Alamat Iba't Ibang Paraan Ng Pagtatanong

3
Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong 1. Mga tanong na humihingi ng higit sa isang impormasyon sa tulong ng dalawang panghalip. Sa ganitong uri, isang panghalip lamang ang inilalagay sa unahan ng tanong maliban kung pinag- uugnay ng at ang dalawang pananong. Mga halimbawa: Tanong 1: Sino ang pinarusahan ng ano ? Sagot : a.) Pinarusahan ng langit ang lalaking balo. b.) Ang langit ang nagparusa sa lalaking balo. Tanong 2: Bakit at paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa? Sagot: a.) Lumaganap ang mga alamat sa ating bansa dahil sa mga dayuhan. b.) Nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ang mga alamat kaya nanatili ang mga ito hanggang sa kasalukuyan. Tanong 3. Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat at paano? Sagot: Tayong mga Pilipino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat sa pamamaigitan ng pagtangkilik dito.= Maaari namang paghiwalayin sa isang serye ng tanong ang mga naunang halimbawa tulad nito: Sino ang pinarusahan ng langit? Ano ang ginawang parusa sa lalaking balo? Bakit mayroon tayong mga alamat ngayon? Paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa? Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat? Paano natin pahahalagahan ang ating mga alamat?

description

kasagutan sa mga katanungan

Transcript of Alamat Iba't Ibang Paraan Ng Pagtatanong

Page 1: Alamat Iba't Ibang Paraan Ng Pagtatanong

Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong

1. Mga tanong na humihingi ng higit sa isang impormasyon sa

tulong ng dalawang panghalip. Sa ganitong uri, isang panghalip

lamang ang inilalagay sa unahan ng tanong maliban kung pinag-

uugnay ng at ang dalawang pananong.

Mga halimbawa:

Tanong 1: Sino ang pinarusahan ng ano?

Sagot : a.) Pinarusahan ng langit ang lalaking balo. b.) Ang langit ang nagparusa sa lalaking balo.

Tanong 2: Bakit at paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?

Sagot: a.) Lumaganap ang mga alamat sa ating bansa

dahil sa mga dayuhan.

b.) Nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ang mga

alamat

kaya nanatili ang mga ito hanggang sa kasalukuyan.

Tanong 3. Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat at paano?

Sagot: Tayong mga Pilipino ang dapat magpahalaga sa ating mga

alamat sa pamamaigitan ng pagtangkilik dito.=

Maaari namang paghiwalayin sa isang serye ng tanong ang mga

naunang halimbawa tulad nito:

Sino ang pinarusahan ng langit? Ano ang ginawang parusa sa lalaking

balo?

Bakit mayroon tayong mga alamat ngayon?

Paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?

Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat?

Paano natin pahahalagahan ang ating mga alamat?

Page 2: Alamat Iba't Ibang Paraan Ng Pagtatanong

2. Mga magalang na tanong na nangangahulugan ng pakiusap.

Mga halimbawa:

Puwedeng magtanong? / Puwede po bang magtanong?

Posible (po) kayang bigyan ako ng pagkakataong makasali sa usapan?

Maaari (po) bang mahingi ang inyong opinyon tungkol sa paksang

pinag-uusapan?

3. Mga tanong na panagot sa pangungusap at nagpapahiwatig ng

iba’t ibang layunin.

Hindi nangangailangan ng sagot ang mga pangungusap, tulad ng

tanong. Ngunit sa isang usapan, karaniwang inaasahan ang pagbibigay ng

reaksyon sa maraming pangungusap upang maipakita sa nagsasalita ang

interes at pagsang-ayon o pagtutol, o para maipakita lamang na nakikinig

sa nagsasalita. Isang uri ng reaksyon ang pagtatanong, at kapag ginawa

ito, matitiyak lamang na may natatanging layunin ang tanong gaya ng

sumusunod:

• Mga tanong na signal o hudyat ng atensyon at interes sa sinasabi ng

kausap. May kasama itong intonasyon na naghahayag ng interes.

Mayaman pala tayo sa mga alamat. Talaga? (naninigurado)

Oo, marami na akong nabasang alamat. Ow? (parang di

makapaniwala)

May paligsahan daw sa pagsulat ng alamat. Totoo ba? (naniniyak)

• Mga tanong na humihingi pa ng ibang impormasyon mula sa kausap.

Pinaiikli rin ang ganitong tanong.

Pupunta ako sa library. Bakit? Kailan (ka pupunta sa library)?

Manghihiram ako ng libro. Anong libro (ang hihiramin mo)?

Basahin mo ito. Bakit (ko iyan babasahin)?

Page 3: Alamat Iba't Ibang Paraan Ng Pagtatanong