Post on 11-Dec-2015
Republic of the PhilippinesRegion X
Department of EducationDivision of Cagayan de Oro City
TUBURAN NATIONALHIGH SCHOOL - PIGSAG-ANPigsag-an, Cagayan de Oro City
Matagumpay na Pangwakas na Palatuntunan ng Buwan ng Wika 2015
Naging makabuluhan ang pangwakas na palatuntunan sa pagdiriwang ng ating pambansang wika (Wikang Filipino) noong nakaraang Agosto 27, 2015, na may temang “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran”.
Sa tulong ng ating mga mahal na guro na pinangunahan ni Bb. Cathy Reyes, G. John Vincent R. Besas, Bb. Evalyn Yanez, Bb. Sherlyn Agbon at G. Leonides L. Tahud, mga pangkalahatang opisyales ng Supreme Student Government (SSG), punong guro, mga kasama ng bawat presentasyon at mga estudyanteng tumulong sa palatuntunan, nahing makabuluhan ang pagdiriwang na ito dahil sa wastong
paggamit ng Wikang Filipino at pagpapalinang ng kultura at lahing Pilipino.
Ang buong pwersa ng Pigsag-an elementarya at sekondarya ay nagtatag ng mga pantaunang presentasyon na sumisimbolo sa tunay na diwa ng Buwan ng Wika. Nagpakita ang bawat mag-aaral ng iba’t ibang talento sa pagsayaw, pagkanta, pagtutula, sabayang pagbigkas, pagguhit, pagsulat ng sanaysay at pagtanghal sa mga katutubong interpretasyon.
Ang mga sumusunod ay mga katutubong presentasyon ng bawat taon:
Grade 7 : Piliin Mo Ang Pilipinas
Grade 8 : Sinulog na Pagsasayaw
Grade 9 : Shine Pilipinas Shine
Grade 10: Magkaugnay Ang Lahat ng Bagay
Ang sarap sa pakiramdam na idinaos nang may karangalan sa puso at diwa ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ito’y nagpapahiwatig ng busilak na paggamit at
pagmamahal sa sariling atin at masasabi nating “Ako Ay Pilipino!”