Post on 10-Oct-2015
description
Understanding by Design: RBV Social Studies Developmental Template
Understanding by Design: JASMS-Manila
Guro: Liberty C.Tibay Antas: Unang Taon
Asignatura: Filipino I
Kabanata/Pangkalahatang Paksa: Yunit 1. Pag-aaral ng Wika at Pagbasa gamit ang ibat ibang uri textong lunsaran sa Pilipinas.Tagal ng pagtalakay: 36 Araw Markahan: Unang Markahan
Hakbang #1: Inaasahang Bunga
Sandigang Layunin (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral sa sariling wika Filipino ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa sa mga textong lunsaran.Pamantayang Kasanayan
Paggamit ng G.R.A.S.P.S
Pangmatagalang pagkaunawa
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kaalaman sa ibat ibang texto at kakayahang pang wika tungo sa pagtamo ng kasanayang pang komunikatibo at apat na makrong kasanayan (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat) gamit ang mga textong lunsaran na mga piling akdang pampanitikan sa Pilipinas.Mahahalagang tanong:
Paano nagkakaugnay ang agham at kapaligiran?
Anu-ano ang mga mahahalagang kaisipan sa texto?
Anu-ano ang mga sangay ng pamahalaan?
Anu-ano yung mga batas na pinaiiral sa pilipinas?
Bakit kailangang sumunod sa batas?
Gaano kahalaga ang edukasyon at kasaysayan?
Anu-ano ang mga pangunahing kabuhayan ditto sa Pilipinas?
Bakit nagkaroon ng demokrasya sa bansa?
Paano nagkakaroon ng ugnayan ang mamamayan at batas?
Pangkaalaman:
Pangkaalaman:
Ang mga mag-aaral ay malalaman..
Aralin 1:Kasaysayan ng wika
-Uri
-katangian
-antas
-kahalagahan ng wika
Mga textong lunsaran
Aralin 2:Agham at Kapaligiran
Textong Argumenteytiv
(Panghihiram ng Salita Batay Sa bagong Alfabeto)
Aralin 3:Paglalakbay at Kultura
Textong Narativ
(Mga Ponemang Suprasegmental)
Aralin 4:Ang Pamahalaan at mga Batas
Textong Persweysiv
(Mga Salitang may Klaster at Diptonggo)
Aralin 5: Relihiyon at Kasaysayan
Textong Eksposisyon
( Mga Salitang Pares- Minimal)
Aralin 6:Edukasyon at Kasaysayan
Textong Informativ
(Pagbubuo ng Ibat Ibang Salita Buhat sa Punong Salita Paglalapi, Pag-uulit, at Pagtatambal )
Aralin 7: Pakikipagkalakalan at Kabuhayan
Textong Informativ
( Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Layon:
Naglalahad,Naglalarawan,Nagsasalaysay
At Nangangatwiran)
Aralin 8: Mga Pag-aalsa Laban sa Kolonyalismo
Textong Informativ- Narativ
( Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Pagkakabuo:Payak,Tambalan,Ugnayan at Langkapan)
Aralin 9: Pagsulat ng Talambuhay
Aralin 10:Heograpiya at Kabuhayan
Textong Persweysiv(Mga Salitang Nagpapakilala ng
Dami, Lawak o Lokasyon. Tiyak o di tiyak)
Aralin 11.Mamamayan at Batas textong
Argumenteytiv-Eksplanasyon
(Pagsalungat at Pagsang-ayon)
Aralin 12:Kalakalan at kabuhayan
Textong Informativ (Simbolo, Imahe at
Pahiwatig-salita/ PangungusapKasanayan:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang
Napalalawak ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga kaisipan o paksa;
Natatamo ang mga kasanayan at kaalaman sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon;
Nasusuri ang textong argumenteytiv batay sa tono at layunin ng pagkakalahad nito sa alfabeto
Nakapagbibigay-halaga sa mga ponemang suprasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin
Napipili ang mga salitang may diptonggo at salitang may klaster na ginamit sa texto
Natutukoy ang mga salitang may pares-minimal na ginagamit sa texto
Natutukoy ang uri ng texto ayon sa pagbibigay nito ng mahahalagang impormasyong nagpapabatid at nagbibigay ng kaalaman
Magagamit nang wasto ang ibat ibang uri ng pangungusap ayon sa layon.
