4 PP ROI/ED~ JH....

3
!I Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-DALAWAMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA W NG MIYERKOLES, IKA-4 NG HUNYO, 2003 SA GUSALING BATASAN NG PAMAHALAANG BAY AN . MgaDumalo: 1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg . LAUDEMER A. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg . PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTEMIO M. GOMEZ 10. Kgg. ROMEO P. AALA 11. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL **************** - Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong-barangay - Kagawad, Nanu nun gkulang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan 4 PP ROI/ED~ W . 1 ~ RES O LUTION IVO. ·----·-··········· .. KAUTUSANG BAYAN BLG. 1249-2003 (Sa mungkahi ni Kgg. Gomez na pinangalawahan ni Kgg. Algabre) PROVINCIAL BO IIRD ... '-f ~hr . .l-£ .. 20 JH. •••.•••• ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGBABAWAL NG PAGTATAYO NG HANAPBUHAY NA NIGHTCLUBS, BEERHOUSE, BAR, GAY BAR, KARAOKE BAR O ANUMANG PANGGABING BAHA Y ALIWAN O MGA KAUR! NITO AT IBA PANG HANAPBUHAY NA MAY NAGLILINGKOD NA "COMMERCIAL STEWARD" NA MAY TATLONG DAANG METRO (300 METERS) MULA SA ALINMANG LUGAL NG PAARALAN, SIMBAHAN O LUGAL PANALANGINAN, PAMAHALAANG BAYAN 0 BARANGAY AT IBA PANG AHENSIYA O TANGGAPAN NG PAMAHALAAN. SAPAGKA'T, katungkulan ng Pamahalaan na pangalagaan at pataasin ang moralidad ng mamamayan, lalo't higit ang mga kabataan; SAPAGKA'T, ang pagsusulputan ng mga beerhouse, bar, karaoke bar at iba pang bahay aliwang kauri nito ay napapatanim sa murang isipan at nakikita ng mga kabataan ang bisyo at paguubos ng oras sa mga bahay aliwan at gayundin ay nagiging palaisipan sa kanila ang uri ng hanapbuhay na nabanggit; SAPAGKA'T, ang mga paaralan, gusaling pampamahalan, pambayan man o pambarangay, gayundin ang mga lugal simbahan o panalanginan ay nararapat na nasasa lugal na may kaaya-aya at maipagmamalaking lugal lalo na sa mga panauhing nagsisidalaw sa bayan ng Santa Rosa, Laguna.

Transcript of 4 PP ROI/ED~ JH....

Page 1: 4 PP ROI/ED~ JH. •••.••••santarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2003/... · 2019-10-26 · tulad ng prostitusyon, pagpapalabas ng malalaswa at ipinagbabawal

! I

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-DALAWAMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA W NG MIYERKOLES, IKA-4 NG HUNYO, 2003 SA GUSALING BATASAN NG PAMAHALAANG BAY AN.

MgaDumalo:

1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTEMIO M. GOMEZ

10. Kgg. ROMEO P. AALA

11. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL

****************

- Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong-barangay

- Kagawad, Nanunungkulang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

4 PP ROI/ED~ W . 1~ RESOLUTION IVO. ·----·-··········· ..

KAUTUSANG BAYAN BLG. 1249-2003 (Sa mungkahi ni Kgg. Gomez na pinangalawahan

ni Kgg. Algabre) PROVINCIAL BOIIRD ... '-f ~hr . .l-£ .. 20 JH. •••.••••

ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGBABAWAL NG PAGTATAYO NG HANAPBUHA Y NA NIGHTCLUBS, BEERHOUSE, BAR, GAY BAR, KARAOKE BAR O ANUMANG PANGGABING BAHA Y ALIWAN O MGA KAUR! NITO AT IBA PANG HANAPBUHAY NA MAY NAGLILINGKOD NA "COMMERCIAL STEWARD" NA MAY TATLONG DAANG METRO (300 METERS) MULA SA ALINMANG LUGAL NG PAARALAN, SIMBAHAN O LUGAL PANALANGINAN, PAMAHALAANG BAYAN 0 BARANGAY AT IBA PANG AHENSIYA O TANGGAPAN NG PAMAHALAAN.

SAPAGKA'T, katungkulan ng Pamahalaan na pangalagaan at pataasin ang moralidad ng mamamayan, lalo't higit ang mga kabataan;

SAPAGKA'T, ang pagsusulputan ng mga beerhouse, bar, karaoke bar at iba pang bahay aliwang kauri nito ay napapatanim sa murang isipan at nakikita ng mga kabataan ang bisyo at paguubos ng oras sa mga bahay aliwan at gayundin ay nagiging palaisipan sa kanila ang uri ng hanapbuhay na nabanggit;

SAPAGKA'T, ang mga paaralan, gusaling pampamahalan, pambayan man o pambarangay, gayundin ang mga lugal simbahan o panalanginan ay nararapat na nasasa lugal na may kaaya-aya at maipagmamalaking lugal lalo na sa mga panauhing nagsisidalaw sa bayan ng Santa Rosa, Laguna.

