A1E, MGen: Kaisa ng Quezon laban sa COVID-19 · 2 days ago · Ang 50-anyos na taong gulang na...

4
Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. tuwing ika-3 buwan •Bulto 7 Bilang II • Hunyo 2020 Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected] A1E, MGen: Kaisa ng Quezon laban sa COVID-19 Patuloy na nakikiisa ang Amonan One Energy, Inc. (A1E) at Meralco PowerGen Corporaon (MGen) sa laban ng probin- sya ng Quezon kontra COVID-19. Nagkaloob ang A1E, sa pamamagitan ng MGen at San Buenaventura Power Ltd. (SBPL), ng PhP1.5 Milyong halaga ng bigas at delata sa pamahalaang panlalawigan noong Mayo 1 upang tulungan ang gobyer- no sa pagbibigay ayuda sa mga residente. Ang SBPL ay may-ari ng isang 500- MW power plant sa bayan ng Mauban. Ito Ang mga volunteers mula sa pamahalaang pan- lalawigan habang iginagayak ang mga relief goods na ipamimigay sa iba't-ibang bayan sa Quezon. ay proyekto ng MGen na parent company rin ng A1E, at ng EGCO Group. Ang donasyong ito ay nang- gap ng Quezon Provincial Social Welfare Office (PSWDO) na siya ring namamahala sa pag-rerepack ng mga relief goods na ipa- pamahagi sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan. Tuluy-tuloy din ang suporta sa bayan mismo ng Amonan. Nagbigay ng mga bi- gas ang A1E at mga empleyado nito sa ba- rangay ng Villa Ibaba, Villa Ilaya, Caridad Ibaba at Cardidad Ilaya upang makatu- long sa mga mahihirap na pamilyang hindi makapag-hanap buhay sa kasagsagan ng pandemya. Nagkaloob din ang A1E ng mga per- sonal protecve equipment (PPE) at mga kahon-kahong medical supplies sa lokal na pamahalaan ng Amonan para sa mga front liners. Gayundin, nag-ambag ng suportang pinansyal ang mga technical partners ng A1E at namahagi ng mga pagkain para sa mga residente at mga indibidwal na nag- babantay sa mga checkpoints sa Amonan. Patuloy ang pakikipagtulungan ng A1E at MGen sa pamahalaan sa pagpa- patupad ng mga safety at precauonary measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.# Nagsimula nang muli ang site acvies ng Amonan One Energy, Inc. (A1E) noong Hunyo 4 matapos payagan ng pamaha- laan na magpatuloy ang mga akbidad sa ilalim ng mas maluwag na General Community Quaranne (GCQ). Matatandaang ipinahinto ang lahat akbidad ng proyektong ito noong Marso 18, matapos sumailalim ang kabuuan ng Luzon sa Enhanced Community Quaranne (ECQ). Bilang paghahanda sa remobi- lisasyon, nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Amonan ang A1E at mga kontraktors nito matapos na ideklara ang GCQ sa Quezon noong Mayo 15. Nagsumite ang A1E at mga kontrak- tors ng health at safety plan at iba pang mga kinakailangang dokumento sa LGU- Amonan bilang pagsunod nito sa mga pa- takaran sa pagbabalik-trabaho. Bago pa man ang pandemya, mahig- pit nang nagpapatupad ang A1E ng health and safety measures katulad ng pagsusuot ng Personal Protecve Equipment (PPE). Bilang bahagi ng mas maigng na A1E site activities, nagpatuloy na matapos paluwagin ang quarantine restrictions protokol, bumuo ang A1E ng isang grupo na magmo-monitor ng temperatura at kabuuang health condion ng mga mang- gagawa araw-araw. Naglagay rin ng mga is- tasyon para sa sanitasyon; at mga markers para sa pagpapatupad ng social distancing. Naglaan rin ang kumpanya ng transportas- yon para sa mga manggagawa. Kasama din sa mga hinihinging dokumento bago bumalik sa trabaho ang health cerficate at resulta ng COVID-19 test para sa mga taong lumabas ng Amonan habang umiiral ang ECQ. # Sina Patrick Collantes (kaliwa) buhat sa MGen A1E at Chuckie Rivera (kanan) mula sa SBPL na nag-abot ng PhP 1.5 milyon halaga ng mga bigas at delata sa pamahalaang panlalawigan at nanggap ni Ma. Chrisna Talavera (gitna) ng PSWDO.