Nagagamit nang wasto ang ibat ibang uri ng pangungusap ayon sa pagkakabuo
Nagagamit ang mga salitang nagpapahayag ng dami o lawak,lokasyon o direksyon at tiyak o di-tiyak
Nakikilala ang mga salitang ginagamit sa pagsang-ayon at pagsalungat
Natutukoy ang mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng simbolismo, imahe at pahiwatig
DisposisyonAng mga mag-aaral ay
Pagpapahalaga sa kapaligiran. Pagpapahalaga sa mga tradisyon at kaugalian sa ating bansa. Pagkilala sa batas na ipinatutupad dito sa bansa. Pagpapahalaga sa batas ng Diyos at ng tao. Pagpapahalaga sa Edukasyon. Pagiging matiyaga at masikap. Pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa. Pagpapahalaga sa mga impormasyong nakalap. Pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kapayapaan tinatamasa. Pagpapaunlad ng kalakalan.
Hakbang # 2 Katibayan sa Pagtaya
Itinalagang Gawain (Performance Tasks:)
(G)Goal Ang layunin ng gawain ito ay mapaunlad ang kakayahang pang komunikatibo at mapahalagahan ang apat na makrong kasanayan
(R)Role Ang bawat isa ay magiging kasapi ng pangkat I-IV na binubuo ng 5 hanggang hang 6 miyembro
(A)Audiences
Ang mga inaasahang manonood ay ang mga mag-aaral o guro
(S)Situation Itatanghal ng mahusay ang ibat ibang gawaing nakalaan sa bawat paksa
(P)Product Performance and Purpose Sa pamamagitan ng mga textong natalakay , ipapakita ang pagpapahalaga at pagtataya sa ibat ibang gawain tulad ng (pag-uulat, pag-awit,pagguhit,pag-arte at iba pa )
(S)Standards and Criteria for Success Ang mga gawain ay kailangang tumugon sa pamantayang itinalaga ng rubrik.
Iba Pang Katibayan:
A. Pag-uulat (Pakikinig)B. Dula-dulaan(Bodily Kinesthetic Inteligence/Oral Interpretation)C. Pagbibigay interpretasyon sa texto (Pasalita/Pasulat)D. Pag-awit/rap (Pakikinig)E. Pagsulat/Pagguhit
F. Debate(Pagsasalita)
Pamantayan/Kagamitan sa Pagtaya:
A. Lapis at pampapel na pagsususulit
B. Rubric para sa:
1.pag-awit/rap 2. Pagbibigay interpretasyon sa texto
3.Dula-dulaan 4.Pag-uulat
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
Aralin2.:Agham at Kapaligiran
(Reforestation: Sagot sa lumalalang suliranin sa kagubatan )
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss.:
1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitan
Unang-araw
2. Pagganyak ( Verbal Linguistic), (Visual Spatial)1.Magpakita ng mga larawan tungkol sa masamang epekto ng pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan at mga tagpo ng kalunos-lunos na pangyayaring naganap sa bansa
2. Pag-usapan ang sanhi at epekto ng mga pangyayaring naganap sa Pilipinas
3.Magpabigay ng maaaring maging solusyon sa problemang ito
3. Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan
1. Pagbasa ng texto
Ipababasa ang textong Reforestation: Sagot sa lumalalang suliranin sa kagubatan
2. Pagtalakay sa nilalaman (Malayang Talakayan)
a.Ipasagot ang mga tanong sa bahaging ito sa pahina 4-5
b.Bigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na malayang talakayin ang reforestation ng bansa c.Pasagutan ang mga tanong sa pahina 5-6
3. Pagtalakay sa uri at katangian ng texto
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa textong argumenteytiv Ikalawang-araw
4. Pagtalakay sa Istruktura ng Wika
a.Ipasagot Ang pagsasanay sa Suriin sa pahina 6-7
b.Gagabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay sa pagpapayamang
pang gramatika sa pahina 7-8
c.Magbibigay ng mga halimbawang ginamit sa binasang texto.
Hal. Ang reforestation ay salitang hiniram batay sa bagong alfabeto.
Pagpapalawak ng Kaalaman (Pangkatang gawain )
a. basahin ang isang kauring texto sa pahina 9 at gamitin ang grapikong ito sa paghahambing.
b. sasagutin ng mga mag-aaral ang Gawain A sa pahina 9-10
c. sa tulong ng mga Gawain B at C,gabayan ang mga mag-aaral sa pagkilala ng ugnayan ng kasanayang nililinang at ng gamit ng wika sa pahina 10-12Ikatlong-Araw
4.Pang wakas na Gawain
Pagtataya (Indibidwal na gawain)
1. Magbibigay ng tiglilimang halimbawa ng mga pangalang pantangi batay sa walong letrang nadagdag sa alfabeto
Tao Gusali Lugar Sakayan
2. Magtala ng sampung salitang hiram na pareho at nanatili parin ang bay
Bay.
