Ang Aking Talambuhay

3
Ang Aking Talambuhay (Al Geraldleo M. Laurio) Si Al Geraldleo M. Laurio ,nakatira sa bayan ng Siniloan, mula lalawigan ng Laguna, sa kalye ng A. Bonifacio o kilala rin na “ilaya”. Siya ay 17 taong gulang . ipinanganak noong ika-1 ng Setyembre isang libo siyam na daan siyamnapu. Ang kanyang mga magulang ay sina Alfredo Vale Laurio tubong Siniloan at si Laida Martinez Laurio na taga Pillia, Rizal. Sila ay limang mag kakapatid pangat lo at panganay na lalake. Ang kanilang panganay ay si April Glesilda, pangalwa ay si Anafrida Mariz, at siya ang pangatlo . Ang sumunod naman sa kanya ay si Agafrediano at ang kanilang bunso ay si Averlardo Yuan . Marami din siyang mga kamag anak kaso hindi na sila kailangang bangitin. Nagsimula ang kanyang pagkahubog ng isiipsn sa iba’t ibang paaralan ang una dito ay sa Ting Brothers Educational foundation ngunit hanggang unang baitang lamang. Tapos pinagpatuloy niya ito sa paaralang pang elementarya ng halayhayin sa kanilang baranggay. Dito nagkaroon siya ng mga kaibigan, kalaro, katropa. Naging manlalaro siya ng Unit Meet bilang kalahok sa sepak takraw. Nagkaroon siya ng hilig dito ngunit habang tumatagal ay nawalan rin siya ng hilig rito. Pinasok niya naman ang larangan ng pagpapatalbog ng bola. Naging mahusay naman sa basketball. Nakasali sa iba’t-ibang paliga ng baranggay sa inter zone at inter barkada. Masaya ang kanyang kabataan lalo na habang siya ay lumalaki, nilaro na atah niya ang halos lahat ng klase ng sugal at mga usong laro ay sinubukan na niya. Pambihira talaga ang kanyang kabataan. Ngunut hindi naman talaga maiiwasang magkawatak-watak ang darating sa susunod na antas, ang Sekondarya. Pagkatapos ng halos anim na taong ginugol niya sa pagaaral ng elementarya. Naghihintay na sa kanya ang Paaralang pang Sekondarya sa kanya ring tampok na pook kung saan siya lumaki, ang bayan ng Siniloan. Dito siya ay naging aktibo sa iba’t-ibang larangan ng paligsahan sa kanyang paaralan ang Paaralang Pang Sekondarya Ng Siniloan. Naging kilala siya sa larangan ng sining sa malikhaiing pagguhit nang mga larawan. Naging aktobo rin naman siya sa mga patimpalak

Transcript of Ang Aking Talambuhay

Page 1: Ang Aking Talambuhay

Ang Aking Talambuhay

(Al Geraldleo M. Laurio)

Si Al Geraldleo M. Laurio ,nakatira sa

bayan ng Siniloan, mula lalawigan ng Laguna, sa kalye ng A.

Bonifacio o kilala rin na “ilaya”. Siya ay 17 taong gulang .

ipinanganak noong ika-1 ng Setyembre isang libo siyam na

daan siyamnapu. Ang kanyang mga magulang ay sina Alfredo

Vale Laurio tubong Siniloan at si Laida Martinez Laurio na

taga Pillia, Rizal. Sila ay limang mag kakapatid pangat lo at

panganay na lalake. Ang kanilang panganay ay si April Glesilda,

pangalwa ay si Anafrida Mariz, at siya ang pangatlo . Ang

sumunod naman sa kanya ay si Agafrediano at ang kanilang

bunso ay si Averlardo Yuan . Marami din siyang mga kamag

anak kaso hindi na sila kailangang bangitin.

Nagsimula ang kanyang pagkahubog ng

isiipsn sa iba’t ibang paaralan ang una dito ay sa Ting

Brothers Educational foundation ngunit hanggang unang

baitang lamang. Tapos pinagpatuloy niya ito sa paaralang pang

elementarya ng halayhayin sa kanilang baranggay. Dito

nagkaroon siya ng mga kaibigan, kalaro, katropa.

Naging manlalaro siya ng Unit Meet bilang

kalahok sa sepak takraw. Nagkaroon siya ng hilig dito ngunit

habang tumatagal ay nawalan rin siya ng hilig rito. Pinasok

niya naman ang larangan ng pagpapatalbog ng bola. Naging

mahusay naman sa basketball. Nakasali sa iba’t-ibang paliga

ng baranggay sa inter zone at inter barkada. Masaya ang

kanyang kabataan lalo na habang siya ay lumalaki, nilaro na

atah niya ang halos lahat ng klase ng sugal at mga usong laro

ay sinubukan na niya. Pambihira talaga ang kanyang kabataan.

Ngunut hindi naman talaga maiiwasang magkawatak-watak

ang darating sa susunod na antas, ang Sekondarya.