Transcript of A1E, MGen: Kaisa ng Quezon laban sa COVID-19 · 2 days ago · Ang 50-anyos na taong gulang na...

Page 1: A1E, MGen: Kaisa ng Quezon laban sa COVID-19 · 2 days ago · Ang 50-anyos na taong gulang na front liner ay isa sa pitong kagawad ng Barangay Talaba na puspu-sang nagtatrabaho simula

Isang TinigLathalain ng Atimonan One Energy, Inc. tuwing ika-3 buwan •Bulto 7 Bilang II • Hunyo 2020

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

A1E, MGen: Kaisa ngQuezon laban sa COVID-19

Patuloy na nakikiisa ang Atimonan One Energy, Inc. (A1E) at Meralco PowerGen Corporation (MGen) sa laban ng probin-sya ng Quezon kontra COVID-19. Nagkaloob ang A1E, sa pamamagitan ng MGen at San Buenaventura Power Ltd. (SBPL), ng PhP1.5 Milyong halaga ng bigas at delata sa pamahalaang panlalawigan noong Mayo 1 upang tulungan ang gobyer-no sa pagbibigay ayuda sa mga residente. Ang SBPL ay may-ari ng isang 500-MW power plant sa bayan ng Mauban. Ito

Ang mga volunteers mula sa pamahalaang pan-lalawigan habang iginagayak ang mga relief goods na ipamimigay sa iba't-ibang bayan sa Quezon.

ay proyekto ng MGen na parent company rin ng A1E, at ng EGCO Group. Ang donasyong ito ay tinang-gap ng Quezon Provincial Social Welfare Office (PSWDO) na siya ring namamahalasa pag-rerepack ng mga relief goods na ipa-pamahagi sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan. Tuluy-tuloy din ang suporta sa bayan mismongAtimonan.Nagbigayngmgabi-gas ang A1E at mga empleyado nito sa ba-rangay ng Villa Ibaba, Villa Ilaya, Caridad Ibaba at Cardidad Ilaya upang makatu-

long sa mga mahihirap na pamilyang hindi makapag-hanap buhay sa kasagsagan ng pandemya. Nagkaloob din ang A1E ng mga per-sonal protective equipment (PPE) at mga kahon-kahong medical supplies sa lokal na pamahalaanngAtimonanparasamgafront liners. Gayundin, nag-ambag ng suportang pinansyal ang mga technical partners ng A1E at namahagi ng mga pagkain para sa mga residente at mga indibidwal na nag-babantay sa mga checkpointssaAtimonan. Patuloy ang pakikipagtulungan ng A1E at MGen sa pamahalaan sa pagpa-patupad ng mga safety at precautionary measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.#

Nagsimula nang muli ang site activities ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) noong Hunyo 4 matapos payagan ng pamaha-laan na magpatuloy ang mga aktibidad sa ilalim ng mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ). Matatandaang ipinahinto ang lahat aktibidadngproyektong itonoongMarso18, matapos sumailalim ang kabuuan ng LuzonsaEnhancedCommunityQuarantine(ECQ). Bilang paghahanda sa remobi- lisasyon, nakipag-ugnayan sa lokal na

pamahalaanngAtimonanangA1Eatmgakontraktors nito matapos na ideklara ang GCQ sa Quezon noong Mayo 15. Nagsumite ang A1E at mga kontrak-tors ng health at safety plan at iba pang mga kinakailangang dokumento sa LGU- Atimonanbilangpagsunodnitosamgapa-takaran sa pagbabalik-trabaho. Bago pa man ang pandemya, mahig-pit nang nagpapatupad ang A1E ng health and safety measures katulad ng pagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE). Bilang bahagi ng mas maigting na

A1E site activities, nagpatuloy na matapos paluwagin ang quarantine restrictionsprotokol, bumuo ang A1E ng isang grupo na magmo-monitor ng temperatura at kabuuang health condition ng mga mang-gagawa araw-araw. Naglagay rin ng mga is-tasyon para sa sanitasyon; at mga markers para sa pagpapatupad ng social distancing. Naglaan rin ang kumpanya ng transportas- yon para sa mga manggagawa. Kasama din sa mga hinihinging dokumento bago bumalik sa trabaho ang health certificate at resulta ng COVID-19test para sa mga taong lumabas ng AtimonanhabangumiiralangECQ.#

Sina Patrick Collantes (kaliwa) buhat sa MGen A1E at Chuckie Rivera (kanan) mula sa SBPL na nag-abot ng PhP 1.5 milyon halaga ng mga bigas at delata sa pamahalaang panlalawigan at tinanggap ni Ma. Christina Talavera (gitna) ng PSWDO.