1._____________________
2._____________________
3._____________________
4._____________________
5._____________________
6._____________________
7._____________________
8._____________________
9._____________________
10____________________
5.Takdang aralin
1.Basahin ang Aralin 2: Paglalakbay at Kultura
sa pahina 13-22 ng Pintig I
Multiple Intelligence verbal linguistic
visual spatial
linguistic I.
bodily kinesthetic
Edukasyong pagpapahalaga
Araling panlipunanSanggunian
Pintig I
pp.2-12
Kagamitan
Batayang-aklat, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Mga tanong
1.
2.
3.
4.
5Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
3 araw
Aralin 3:Paglalakbay at Kultura (Kasaysayan ng lahi )
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss.:
1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitan
Unang-araw
2. Pagganyak ( Verbal Linguistic), 1.Sasabihin ng guro nabago pa dumating ang mga dayuhan sa ating bansa ay may sarili ng kultura at kalinangan ang ating mga ninuno. Ipatutukoy ng guro ang mga ito sa mga mag-aaral
2. Pag-uusapan ang mga nandayuhan sa ating bansa at ang mga naiambag nila sa ating kultura
3. Pag-uusapan din kung ang naiambag ng mga dayuhan sa ating kultura ay nakatulong sa pagkakakilanlan ng ating lahi
3. Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan
1. Pagbasa sa textong lunsaran
Ipapabasa ang textong Kasaysayan ng lahi
2. Pagtalakay sa Nilalaman
1. Sa tulong ng fan-fact organizer iisa-isahin ang mga naganap sa kasaysayan ng Pilipinas mula pa sa panahon ng bago pa dumating ang mga kastila.
2. Magkakaroon ng Malayang talakayan na sasagot sa mga tanong na
1.Anu-Anong kultura ang naidagdag ng mga dayuhan sa kulturang Pilipino
2.Anu-anong kaisipan ang nabuo matapos mabasa ang akda tungkol sa
India,Persya at Tsina
Kastila
Amerikano
Hapon
Tribo/Cultural Minorities Muslim
Taga-Panay
3.Anu-anong mga paniniwala ang nabuo buhat sa binasang texto?
4.Anu ang nais iparating ng texto sa mambabasa?
Ikalawang-araw3. Pagtalakay sa Uri ng texto
Pagtalakay sa textong Narativ.
Malayang talakayan
1. Anong panahon ng pananakop ang naibigan mo? Bakit?
2. Anu-anong mga kaalaman/Impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa bawat panahon ang iyong nabatid?
4.Pagtalakay sa Istruktura ng wika
Pagpapalawak ng Kaalaman (Pangkatang gawain )
a.Ipabasa ang kauring texto sa pahina 20
b. Magkakaroon ng pangkatang gawain
Pangkat I- Gawain A sa pahina 20-21
Pangkat II-Gawain B sa pahina 21
Pangkat III-Gawain C sa pahina 21
Pangkat IV-Gawain D sa pahina 22
Ikatlong-Araw
4.Pang wakas na Gawain
Pagtataya (Indibidwal na gawain)
Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa at gumawa ng sanaysay
1. Mga tradisyong dapat iwaksi/panatilihin
2. Ang sama-samang pagdarasal ng mag-anak tuwing orasyon
3. Ang paglaganap ng ibat ibang relihiyon
5.Takdang aralin
Basahin ang akdang Pamahalaan at mga batas sa Pahina 23-29
Multiple Intelligence
verbal linguistic
visual spatial
linguistic I.
bodily kinesthetic
Edukasyong pagpapahalaga
Araling panlipunanSanggunian
Pintig I
pp.13-22
Kagamitan
Batayang-aklat, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Mga tanong1.Anu-Anong kultura ang naidagdag ng mga dayuhan sa kulturang Pilipino?2.Anu-anong kaisipan ang nabuo matapos mabasa ang akda?
3.Anong panahon ng pananakop ang naibigan mo? Bakit?4.Anu-anong mga kaalaman/Impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa bawat panahon ang iyong nabatid?
5. anong bisang pandamdamin ang naramdaman mu matapos mabasa ang texto?
