13 Lungsod Ng Malabon

download 13 Lungsod Ng Malabon

of 5

description

Lugar

Transcript of 13 Lungsod Ng Malabon

MAPA NG LUNGSOD NG MALABON

SAGISAG NG LUNGSOD NG MALABON

KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MALABON

Ang malabon ay isa sa pinaka matandang munisipalidad at isang lugar na nagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa. Ang bayan na ngayon ay isa nang lungsod ay biniyayaan ng natural na mga atraksiyon, mga gusaling pangnegosyo, mahaba at mayamang look, isang matibay na ekonomiya, maayos na pamahalaan, at mga taong may malawak na pag-iisip at nakikitungo ng maayos sa ibang tao para maipakita ang lugar na kanilang ipinagmamalaki.

Ang Lungsod ng Malabon kasama ng mga naninirahan dito, ay nagpapahayag ng diwa ng buhay at lakas na madaling maunawaan. Ang lakas na ito ay sumasalamin sa kanyang heograpiyang posisyon: isang malawak na lupaing nakaharap sa asul na dagat na may makasaysayang lupain sa likod nito. Isang lungsod na may hinahangaang nakaraan, isa itong kilalang bayan magmula pa noong panahong sakupin ng mga Kastila ang bansang Pilipinas.Ito'y mayroong matibay na lakas at nag-aalok sa isang makulay na mga tanawin na binago na ng panahon. Ang pagkakaroon ng masayang pagkakahalohalo ng luma at bago ay ilan sa mga natatanging istraktura, ang lungsod ng Malabon ay mabilis na umuunlad gaya ng mga modernong siyudad sa bansa at punong-puno ng mga gawain sa lahat ng aspeto ng buhay, gawin itong industriya, komersiyal, kultura o pulitika.

Ang orihinal na pangalan ng bayan ay tambobong, ang Malabon ay ang "visata" ng Tondo na itinakda ng mga Paring Agustino noong ika 21 ng Mayo, 1599 at naiwang bayan sa ilalim ng administratibong kapangyarihan ng probinsya ng Tondo mula 1672 hanggang 1688. Ang Malabon ay ginawang opisyal na munisipalidad ng bagong probinsya ng Rizal noong ika-11 ng Hunyo, 1901 mula sa kabutihan ng Philippine Commission Act 137.

Mula ng ipinahayag ang Philippine Commission Act 942, Ang Malabon ay naging kabahagi ng Navotas sa ilalim ng bagong gobyerno. Noong ika 6 ng Enero, 1906, ang Philippine Commision Act 1441 ay naglalayong ihiwalay ang Malabon sa Navotas at ginawang isa sa dalawang munisipalidad ng probinsiya ngv Rizal.Sa mahigit kumulang 70 taon, ang Malabon ay patuloy na naging Munisipalidad ng Rizal, hanggang noong ika 7 ng Nobyembre 1975, mula sa Presedential decree No. 824, ang Malabon ay naging bahagi ng kalakhang Maynila o Pambansang Punong Rehiyon.

MAKASAYASAYANG LUGAR AT MAGAGANDANG TANAWIN SA LUNGSOD NG MALABONSAN BARTOLOME CHURCH SA MALABON

PRODUKTO NG LUNGSOD NG MALABON

PANSIT MALABON

PANSIT MALABON