Page 2: A1E, MGen: Kaisa ng Quezon laban sa COVID-19 · 2 days ago · Ang 50-anyos na taong gulang na front liner ay isa sa pitong kagawad ng Barangay Talaba na puspu-sang nagtatrabaho simula

Isang Tinig

2 Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-727-5859 Email: [email protected]

Habang karamihan sa atin ay nasa loob ng ating mga tahanan, may mga taong nagbu-buwis ng kanilang ka-ligtasan upang pangunahan ang laban sa COVID-19. Isa dito si Clemencia Camba o Menchie sa kanyang mga kaibigan. Ang 50-anyos na taong gulang na front liner ay isa sa pitong kagawad ng Barangay Talaba na puspu-sang nagtatrabaho simula ng pumutok ang pandemya. Para kay Menchie, ang bawat araw bilang isang front liner ay may bitbit na iba’t-ibang kuwento. Nakaatang kay Menchie bilang kagawad ng ba-rangay ang responsibilidad sa health at sanitation at social services. Malaking papel din ang kanyang gina- gampanan bilang miyembro ng Barangay Health Emer-gency Response Team (BHERT) sa pagpapatupad ng mga health at safety protocols. Siya din ang personal na kumakapanayam sa mga bumabalik niyang kaba-bayan mula sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng COVID-19; nakikipag-ugnayan sa Atimonan RuralHeath Unit para sa mga taong posibleng carrier ng vi-rus; at nagmo-monitor ng kanilang kalagayan at pagsu-nod sa 14 na araw na quarantine. Tumutulong din si Menchie sa kanyang mga ka-barangay na mayroong nararamdamang sakit na suma-sangguni sa programang telemedicine ng RHU. Kung kinakailangan, nagdadala din siya ng mga gamot sa ta- hanan ng pasyente. Bagamat masalimuot ang trabaho, patuloy pa rin ang paghahangad ni Menchie na makapaglingkod sa iba pang paraan. Kapag may oras ay sumasama siyang magbantay sa mga checkpoints at namahagi ng mga re-lief goods. Angpinakamalakinghamonsapagharapnatinsakrisis na ito ayon sa kanyang obserbasyon ay ang kaku-langan sa mga personal protective equipment at suplay ng sanitation products. Aniya, tayo ay mistulang suma- bak sa giyeranangwalang sapatnaarmasnatilabahindi pa sapat ang hamon mula sa hindi nakikitang ka-laban. Inihambing ni Menchie ang kasalukuyang nang-yayari sa mundo sa isang pelikula: “Napakahirap ng sitwasyon. Kung magpapatuloy ang pandemya, maka-kaligtas kaya tayo dito? Para sa akin, tayo ay tila nasa bingit na ng buhay at kamatayan.” Sa gitna ng sitwasyong ito, di maiaalis na may mga pansariling problema din siyang dinadala. Bilang isang balo na mayroong tatlong anak, baon niya ng pangam-ba na baka mahawa din siya ng sakit at maipasa niya sakanyangmgamahalsabuhay.Kayatintitiyakniyananagsusuot siya ng tamang PPE at laging sinusunod ang mga safety measures. Bukod pa dito, ang isa pa niyang inaalala ay kung paano niya patuloy na matutugunan ang iba pang pa- ngangailangan ng kanyang pamilya dahil wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang pandem- yang ito. Bukod sa pagiging kagawad, nagtatrabaho din si Menchie bilang on-call food server sa mga catering

