,000 kilometro sa pagitan ng Tsina at Italya.

Ano ang sinasabi sa atin ng lugar kung saannakita ang mga labı? Noong sinaunang pana-hon, ang Vagnari ay isang lupaing kontroladong emperador. Ang trabaho ng mga tagaroonay pagtunaw ng bakal at paggawa ng mga bal-dosang-luwad. Marami sa mga manggagawaroon ay mga alipin, at malamang na isa sa kani-

� Sa pagsusuri sa DNA, walang nakuhang impormasyontungkol sa lahi ng kaniyang tatay.

la ang taga-Silangan na ito. Sa katunayan, anglibingan niya ay hindi pangmayaman. Ang na-tira sa mga gamit na inilibing kasama niya ayisang palayok, at isa pang bangkay ang nakapa-tong sa kaniya.

Bakit mahalaga ang tuklas na ito? Ang pagla-ganap ng mensahe ng mga Kristiyano noongunang siglo C.E. ay depende sa layo ng naratingng mga tao noon. Iniuulat ng Bibliya na pagka-tapos ng Pentecostes 33 C.E., ang mabuting ba-lita ay nakarating sa iba’t ibang malalayonglugar dahil sa mga banyagang dumalaw sa Jeru-salem. (Gawa 2:1-12, 37-41) Sa paanuman, ipi-nahihiwatig ng nahukay na kalansay na nangmga panahong iyon, may mga taong naglak-bay mula sa Silangang Asia tungo sa rehiyon ngMediteraneo.�

� May katibayan din na ang mga taga-Kanluran ay naglak-bay patungong Silangang Asia. Tingnan ang artikulong “Ga-ano Kaya Kalayo sa Silangan ang Narating ng mga Misyone-ro?” sa Ang Bantayan, isyu ng Enero 1, 2009.

ISANG TAGA-SILANGANG ASIASA SINAUNANG ITALYA

KALANSAY NG ISANGTAGA-SILANGANGASIA NA NAHUKAYSA ISANGSINAUNANGSEMENTERYONGROMANO˘ Su concessione delMinistero per i Beni e leAttivita Culturali - DirezioneRegionale per i BeniCulturali e Paesaggisticidella Puglia -Soprintendenza per i BeniArcheologici della Puglia

ROMA Vagnari

Dagat Mediteraneo SILANGANG ASIA

KARA

GATAN

GPA

SIPIK

O

Page 30: ANG BANTAYAN

30 ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011

– PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 25:20-34.

Anu-anong katangian ang nakita kina Jacob at Esau kahit noong nasa bahay-batapa sila? ��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Ilarawan ang hitsura nina Jacob at Esau noong kabataan pa sila. ����������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Anu-anong damdamin ang napansin mo sa pag-uusap nina Jacob at Esau sa tala-ta 30 hanggang 33? ��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PAG-ARALANG MABUTI.

Magsaliksik tungkol sa mga karapatan ng panganay na anak na lalaki. Bakit ma-halaga ang mga karapatang ito? Ano ang epekto ng pagbebenta ng mga karapa-tang ito kapalit ng isang mangkok ng nilaga? ���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

— PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 27:1-10, 30-38.

Anong damdamin ang napansin mo sa boses ni Esau nang malaman niyang naku-ha na ng kaniyang kapatid ang pagpapala para sa panganay? ��������������������������������������������������������������������������������������������������������

PARA SA MGA KABATAAN

Pahalagahan ang Sagradongmga Bagay!Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mgateksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipinmong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mgatauhan. Gawing buhay na buhay sa iyong isipan ang kuwento.Pangunahing mga tauhan: Isaac, Rebeka, Jacob, at EsauSumaryo: Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay sa kaniyangkakambal na si Jacob.

Page 31: ANG BANTAYAN

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PAG-ARALANG MABUTI.

Mali bang maniobrahin nina Rebeka at Jacob angmga pangyayari para si Jacob ang tumanggap ngpagpapala? Bakit o bakit hindi? (Clue: Tingnanang Genesis 25:23, 33.)�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

˜ GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULATANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa masamang epekto ng padalus-dalos na pagku-ha ng gusto mo. ����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.

Anong sagradong mga bagay ang ipinagkatiwalasa iyo? ��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Paano mo maipakikita na pinahahalagahan moang sagradong mga bagay? ���������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

™ ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANGPINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

KUNG WALAKANG

BIBLIYA,HUMILING NITO SA MGA

SAKSI NI JEHOVA, OBASAHIN ITO SA WEB SITE NAwww.watchtower.org

°

Page 32: ANG BANTAYAN

Mahalaga nga ba kung nagkaroon ng isang hardinng Eden? TINGNAN ANG PAHINA 9-11.

Patiuna bang alam ng Diyos na magkakasala sina Adanat Eva? TINGNAN ANG PAHINA 13-15.

Paano mo malalaman kung mapapatawad ng Diyos angiyong mga kasalanan? TINGNAN ANG PAHINA 18.

Mahal ka ba ng Diyos? TINGNAN ANG PAHINA 20-23.

Nais mo bang may dumalaw sa iyo?

www.watchtower.org wp11 01/01-TG