The kingdom power of worship and praise

Post on 19-Nov-2014

353 views 7 download

description

 

Transcript of The kingdom power of worship and praise

John 4:24 “Ang Dios ay Espiritu: at

ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay

kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

1Corinthians 6:19“O hindi baga ninyo nalalaman

na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na

nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa

inyong sarili;”

2Corinthians 6:16“At anong pakikipagkaisa mayroon

ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y

templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako

sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging

kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.”

Romans 14:17-18 17 Sapagka't ang kaharian ng

Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.

18 Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.

Revelation 19:1-6 1 Pagkatapos ng mga bagay

na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi, Aleluya; Kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios:

2 Sapagka't tunay at matuwid ang kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

3 At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.

4 At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, Siya nawa; Aleluya.

5 At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.

6 At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.

God Bless