Post on 06-Feb-2018
Nilalaman:
1. Buod 32. Adhikain 43. Mga layunin at pangitain 44. Istruktura ng Proyekto 55. Mga organisasyon 66. Token 67. Mailkling paglalarawan ng laro: 7
Layunin 7Ginto 7Account ng manlalaro 8Worker 8Mundo ng laro 9Lupa 9Materyales 9Teknolohiya 10Materyal 10Gusali 11Produkto 11Alyansa 13Pinagsamang komersyal na organisasyon 13Banko 13Tindahan 13Transport 13Riles 13Mga proseso ng laro 14
8. Mga asset, mga katangian, at kooperasyon sa laro 149. Mga detalye ng Crowdfunding 1810. Pagpapaunlad at mga plano para sa hinaharap 1911. Pamamahagi ng ETH 2012. Team 2113. Konklusyon 22
Ang sumusunod na dokumento ay hindi pa pinal at maari pang baguhin
Buod
Ang Prospectors ang unang larong economic multi-player real-time strategy na may tunayna kalakalan at ugnayang pangekonomiya.
Ang mga pangyayari sa laro ay nangyayari sa mundo na katulad ng sa Earth sa kalagitnaan ng
ika-19 na siglo, sa panahon ng unang pagbuo ng kapital.
Kumalat ang balita tungkol sa mayamang minahan ng ginto sa hindi tinitirhang Northern
Lands. Naintriga ang maraming manlalakbay sa pagasa ng mabilis na kita. Maraming caravan
ng minero ng ginto ang nagtungo papuntang hilaga, kasama ang kanilang mga pamilya at
iniwan ang kanilang mga tahanan. Ang mga mangangalakal ng ginto, nagpapautang,
mangangalakal, at ibat-ibang uri ng mga tao ang nagwagi sa kanilang paraan.
Gayunpaman, nakitang wala gaanong mga lupa na may malalaking deposito ng ginto,
kaya hindi lahat ng prospector ay makakakuha ng malaki. Maaring yumaman hindi lamang sa
paghihiwalay ng ginto sa graba o paghanap ng minahan ng ginto. Ang North ay isang lupain ng
napakaraming oportunidad, natatakpan ng makakapal na kagubatan at lupa,puno ng ironstone
at karbon.
Bukod dito, tandaang kailangan ng mga minero ng kagamitan, na dapat likhain at ibenta
sa kanila. Bukod dito, malapit sa mga pansamantalang kolonya ng pagmimina, uusbong ang
mga malalaking bayan sa kalaunan, at mararamdaman nila ang pangangailangan para sa mga
kamay na may kakayahang gumawa at magpaunlad. Kaya, may malaking pangangailangan
para sa mga manggagawa sa laro. Lahat ay maaaring makahanap ng trabaho na gusto niya:
sa minahane, sa paggawa, pangtumba ng mga puno, o magsimula ng pagpapaunlad ng
industriya sa pamamagitan ng pagsasaayos ng pagproseso sa mga materyales o kagamitan at
paggawa ng transportasyon.
Ang bagay na nagsimula bilang isang gold rush ay lalago papunta sa isang
komplikadong kalakalan at ugnayang pangekonomiya kalaunan. Kaya ang mga manlalaro na
may mga kasanayan sa pagbibilang ng salapi at paggawa ng mga account ay maaabot din ang
kanilang potensyal.
https://prospectors.io 3
AdhikainLumikha ng alternatibong reyalidad sa anyo ng blockchain-based na economic
strategy na may pagkakaperahan sa oras ng paglalaro.
Mga Layunin Ang pangunahing Gawain na itinakda sa aming team ay gumawa ng
isang Massive Multiplayer Online Real Time Economic Strategy, na
gagamit ng isang game crypto-currency. Ang pinakamalaking kaibahan ng
Prospectors, na wala sa ibang umiiral na larong online, ay ang posibilidad
na kumita sa oras na gugugulin sa laro. Sa madaling salita, ang mga
manlalaro ay hindi lamang masisiyahan sa paglalaro kundi kikita rin dito.
Maaring ipalit ang ginto na nakuha sa laro para maging totoong salapi.
Ang mundo sa larong Prospectors ay ibabase sa aktwal
na modelong pangekonomiya, katulad ng sa ikalawang bahagi
ng ika-19 simula ng ika-20 siglo. Sa pagpapatupad ng mga
tunay na prosesong pangekonomiya at makatotohanang
modelong pinansyal, ang aming team ay kumonsulta sa mga
nangungunang eksperto sa larangang ito.
Balak naming ilunsad ang web version ng platform ng laro,
gayun din ang mga mobile app para sa Android/iPhone, na upang
posibleng maging online palagi ang mga manlalaro at maka pasok
sa laro saanman at anumang oras.
https://prospectors.io 4
Istruktura ng ProyektoAng contract ay gagawa ng mga token (Ginto) 220 000 000 mga coin sa
kabuohan. Ang bilang na ito ay hindi nagkataon lamang ito ang higit-kumulang na dami
ng ginto sa mundo, kasama na ang hindi pa namimina. Lahat ng mga token ay ipapadala
sa Fund of New Lots.
Ang Fund of New Lots ay isang pondo, kung saan ang ginto, na nakatago sa mga lupa, ay
itatago. 33% ng balanse ng pondo ay ibibigay sa game at random na ipapamahagi sa mga
lote sa laro.
Kalaunan, gagawin ang mga karagdagang game server, at may nararapat na karagdagang
ginto na ibibigay sa kanila. Ang posibilidad ng pagtutulungan ng mga server ay gagawin
din.
