2. Matapat Na Pakikitungo Sa Kapwa

3
1 Baitang 5 MATAPAT NA PAKIKITUNGO SA KAPWA Sa modyul na ito, makikilala mo kung paano maipakikita ang katapatan sa pakikitungo sa kapwa. Makikilala rin ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoong damdamin sa kabila ng panganib na masaktan ang pagsasabihan. Basahin ang sumusunod: Alamin Mo Pag-aralan Mo PANALANGIN O Diyos na Dakila, gawin mo po sana ako Na tulad Mong totoo at tapat mangusap. Sa matatabil ang dila, huwag mo po akong itulad Sa pagsisinungaling ayoko pong mahawahan Sa mabubuting kaibigan ako po’y ilapit nang lubusan. Ang aking mga payo, gawin mo pong mabisa Para sa mga kaibigan at kakilalang matapat. Ang kalooban nila huwag po sanang masaktan Upang ang pagsasamahan nami’y humaba at tumagal. Ang akin pong hangarin ay para sa kabutihan, Mangusap nang totoo ako’y tulungan Manloko ng kapwa laging maiwasan Ito ang nais kong sa akin ay tularan.

description

Module

Transcript of 2. Matapat Na Pakikitungo Sa Kapwa

Page 1: 2. Matapat Na Pakikitungo Sa Kapwa

1

Baitang 5

MATAPAT NA PAKIKITUNGO SA KAPWA

Sa modyul na ito, makikilala mo kung paano maipakikita ang katapatan sa pakikitungo sa

kapwa. Makikilala rin ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoong damdamin sa kabila ng

panganib na masaktan ang pagsasabihan.

Basahin ang sumusunod:

Alamin Mo

Pag-aralan Mo

PANALANGIN

O Diyos na Dakila, gawin mo po sana ako

Na tulad Mong totoo at tapat mangusap.

Sa matatabil ang dila, huwag mo po akong itulad

Sa pagsisinungaling ayoko pong mahawahan

Sa mabubuting kaibigan ako po’y ilapit nang lubusan.

Ang aking mga payo, gawin mo pong mabisa

Para sa mga kaibigan at kakilalang matapat.

Ang kalooban nila huwag po sanang masaktan

Upang ang pagsasamahan nami’y humaba at tumagal.

Ang akin pong hangarin ay para sa kabutihan,

Mangusap nang totoo ako’y tulungan

Manloko ng kapwa laging maiwasan

Ito ang nais kong sa akin ay tularan.

Page 2: 2. Matapat Na Pakikitungo Sa Kapwa

2

Sa nabasang panalangin, ano ang idinalangin ng nagdarasal?

Magagalit ka ba kung payuhan ka ng iba kapag may napansin sa iyong hindi maganda?

Bakit nais ng nananalangin na tularan siya ng iba?

Ang pagsasabi ng totoo, kahit masaktan ang sasabihan, ay nagpapakita ng matapat na

pakikitungo sa kapwa.

Hindi nararapat na manloko ng tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling upang pagtakpan

ang katotohanan.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Gawin ito

sa kuwadernong sagutan.

1. Nasisiyahan ka ba kapag nakakikita ka ng tao na pinagtatanungan ng estranghero ngunit

ang ibinibigay namang impormasyon ay mali at naiiba sa totoo? Ano ang nararapat mong

gawin?

2. Noong maliit ka pa, ang buong akala mo ay anak ka ng magulang mo. Ngunit pagdating

mo ng grade I, natuklasan mong ampon ka lamang pala. Walang nakakaalam sa iyong

mga kaibigan na ikaw ay ampon lamang. Ano ang gagawin mo?

3. May nagawa kang pagkakamali sa klase na hindi mo alam. Patuloy mo itong nagagawa

hanggang kausapin ka ng isang kaibigan at sabihin sa iyo ang iyong pagkakamali at

sabihan kang huwag nang gawin ang dati mong ginagawa. Ano ang magiging reaksiyon

mo?

4. Malakas ang loob ng isa sa iyong mga kaklase na manggulo kapag wala ang guro.

Nangunguha rin siya ng naiibigang gamit na hindi kaniya. Alam mong mali ang

kaniyang ginagawa ngunit takot kang ipaalam ito sa iba. Isa ka sa pinagkakatiwalaan ng

guro. Ano ang magagawa mo para matigil na ito?

Isaisip Mo

Isapuso Mo

Page 3: 2. Matapat Na Pakikitungo Sa Kapwa

3

1. Gumawa ng islogan tungkol sa matapat na pakikitungo sa kapwa o kaya ay sa pag-iwas

sa panloloko ng kapwa. Ipaliwanag ito sa klase.

Isagawa Mo