FILIPINObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Q1... · 2020. 10. 22. · Filipino –...
Transcript of FILIPINObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Q1... · 2020. 10. 22. · Filipino –...
1
FILIPINO Unang Markahan – Modyul 6
Aralin 6: Naisasalaysay nang
maayos at wasto ang buod,
pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento, mito,
alamat at kwentong bayan
7
Filipino – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Naisasalaysay nang maayos at wasto ang
buod, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat at
kwentong bayan.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng 2020
Department of Education – Region VII DepEd-Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg. , Sudlon, lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ma. Donavel F. Bughao Tagasuri: Myrna J. Mendaros, MaEd
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Carteza M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province Dr. Mary Ann P. Flores, Chief CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino
7 Filipino
Unang Markahan – Modyul 6
Aralin 6: Naisasalaysay nang
maayos at wasto ang buod,
pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento, mito,
alamat at kwentong bayan
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Naisasalaysay nang maayos at wasto ang
buod, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat at
kwentong bayan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ng gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat at kwentong bayan.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
v iii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
iv
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
v
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Panimula
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng panitikang Pilipino sa ating buhay
lalung-lalo na ang mga panitikan na nagmula partikular sa Mindanao. Ang
mga kwento, mito, alamat at mga kwentong bayan ay ilan lamang sa mga
panitikan na ating kinagigiliwan. Sa pamamagitan ng kanilang mga
panitikan mas nakilala natin kung anong uri ng pamayanan, pamumuhay
at kultura ang meron sila. Maraming mga kwento, mito, alamat at kwentong
bayan ang ating nabasa o napakinggan mula sa panitikan ng Mindanao. Di
natin mapagkaila na marami rin ang mga muslim na naninirahan sa
Mindanao. Sa modyul na to ating mababasa kung paano ba ang pagbinyag
ng isang Muslim.
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod at ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento, mito, alamat at
kwentong bayan;
2. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa akda; at
3. Naibibigay ang respeto sa kultura sa Mindanao.
Anong alam
mo sa paraan
ng pagbinyag
ng mga muslim
ng Mindanao?
Nasaksihan
mo na ba ang
binyagan nila?
v 2
Subukin
Panuto: Isaayos ang mga titik upang makabuo ng tamang sagot sa
katanungan. 1. Pagbibinyag ng mga Muslim (SPAGIALM)- __ __ __ __ __ __ __ __
2. Tawag sa paring Muslim (IAMM) - __ __ __ ___
3. Ikalawang seremonya na ginagawa sa ikapitong araw mula nang maipanganak ang sanggol (GENPUNGNGIT) - __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
4. Guro na dalubhasa sa pagbabasa ng Koran (IDATANP) - __ __ __ __ __ __ __
5. Ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga babaeng Muslim kung
saan tinatanggalan ng clitoris ang babae sa paniniwalang ito ang dahilan ng pagkalibog ng babae para makipagtalik sa lalaki o sa ibang lalaki (HASSUN)- __ __ __ __ __ __
6. Ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim (GBNA) -__ __ __ __
7. Nangangahulugang SERVANT at GOD (LAUBLAHD) - __ __ __ __ __ __ __
_
3
Balikan Panuto: Iugnay ang sagot sa Hanay B sa mga katanungan sa Hanay A
Isulat ang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
____1. Uri ng panitikan na naglalahad A. Alamat kung saan nagmula ang mga bagay sa mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga
pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa
mundo.
___2. Isa sa pinakamatandang uri ng B. Epiko
panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang taong dumanas ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari.
___3. Mga salaysay hinggil sa mga likhang C. Kwentong-bayan
-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae
___4. Ito ay kuwentong piksyon D. Maikling kwento tungkol sa buhay at karanasan ng mga diyos at diyosa, kwento. Ito ay
tumutukoy din sa mga kwentong hindi totoo na bunga lamang ng maikling kaisipan
at mga imahinasyon ng mga manunulat.
4
___5. Isang masining na anyo ng panitikan E. Mito na naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan
ng isa o ilang tauhan.
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawang mabuti ang mga panuto sa
bawat hakbang at gawain.
Ipaalala sa mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay
na papel para maisumiti sa guro ang mga
kasagutan at mabigyan ng nararapat na marka.
5
Tuklasin
Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may pagkakasunud-
sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya,
kaalaman, konsepto, impormasyon, gawain, o pangyayari sa isang
kwento.
Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran
ng pagkakasunud-sunod ng mga pangayayari sa kwento ay: una,
pangalawa , sumunod, pagkatapos, pagkatapos, nang malaunan,
nagsimula, unang-una, sa wakas, ang pinakahuli, pinakamahalaga.
Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay hinahati
ang bawat bahagi ng kwento sa mahalagang pangyayari: sa simula, sa
gitna at wakas. Sa simula ipinapakilala ang mga tauhan, ang lugar na
pinangyarihan at ang saglit na kasiglahan. Sa gitna naman ang
tunggalian, kasukdulan ng kwento at sa wakas naman ay ang
kakalasan at wakas.
Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay isang
paraan ng pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa
pagkuha ng mga pangunahing kaisipan ng bawat talata o
pangungusap sa kwento. Lubos sa nakakatulong ito upang makuha
rin ang mga mahahalagang detalye at impormasyon sa pagkasunod
sunod ng mga pangyayari.
PAGISLAM (Isang Kuwentong Muslim)
Mga Tauhan: Ibrah - ama ni Abdullah at asawa ni Aminah Aminah - babaeng Muslim at asawa ni Ibrah Tarhata - kapatid na babae ni Ibrah at tumulong sa panganganak ni
Aminah Abdullah - sanggol na lalaki sa kuwento Imam - tawag sa paring Muslim
Pandita - guro na dalubhasa sa pagbabasa ng Koran Talasalitaan:
ABDULLAH - nanggaling sa dalawang salita: ABD at ALLAH na nangangahulugang SERVANT at GOD, sa tahasang sabi "servant of God" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Ito ay ikinakabit madalas sa
6
mga pangalan ng kalalakihang Muslim. Samantala, ang katumbas naman nito sa mga pangalan ng kababaihang Muslim ay AMATULLAH.
BANG - Ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim. Ginagawa ito ilang oras pagkapanganak ng sanggol at sa pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng isang dasal mula sa Koran sa kanang tenga ng sanggol upang maikintal sa isipan nito ang pangalan ni Allah.
PENGGUNTING - Ikalawang seremonya na ginagawa sa ikapitong araw mula nang maipanganak ang sanggol. Ito ay ginagawa sa paraang gugupitan ang sanggol ng hibla ng buhok at ilulublob ito sa mangkok
na may tubig sa paniniwalang kapag lumitaw ang hibla ng buhok na ito sa tubig ay magiging maganda ang kapalaran ng bata at kung lumubog naman ito ay mamalasin ang bata.
PAGISLAM - Ikatlong seremonya ng pagbibinyag ng mga Muslim na ginagawa naman sa ikapito hanggang ikasampung taon ng bata. Ito ay hindi naiiba sa pagtutuli sa lalaking Kristiyano. SUNNAH - Ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga babaeng Mulim
kung saan tinatanggalan ng clitoris ang babae sa paniniwalang ito ang dahilan ng pagkalibog ng babae para makipagtalik sa lalaki o sa ibang lalaki.
MAULIDIN NABI - Pasko ang katumbas nito sa mga pagdiriwang pang-Kristiyano. Ito ay kandore o kaarawan ni Mohammad, ang kauna-unahan at kaisa-isang propeta ni Allah.
Narito ang BUONG KUWENTO mula sa aklat na PLUMA 7 ng Phoenix Publishing House, pp. 75--77, na sinipi rin mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas (Pat Villafuerte, et al.):
Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang
kanyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na... dumating na ang kanyang pinakahihintay.
Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay... Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at si Aminah. "Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday
habang binibihisan ang bagong silang na sanggol. "Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating panalangin," wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng
asawa. Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita
niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iiyak.
7
"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang ama," bulong sa sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang kanyang ina. "Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang bang."
Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang na inimbita ito para
sa seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak ito ng Imam at dali-daling hinagilap ang kanyang dasalan para sa gagawing seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang. "Allahu Akbar, Allahu Akbar Allahu Akbar, Allahu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha Ash-hadu, Allah la Ilaaha Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah. ...ang magandang aral niya." "Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo
ang magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam. "Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng Imam. "Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah. Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa
kanyang tirahan. Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang
palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya. Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak. "Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating
anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah. "Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah. At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao;
halos naroon nang lahat ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasalamat sa pagkakaroon nila ng supling.
Samantala, ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga panauhin.
Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at
8
gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na
pinagmasdan ito ng lahat. “Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid. Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang
kagalakan sa kanilang puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay. Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya.
Bawat isa sa mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo sa bata. siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abut-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah”, wika ng isang panauhin. “Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa. “Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,”
nakangiting sagot ni Aminah. “Sana kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba. “Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong
pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah.
Suriin
Panuto: Isunod-sunod ang mga pangyayari mula sa kwentong nabasa.
lagyan ng bilang 1-10.
___ "Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating panalangin," wika niyang sabay haplos sa
pawisang noo ng asawa. ___ “Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah. ___ Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang
kagalakan sa kanilang puso.
___ At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang
tao; halos naroon nang lahat ang mga kapitbahay na tutulong.
___ "Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.
9
___ "Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam.
___ Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan
seremonya.
___ Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang
paggunting.
___ “Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto
ng pagislam ni Abdullah”, wika ng isang panauhin. ___ “Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid.
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang
pagkakasunod nito. Lagyan ng bilang 1-6. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
___ Simula noon, hindi ko na siya nakitang gumagala sa kalsada.
___ Pagkatapos, dinala ko siya sa isang restaurant at binili ko siya ng
pagkain. Napag-alaman ko na wala na pala siyang mga
magulang.
___ Kaya nilapitan ko ang bata at tinanong kung ano ang kanyang
problema.
___ Kaya inihatid ko siya sa bahay ampunan.
___ Nang ako'y pauwi na, habang akong naglalakad patungo sa
sakayan ng dyip, may nakakita akong isang bata na umiiyak.
___ Umalis ako ng bahay upang samahan ang aking kaibigan na
bumili ng regalo para sa kaarawan ng kanyang ina.
Pagyamanin
10
Isaisip
Madalas tayong nagkukuwento ng mga pangyayaring nasaksihan o
naranasan subalit kung minsan hindi malinaw ang paghahatid natin ng
mensahe dahil na rin sa kakulangan ng mga detalye o kaya naman ay
napaghahalu-halo natin kaya’t maging ang kausap natin ay nalilito kung
nababago ang mga pangyayari. Ang bawat kuwento ay binubuo ng mga
sunud-sunod na pangyayari: simula, gitna, at wakas. Bawat manunulat ay
may kanya-kanya ring estilo ng pagkukuwento minsan ay pabalik na
nagsisimula sa gitna, patungo sa simula o tinatawag na “flashback.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Pagbibinyag ng mga Muslim na may tatlong yugto.
a. Adozan b. Maulidin Nabi c. Pagislam d. Sunnah 2. Ikalawang yugto sa pagbibinyag
a. Adozan b. Pagislam c. Penggunting d. Sunnah
3. Ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim.
a. Adozan b. Bang c. Pagislam d. Penggunting
4. Ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga babaeng Muslim.
a. Adozan b. Bang c. Penggunting d. Sunnah
5. Pasko ang katumbas nito sa mga pagdiriwang pang-Kristiyano.
a. Adozan b. Maulidin Nabi c. Pagislam d. Sunnah
Isagawa
11
Tayahin
Panuto: Lagyan ng titik A-C ang mga larawan ayon sa
pagkasunud- sunod ng pangyayari mula sa kwentong nabasa.
1.
______
2. ______
3. ______
12
Karagdagang Gawain
Panuto: Lagyan ng T kung ang pahayag ay tama at M naman kung hindi ginagawa o wala sa akdang binasa. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
___1. Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa
rin ng panday.
___2. “Babae! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday
habang binibihisan ang bagong silang na sanggol.
___3. Binuhusan ng tubig ang ulo ng bata.
___4. Sinundo ang pandita para maisagawa ang seremonyang bang.
___5. Ibinulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang.
___6. "Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo
ang magagandang aral niya,"
___7. Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa
ang ipapangalan sa anak.
___8. "Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak,"
___9. Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang bang.
__10. “Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid.
13
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.PAGISLAM
2.IMAM
3.PENGGUNTING
4.PANDITA
5.SUNNAH
6.BANG
7.ABDULLAH
Suriin
1.1 6. 2
2.10 7. 8
3.7 8. 6
4. 4 9. 9
5.3 10. 5
Balikan
1.a
2.b
3.c
4.e
5.d
Pagyamanin
1.6
2.4
3.3
4.5
5.2
6.1
Tayahin
8.b
9.a
10.c
Isagawa
1.c
2.c
3.b
4.d
5.