Ang mga manlalaro ay maaring makakuha ng ginto. Sa tulong ng maraming asset sa laro
(personal na ginawa o ng ibang mga manlalaro) at mga trabahador sa mga lote ng lupa,
ang isang manlalaro ay makakamina ng ginto. Para sa rehistrasyon at ibayong paggamit,
ang manlalaro ay sisingilin ng fee na mapupunta sa State.
Ang State ay isang decentralized autonomous organization (DAO), kung saan ang mga
miyembro ng Council ay mga may-ari ng ginto. Ang State ay may budget; ang Council ay
may karapatang impluwensyahan ang pagbuo at paggamit nito. Ang buwis ng mga
manlalaro ang pupuno sa state budget, pagkatapos ito ay ipapamahagi sa pagitan ng mga
pondo: Fund of New Lots, Fund of Development and Expenses, Fund of Rewards for
voting, at Fund of Destruction.
https://prospectors.io 5
Mga OrganisasyonAng mga manlalaro ay maaring magbuo ng organisasyon. Kapag may pagkakasundo
sa pagitan ng mga manlalaro, ang Laro ay gagawa ng isang organisasyon na pagmamay-ari
ng mga manlalaro. Sa pamamagitan ng botohan at pagkakasundo ang mga manlalaro ay
maaring pumili at baguhin sa hinaharap, (kung kinakailangan) ang pamamahala ng
organisasyon. Bibigyan din nila ang pamahalaan ng ilang kapangyarihan, at ilang ginto.
Maaring gamitin ng organisasyon ang halagang ito sa laro, at ipamahagi ayon sa kita ng
mga miyembro ayon sa kanilang mga share.
Token
Ang Gold (PGL) ay isang token na pangunahing salapi sa laro, na kinakailangan para
sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga manlalaro; maari lamang itong kitain sa laro. Ang
dami ng ginto ay limitado sa 220 000 000 coins.
Ang karamihan ng ginto, 110 000 000 ng lahat ng mga token, ay ilalagay sa laro at
maaring makuha sa mga bahagi.
https://prospectors.io 6
60 000 000 PGL ang inilaan sa crowdfunding campaign; karagdagang 50 000 000 PGL
token ang inilaan team ng mga developer, pre-sale at sa Bounty program. Ang mga token
na inilaan sa team ng mga developer ay maari lamang gamitin ng dahan-dahan sa limang
taon - 20% sa unang kalahating taon at ang natitirang 80% sa 4 ma taon (20% - taon).
Lahat ng mga token na hindi nabili sa crowdfunding campaign ay ipapadala sa pondo ng
laro.
Ang mga token holder ang makakaimpluwensya sa regulasyon ng pagdami ng token,
dahil makakapagtakda sila ng mga taripa para sa ibat-ibang produkto at serbisyo mula sa
Estado, na siyang magbibigay ng balanse. Ang karamihan ng mga token na makukuha ng
Estado mula sa mga manlalaro bilang buwis ay susunugin.
Mailing Paglalarawan ng Laro LayuninKumuha ng maraming ginto sa abot ng makakaya. Ito ay nangangailangan ng ibat-ibang game asset at trabahador.
Ginto Ginto (PGL) ang pangunahing salapi sa laro, na nagsisilbing kasangkapan para sa mga
pinansyal na ugnayan sa laro.
Tuwing nakakakuha ng ginto ang isang trabahador mula sa isang plot, ang hirap sa
pagkuha ay tumataas. Sa bawat pagkuha, ang gintong makukuha ay bababa hanggang
tuluyang maubos ang ginto sa lugar. Para pataasin ang pagkuha ng ginto, kailangang
makipag-ugnayan ang manlalaro sa mga teknolohiya ng laro, na sadyang ibinigay para
dito.
Ang ginto sa laro ay kakailanganin para sa pagpapaunlad ng account, pambayad sa mga
manggagawa sa labas, kalakalan at pambayad sa estado. Kung nais ng isang manlalaro
na umunlad ng mas mabilis, kakailanganin niya ang ginto.
https://prospectors.io 7
Account ng ManlalaroBawat manlalaro ay may tatlong manggagawa, na may kanya-kanyang kasanayan. Maari
silang pagtrabahuin sa Players lot halimbawa, para maghugas ng ginto. O kaya naman
ialok ang serbisyo ng manggagawa (ayon sa kanyang kasanayan) sa sinumang may
gusto, o sumali sa labor exchange, kung saan maari siyang umupa ng karagdagang mga
trabahador.
Ang isang manlalaro ay may karapatang mag stake ng anumang claim, kahit saan at anumang layunin (kung ang claim na ito ay libre).
Maaring ibenta, ipalit, at ibigay alinman sa kanyang nagagalaw at di nagagalaw na
kakanyahan sa ibang manlalaro. Para sa komportableng pagbebenta, at pagbili ng mga
kakanyahan, ang mga palitan ay lilikhain.
ManggagawaAn isang Manggagawa ay nakatira sa lote. Anumang mga pagkilos ng Manggagawa sa mapaay nangangailangan ng ilang panahon.
Ayon dito, ang mas malayong distansya ay mas matagal.
Ang isang Manggagawa ay may:1. Bilis ng pagpunta
2. Bilis ng pagtatrabaho
At saka, ang isang Manggagawa ay tatanggap ng
record ng serbisyo (para sa oras na ginugol sa
trabaho, ang manlalaro ay tatanggap ng kaukulang
mga puntos). Ang masisingil na mga puntos ay
maaring ipamahagi ayon sa sariling kasunduan ng
mga manlalaro. Ang isang manlalaro ay maaring
magkaroon ng dalawang paraan ng sabay