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
3 araw
Aralin 4:Pamahalaan at Batas (Value Added Tax:Isang Sistemang Pagkukunan ng buwis)
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss.:
1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitan
Unang-araw
2. Pagganyak ( Verbal Linguistic), 1.Magkakaroon ng pangkatang Gawain sa pagbibigay reaksyon sa sumusunod na paksa:Pangkat I at II- Kahalagahan ng VAT sa pag-ulnlad ng ekonomiya ng bansa
Pangkat III at IV-Kawalang-halaga ng VAT sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
2.Pag-usapan ang dagdag na buwis sa pagtaas ng mga bilihin
3.Tatalakayin ang epekto ng VAT sa mga negosyante,mamamayan, may-ari ng mga pagawaan at iba pang mamamayan3. Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan
1. Pagbasa ng textong Value Added Tax:Isang sistemang pagkukunan ng buwis sa pahina 23-24
2. Pagtalakay sa Nilalaman
Magkakaroon ng Malayang tanungan para sa mga mag-aaral
1. Banggitin ang mga suliranin ng pamahalaan sa kasalukuyan
A._______________________
B._______________________
C._______________________
D._______________________
2.Ipaliwanag kung paano makatutulong ang VAT,isang sistemang pinagkukunan ng buwis, sa mga sumusunod:
Proyekto ng bayan-pagpapagawa ng tulay ,kalsadang pampubliko,ospital at paaralan
Pagpapadali ng industriyalisasyon
Kaunlaran ng bansa
Pagsugpo sa tax evasion
Pagbawas sa tiwali/nandarayang mangangalakal
3. Sa palagay mo, makukumbinsi kaya ng texto ang mga mambabasa na tangkilikin ang VAT?
4. Ano ang kaisipang nabuo pagkatapos mabasa ang akda?
5. Ano ang paniniwalang ipinahayag ng may akda? anu-anong mga bagay ang kanyang binanggit upang suportahan ang kanyang paniniwala?
Ikalawang araw 3.Pagtalakay sa uri at katangian ng texto
a. Pagtalakay sa textong persweysiv
b. Tatalakayin ang dalawang paraang ginagamit sa paghikayat
4. Pagtalakay sa istruktura ng wika
a. sasagutin ang pagsasanay sa ilalim ng suriin sa pahina 26
b. itatanong sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng diptonggo at klasterIkatlong-araw
4.Pang wakas na Gawain
Pagpapalawak ng kaalaman
1. ipabasa ang kauring texto sa pahina 27
2. pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat
Pangkat 1-Gawain A
Pangkat 2-Gawain B
Pangkat 3-Gawain C
Pangkat4-Gawain D
Pagtataya (Indibidwal na gawain)
a.Ipagawa ang Gawain sa p.29
b.Magbigay ng hal. Ng mga salitang may kambal-patinig
1.aw_______ 2.oy_______
3.sw________ 4.uy_______
5.ey________
c.. magbigay ng hal. Ng mga salitang may kambal-katinig
1.gr__________ 2.su__________
3.sw_________ 4.pr__________
5.ku__________
5. Takdang aralin Basahin ang akdang Relihiyon at Kasaysayan sa Pahina 30-38Multiple Intelligence
verbal linguistic
visual spatial
linguistic I.
bodily kinesthetic
Edukasyong pagpapahalaga
Araling panlipunanPintig I
pp.23-29Kagamitan
Batayang-aklat, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Mga tanong:
1.Anong mga bilihin sa panahon natin ngayon ang may tax?
2.Sa palagay mo, makukumbinsi kaya ng texto ang mga mambabasa na tangkilikin ang VAT?
3. Ano ang kaisipang nabuo pagkatapos mabasa ang akda?
4.Ano ang paniniwalang ipinahayag ng may akda? anu-anong mga bagay ang kanyang binanggit upang suportahan ang kanyang paniniwala?Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
3 araw
Aralin 5: Relihiyon at Kasaysayan (Pamilyang Pilipino:Tagapagpahayag ng mabuting balita sa ikatlong Milenyo)
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss. 1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitanUnang Araw
2.Pagganyak
1. Itatanong sa mga mag-aaral kung anong relihiyon ang kinabibilangan nila
2. Ibibigay ang mga katangian ng relihiyong kinabibilangan nila
3.Pag-uusapan ang naidudulot ng pananmpalataya sa pamilyang Pilipino
4. Magbibigay ng sariling karanasan na naidulot ng pananampalataya3. Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan 1. Pagbasa sa textong lunsaran
Ipabasa ng guro ang textong Pamilyang Pilipino:Tagapagpahayag ng mabuting balita sa ikatlong Milenyo sa pahina 30-38 2. Pagtalakay sa Nilalaman
A. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kaisipang nabuo sa texto.