events na isa sa mga negosyo na labis na naapektuhan ng pandemya. Upang pansamantalang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya,nagtitindangayonsiMenchiengmgalutongulamatkakanin.Atsa kabila ng pinansyal na pagsubok, hindi pa rin nawawala sa puso niya ang maglingkod sa kapwa. “Napakalaking prebihiliyo na makapaglingkod sa ating mga kaba-bayan habang nakikipaglaban tayo sa COVID-19 at nagagampanan ko ang aking sinumpaang tungkulin bilang barangay kagawad,” sambit niya nang buong pagmamalaki. Ipinagpapasalamat ni Menchie na wala pang positibong kaso ngCOVID-19sakanilangbarangay,bunganarinngmgapagsisikapngbawatisa upang makatulong na mabigyang solusyon ang krisis pangkalusugan. ParakayMenchie,angCOVID-19ayisangkakaibanghamonnanag-bigay sa kanya ng dalawang aral sa buhay: panatilihin ang pagtitiwala saDiyosatpahalagahanangrelasyonsapamilyaatsamgataongnakapaligidsa kanya. Batid niya namahaba at masmahirap na landas pa ang ating ta-tahakin,peronaniniwalasiyanakungmagtutulunganangbawatisa,tiyaknamatatalorinnatinangpandemya.

Pagsaludo sa isang Atimonaning front liner

Si Menchie Camba (pangalawa mula sa kaliwa) kasama ang iba pang frontliners sa Brgy. Talaba habang nag babantay sa control point.

Si Menchie habang nagbebenta ng siomai upang mag karoon ng dagdag na kita.

“Ang pandemyang ito ay pumilay sa buhay na ating na-kasanayan noon at bumago ng buhay ng milyong mga tao. Naniniwala ako na isang araw, matatapos din ang lahat ng ito, at magbabalik muli ang lahat sa normal gaya ng dati,” aniya.

XXX Patuloy nating suportahan ang matapang na front liner na si Menchie at ating tangkilikin ang kanyang mga ibenebentang produkto. Maaari nin-yong ipadala ang inyong mensahe sa 09077461408 o kaya ay sa kanyang Facebook account—Menchie Camba (https://www.facebook.com/menchie.camba.) #

Page 3: A1E, MGen: Kaisa ng Quezon laban sa COVID-19 · 2 days ago · Ang 50-anyos na taong gulang na front liner ay isa sa pitong kagawad ng Barangay Talaba na puspu-sang nagtatrabaho simula

Isang Tinig

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected] 3

Binansagang “a poor man’s dish” ang tam-ban o herring dahil ito ay mura at madalas ipamigay nang libre. Bagamat sagana ang karagatan sa palibot ng Atimonan sa tam-ban, ito ay inaayawan dahil masyadong makaliskis at matinik. Sinong mag-aakala na ang tamban

Sardinas na gawang Atimonan, unti-unti nang nakikilala

“Ang COVID-19 pandemic ay isang paraan ng Maykapal upang mabago at maituwid ang ating buhay – ang ating pagtingin sa sarili at mga gawi; ang pakikitungo sa ating kapamilya at kumonidad; ang pag-trato sa kalikasan; at ang ating pagpapa-halaga at relasyon sa Maykapal.” Ganito ang pangkalahatang buod ng mga sanaysay mula sa 35 na kalahok ng essay writing contest tungkol sa mga kara-nasan at aral na natutunan sa kasagsagan ngquarantinebilangpaglabansakasaluku-yangpandemyanaatingkinakaharap.

Mga karanasan at aral sa gitna ng pandemya ni Roque Portugal

Ang ipinagmamalaking Aplaya Sardines na gawa sa Ati-monan na may bagong Label.

Tinanggap nina Marian Manzano, Maria Gracia Madeja at Vinz Daniel Gocon ang mga premyo na iniabot ni Mayor Rustico Joven Mendoza.

Ang patimpalak ayinilunsad noong ika-8 ng Mayo ng lokal na pamaha-laanngAtimonansapamu-muno nina Mayor RusticoJoven Mendoza at Vice Mayor Zenaida Veranga. Layunin nito na mabigyan ng boses at pag-asa ang mga Atimonanin sa kanil-ang kinakaharap sa gitna ng takot at pangamba sa gitna ng pandemya.

Mahusay, pinag-isipang mabuti atnilaanan ng panahon ang mga sanaysay na ipinasangmgakalahoksaAtimonanPublicRelationsandInformationOffice(PRIO)nasiya ring nagbigay ng oportunidad sa mga Atimonaninnamakabotosapinakamagan-dang sanaysay gamit ang Facebook. Kasa-ma sa criteria for judging ang online votes na nakalap ng mga sanaysay. Kabilang sa mga naging hurado ang inyong lingkod, Roque Portugal kasama sina Gng. Aide Mendoza asawa ni Mayor Mendoza, at G. Kein Chito na isang free-

