Panuluyan 2013

Post on 08-Apr-2016

48 views 8 download

description

Panuluuyan

Transcript of Panuluyan 2013

Panuluyan 2013

*Pambungad na Awit: Pamaskong Paanyaya*

Sa loob ng 60 taon, ang Palestina, tahanan ng mga Judio, ay pumailalim sa makapangyarihang Imperio ng Roma. Si herodes, isang matalino at malupit na tao ang ginawa ng Romano upang mamuno sa lupain. Siya ay kinasusuklaman ng mga Judio at mga pisyal Romano na nagtutungo sa kanyang palasyo.

Kawal: (inuutusan ang matanda) Buhatin mo ito para sa akin tanda!

Taong-bayan 1 (TB1): Napakabigat noon para sa isang matanda.

Taong-bayan 2 (TB2): Ang mga Romano ba naman!

Nang umuwi na ang matanda.

Bata: Lolo, bakit anong nangyari?

Babae: Ipinabuhat sa kanya hanggang sa palasyo ni Herodes ang mabigat na baul.

Bata: Subalit, bakit?

Babae: Ganoon ang batas. Ang isang Judio ay maaring utusan ng isang Romano upang sumunod sa kanya.

Lolo: Ang mga Romano! Panay ang patong ng buwis sa atin … hindi tayo makatutol. Wala tayong tinig sa pamahalaan. Noong panahon ni David, tayo ang pinuno.

Babae: Baka may makarinig.

Lolo: Nasaan ang pangakong taga-pagligtas ng Panginoon.

Babae: Ayon kay Malaquias ay may mauunang darating upang ihanda ang daan sa kanyang pagdating.

Nang hapong iyon, samantalang natitipon ang mga Judio sa panalangin sa templo sa Jerusalem, ay pumasok si Zacarias sa pag-aalay.

Zacarias: Dakila ang araw na ito. Matapos ang mahabang. Matapos ang mahabang panahon ay ngayon lamang ako natoka sa pag-aalay ng insenso.

TB 3: Napakatagal ng panalangin ni Zacarias.

TB 4: Mabuting tao si Zacarias. Sayang at wala siyang anak.

Sa wakas ay lumabas din si Zacarias. Subalit hindi siya makapagsalita.

TB 5: Anong nangyari sa kanya sa loob?

Si Zacarias, isang matandang saserdote, ay napipi pagkagaling sa templo. Marami ang naniwala na may nagpakita sa kanya sa loob ng templo. Subalit hindi makapagpaliwanag si Zacarias. Umuwi siya sa kanyang tahanan sa bulubundukin ng Juda at sa asawa niyang si Isabel.

Isabel: Zacarias… ano ang nangyari sa iyo. Bakit hindi ka magsalita sa akin?

Sumulat si Zacarias at iniabot iyon kay Isabel.

Zacarias: Habang ako’y nananalangin ay isang anghel ang nagpakita sa akin. Winika niya na magkakaanak ng tayo ng lalaki na tatawaging Juan. Siya ang maghahanda sa ating lahat sa pagdating mananakop.

Isabel: Anak? At magiging taga-paghanda ng daan ng Panginoon? Ngunit, bakit isinulat mo pa? Bakit hindi mo na lang sabihin?

At muling sumulat si Zacarias…

Zacarias: (nakasulat sa papel) Hindi ako naniwala sa anghel kaya ngayon ay hidni ako makapangungusap hangga’t hindi nagaganap ang ipinahiwatig niya.

At si Zacarias at Isabel ay natutuwang naghanda sa pagsapit ng malaking pagtitiwala na inilagay ng Diyos sa kanila. Kapwa sila tumalaga sa pagdating ng magiging anak nila. At binasa nilang muli’t muli sa kasultan ang mga pangako ng Panginoon.Samantala ay nagpakita naman ang anghel Gabriel sa pinsan ni Isabel, kay Mariana nakatakdang ikasal kay Jose, isang aluwaging taga- Nazaret.

Anghel Gabriel: Huwag kang matakot, Maria. Ikaw ay hirang ng Diyos upang maging ina ng kanyang anaka. Siya ay tatawaging Jesus at ang paghahari niya ay walang katapusan.

Maria: Ako’y alipin ng Panginoon. Maganap nawa sa akin ay iyong winika.

*Awit: Ang Puso Ko’y Nagpupuri*

Ang puso ko’y nagpupuriNagpupuri sa PanginoonNagaggalak ang aking espirituSa’king taga-pagligtas.

Sapagkat nilingap niya kababaan ng kanyang alipinMapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa.

Ang puso ko’y nagpupuriNagpupuri sa PanginoonNagaggalak ang aking espirituSa’king taga-pagligtas.

Inilihim ni Maria ang balita ng anghel. At minsan ay nakipagkita siya kay Jose…

Maria: Dadalaw ako sa pinsan kong si Sisable.

Jose: Sa Juda? Kung tayo’y kasal na sana, masasamahan kita. Malayu-layo din iyon.

Nang makarating sa Juda si Maria…

Isabel: Maria, pinagpala ka ng Diyos pati na rin ang dindala mo sa iyong sinapupunan sapagkat nang kita’y Makita ay naggagalaw ang sanggol sa aking sinapupunan. Sabihin mo sa akin kung bakit ikaw na ina ng Panginoon ay napadalaw dito.