Mga halimbawa
Kaisipan
Paliwanag
Halimbawa
B.Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang mga pahayag:
1. Mahalaga ang pananampalataya ng bawat pamilya sapagkat ito ang nagsisilbing gabay at bigkis ng pagmamahalan at pagpapahalaga sa isat isa
2. Ang pamilyang may pananmpalataya sa diyos ay magtatamo o makadarama ng tunay na kapayapaan sa kanilang puso at isipan
C. Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga kaisipang nabuo pagkatapos talakayin ang texto
Ikalawang araw 3. Pagtalakay sa uri at katangian ng texto
1.Tatalakayin ang teoryang Ekposisyon
Pagsisimula
Istayl upang mapalawak at mapagyaman ang kaalaman
Paraan ng pagwawakas
4.Pagtalakay sa istruktura ng wika
a. sasagutin ang pagsasanay sa suriin sa pahina 34
b. tatalakayin ang pagpapayamang panggramatika
c. iisa-isahin ang mga pares-minimal na ginamit sa textong lunsaran
Ikatlong-araw
4.Pang wakas na Gawain
Pagpapalawak ng kaalaman
1. babasahin ng mga mag-aaral ang textong kauri sa pahina 35
2. magkakaroon ng pangkatang Gawain sa pahina 36-38
Pangkat I-Gawain A
Pangkat II-Gawain B
Pangkat III-Gawain C
Pangkat IV-Gawain D
Pagtataya
Pagsulat
Paksa: Pamilyang Pilipino,nagkakaisa tungo sa pambansang kaunlaran
1. sumulat ng textong eksposisyon
2. gumamit ng mga salitang may pares-minimal
3. bigyang tuon ang paraan ng pagkakasulat
5.Takdang aralin
Basahin ang akdang Edukasyon at Kasaysayan sa Pahina 39-47
Araling Panlipunan Religion
Edukasyong PagpapahalagaPintig I, pp.30-38Kagamitan
Batayang-aklat, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Mga tanong:
1. Anong mga relihiyon ang mayroon tayo sa Pilipinas?
2. Anong relihiyon ang kinabibilangan mo?
3. Sa iyong palagay anong mabuting maidudulot ng relihiyon sa pagsasama ng pamilya? Bakit?
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
3 araw
Aralin 6: Edukasyon at Kasaysayan
(Ang wika sa Edukasyon ng mga Pilipino)
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss.:
1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitan
Unang araw
2. Pagganyak
1. Magkakaroon ng debate tungkol sa paksang Anong wika ang mabisang panturo sa klase Filipino o Ingles?
2. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral sa pagpili ng wika at magkakaroon ng talakayan.
3. Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan
1. Pagbasa sa textong Ang wika sa Edukasyon ng mga Pilipino sa pahina 39-40
2. Pagtalakay sa Nilalaman
Magkakaroon ng malayang talakayan sa klase gamit ang mga tanong sa ibaba:
1. Sa palagay nyo,aling wika ang mabisang panturo sa mga asignatura sa mataas na paaralan? Ipaliwanag.________________________2. Ano ang kahalagahan ng mga sumusunod na petsa kaugnay ng kasaysayan ng wikang pambansa
3. Naging mabisa ba ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura? Ipaliwanag._________________________
4. Batay sa texto,nagging mahirap ba o nagging madali ang pagpapalaganap ng wikang pambansa?________________
5. Sa palagay nyo, bakit hindi katanggap-tanggap sa mga mamamayan ang paglalagay sa Filipino bilang kapantay ng Ingles sa pagtuturo?
a._______________________
b._______________________
c._______________________
d._______________________
Ikalawang -araw
3.Pagtalakay sa uri at katangian ng texto
1. Itatanong ang mahahalagang impormasyong nabatid sa textong binasa.
2. Babasahin ang Talakayin sa pahina 42
4. Pagtalakay sa istruktura ng wika
a.Ipasasagot ang Suriin sa pahina 43.
b. tatalakayin ang psgpapayamang panggramatika sa pahina 43-44 upang makabuo ng ibat ibang salita buhat sa punong salita.
Ikatlong-araw Pagpapalawak ng Kaalamana. ipabasa ang isang kauring texto sa pahina 44-45
b. pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa ang pahina 45-47
Pangkat I-Gawain A
Pangkat II-Gawain B
Pangkat III-Gawain C
Pangkat IV-Gawain D
Pagtataya
A. Sasagutin ang bahaging ito sa pahina 47
B. Magtatala ng mga salita buhat sa textong binasa.
Salita Paglalapi Pag-uulit Pagtatambal
5.Takdang aralin Basahin ang akdang Pakikipagkalakalan at Kabuhayan sa Pahina 48-54
Araling PanlipunanEdukasyong pagpapahalaga
Pintig I
pp.39-47
Kagamitan
Batayang-aklat, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Mga tanong:
1.Sa palagay nyo,aling wika ang mabisang panturo sa mga asignatura sa mataas na paaralan?
