Noli me tangere kabanata 41 42

Post on 17-Jan-2015

854 views 12 download

description

 

Transcript of Noli me tangere kabanata 41 42

 

Tagapag-ulat:

Carlo ValentinMojarie Madrilejo

Kabanata 41: Dalawang Panauhin

Kabanata 42: Mag-asawang De Espedaña

 MGA LAYUNIN- Maiuulat ang Kabanta 41 at

Kabanta 42 ng malinaw;

- Mailalahad ang mga kanser ng lipunan na nakita sa kabanata; at

- Makapagbibigay ng Check-up Quiz

A. Balik-Aral1. Sino ang nangasiwa sa palabas?

2. Anong tawag sa tambalang tinig nina Chananay at Marianito

3. Ano ang pilit na pinapagawa ni Donya Consolacion kay Sisa?

Sagot: Kumanta at Sumayaw

Sagot: Tenyente Mayor, Don Filipo

Sagot: Crispino e la Comare

B. Mahalagang Tanong- Bakit kailangan makintungo nang mabuti sa kapwa?

D. Buod Kabanta 41Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra

, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo.

Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias.

Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra.

Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara.

Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas

at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.

Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias. Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan.

Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas.

Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat… subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan. 

Mahalagang Tanong

Kung ikaw si Donya Victorina, pipiliin mo rin bang magpanggap na kastila para lang mag mukang mayaman? Bakit?

-  

Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadaña, na inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya. Inaasahan ni Tiago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiago sa kani-kanilang silid.

Kabanata 42Malungkot sa bahay ni kapitan tiago dahil may Sakit si Maria Clara.

Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Noong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang,ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina.

Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya,wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.

Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.

Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Donya Victorina de los Reyes de de Espadaña.Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsiyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa “lupaing ito ng mga salvaje.” Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.

Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de Saya.Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:Dr. DE ESPADAÑA, ESPESYALISTA SA LAHAT NG URI NG SAKIT at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.

Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Alfonso Linares de Espadana na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya.Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado. Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Maria disin sanay’ nakadaupang palad nila ang Heneral.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng azucena.Naitanong naman ni Linares kay Padre Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares. Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa umaga ay liquen con leche, jarabe de altea at dalawang pildoras ng cinoglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.

Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

E. Halagang Pangkatauhan

“Dahil lang sa may sakit kinalilimutan na ninyo ang patay? Dahil ba sa mahirap lang kami?” (Lucas)

F. Paliwanag

Dapat nating itrato ang lahat ng pantay pantay, dapat bigyan natin ng respeto ang mga mahihirap, hindi dahil mahirap sila, ay wala na silang magagawa. Tayong may mga kaya, dapat natin silang tulungan dahil kailangan nila kung ano meron tayo, kaya dapat nating ibahagi sa kanila kung ano mang meron tayo.

KANSER NG LIPUNAN1. Mentalidad na Kolonyal

- Nagpakasal sa isang Kastila si Donya Victorina upang mag mukang kastila at makapangyarihan.- Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan si Donya Victorina para mag mukang kagalang galang.- Pinipilit ni Donya Victorina na siya ay isang kastila.

2. Kahinaan ng mga Pilipino

- Sinamantala ni Tiburcio ang mga Pilpino sa presyo ng mga gamot. 

EBALWASYON

TAMA O MALI

1. 6 ang pakay ni Elias kay Ibarra

2. Si Lucas ay kapatid ng Taong Dilaw

3. Nagkaunawaan at naging magkaibigan ang mag asawang De Espadana

4. Nadatnan nila Dona victorina ang Kapitan Henral

5. Ano ang ginagamit na pangalan ni Donya Victorina kapag pumipirma?

6. Sino ang pamangkin ni Don Tiburcio? (buong pangalan)

7. Ano ang ginagawa ni Linares ng dumating si Padre Salvi?

TAMA O MALI

1. 6 ang pakay ni Elias kay Ibarra

2. Si Lucas ay kapatid ng Taong Dilaw

3. Nagkaunawaan at naging magkaibigan ang mag asawang De Espadana

4. Nadatnan nila Dona victorina ang Kapitan Henral

5. Ano ang ginagamit na pangalan ni Donya Victorina kapag pumipirma?

6. Sino ang pamangkin ni Don Tiburcio? (buong pangalan)

7. Ano ang ginagawa ni Linares ng dumating si Padre Salvi?

8. Ano ang kapansin pansin kay Padre Damaso nang dalawin si Maria Clara?

9.Sino ang unang dinalaw ni Padre Damaso pagkatapos niya magkasakit?

10.Ano ang tunay na pangalan ni Donya Victorina?

1. mali

2. Tama

3. Tama

4. Mali

5. Victorina de los Reyes de de Espadana

6. Alfonso Linares de Espadana

7. Kumakain ng agahan

8. Maputla at Malungkot

9. Maria Clara

10.  Victorina De los Reyes