Sa pagbating iyon ay nalaman ni Maria na alam na ni Isabel ang lihim niya. At siya ay nagpuri sa Diyos.

Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon… sapagkat gumawa sa akin ang nakapangyayari sa lahat ng dakilang bagay… banal ang pangalan Niya.

Mabilis na nagdaan ang mga araw kina Zacarias. Nanatili doon si Maria hanggang si Isabel ay manganak.

TB 6: Mapalad si Zacarias sa pagkakaroon ng anak na magtataglay ng pangalan niya.

Isabel: Juan ang pangalan ng bata.

TB: Juan? Hindi ninyo isusunod ang pangalan ng bata sa kahit na sino sa inyong pamilya?

Ang sanggol ay pinagalanan ayon sa bilin ng anghel. Si Zacarias ay muling nakapagsalita.

Zacarias: Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel sapagkat dinalwa niya at tinubos ang kanyang bayan at ikaw, sanggol ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan sapagkat ihahanda mo ang kanyang daraana.

Umuwi si Maria sa Nazaret ay siya ay natuklasang naglilihi ni Jose. Isang gabi ay nagpakita kay Jose ang isang anghel.

Anghel: Hinirang si Maria upang maging ina ng anak ng Diyos. Tatawagin mo ang sanggol sa pangalang Jesus. Siya ang magliligtas sa mga tao sa pagkakasala.

Kinaumagahan, pumunta si Jose kay Maria.

Jose: May sinabi sa akin ang anghel tungkol sa iyong pagiging Ina ng Panginoon. Ngayon ay natalos kong hinirang ako upang pangangalagaan ka at iyong anak.

At si Jose at Maria ay ikinasal at sila’y nanirahang magkasama at pinag-usapan ang pangaking binitiwan ng Diyos kay Maria. Isang araw ay pinag-utos ni Augutus

Cesar ang pagpapatala ng lahat ng mga Judio ng kanilang pangalan at ari-arian. At sina Jose at Maria na mula sa lahi ni David ay kailangang magpatala sa Bethlehem na lungsod ni David.

Jose: Paano ka? Di kita maiiwan…

Maria: Sasama ako sa iyo. Huwag kang mag-alala ang Diyos ang bahala.

* Awit: Pag-ibig Ko*

Iniibig kitaManalig ka sanaAko’y kapiling moKahit ikaw pa ma’y mapalayo.

At nagtungo sina Jose at Maria sa pagpapatala. May ilang araw din silang naglakbay at pinakahuli silang dumating sa Bethlehem.

Jose: Malayo pa ang aming pinanggalingan. Pagod na pagod na ang aking asawa. Kailangan namin ang isang silid.

May-ari: Nakuha nang lahat ang mga silid sa dami ng dumagsang tao dito sa Bethlehem.

Jose: Malapit nang manganak ang aking asawa. Mayroon po ba kayong maaaring tuluyan?

May-ari: Ang tanging may lugar na lamang ay ang kuwadra.

Maria: Sige na Jose. Kahit sa kuwadra na lang.

Jose: Hindi ito ang dapat sa iyo.

Maria: Mabuti na ito sa wala, Jose. Masisilungan din ito.Nang gabing iyon sa bulubundukin ng Bethlehem. Ang mga pastol ay nagbabantay ng kanilang kawan.

Pastol 1: Pinaparehistro ni Caesar Augustus ang lahat ng mga Judio upang makalikom pa siya ng maraming buwis. Hindi na yata mahahango sa kaapihan.

Pastol 2: Isang taga-pagligtas ang ipinangako ng Diyos sa atin. Ang idinasal ko’y buhay pa ako upang Makita siya.

At isang nakakasilaw na liwanag ang gumulantang sa kanila…

Pastol 3: Ano ‘yon?

Anghel: Huwag kayong matakot. Taglay ko ang balitang ikakagalak ng buong bayan. Sa araw na ito ay isinilang sa lungsod ni David ang isang taga-pagligtas, si

Kristong Panginoon… Matatagpuan ninyo ang sanggol na nakahiga sa isang sabsaban.

At napuno ng koro ng mga anghel ang kalangitan…

* Awit: Papuri sa Diyos *

Nang maglaho na ang mga anghel ay muling nagdilim sa burol ng Bethlehem.

Pastol 3: Hindi ako halos makapaniwala. Dumating na sa gabing ito ang ipinangakong tagapagligtas!

Pastol 1: At isipin na lamang, anghel ang nagbalita sa ating mga hamak na pastol.

Kagila-gilalas at banal ang gabi. Habang nahihimlay ang buong lungsod ng Bethlehem, ang Anak ng Diyos ay ipinanganak at binalot ni Maria ang sanggol sa isang lampin at inilagay sa sabsaban. Doon ay natagpuan siya ng mga pastol.

Pastol: Ayon sa isang anghel ay matagpuan dito ang taga-pagligtas.

Tumango si Maria at iniliwan ni Jose ang sanggol at pinagmasdan iyon ng mga pastol.

Pastol: Pinasasalamatan ka namin. O Diyos at ipinakita mo siya sa amin.