Page 2: 4 PP ROI/ED~ JH. •••.••••santarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2003/... · 2019-10-26 · tulad ng prostitusyon, pagpapalabas ng malalaswa at ipinagbabawal

·"' "' ,-

Republic of the Phil ippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-2-

KA YA'T, sa pamamagitan ng isang mungkahing pinangalawahan ay:

IPINASISIY A, tulad ng dito 'y ginagawang P AGP AP ASIY A at ngayon nga ay IPINASIY A ang pagbabawal ng pagtatayo ng hanapbuhay na nightclubs, bar, gay bar, karaoke bar, bahay aliwan o anumang establisimyentong kauri nito at iba pang hanapbuhay na mayroong naglilingkod na "Commercial Steward'' tatlong daang metro (300 meters) mula sa alinmang paaralan, simbahan o lugal panalanginan, p<J.mahalaang bayan o barangay at iba pang ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na tutupad din sa sumusunod na patakaran:

Artikulo 1. Pagbibigay kahulugan sa mga termino:

l. Nightclubs/bar/gay bars!beerlwuse/bahay aliwan - establisimyento/ hanapbuhay na ang operasyon ay panggabi o hindi maihahalintulad sa mga establisimyentong may operasyon sa karaniwang oras na operasyon simula sa umaga, nagbebenta ng beer o anumang inuming nakalalasing, mayroon o walang nagsisilbing "commercial steward''.

2. Karaoke!videoke bar at kauri - establisimyentong karaniwang gumagamit ng mga video equipment sa pagkanta ng mga kostumer, na may pangunahing panindang beer, alak o anumang inuming nakalalasing, mayroon o walang nagsisilbing "Commercial Steward''.

3. Bahay Panalanginan - lugal na karaniwang tinatawag na simbahan, sambahan, lugal na pinagdarausan ng mga gawaing may kinalaman sa pananampalataya, relihiyon o · sektang nakatuon sa pangkabutihang ispiritual ng isang mamamayan na maaaring gusali o bahay, maliit man o malaki.

4. Commercial Steward - mga nagsisipaghanapbuhay sa mga establisimyentong ang tungkulin ay aliwin ang kostumer sa panahon ng pananatili nila sa beerhouse, nightclub at kauri nito sa pamamagitan ng pakikisalamuha o pagtigil/pag-upo sa isang hapag kasama ang kostumer, binabayaran man ito ng ayon sa oras ng pagsisilbi o tumatanggap ng komisyon sa mga inuming isinisilbi ng establisimyento.

Artikulo II. Ipatutupad ang pagbabawal ng pagtatayo o pagbibigay pahintulot sa paghahananapbuhay sa mga establisimyentong night clubs, bar, gay bars, karaoke bar, bahay aliwan o mga kauring hanapbuhay sa lugal na may tatlong daang metro (300 metro) ang layo sa alinmang paaralan, bahay pamahalaang pambayan, pambarangay, simbahan o lugal panalanginan, ahensiya o gusaling pampamahalaan.

Page 3: 4 PP ROI/ED~ JH. •••.••••santarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2003/... · 2019-10-26 · tulad ng prostitusyon, pagpapalabas ng malalaswa at ipinagbabawal

r .

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-3-

Artikulo III. Probisyon Matapos Mapagtibay.

Para sa mga kauring hanapbuhay na nakatayo na sa lugal na masasakop ng kautusang ito, ang may-ari, namamahala o mga tauhan dito ay binibigyan ng anim (6) na buwan, matapos itong mapagtibay o hanggang sa huling araw ng Disyembre, 2003 upang mailipat ang kanilang establisimyento sa hindi ipinagbabawal o di nasasakop ng lugal ng kautusang ito.

Artikulo IV. Kaparusahan sa Paglabag

Seksiyon 1. Sa lalabag ng batas na ito, ang Tanggapan ng Punong­bayan, sa pamamagitan ng License and Permit Office, sa tulong ng Punong-barangay na nakakasakop at Kagawad ng Pulisya ng Santa Rosa, Laguna ay siyang may kapangyarihan na isara o i-padlock ang establisimyento/pagsasampa ng kaukulang usapin sa husgado at pagmumulta ng halagang DALA WANG LIBO LIMANG DAAN PISO (P2,500.00).

Seksiyon 2. Sa mga hanapbuhay na ipinagbabawal sa mga itinadhanang lugal na siyang pinapaksa ng kautusang ito na mapatutunayan na nagsasagawa ng mga ilegal o labag sa batas na gawain tulad ng prostitusyon, pagpapalabas ng malalaswa at ipinagbabawal na panoorin ay paparusahan ng agarang pagsasara ng hanapbuhay at pagkansela sa permiso o pahintulot sa hanapbuhay.

Artikulo V. Ang Kautusang ito ay magkakabisa matapos itong mapagtibay at maipaskil at mailathala sa pahayagang may sirkulasyon sa buong bayan at karatig.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-20 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Lier noong Ika-4 ng

Hunyo,2003. ~

CYN IA . GOMEZ Pa bayang Kalihim