lance writeratnegosyantengAtimonanin. Ang mga nanalo ay sina: Marian Manzano, isang estudyante (unang pwesto); Ronavit Constantino, isang es-tudyante (ikalawang pwesto); Zarah Jean Bigay, isang barangay kagawad (ikatlong pwesto); Maria Gracia Madeja, isang guro (ikaapatnapwesto);atVinzDanielGocon,isang estudyante (ikalimang pwesto). Nakapag-uwi ang mga nagwagi ng cash prizes na kaloob ng inyong lingkod at ng mga top executives ng Meralco at Meral-coPowerGenCorporation.Lahatngluma-hok ay nakatanggap ng grocery packs mula sa lokal na pamahalaan. Sa quarantine na ito ay nakita ng mga mamamayan ang kahalagahan ng nasyunal at lokal na pamahalaan ng Atimonan sapagbalangkas at pag pagpapatupad ng mga patakaran para makaiwas sa sakit, paglal-agay ng mga angkop ng health facilities, at pagbibigay ng tulong na pinansyal at pagka-in sa mga nangangailangan lalo't higit ang pagpapamalas sa pagsunod sa alituntunin ngpamahalaanattaimtimnapagdulogsaMaykapal.#

ay maaring maging gourmet sardines at makipagsabayan sa mga mamahaling produktong ibinebenta sa iba’t-ibang lugar? Ngayon ay kilala sa tawag na Aplaya Spanish-style Sardines, ang pro-duktong ito ay ipinagmamalaki na ng mga maliliit na mangingisda mula sa Atimonan. “Ang isda ay galing sa AtimonanatipinoprosesosaAtimonanngmgata-ga-Atimonan,”ayonkayMaritessAtien-za,PangulongAtimonanCoastalFoodProductionAssociation (ACFPA), grupong 10 na mangingisda na gumagawa ng de-boteng Spanish sardines. Sa pamamagitan ng “Kaisa sa Kasanayan at Kabuhayan” na programa ng AtimonanOneEnergy,Inc.(A1E),unti-untinang napapalago ng ACFPA ang negosyong ito. Katuwang ng A1E at iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan ng Atimonan saproyektong ito na naglalayong makapag-

bigay ng dagdag pagkakakitaan para sa mga maliliit na mangingisda. Kabilang sa mga sumusuporta dito ay angSpecialProjectUnit(SPU)ngAtimonanna nagpahiram ng pansamantalang pro-cessing center ng mga produkto, nangasiwa ng pagsasanay para sa ACFPA at nagbigay ng logistic support.

Ang Municipal Agriculture’s Office(MAO) naman ay nagbigay ng mga kinakail-angang kagamitan at iba pang materyales habang ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ay nagpahiram ngdagdag-puhunan para sa tuluy-tuloy na paggawa ng produkto. Sumuporta din sa proyektong ito ang DepartmentofTradeandIndustry(DTI)na

nagbigay ng mga pagsasanay upang mas mapataas pa ang kalidad ng produkto at makilala ito sa lokal na merkado. Tinutukan naman ng A1E ang pagre-rehistrongsamahansaDepartmentofLa-bor and Employment (DOLE) at ang pag-bebenta ng mga produkto at kasalukuyang

tinutulungan ang grupo namasuri angkanilang produkto ng Department ofScienceandTechnology(DOST). Nakalahok na din ang ACFPA sa mga trade fair kagaya ng Quezon-wide KALAKAL Trade Fair ng DTI noong Dis-yembre 12 hanggang 16; Atimonan’sAgro-Tourism Fair noong Enero 30 hang-gang Pebrero 4; at The Good Market fair ngMeralconoongPebrero29. “Naniniwala kami na malayo pa ang mararating ng produktong itona galing sa Atimonan. Umaasa kamina kasabay ng paglago ng negosyo ng ACFPA ay ang pag-angat ng kanilang ka-

buhayan.” sambit ni Meralco PowerGen VP Litz Santana. Nakapagbenta ang samahan ng 240 bote ng Spanish sardines sa isang araw na trade fair sa Meralco’s compound sa Pasig City na nagbigay sa ACFPA ng pagkakataon na mas maipakilala ang produkto sa mga bagongkustomers.#

Page 4: A1E, MGen: Kaisa ng Quezon laban sa COVID-19 · 2 days ago · Ang 50-anyos na taong gulang na front liner ay isa sa pitong kagawad ng Barangay Talaba na puspu-sang nagtatrabaho simula

