Viruses amd malwares

Post on 19-Oct-2020

22 views 1 download

description

EPP (ICT)

Transcript of Viruses amd malwares

Aralin 6ANG MGA PANGANIB NA DULOT

NG MALWARE AT COMPUTER VIRUS

Sagutin ang sumusunod na tanong: naranasan mo na bang magkasakit tulad ng sipon o ubo? 1. Paano mo ito nakuha? 2. Nahawa ka lang ba? 3. Ano ang iyong pakiramdam nang magkaroon nito? 4. Paano ka gumaling sa iyong sakit? 5. Paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng sipon at ubo?

Nagkakasakit din ang computer

tulad ng tao. Kung paanong

nagkakasakit ang tao nang dahil sa virus, gayundin ang computer.

Tinatawag itong computer virus at

malware.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Naranasan mo na ba ang biglang pagbagal at pagre-restart ng iyong computer?

2. Ano ang ginawa mo nang maranasan mo ito?3. Ano sa iyong palagay ang dahilan ng pagbagal at pagrerestart ng iyong computer?

Ang malware o malicious software ay idinisenyo upangmakasira ng computer. Sa pamamagitan ng malware, maaaring ilegal na makuha ang sensitibong impormasyon mula sa computer.Ang mga halimbawa ng malware ay virus, worm, o trojan.

Ilang Karaniwang Uri ng Malware VIRUS-Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa. Mas matindi ito kaysa sa worm. Halimbawa nitoay W32 SFCLMOD.

WORM- Isang nakapipinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network. Halimbawa: W32 SillyFDCBBY, W32Trresba.

SPYWARE- spyware Malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila alam.

TROJAN HORSE- Isang mapanirang program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang iyong mahahalagang impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa: JS Debeski Trojan.

ADWARE- Software na awtimatikong nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng mga anunsiyo o advertisement sa computer. KEYLOGGERS- Malware na nagtatala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard keystrokes at ipinadadala ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password at personal na data ng mgabiktima. DIALERS - Software na may kakayahang tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung ang dial-up modem ang gamit na internet connection.

Ilang Karaniwang Uri ng Malware

Ano ang computer virus? Ang computer virus ay isang

uri ng programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong aplikasyon o iba

pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit at nagpaparami ng sarili.

Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang walang pahintulot mula sa gumagamit

o user.

PAANO BA MALALAMAN NA ANG ISANG KOMPYUTER AY MAY VIRUS?

BIGLAANG PAGBAGAL NG TAKBO NG COMPUTER

PAGLABAS NG MGA ERROR MESSAGES SA BINUBUBUKSANG

WEBSITES

DI-PANGKARANIWANG INGAY SA LOOB NG COMPUTER

HINDI PAGGANA NG ANTI-VIRUS SOFTWARE SA COMPUTER

BIGLAANG PAGRE-RESTART NG COMPUTER

PAGBABAGO NG ANYO NG COMPUTER TULAD NG DESKTOP

DISPLAY AT WALLPAPER AT CURSOR.

Paano maiiwasan ang malware

3. Magdalawang-isip bago mag-click ng mga link o mag-

download ng kahit ano

7. Gumamit ng antivirus

software

5. Huwag magtiwala sa

mga pop-up na window na

humihiling sa iyong mag-

download ng software

4.Mag-ingat sa

pagbubukas ng mga

attachment o larawan sa

email6. Limitahan

ang pagbabahagi

mo ng file

2. Gumamit ng account

na hindi pang-

administrator sa tuwing

posible

.1.

Panatilihing napapanahon

ang iyong computer at

software

Gawain A: Puwede o Di-puwede? Banggitin ang salitang “Puwede” kasabay ng thumbs up na senyas kung ang

pahayag ay mabuting gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng computer virus/malware. Sabihin naman ang “Di-puwede” kasabay ng thumbs down na senyas kung hindi ito nararapat gawin. 1. Pag-scan nang regular sa iyong kompyuter. 2. Paglalagay ng anti- virus na mapagkakatiwalaan

6. Panonood ng malalaswang palabas sa internet. 7. Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website.

3. Pagbubukas ng attachment galing sa isang email o mensahe na hindi alam ang pinanggalingan o hindi kilala ang sender.

8. Pag-iwas sa pagbukas ng mga email o mensahe na kahina-hinala.

4. Pag-iwas sa pag-download ng mga ilegal na kopya ng kanta, pelikula, at iba pa mula sa internet

9. Pagbubukas ng isang attachment sa email na naglalaman ng malware.

5. Pagpapanatiling updated ng kompyuter at software.

10. Pag-i-install o paglalagay ng libreng mga programa o toolbars ng mga browsers.

Gawain B: Mag-Scan Tayo . . . 1.Panoorin ang guro habang siya ay na

magsagawa ng scan sa files na nasa flashdrive gamit ang anti-virus software na naka-install sa computer.

2. Pakinggang mabuti ang paliwanag ng guro habang nag-iiscan ng files.

Mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa malware at virus sa kompyuter. Ang paglalagay ng anti-virus software at regular na pag-i-iscan ng mga dokumento at pagbubukas lamang ng websites na kapaki-pakinabang ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware at virus sa ating kompyuter.

Subukin Mo:Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M kung mali._____1. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-lipat samga document o files sa loob ng computer._____2. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan namay virus ito._____3. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ngimpormasyon mula sa mga tao nang hindi nila nalalaman._____4. Ang malware ay anumang uri ng software na idinisenyoupang manira ng sistema ng computer._____5. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa nanagkukunwaring isang kapakipakinabang na aplikasyon.

VIR

US

WO

RM

SPYW

AR

E

AD

WA

RE

KEY

LOG

GER

S

DIA

LER

S

TRO

JAN

HO

RSE

Gawain : Pag-usapan Natin!

1. Makinig sa paliwanag ng guro tungkol sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng virus at malware ang computer.

2. Magsulat ng tala sa iyong kuwaderno.

3. Punan ang diagram ng mga dahilan ng pagkakaroon ng virus at malware sa computer. Isulat ito sa mga pahabang piraso ng kartolina. Idikit ang mga pirasong ito sa diagram.

Gawain A: Malware . . . Iwasan!Ang sumusunod ay mga paraan kung paano maiiwasan angpagkakaroon ng malware sa computer. Tukuyin kung ito ba ay tamang gawin o mali.Mga Paraan kung Paano Maiiwasanang Pagkakaroon ng Malware sa

Computer

1. Pag-update ng computer at software. 2. Paggamit ng account na hindi pang-administrator. 3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng mga link o

mag-download ng anumang bagay. 4. Pagdadalawang-isip bago magbukas ng mga attachment

o larawan sa email. 5. Hindi pagtitiwala sa mga pop-up window na humihiling

na mag-download ng software. 6. Pagiging maingat sa pagbabahagi ng files. 7. Paggamit ng anti-virus software.