Karagdagang
Gawain
1.T
2.M
3.T
4.M
1.T
2.T
3.T
4.T
5.T
6.T
7.T
14
Sanggunian
https://www.facebook.com/f1l1p1n0y/posts/pagislamisang-kuwentong-muslimmga-tauhanibrah-ama-ni-abdullah-at-asawa-ni-
aminah/817908894918328/
https://www.google.com.ph/search?q=pagbinyag+ng+muslim&tbm=isch&ved=2ahUKEwiS2Niqx6bqAhVIGKYKHTHSAWcQ2-
cCegQIABAA&oq=pagbinyag+ng+muslim&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoCCAA6BQgAELEDOgQIABAYOgYIABAKEBhQkXZYsqYBYOioAWgAcAB4AIAB3QWIAag3kgELMi03LjQuMi40LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAA&sclient=img&ei=t5_5XtKgIMiwmAWxpIe4Bg&bih=657
&biw=1366#imgrc=ojM6A2TTwUI8oM&imgdii=bQ0P_OstWJDQTMhttps://www.google.com.ph/search?q=picture+of+a+pregnant+muslim&tbm=isch&ved=2ahUKEwiXlKjKsrPrAhUFXJQKHVzPBxMQ2-
cCegQIABAA#imgrc=krhMpQe1mPBAWM
https://www.google.com.ph/search?q=pagislam&tbm=isch&ved=2ahUKEwjN4f7bsrPrAhXCzIsBHRkgAYkQ2-
cCegQIABAA&oq=pagislam&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIABBDOgUIABCxAzoICAAQsQMQgwFQu8o0WIzXNGCR5DRoAHAAeACAAYUBiAHyBpIBAzIuNpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=zHZDX83L
NcKZr7wPmcCEyAg#imgrc=PVXZFAYcE3DwLM
https://www.google.com.ph/search?q=pagislam&tbm=isch&ved=2ahUKEwjzrbWEtrPrAhWHHaYKHdJcDFEQ2-
cCegQIABAA&oq=pagislam&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6CAgAELEDEIMBOgUIABCxA1COmgJYxs4CYOvaAmgBcAB4BIABeogBzAmSAQM1LjeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei=RnpDX_PyOo
e7mAXSubGIBQ#imgrc=8KMD_6Fi2PKLzM
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=Awrxgvm9ekNfr3kAXADfSQx.;_ylu=X3oDMTB0N2poMXRwBGNvbG8Dc2czBHBvcwM
xBHZ0aWQDBHNlYwNwaXZz?p=pagislam+picture&type=YHS_PCH_56545_%2456545_000863%24¶m1=mT_S2O6VItEHHXwhiSIYBZsNPG33hzOUdUJ2M0xdvorkGpj3PaIbLcjBCsbI8xiqfobh97MqP7Oj9hMYf
SeJ4xYFojyQwwJ4WLrd3qxURjz1GTVnCj4O2uGaFimZH-XfOuOSXsg3nNbNNqnHNgKyBgmwepMv3mTawKACkLTnwS2_UIz3lO_jpZKsouUYWjHNoe05uCItmc8kFEWuW1OSLwzU4lZA9IRahOk3T4xCMhDrXmCq06tVJIODwZl57I34p6YySs1vPXvJL37XobX8DGGfwdF8VY
6unYGdiAWbQcslIejgbK7jfw_xI8MFfvCHqbdpAWHInnEi9ArMVah_PzSS&hsimp=yhs-newtab&hspart=Lkry&ei=UTF-8&fr=yhs-Lkry-newtab&guccounter=1&guce_referrer=aHR0cHM6Ly9waC5zZWFyY2gu
15
eWFob28uY29tL3locy9zZWFyY2g_cHVibGlzaGVyaWQ9NTY1NDUmaHNwYXJ0PUxrcnkmdHlwZT1ZSFNfUENIXzU2NTQ1XyQ1NjU0NV8wMD
A4NjMkJmhzaW1wPXlocy1uZXd0YWImcD1wYWdpc2xhbStwaWN0dXJlJnBhcmFtMT1tVF9TMk82Vkl0RUhIWHdoaVNJWUJac05QRzMzaHpPVWRVSjJNMHhkdm9ya0dwajNQYUliTGNqQkNzYkk4eGlxZm9iaDk3TXFQN09qOWhNWWZTZUo0eFlGb2p5UXd3SjRXTHJkM3F4VVJqejFHV
FZuQ2o0TzJ1R2FGaW1aSC1YZk91T1NYc2czbk5iTk5xbkhOZ0t5Qmdtd2VwTXYzbVRhd0tBQ2tMVG53UzJfVUl6M2xPX2pwWktzb3VVWVdqSE5vZTA1dUNJdG1jOGtGRVd1VzFPU0x3elU0bFpBOUlSYWhPazNUNH
hDTWhEclhtQ3EwNnRWSklPRHdabDU3STM0cDZZeVNzMXZQWHZKTDM3WG9iWDhER0dmd2RGOFZZNnVuWUdkaUFXYlFjc2xJZWpnYks3amZ3X3hJOE1GZnZDSHFiZHBBV0hJbm5FaTlBck1WYWhfUHpTUw&
guce_referrer_sig=AQAAAMMA5D3gjNNhkrPJwkpXlIhgDyW9nxzDS0EJYSAa7UWSlDWtS62lzU_17AB7oqt1cvT5rHiOebpEm98gchQnxQw0avF2Zge1nIjW9gSrtOYb9iRZTZRMQb_0pVXRSxDYu90Nx30dR-m3KTAKltKNay2CDj0K0JAY4eQvid_rj0d2#id=2&iurl=http%3A%2F%2
Fstbernadettepublishing.com%2Fimages%2Ftextbooks%2Fjournal-hs-fil.jpg&action=click
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - DepEd - Cebu Province
Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405
Email Address: [email protected]