Address: 2F Parco Bldg, Jose Rizal cor. Quezon St., Brgy. Zone 1, Atimonan, Quezon Province

Hotline Nos. 1800-10-7275859Email: [email protected], www.atimonan1energy.ph

Isang Tinig

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Isang Tinig

Cynthia Pardo Jester QuerubinFhilip Santander Patrick Collantes

Claire Feliciano

Grupong Editoryal

Tagapayong Patnugot

Kasangguni sa Editoryal

Litz Santana Chris Chua

CSR PARTNER: KAISA LABAN SA COVID-19ATIMONAN RURAL HEALTH UNIT

Kinikilala ng Atimonan One Energy, Inc (A1E) ang Atimonan Rural Health Unit (RHU) na pangunahing partner nito sa mga aktibidad sa ilalim ng pro-gramang “Kaisa sa Kalusugan” para sa mga residente ng bayan ng Atimonan. Ang RHU ang siyang nangungu-nangahensyasapaglabansaCOVID-19sa Atimonan. Dahil sa kanilang pag-sisikap, nananatiling COVID-free angbayan ng Atimonan. Kasama angmgaBarangay Health Workers, walang sawang nagbibigay ng mga serbisyong medikal sa lahat ng mga nangangailan-gan ang RHU. Bilang miyembro ng AtimonanCOVID-19 Task Force, ang RHU angnamumuno sa pagmo-monitor ng mga posibleng kasongCOVID-19atnagsa-sagawa ng mga hakbang upang agad na maagapan ang anumang pagkalat ng sakit. Isa din sa responsibilidad nila ang

pagbibigay ng mga impormasyon na dapat sundin ng mga mamamayan na dapat ng makagawian sa “new nor-mal” kagaya ng pag oobserba ng so-cial distancing, palagiang pagsususot ng face mask at paghuhugas ng ka-may. Bilang bahagi ng pag-responde sa pandemya, naglunsad ang RHU ng 24-oras na telemedicine program na nagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga residente sa pamamagitan ng pagtawag sa nakatalagang kawani ng RHU sa bawat barangay. Ang A1E ay kaisa ng RHU sa hangarin nitong magkaroon ng malu-sog at ligtas na pamayanan. Sa pam-amagitan ng pagtutulungang ito, mas higit na mapapapaunlad ang mga pro-gramang pagkalusugan para sa kapak-inabangan ng marami. Habang nagpapatuloy ang la-ban natin kontra COVID-19, sina-saluduhan ng A1E ang lahat ng mi-yembro ng grupong medikal at mga kawaningAtimonanRHU. Para sa iba pang impormasyon at katanungan, tumawag sa kanilang tanggapan sa numbero bilang (042) 316-5436 o bisitahin ang kanilang Facebookaccount-RHUAtimonan.#

Atimonan COVID-19 statusPatuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Atimonan sa gitna ng ipinatutupad na modified general community quarantine (MGCQ). Mayroon nang 13 positibongkaso sa bayan kabilang na ang dala-wang residente na una nang naiulat noong Hunyo at ang 11 bagong kaso na kinabibilangan ng mga health wor-kers na naiulat naman nitong Hulyo 5. Upang pigilan ang pagdami ng kaso ay agad na ipinasara ang health facility kung saan nagta-trabaho ang mga nag-positibo, at inilipat namanang mga pasyente sa iba pang ospital. Buwan nang Abril nang magta-laangAtimonanngunangpositibongresidente na ngayon at magaling na at nakabalik na sa trabaho. Nagpatupad ang lokal na pamaha-laan ng temporary restricted mobili-ty sa bayan habang nagsasagawa ng

contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga pasyente. Sumailalim naman sa strict home isolation sa mga pamilya ng mga pasy-ente habang ang iba namang direktang nakasalamuha ng mga ito ay dinadala sa itinalagang isolation facility upang maobserhaban kung magpapakita ito ng anumang sintomas ng sakit. Sa kabila nito, siniguro nina MayorRustico JovenMendoza atMu-nicipalHealthOfficerDr.RichardArgul-la na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang kaukulang hakbang upang hindi na kumalat pa ang pandemya sa iba pang barangay. Patuloy din nilang pinaalalahanan ang mga mamamayan hinggil sa pasun-od sa mga health at safety protocols na ipinatutupad ng COVID-19 MunicipalTaskForce.#