Pagkatapos ng halos anim na taong ginugol

niya sa pagaaral ng elementarya. Naghihintay na sa kanya ang

Paaralang pang Sekondarya sa kanya ring tampok na pook

kung saan siya lumaki, ang bayan ng Siniloan. Dito siya ay

naging aktibo sa iba’t-ibang larangan ng paligsahan sa kanyang

paaralan ang Paaralang Pang Sekondarya Ng Siniloan. Naging

kilala siya sa larangan ng sining sa malikhaiing pagguhit nang

mga larawan. Naging aktobo rin naman siya sa mga patimpalak

Page 2: Ang Aking Talambuhay

pam paaralan. Sa katunayan pa nga nito, naging pangulo siya ng

organisasyong pampaaralan ng “Artist Society” dahil sa

kanyang angking galing sa pagguhit. Naging miyembro rin siya

ng lahalaang pampaaralan ng paaralan na a”Ang Pioneer” bilang

isang masining na taga guhit o mas kilala sa tawag na

“cartoonist”. Kasabay ng panahon na inilaan niya sa kanyang

paaralan ang muling pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at

mga kabarkada, ilan sa mga ito ay ang kilalang barkadahan ng

“Cheeze Bread Particles” na kinabibilanangan ng mga

makikisig, mababait at talaga namang mga talentadong

kalalakihan ng paaralang nasabi ilan sa maga ito ay sina Paul

John Serrano, Rafael Advento, Hendrix Valverde, jeffrey

Ubas, Era Delluba at syembre ang pinaka sikat sa lahat

walang iba kung hindi si Al Geraldleo Martinez Laurio na siya

nating pinatutungkulan. Napabilang rin siya sa barkadahan ng

mga kabataang mi alyas na “Spootnik”, “Sige-sige”, “Bahala

Na” at “Alega Gang” na puro kalokohan at pawang

katatawanan ang naging basehan ng tibay nang samahan.

Habang lumilipas ang panahon dito na rin

niya nakilala ang mga bagong mukha ng mga kaibigang kaniyang

bagong nakahiligang samahan dahil na rin sa pagkakaroon ng

iisang hilig, ang tuwinang paggamit ng “scateboard” o kung

tawagin nila eh.. tablang may apat na gulong. Masayang

mahirap sa umpisa king pagaaralan ang libanagang ito, ngunit

sa tiyaga ng lalaking ito na matuto di niya alintana ang sakit

at hirap ng pageensayo basta matuto lamang. Ilan sa mga

kasamahan niya ay sina Aaron Realeza, Billy Ronabio, Jaylo

Cawasa, Joel Jerahmel Calzar at ang dati niyang kabarkada

na si Hendrix Valverde. Sila ang naging kasamahan ni Al sa

tuwinamg pagtalon at pagpapatalon ng kanyang mahal na

scateboard.. Nagsimula ang kanilang grupo bago matapos ang

taon. Ngunit di rito natapos ang kanilang kalbaryo.

Pinagpatuloy nila ito ng buong bakasyon, dumami na ang

kanilang naging kakilala hindi lamang sa bayan ng siniloan

maging sa iba pang lugar at mag bayan. Ganun sila kalupit pag

dating sa pakikisama, walang tatalo rito.

Apat na taon na ang nakalipas, bagong

paligid na naman ng pakikisamahan, panahon ga ng ikatlong

antas ng pagaaral, ang taon para ilaan sa huling yugto ng

Page 3: Ang Aking Talambuhay

edukasyon para sa binta, anmg taon ng Kolehiyo. Pinili ng

binata na mag aral sa “Laguna State Polytecnic University”,

muli sa bayan ng siniloan. Dito niya piniling pag aralan ang

kursong Edukasyong pang sekondarya na gugugulan niya ng

apat bna taon ng paaaral. Dahilan ng pakuha nito ay dahil sa

impluwensya ng kanyang guro ng siya ay nasa sekondarya pa

lamang, na si Bb. Junlyn Villaranda, isang guro ng Mapeh sa

paaralang pang sekondarya ng siniloan. Namangha ang binata

sa galing na ipinakita nito koung kaya napili din niyang tahakin

ang kursong ito. Dahil din sa mga ispesyal nitong kakayahan na

tumutugma sa pag tuturo na kinapapaloooban ng kanyang

angking talento at kakayahan patungkol sa latrangan ng

edukasyon taglay niya ang angking talino, tibay ng loob at

determinasyon bilang isang binata, iasang estudyante na ang

tanging hangad ay ang makamit ang kanyang minimithing

pangarap sa buhay. King kaya naman sa tulong ng kanyang mga

minamahal na magulong, mga kapatid at minamahal na kaibigan

patuloy ang kanyang pagsusumikap sa pagaaral at pagiging

mbuting ank, kapatid at kaibigan sa kanyang mga minamahal

sa buhay.

Sa ngayon, ang binatang ito ay

kasalukuyang tahimik na nakikisama sa kanyang mga bagong

kakilalal sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Isa siya sa

nmga mag-aaral na nagsisilbing inspirasyon na ilang ding mga

kabataan at mag-aaral na sa kanyay humahanga sa ibat-ibang

angking katangiaan na nakapagpapabago sa kinilang pananaw

sa buhay. Kaya naman ika niya na habang may buhay ay may

pag-asa basta maniwala ka lang na sa lahat ng kung anuman

ang iyonng gagawin ang isipin mo lamang ay ang para sa

ikabubuti hindi lamang ng iyong sarili maging lalo’t higit sa

nakararami sapagkat mas mabuti na tayo ang nakatutulong

kaysa sa tayo ang parating tinutulungan. Palaging pasalamatan

ang Panginoon sa lahat ng biyayang ntatatanggap, iyan ang

paniniwala ng isang simpleng binata-isang simpleng AL

GERALDLEO.