20 bugtong

6
Mga Bugtong Sagot: kandila 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa huma Sagot: langka 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: ampalaya 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ilaw 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: anino 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: banig 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

description

mga bugtong

Transcript of 20 bugtong

Page 1: 20 bugtong

Mga Bugtong

Sagot: kandila 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa huma 

Sagot: langka 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. 

Sagot: ampalaya 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. 

Sagot: ilaw4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.  

Sagot: anino 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. 

Sagot: banig 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. 

Sagot: siper 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. 

Page 2: 20 bugtong

Sagot: gamu-gamo 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. 

Sagot: gumamela9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

   Sagot: kubyertos 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. 

Sagot: kulambo 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. 

Sagot: kuliglig 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. 

Sagot: kulog 13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan. 

Page 3: 20 bugtong

Sagot: kumpisalan 14. May bintana nguni't walang bubungan, may pinto nguni't walang hagdanan. 

Sagot: palaka 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. 

Sagot: kasoy 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. 

Sagot: paruparo 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. 

Sagot: mga mata 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. 

Sagot: tenga 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. 

20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 

Page 4: 20 bugtong

Mga Kwentong Bayan

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.  Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.  Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako,  wika ni Santol.  Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.Daig kita, wika ni Mangga.  Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero.  Bulaklak ko'y marami at pulang-pula.  Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo.  Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika ni Niyog.  Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.  Payat na at wala pang bulaklak at bunga.  Tingnan ninyo.  Wala siyang kakibu-kibo.  Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.Nagtawanan ang mga punungkahoy.  Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.  Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip.  At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy.  Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Page 5: 20 bugtong

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.  Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.  Tuwang-tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa limang dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong niya ang limang dosenang itlog.  Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.  Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.  Saka siya umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.