2. Naging mabisa ba ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura?
3.Batay sa texto,nagging mahirap ba o naging madali ang pagpapalaganap ng wikang pambansa?
4.Sa palagay nyo, bakit hindi katanggap-tanggap sa mga mamamayan ang paglalagay sa Filipino bilang kapantay ng Ingles sa pagtuturo?
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
3 araw
Aralin 7: Pakikipagkalakalan at Kabuhayan
(Ang kalakalang galyon)
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss.:
1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitan
Unang araw2.Pagganyak
1.Itatanong kung bakit hindi umuunlad ang ekonomiya sa ating bansa. Iisa-isahin ang mga sanhi at bunga gamit ang fish bone
2.Pag-usapan ang epekto ng krisis sa ekonomiya ng bansa
3. Maglagay ng maaring maging solusyon sa problemang ito gamit ang PECS
Problem
Effect
Cause
Solution
1.
2.
3.
4.
5.
3.Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan
1. Pagbasa sa textong lunsaran
Ipababasa ang textong Ang kalakalang galyon
2.Pagtalakay sa nilalaman
Magkakaroon ng game show Tanong ko, Sagot mo
1 Ano ang nais iparating ng texto?____________________________
2.Anu-anong mahahalagang impormasyon ang ibinigay ng texto tungkol sa mga dahilan ng mga limitasyon sa kalakalang galyon?
a._________________________________
b._________________________________
c._________________________________d._________________________________
e._________________________________
3.Anu-anong mga impormasyon ang nakuha sa texto tungkol sa mga nagging epekto ng kalakalang galyon?
a.____________________________
b.____________________________
c.____________________________
d.____________________________
4.Ano ang nagi ng kalakalang galyon sa kabuhayan ng mga Pilipino?
5.Sino ang higit na nakinabang sa kalakalang ito, ang mga Kastila o mga Pilipino?
Ikalawang -araw
3.Pagtalakay sa uri at katangian ng texto
a. sasagutin ng mga mag-aaral ang pahina 50
b. iisa-isahin ang mga nakuhang impormasyong inilahad sa texto
4.Pagtalakay sa istruktura ng wika
a. sasagutin ang suriin sa pahina 51
b. tatalakayin ang pagpapayamang panggramatika sa pahina 51
Ikatlong araw4. Pangwakas na gawain Pagpapalawak ng kaalaman 1.Babasahin ang kauring texto sa pahina 52
2. Magkakaroon ng pangkatang Gawain sa pahina 53-54
Pangkat I-Gawain A
Pangkat II-Gawain B
Pangkat III-Gawain C
Pangkat IV-Gawain D
Pagtataya
a.gagawin ang bahaging ito sa pahina 54.
b. magbibigay ng mga halimbawang pangungusap
1. Naglalahad
a)______________________
b)______________________
c)______________________
d)______________________
e)______________________
2. Nagsasalaysay
a)______________________
b)______________________
c)______________________
d)______________________
e)______________________
3.Naglalarawan
a)______________________
b)______________________
c)______________________
d)______________________
e)______________________
4.Nangangatwiran
a)______________________
b)______________________
c)______________________
d)________________________
e)________________________
5. Takdang aralin
Basahin ang textong Mga Pag-aalsa laban sa kolonyalismosa pahina 55-63 Pintig I
Araling panlipunan Edukasyong PagpapahalagaPintig I
pp.48-54Kagamitan
Batayang-aklat, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Mga tanong:1 Ano ang nais iparating ng texto?
2.Anu-anong mahahalagang impormasyon ang ibinigay ng texto tungkol sa mga dahilan ng mga limitasyon sa kalakalang galyon?
3.Anu-anong mga impormasyon ang nakuha sa texto tungkol sa mga nagging epekto ng kalakalang galyon?
4.Ano ang nagi ng kalakalang galyon sa kabuhayan ng mga Pilipino?
5.Sino ang higit na nakinabang sa kalakalang ito, ang mga Kastila o mga Pilipino?
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
3 araw
Aralin 8: Mga Pag-aalsa laban sa kolonyalismo
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss.:
1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitan
Unang-araw2.Pagganyak
1. Ipapakita ng guro ang mga larawan ng
Kastila
Amerikano
Hapon
2.Itatanong ang mga saloobing nabuo mula sa larawan?
