3rd Periodical Test Filipino I

7
REPUBLIKA NG PILIPINAS KAGAWARAN NG EDUKASYON DIBISYON NG LUNGSOD NG SANTA ROSA APLAYA NATIONAL HIGH SCHOOL ANNEX I APEX PANGUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO I Pangalan: ___________________________ Iskor: ________________ Taon/Seksyon: _________________________ Guro: ________________ I. A) Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot. ___1. Ito ay tulang pasalaysay na ang karaniwang pinapaksa ay di-kapani- paniwalang kabayanihan at kagitingan ng pangunahing tauhan sa kanyang mahabang paglalakbay at pakikidigma. a) Awit b) epiko c) korido d) elihiya ___2. Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda at naglalarawan ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. a) Wakas b) tauhan c) tagpuan d) kasukdulan ___3. Ito ang matandang pangalan ng Bicol at isa ring bantog na epiko tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki na sina Baltog, handiong at Bantong. a) Ibalon b) Bidasari c) Lam-ang d) Bantungan ___4. Ang ________ ay isang uri ng akda na sinulat sa tula o tuluyan na

description

sample test

Transcript of 3rd Periodical Test Filipino I

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON

DIBISYON NG LUNGSOD NG SANTA ROSA

APLAYA NATIONAL HIGH SCHOOL ANNEX I APEX

PANGUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO IPangalan: ___________________________ Iskor: ________________

Taon/Seksyon: _________________________ Guro: ________________I. A) Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.___1. Ito ay tulang pasalaysay na ang karaniwang pinapaksa ay di-kapani- paniwalang kabayanihan at kagitingan ng pangunahing tauhan sa kanyang mahabang paglalakbay at pakikidigma.

a) Awit

b) epikoc) korido

d) elihiya

___2. Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda at naglalarawan ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.

a) Wakas

b) tauhanc) tagpuand) kasukdulan

___3. Ito ang matandang pangalan ng Bicol at isa ring bantog na epiko tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki na sina Baltog, handiong at Bantong.

a) Ibalon

b) Bidasaric) Lam-angd) Bantungan

___4. Ang ________ ay isang uri ng akda na sinulat sa tula o tuluyan na naglalarawan ng buhay o ugali sapamamagitan ng salitaan at kilos ng mga tauhan upang itanghal sa dulaan.

a) Nobela

b) Saynetec) Moro-moro d)Dula o Drama

___5. Isa ito sa mga elemento ng banghay na naglalaman ng unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.

a) Kalutasan b) kakalasanc) Kasukduland) tunggalian

___6. Isa sa mga kilalang epiko ng mga Ilocano. a) Hudhud

b) Biag ni Lam-angc) Ibalond) Darangen

___7. Ang panukat sa panulaan na binubuonng isang maikling pantig na sinusundan ng isang mahabang pantig.

a) Anapaesticb) Dimeter

c) Iambicd) Trimeter___8. Panukat na panulaan na ang isang linya ay may anim hanggang siyam na pantig.

a) Dimeter

b) Iambic

c) Anapesticd) Trimeter___9. Ang epiko ay itinuturing ding ____________.

a) Alamat

b) tula

c) tulang bayani d) mito

___10.Isa sa mga kilalang epiko.

a) Bantugan b) Labaw Donggonc) Hudhudd) Kumintang B) Tukuyin ang pinaka-angkop na damdaming nakapaloob sa mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.

___1. Kami pa kaya ang magkakatuluyan hanggang sa huli?

a) Kinikilig

b) namamanghac) umiibigd) umaasa

___2. Siya na nga ba ang tunay na nagmamahal sa akin?

a) Kinikilig

b) nabibigla

c) umiibigd) umaasa

___3. Ako ba talaga ang kanyang gusto?

a) Kinikilig

b) nabibigla

c) umiibigd) umaasa

___4. Ikaw ba talaga ang gumawa ng lahat ng ito?

a) Kinikiligb) namamanghac) umiibigd) tuwang-tuwa___5. Ito ba ang klase ng proyektong ipapasa mo sa akin?

a) Pagkainis b) pagkatuwa c) pagkagalitd) pagmamahal

II. GRAMATIKA: A) Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ang _____________ ay aspekto ng pandiwa na nagpapahayag ng kilos na kasalukuyang ginagawa.

2. Ang _____________ ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay at iba pa na tinutukoy ng pangngalan o ng kasama nito sa loob ng pangungusap

3. _____________ ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.

4. _____________ ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang api.

5. _____________ ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.

B) Kilalanin at isulat sa patlang ang mga pangatnig na ginamit sa pangungusap.

________________1. Kami ay lubos na masisiyahan kung makatatapos ka ng pag-aaral.

________________2. Nang si Rodney ay makapamili siya ay umuwi na sa bahay.________________3. Alam ni Efren na mainit pa ang plantsa ngunit hinawakan niya pa rin ito.

________________4. Maraming pamilya ang magugutom kapag nagsara ang pabrika.

________________5. Siya ay sumigaw nang malakas upang tigilan ng kapatid na nambubuska.

C) Kupletuhin ang talahanayan ng mga pandiwa.

PERPEKTIBOIMPERPEKTIBOKONTEMPLATIBO

1.1. gumigising1.

2. pumasada2.2.

3.3. 3. mag-aangkat

4.4. nagtitinda4.

5. nagluluto5.5.

6. nag-aalaga6.6.

7. 7. humihingi7.

8. 8. pumapasok8.

9. 9.9. magtatalop

10.10.10. magpuputol

III. A) Isulat ang salitang Tama kung ang salitang may salungguhit ay pang-uri at Mali kung ito ay hindi pang-uri.

______1. Naniniwala tayong mga Pilipino na ang mga taong mararangal ay pinagpapala ng Diyos.

______2. Malayang namumuhay ang mga mamamayan sa ating bansa.

______3. Biglang-yaman si Jovy nang nagwagi sa patimpalak.

______4. Pinakatanyag na laro sa Pilipinas ang Basketball.

______5. Kahapon natapos ang panunungkulan ng aming alkalde.B) Punan ng angkop na pang-angkop ang bawat patlang. (10pts)

Mula sa isa ____ lahi at bayan ____ marangal, bunga ____ pinagsanib na kultura ____ kanluran at silangan kaya nananalaytay sa ugat ____ bawat Pilipino ang dugo ____ tunay ____ kabayanihan.

Ang tao, katulad ____ salita, ay nagsisilbi ____ instrumentong paghahatid ng mga bagay at gawa dahil sa natatangi ____ paggawa at dedikasyon ay kabayanihan ____ maituturing.

C) Bilugan ang pang-uri sa sumusunod na pangungusap. Tandaang ang inilalarawan lamang nito ay mga pangngalan at panghalip. Sa patlang sa unahan ng bilang tukuyin kung ang nasabing pang-uri ay payak, maylapi, inuulit o tambalan.____________1. Niregaluhan niya si Audrey ng manikang pikit-dilat.

____________2. Nasalubong ko ang isang pagkatangkad-tangkad na binata.

____________3. Tahimik ang buhay sa sariling bayan.

____________4. Nahulog sa mabahong putikan ang aking pera.

____________5. Mababangis ang hayop na nakalaban nila.APENDIKS