Post on 29-Mar-2015
Isang Pag-aaral Ukol
sa mga Epekto ng Social Networking sa mga mag-aaral
Sulating Pananaliksik Bilang Bahagi ng
Mithiin ng Guro sa Filipino 2
Eldriane Crispe
Derick Cho
Mico Dela Cruz
Greginor Unday
Bb. Cecilio
(Guro sa Filipino)
Talaan ng Nilalaman
Approval Sheet ___________________________ i
Pasasalamat ______________________________ ii
Dedikasyon _______________________________ iii
KABANATA I
Panimula _______________________________ 1
Paglalahad ng Suliranin_________________ 2
Saklaw at Limitasyon ___________________ 3
Kahalagahan ng Pag-aaral _______________ 4
KABANATA II
Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura__ 5-6
KABANATA III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit _____________ 7
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon __________________ 8-10
KABANATA V
Lagom, Konklusyon Rekomendasyon ___________________ 11-14
TALASALITAAN
BIBLIOGRAFI
CURRICULUM VITAE
Approval Sheet
Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epekto ng Social Networking sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady Of Fatima sa Unang Taon sa kursong BSIT at CS” ay inihanda at ipinasa nila Eldriane Crispe, Mico Dela Cruz, Derick Cho at Jerol Cruz bilang bahagi ng katuparan ng proyekto sa Filipino 2.
Nirekomenda ni:
_______________________
Bb. Cecilio
(Guro sa Filipino)
i
Pasasalamat
Sa lahat ng mga taong tumulong upang magkaroon ng kaganapan ang
gawaing ito, isang taos pusong pasasalamat. Sa aming pamilya, na aming
naging inspirasyon sa paggawa ng pananaliksik na ito, sa kanilang walang
sawang tulong at suportang pinansyal na ibinigay upang matapos ang
pangangailangan para dito. Sa mga kaibigan, na tumulong at naging gabay ko sa
paggawa nito. At para sa aking guro, Bb. Cecilio na nakatuwang namin at gabay
upang magawa ang sulating pananaliksik na ito.
ii
Dedikasyon
Ang munting gawaing ito ay buong pagmamahal namin inaalay sa aming
pamilya.
Sila ang aming mga inspirasyon sa buhay at ito ay taos puso naminf
inihahandog sa kanila. Nagpapasalamat kami sa Poong May kapal sa
pagkakaloob sa amin ng pamilyang katulad ng mayroon kami ngayon.
iii
Kabanata I
Panimula
Sa kasalukuyang panahon ay wala ng imposible. Ang lahat ay abot kamay
na lamang sa mura at mabilis na paraan. Sa isang pindot lang ay maaari nang
maabot ang iba’t-ibang panig ng mundo sa pinakamalapit o pinakamalayo man
ng dahil sa social networking.
Tunay na naging napakatalino na ng tao, sana ay huwag siyang
makalimot na sa lahat ng ito ay manguna pa rin ang pagkilala sa Dakilang
Lumikha ng lahat. Ang Social Networking ay maraming naidudulot na kabutihan
subalit maaari ring magdulot ng kasamaan kung pagmamalabisan.
Ang Social Networking ay bunga ng karunungan na kaloob ng Panginoon
na nararapat na gamitin sa mabuti at maayos na pamamaraan.
1
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga salik at epekto ng
Social Networking sa ating ekonomiya.
1. ) Ano ang Social Networking?
2. ) Epekto ng Social Networking.
3. ) Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng
masasamang epekto nito satin?
4. ) Ano ang mga uri ng Social Networking?
2
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay naghahangad lamang na malaman ang ilang
usapin ukol sa Social Networking at mga epekto nito sa mga mag-aaral. Layunin
ng pagsusuring ito na alamin ang impluwensya at epekto nito sa mambabasa.
3
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing kapaki-pakinabang sa lahat. Sa mga
mambabasa nais naming maipabatid kung ano ang maaaring epekto at
impluwensya ng pag-aaral na ito.
4
Kabanata II
Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura
Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa
sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o
maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na
relasyon.
Nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social
network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung saan ang
mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging
sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila.
(Wikipedia Organization)
Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga
serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para bumuo ng isang
pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag
nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system,
makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at para
makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag
pa ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan
nitoang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.
Ayon sa kanila, ang pag-unlad ng Social Networking ay nagsimula sa
isang websayt . At sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao
na makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng
mga kaibigan. Nakatulong ito sa mga tao para makonekta at makapag padala ng
mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa websayt
na iyon, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito
kaya hindi rin ito nagtagal
(Boyd at Ellison)
Kabanata III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit
Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga
impormasyon tungkol sa pag-aaral.
Paraang Ginamit
Ang mananaliksik ay gumamit ng isang “descriptive research method”.
Kung saan ito ay naglalaman ng mga nararapat na impormasyong kailangan sa
pag-aaral.
Instrumento na Ginamit
Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang instrumento sa
pangangalap ng mga datos. Upang malaman ang mga sanhi at bunga ng Social
Networking sa ating paligid.
Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na
nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa ng pag-aanalisa ng
mananaliksik.
1. Ano ang Social Networking?
Ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga
nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng
isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan,
hilig, at sexual na relasyon.
2. Epekto ng Social Networking.
Epekto sa sarili
Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng
mga teenagers bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang
mapag-usapan ang isang isyung pangmadla o kilala rin bilang
forum para ipakita ng kontra-sosyal at palabang ugali. Kadalasan,
ang komunikasyon sa Internet ay nauugnay sa madalas na
paggamit ng
mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. Marahil ang
kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa
8
Internet ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay
pwedeng iwan ng kung sinuman na nagsulat ng masamang
komento sa pamamagitan ng paglo-logoff.
Epekto sa Pamilya
Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang mga potensyal
na pakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon
kay Kraut at kanyang mga kasamahan sa isang longitudinal na
pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet
ay
may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan
sa mga kaibigan at pamilya.
Epekto sa lipunan
Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman ng mga
teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa
ibang mga komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas
ng kamalayan at oportunidad sa mga teenagers na parte ng mga
binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng
kaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila. Mayroon rin itong
mga masasamang epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng aktibismo
na tutungo sa aksyong sosyal.
3. Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng
masasamang epekto nito satin?
Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng
masasamang epekto nito dahil ito ay kumukuha ng identidad o
impormasyon at pornograpiya. Lumabas rin sa pag-aaral ang
malawak na kamalayan sa seguridad. Ito ay dahil sa mga
karanasan ng kanilang mga kaibigan o kaya ay sa sariling
kaganapan sa kanilang buhay. Isa pang dahilan ay ang mga
lumalabas sa media na nagging impluwensyal sa pananaw at
desisyon ng tao.
4. Ano ang mga uri ng Social Networking?
Friendster.com
MySpace
Multiply
Orkut
Tagged
Kabanata V
Lagom
Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao partikular ang
mga estudyante tungkol sa social networking. Marami ang naidudulot na
maganda ang mga social networking sites na ito para sa pakikipaghalubilo sa
mundong virtual. Bagama’t
alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng
pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa rin nila ang
pagiging aktibo sa mga social networking sites na ito sa kadahilanang nakikita
nila at naipapakita nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga ito.
Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networking bilang isang “social
trend” na humahatak sa bawat estudyante na gumawa ng kani-kanilang sariling
account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon ng account sa
mga social networking sites sapagkat nawawala ang seguridad ng mga
estudyante at maari silang masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na tao
na mayroon ding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi,
mayroon ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon ng accounts
sa mga social networking sites ngunit sa mga nakalap na impormasyon, mas
nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito sa kanila at sa kanilang
mga kaibigan, kapamilya at iba pa.
11
Lahat ng ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang
social networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at ang mga
benepisyo nito sa kanila ay kanila aming nararamdaman.
Konklusyon
Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na impormasyon ay
napag-alaman ang mga sumusunod:
1. Ang paggamit ng Social Networking ay higit na nakakabuti para sa
pakikihalubilo at pagpapakita ng sariling identidad.
2. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng
masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o
impormasyon at pornograpiya.
3. Ang Social Networking ay nagtataglay ng pakikibahagi sa isang
komunidad ng mga tao upang maging malawak ang kanilang kamalayan
sa seguridad.
4. Ang Social Networking ay nanatiling mabuti pa rin ang epekto sa iba sa
kadahilanang pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak sa
ibang bansa, pagpapatibay ng relasyon sa mga kaibigan at
pakikipagkaibigan sa mga taong hindi kakilala.
Rekomendasyon
Base sa mga nakuhang konklusyon sa pag-aaral na naisagawa,
inirerekomenda ng manunulat ang mga sumusunod :
1. Higit na pag-aralan pa ang paggamit ng Social Networking Sites upang
higit na maunawaan ang mga mabubuti at masasamang implikasyon nito.
2. Maging maingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network
upang makaiwas sa mga manloloko.
3. Para sa mga kabataang gumagamit na Social Network Sites, gamitin ito
sa mabuting paraan.
4. Huwag samantalahin ang paggamit ng SN. Ito ay makakatutulong upang
mas mapaganda pa ang paggamit ng social networking.
Talasalitaan
Social networking - isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa
mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming
tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na
relasyon.
Websayt- isang koleksyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan
sa isang partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide
Web sa Internet
Kompyuter- isang uri ngmekanismong ang ginagawa ay mangasiwa ng
mga datos ayon sa mga panuto.
Internet - kilala ring “information superhighway”ay malawakang pang
madlang daan na pinagsama-samang kompyuter networks
15
Bibliografi
Acquisti, A., & Gross, R. (2006). Imagined communities: Awareness,
information sharing, and privacy on the Facebook. In P. Golle & G.
Danezis (Eds.), Proceedings of 6th Workshop on Privacy Enhancing
Technologies (pp. 36-58). Cambridge, UK: Robinson College.
Berkowitz, Stephen D. 1982. An Introduction to Structural Analysis: The
Network Approach to Social Research. Toronto: Butterworth.
Wikipedia
http://en.wikipedia.org/wiki/Computer
http://en.wikipedia.org/wiki/Internet
http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail
http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com
http://multiply.com/info/about
Health and Home (2007-2008)
Patungkol sa Awtor
I. Personal na Datos
Pangalan: Eldriane Crispe
Edad:17
Kapanganakan: December 26, 1992
Lugar ng Kapanganakan: Pasay City
Pangalan ng Ama: Elmer Crispe
Pangalan ng Ina: Diana Crispe
II. Educational Background
Paaralan Taon
Sekondarya: Saint Mary’s College 2009
Elementarya: Saint Mary’s College 2005
I. Personal na Datos
Pangalan: Derick Cho
Edad:18
Kapanganakan: September 16, 1991
Lugar ng Kapanganakan: Pasig City
Pangalan ng Ama: Florencio Cho
Pangalan ng Ina: Tita Cho
II. Educational Background
Paaralan Taon
Sekondarya: Seed Academy Foundation Inc. 2008
Elementarya: Philippine Yuh Chiau School 2004
I. Personal na Datos
Pangalan: Mico Dela Cruz
Edad:18
Kapanganakan: September 9, 1991
Lugar ng Kapanganakan: Manila
Pangalan ng Ama: Joel Dela Cruz
Pangalan ng Ina: Beth Dela Cruz
II. Educational Background
Paaralan Taon
Sekondarya: Gen. T. De Leon Nat. High School 2009
Elementarya: Bitik Elementary School 2004
I. Personal na Datos
Pangalan: Greginor unday
Edad:21
Kapanganakan: July 23, 1986
Lugar ng Kapanganakan: Cagayan Valley
Pangalan ng Ama: Gregorio Unday
Pangalan ng Ina: Norma Unday
II. Educational Background
Paaralan Taon
Sekondarya: Baesa Highschool 2000
Elementarya: Baesa Elementary School 1997