Script.docx

Post on 13-Dec-2015

228 views 2 download

description

News Script

Transcript of Script.docx

[Intro: Mga volunteer na naglilinis]

-Felix tumutulong sa kanyang mga volunteer para sa proyekto nilang Linis Kapaligiran Proj.-Habang nag mamasid masid si Felix, may nakita siyang binata na kung saan ay nakita niya ang kanyang sarili noon.[Flashback]-Isang binata na anak ng mayaman. -Tapon dito, tapon doon, yun ang Gawain ni Felix.-Sa tuwing inuutusan itong linisin ang kanyang kwarto, sinusuway niya ito at hinahayaan lamang ang tambak ng basura.-Pasaway na bata si Felix, hindi siya marunong sumunod sa mga hindi dapat gawin at dapat gawin[Isang araw, habang siya ay nasa iskwelahan, nakita siya ng kanyang guro na basta basta na lamang tinapon ang kanyang pinagkainan kung san nya man magustuhan.]-Tinawag ng guro si Felix at pinagsabihan ng mga iilan na bagay at kapag makita daw umano siya ng guro na sinusuway ang mga kanyang sinabi ay ipapatawag niya ang kanyang mga magulang[Ang Kalikasan ay mapaglaro, Lahat ng mga basurang itinatapon natin kung saan saan, babalik rin satin. Sambit ng guro kay Felix](Tatlong bagay na ibinilin ng Guro)*Huwag na magtapon kung saan saan at itapon sa tamang lagayan*Pulutin ang mga kalat sa daan kung may makita man*Huwag itapon ang basura sa kahit ano mang bahagi ng tubig(eg. Ilog, dagat)-Ngunit imbis na sundin nya ito sinuway niya ang mga sinabi ng guro.[Isang araw, inutusan ng kanyang guro na isalin sa mas malaking basurahan ang basurahan nila sa loob ng kanilang classroom]-Hindi niya alam na ito ay isa lamang pagsusulit upang malaman ng guro kung talaga ba niyang sinusunod ang kanyang mga ibinilin.-Kinuha ni Felix ang basurahan-May nakita siyang basura sa daan niya ngunit imbis na pulutin ay tinadyakan nya lamang ito palayo-Sa kadahilanan rin na siya ay tinatamad, naghanap siya ng pinakamalapit na pwede tapunan upang matapos agad ang kanyang Gawain. -Nadala siya ng kanyang paghahanap sa ilog-Nagmasid masid siya at tiningnan kung may tao bang nakatingin sakanya at ng matyempuhan niya, itinapon agad niya ang basura at takbo agad palayo[Hindi pa man nakakarating sa kanyang classroom ay naka abang na agad ang guro sa harapan ng pintuan, galit]-Idineretso ito sa guidance at ipinatawag agad ang kanyang mga magulang.-Pinagalitan siya, pinagsabihan at pinauwi na rin-Habang pauwi ay narinig niya sa radio na may malakas na bagyong paparating[Naalala niya ang sinabi ng kanyang guro na mapaglaro ang kalikasan]-Ngunit para sakanya ay wala lang ito dahil siya ay kampante na hindi sila masasalanta ng bagyo

-Kinabukasan, napakalakas ng ulan.-Habang nanonood ang kanyang magulang ay narinig niya na mas lalakas pa daw umano ang bagyo sa kadahilanan na mabagal.-Bigla siyang nakisali sa usapan ng kanyang magulang at nagsabing hindi lahat ng napanood sa telebisyon ay totoo[Habang lumalakas ang ulan ay umaapaw na rin ang tubig sakanila]-Nagtaka si Felix kung bakit bumabaha sakanila, ngayon pa lamang ito nangyari sakanila.-Napilitang lumikas ang pamilya ni Felix dahil sa lakas ng ulan at sa pagbaha.[Lumipas na ang bagyo matapos ang dalawang araw at humupa na rin ang baha ay habang papauwi sila sa kanilang bahay, nakita niya ang resulta ng bagyo, napakaraming kalat, sira-sirang bahay etc]-Nalungkot siya sa sinapit ng mga tao, may ibang namatayan, may ibang nawalan ng gamit, bahay.-Napaisip siya sa kanyang mga pinag gagawa na dahil lamang sa mga simpleng ginagawa natin sa kalikasan ay may malaki itong epekto sa katagalan-Naisipan niya na kumbinsihin ang kanyang magulang na gumawa ng foundation upang matulungan ang mga nasalanta dahil angat rin naman sila sa buhay-Pumayag ang magulang-Nagpasalamat ang binata sa guro dahil sa kanyang mga itinuro at nag paumanhin na rin dahil sa kanyang mga hindi pagsunod dito. -Nagorganisa ang kanyang mga magulang ng mga Proyekto upang makatulong sa kalikasan[makalipas ang ilang taon, siya na ang nagpatuloy ng oragnisasyon na ito at nagpapatuloy parin][Ending ng flashback]-Nilapitan ni Felix ang bata at pinagsabihan ng mga dapat gawin sa pagtatapon ng basura sa tamang tapunan[Music Video starts]Mga hindi dapat at dapat gawin.