3.bakit iyon ang nabuo?
4. Pag-uugnay-ugnayin ang mga salitang nakapaloob sa kahon
5.Anong kaisipan o ideya ang inyong nabuo?
6.Mahalaga ba ang kalayaan sa isang bansa? Bakit?3.Proseso ng pagkatuto/Pamamaraan
1. Pagbasa sa textong lunsaran
Ipababasa ang textong Ang digmaang Pilipino-Amerikano
2.Pagtalakay sa Nilalaman
Magkakaroon ng malayang talakayan gamit ang panubaybay na tanong
1.Paano nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano?_______
____________________________________________________________
2. Ilalarawan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sundalong Amerikano at gerilyang Pilipino.
Pagkakatulad
Pagkakaiba
Sundalong Amerikano
Gerilyang Pilipino
3. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang tapang sa pakikipaglaban
Sa mga Amerikano?________________________________________
________________________________________________________
4. Kung ang mga armas kaya ng mga Pilipino ay kasinghusay ng mga armas-pandigma ng mga Amerikano, may laban kaya ang mga gerilyang Pilipino?_____________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Ikalawang-Araw
3.Pagtalakay sa uri at katangian ng texto
a. susuriin ng mga mag-aaral ang mga impormasyon/ kaalamang inilahad sa texto, bibigyang pansin ang
Tiyak na pangyayari
Tiyak na panahon
b.Kokopyahin ang mga bahaging nagbibigay ng impormasyon/kaalaman
4. Pagtalakay sa istruktura ng wika
a. ipasasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa suriin sa pahina 58-59
b. tatalakayin ang pagpapayamang panggramatika
c. susuriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga pangungusap ayon sa pagkakabuo at magbigay ng mga halimbawa.
1._____________________
2._____________________
3._____________________
4._____________________
5._____________________
Ikatlong-araw4. Pangwakas na gawain
Pagpapalawak ng Kaalaman
a. babasahin ang kauring texto sa pahina 60
b. magkakaroon ng pangkatang Gawain
Pangkat I-Gawain A
Pangkat II-Gawain B
Pangkat III-Gawain C
Pangkat IV-Gawain D
Pagtataya
Pagsulat
1. susulat ng textong informative-narativ
2. gagamit ng ibat ibang uri ng pangungusap ayon sa pagkakabuo.pumili ng isa sa mga paksang nabanggit
a. Tunay nga bang Malaya na ang Pilipinas
b. Ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila
c. Mga dahilan ng pag-aalsa laban sa mga Kastila
d. People power5. Takdang Aralin Basahin at unawain ang aralin 8 Pagsulat ng Talambuhay sa pahina 64-68
Araling panlipunanEdukasyong PagpapahalagaPintig I pp. 55-63Kagamitan
Batayang-aklat, larawan, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
3 araw
Aralin 9: Pagsulat ng Talambuhay
Karanasan sa Pagkatuto1. Palagiang gawain
1. pagbati
2. pagsisiyasat sa mga ss.:
1. mga dumalo at lumiban
2. ID
3. mga kagamitan
Unang araw
2. Pagganyak1. Itatanong sa mga mag-aaral kung anu-anong impormasyon ang dapat nilang ipabatid sa paggawa ng talambuhay
2. Sa paggawa ng talambuhay ng iba, itatanong ng guro kung anu-ano ang dapat nilang mabatid
3. Itatanong kung anu-ano pa ang maaaring tukuyin sa paggawa ng talambuhay3.Proseso ng pagkatuto/Pamamaraan1. Pagbasa ang textong Hindi hadlang ang kahirapan
2. Pagtalakay sa Nilalaman
a. sasagutin ng mga mag-aaral ang bahaging ito sa pahina 65-67
b. magkakaroon ng pangkatang gawain
1. pumili ng kapareha at pag-usapan ang tungkol sa nakasulat sa caravan
Ikalawang-araw
A.Pagtalakay sa uri at katangian ng texto
1. Pagbasa ng kauring texto sa pahina 66-67
2. Magkakaroon ng malayang talakayan
1. Sino ang nagsasalaysay sa talambuhay?
_________________________________
2. Sino ang inilalarawan sa talambuhay?
_________________________________
3. Anu-anong mga impormasyon tungkol kay Juan Luna ang nabatid mo sa akda?____________________________________________________
4. Mahalaga bang matutunan ang paggawa ng talambuhay? Bakit?
____________________________________________________
B. Paggawa ng Character Profile chart Mag interbyu ng inyong paboritong guro gamit ang tsart na ito
Ikatlong-araw
4. Pangwakas na Gawain 1. Pag-uulat ng klase ukol sa ginawang interbyu 2.Pagbabahaginan
a. Paano mo pinili ang gurong iyong ininterbyu?
b. Paano mo sinimulan ang isinagawang interbyu?
c. Paano mo natapos?
d. Habang isinasagawa mo ang interbyu , ano ang iyong naramdaman? Bakit?
e. Matapos ang ginawang interbyu, nakilala mo ba nang lubos ang iyong paboritong guro? Paano?
