Alamat Ng Singsing

2
Noong unang panahon sa isang kaharian ay may naninirahan na grupo ng mga duwende. Masaya, maayos at masagana ang kanilang pamumuhay sa kanilang kaharian. Pinamamahalaan ito ni Haring Gaston at Reyna Lising at sila’y may natatanging anak, si Prinsipe Kanis. Si Prinsipe Kanis ay alagang-alaga at mahal na mahal ng kanyang mga magulang kung kaya’t hindi ito pinalalabas ng kanilang kaharian sa pangambang may mangyaring masama rito. “Mahal kong anak, hindi ka maaring lumabas sa ating kaharian sapagkat maaring maraming mangyari sa iyo doon at huwag na huwag kang pupunta sa lagusan patungo sa mundo ngmga tao dahil ang mundong iyon ay mapanganib.” wika ng kanyang butihing ama’t ina. Kung kaya’t isang araw ay napaisip ang Prinsipe sa itsura at sa panganib na sinasabing kanyang mga magulang. Kinagabihan ay nagtungo siya sa lagusan patungo sa kabilang mundo, ang mundo ng mga tao. Lumabas siyang walang kasama at sinuway niya ang mga magulang. Sa kanyang paglabas ay nakakita siya ng mga higanteng bagay at sa unang pagkakataon ay nakakita siya ng tao. Nakita niya si Maria na nagwawalis ng kanilang bakuran. “Napakaganda ng dilag na ito ngunit napakalaki niya kumpara sa akin.” Sambit ng Prinsipe at siya’y tunay na nabighani kay Maria. Simula noon ay lagi na siyang lumalabas ng kaharian upang makita lamang ang dalaga. Isang araw ay kinausap siya ng kanyang mgamagulang, “Anak, nasa wastong gulang ka na at nais na namin na ika’y maghanap ng iyong magiging kabiyak.” “Mayroon na po akong napupusuang babae.”wika ng Prinsipe. Tinanong ng kanyang ina kung sino ito ngunit ang sabi ng Prinsipe ay, “Sa takdang panahon ko na lamang ho sa inyo sasabihin ni Ama kung sino siya.” sagot ng Prinsipe sa ina. Sa bawat paglabas ng Prinsipe sa kanilang kaharian ay nagbabalatkayo ito bilang isang tao. Sinuyo niya si Maria at ito ay kanyang napasagot. Lagi siyang nakikipagkita sa dalaga at masaya siya pag sila ay magkasama. Ibinalita niya ito sa kanyang mga magulang ngunit nagalit ang mga ito at sinabing hindi nila ito kauri, iginiit ng Prinsipe na ito ay kanyang sobrang mahal at ito ang kanyang nais makasama sa habang buhay.

description

alamat

Transcript of Alamat Ng Singsing

Page 1: Alamat Ng Singsing

Noong unang panahon sa isang kaharian ay may naninirahan na grupo ng mga duwende. Masaya, maayos at masagana ang kanilang pamumuhay sa kanilang kaharian. Pinamamahalaan ito ni Haring Gaston at Reyna Lising at sila’y may natatanging anak, si Prinsipe Kanis.

Si Prinsipe Kanis ay alagang-alaga at mahal na mahal ng kanyang mga magulang

kung kaya’t hindi ito pinalalabas ng kanilang kaharian sa pangambang may mangyaring masama rito. “Mahal kong anak, hindi ka maaring lumabas sa ating kaharian sapagkat maaring maraming mangyari sa iyo doon at huwag na huwag kang pupunta sa lagusan patungo sa mundo ngmga tao dahil ang mundong iyon ay mapanganib.” wika ng kanyang butihing ama’t ina. Kung kaya’t isang araw ay napaisip ang Prinsipe sa itsura at sa panganib na sinasabing kanyang mga magulang. Kinagabihan ay nagtungo siya sa lagusan patungo sa kabilang mundo, ang mundo ng mga tao. Lumabas siyang walang kasama at sinuway niya ang mga magulang. Sa kanyang paglabas ay nakakita siya ng mga higanteng bagay at sa unang pagkakataon ay nakakita siya ng tao. Nakita niya si Maria na nagwawalis ng kanilang bakuran. “Napakaganda ng dilag na ito ngunit napakalaki niya kumpara sa akin.” Sambit ng Prinsipe at siya’y tunay na nabighani kay Maria. Simula noon ay lagi na siyang lumalabas ng kaharian upang makita lamang ang dalaga.

Isang araw ay kinausap siya ng kanyang mgamagulang, “Anak, nasa wastong

gulang ka na at nais na namin na ika’y maghanap ng iyong magiging kabiyak.” “Mayroon na po akong napupusuang babae.”wika ng Prinsipe. Tinanong ng kanyang ina kung sino ito ngunit ang sabi ng Prinsipe ay, “Sa takdang panahon ko na lamang ho sa inyo sasabihin ni Ama kung sino siya.” sagot ng Prinsipe sa ina.

Sa bawat paglabas ng Prinsipe sa kanilang kaharian ay nagbabalatkayo ito bilang

isang tao. Sinuyo niya si Maria at ito ay kanyang napasagot. Lagi siyang nakikipagkita sa dalaga at masaya siya pag sila ay magkasama. Ibinalita niya ito sa kanyang mga magulang ngunit nagalit ang mga ito at sinabing hindi nila ito kauri, iginiit ng Prinsipe na ito ay kanyang sobrang mahal at ito ang kanyang nais makasama sa habang buhay.

Page 2: Alamat Ng Singsing

Hiniling ng Prinsipe na siya’y gawing tunay na tao, labag man sa kalooban ng kanyang mga magulang ay pumayag ang mga ito. Pinainom ang Prinsipe ng isang mahiwagang inumin at siya ay naging isang ganap na tao. Ibinigay ni Reyna Lising ang kanyang korona kay Prinsipe Kanis,“Ibigay mo ito sa iyong minamahal na babae, ito ay napakahalaga sa akin at sana’y inyo ding pahalagahan.” Niyakap at hinagkan ng Prinsipe ang kanyang mga magulang at nagpaalam na upang magpunta na sa babaeng kanyang iniibig.

Agad niyang pinuntahan si Maria upang ayain itong magpakasal, ibinigay niya ang

korona ng kanyang ina kay Maria ngunit sa liit nito ay hindi ito nagkasya, kung kaya’t

inilagay na lamang ng Prinsipe ito sa daliri ni Maria.“Ano ito?” tanong ni Maria. Napaisip

ang Prinsipe kung ano ba ang maaring itawag dito, “Ito ay isang singsing at ito ay tanda

ng pagmamahal at pagpapahalaga ko sa iyo.”Inalinsunod ng Prinsipe ang pangalan nito

sa kanyangina, si Reyna Lising.