Paggawa ng Burador
1. Mula sa mga nakalap na impormasyon, sumulat ng talambuhay ng inyong paboritong guro. 2.Isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Huwag sumulat ng palimbag
2. Pansinin ang wastong gamit ng bantas at malaking titik.
3. Sumulat ng malinaw at maayos
4. Ipabasa ang talambuhay
5. Hingin ang puna ng mga nakinig
6. Magpapalitan ng papel.
7. Suriin at iwasto sa pamamagitan ng sumusunod na tseklis
a. May maganda ba at nakatatawag-pansing panimula?
b. Nailipat ba ang mga impormasyon at naging makatotohanan?
c. May pagkakaugnay ba ang pangungusap at talatang nabuo sa talambuhay
d. Wasto ba ang baybay,bantas,istruktura at gramatika ng komposisyon?
e. Bigyang pansin ang ginawang pagwawasto ng mga mag-aaral
f. Muling ipasulat ang iwinastong Gawain
g. iwawasto ng guro ang sulatin5.Takdang aralin
Basahin at unawain ang aralin 9. Heograpiya at Kabuhayan sa pahina 70-75
JournalismEdukasyong pagpapahalagaPintig I pp. 64-69Kagamitan
Batayang-aklat, larawan, Biswal na material, Grapikong Pantulong,OHP at transparency
Mga tanong:1. Kung susulat ka ng isang talambuhay sino yung taong gusto mong gawan ng sarili nyang talambuhay?
2. Bakit siya yung napili mong gawan?
3. Anong kaugnayan mo sa kanya?
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
Hakbang #3 Banghay-Aralin
Tagal ng PagtalakayPaksaMga gawaing pampagkatutoIntegrasyon
Sanggunian
Remarks
Pamantayan sa dula-dulaan
Kriterya/Pamantayan Bahagdan %
1. May kahandaan sa kasuotan,
props at musika 35%
2. Maganda ang ekspresyon ng mukha 15%
3. Malakas ang dating sa mga panonood 15%
4. Mahusay ang pagpili ng mga salitang ginamit 15%
5. Makitaan ng pagiging malikhain sa presentasyon
20%
Kabuuan = 100%
Pamantayan sa Pasalitang Kasanayan:
Pag-uulat
Kriterya/Pamantayan Bahagdan %
1. Maalam at may Kawili-wili ang
paksang oinag-uusapan 20%
2. May mga pananaliksik na ginawa
upang maging makatotohanan ang
mga pahayag 40%
3. Nagsagawa ng interbyu upang higit
na makalikom ng mga datos. 10 %
4. Bumuo ng balangkas upang mapag-
ugnay-ugnay ang mga
impormasyon. 10%
5. Malakas ang dating sa mga panonood 20%
Kabuuan =100%
Pangkatang presentasyon ng mga natalakay sa bawat grupo(Performance based) ayon sa batayang
1.Pagiging malikhain sa pagprepresent 40 %
2.Nilalamang kaisipan40%
3.Panggramatikang pagbuo sa ulat.20%
Kabuuan = 100%
Panahon ng Hapon
Panahon ng Kastila
Panahon ng Amerikano
Bago dumating ang mga Kastila
1935
1940
1946
1959
1973 1974
1987
2001
Kadenang putol
Kalapating puti
Watawat na nakataas
Hawlang nakabukas
panulat
Gapos na makapal
Paniniwala sa buhay
Pamilya
Pag-aaral
Paano ito matutupad
pangarap
Character Profile chart
Pangalan___________________________________________
Tirahan_____________________________________________
Kaarawan___________________________________________
Pook na sinilangan____________________________________
Bansang kinabibilangan________________________________
Relihiyon____________________________________________
Mga Paaralang Pinasukan:
Elementarya_________________________________________
Haiskul_____________________________________________
Tersyarya___________________________________________
Kakayahan/Natatagong talino___________________________
Karagdagang Impormasyon:
Tungkol sa pamilya ng guro_____________________________
___________________________________________________
Tungkol sa pag-aaral ng guro____________________________