Mga Teorya sa Pinagmulan ng Ating Kapuluan

Post on 14-Aug-2015

897 views 26 download

Transcript of Mga Teorya sa Pinagmulan ng Ating Kapuluan

Mga Teorya sa Pinagmulan

ng Ating Bansa

Teorya ng Land Bridges o Tulay na Lupa

Ayon sa teoryang tulay-lupa, kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay, tulad ngayon, sapagkat natunaw ang mga bundok ng yelo na nabuo noong Panahon ng Yelo o Pleistocene; tumaas ang dagat, at ang mabababang lupa ay lumubog.

Ang mga tulay-lupa ay matagal nang pinaniniwalaan ng marami sa siyang dahilan kung bakit nakapaglakbay sa magkakahiwalay na kontinente ang mga unang tao, at may magkakamukhang mga halaman at hayop sa magkakalayong lugar.

Ang pinakamababaw na bahagi ng dagat sa buong mundo ay matatagpuan sa palibot ng Timog Silangang Asya at Australia.

Sa mga lugar na ito hinihinalang lumitaw ang mga tulay-lupa noong magkaroon ng malawakang pagyeyelo at ang tubig ng dagat ay naging mga bundok na yelo.

Ang ininaba ng tubig ng dagat noon ay tinatayang umabot ng mga 73.15 metro (240 talampakan)

Teoryang Sundaland at ang Sunda Shelf

Sunda Shelf - ay isang nakausling platform ng Mainland Timog-silangang Asya.

Noong Panahon ng Glacial, bumaba ang tubig-dagat at lumitaw ang malalaking bahagi ng Sunda Shelf sa anyong mga matubig na kapatagan (marshy plain)

Sundaland - ito ay mula sa Mainland Timog-silangang Asya, kasama ang halos lahat ng mga pulo sa Indonesia hanggang palawan.

Pagbaha ang naging sanhi ng paghihiwalay ng mga species at mga pulo.

Teoryang Continental Drift

Continental Drift o Paggalaw ng mga Kontinente ang nagsabi naman na buo noon ang lupain ng mundo hindi dahil sa mga tulay-lupa kundi dahil sa talaga silang magkakadikit.

Ang teoryang ito ay pinasimulan ni Alfred Wegener, isang Alemang guro na ang unang interes ay ang siyensya ng atmospera at panahon.

Batay sa kanyang teorya, pinangalanan ni Wegener ang dating malawak na lupain ngmundo na Pangaea.

Si A. L. du Toit ay sumang-ayon sa teorya ni Wegener subalit iginiit na dalawa at hindi iisa ang mga lupain noon ng mundo. Ang dalawang ito ay tinawag niyang Laurasia at Gondwana.

Sakop ng Laurasia ang Asya, Europa, at Hilagang Amerika, samantalang ang Gondwana naman ay binubuo ng Aprika, Timog Amerika, Arabia, India, Australia at Antarktika.

Hindi nanatiling buo ang Laurasia at Gondwana. Nagkabasag-basag din ang mga ito at nabuo naman ang pitong kontinente natin sa kasalukuyan.

Teoryang Plate Tectonics

Ayon sa teoryang Tectonic Plate, nagkaroon ng matitinding lindol at malalakas na pasabog ng mga bulkan sa ilalim ng Dagat Tsina, 225 milyong taon na ang nakalilipas. Ang putik ng ibinuga ng mga bulkang ito ay unti-unting tumigas at naging mga pulo at lupain sa ibabaw ng dagat.

Ang ibabaw ng mundo ay binubuo ng mga malalaking tipak na malalapad na bato na tinatawag na platong tektonik (plate tectonic)

Ito ay gumagalaw sanhi ng init na mula sa pinakaubod ng mundo, nagbungguan, naggigitgitan at mayroon nagkakalayo.

Sa pagkakabaluktot ng plato, nagkakaroon ng guwang sa pagitan nito na siyang lumika ng mga malalim na bahagi ng karagatan (trenches) at pag-angat ng ilang bahagi ng plato

Palawan, Kanlurang Luzon, timog ng Bundok Sierra Madre at Bundok ng Cordillera ay bunga ng prosesong Plate Tectonic

Teoryang Bulkanismo

Ito ay inilahad ni Bailey Willis. Sinasabi ng teoryang ito na ang Pilipinas ay sumulpot dahil sa malakas na puwersa at pag-galaw na naganap sa kailaliman ng dagat may 200 milyongtaon ang nakalipas.

Nabuo ang bansa mula sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng Karagatang Pasipiko. Ang pulo nabuo sa mga bato, buhangin at putik na mula sa bulkan.

Ito ay naipon, nagkapatong-patong, tumaas nang tumas hanggang umagat at lumitaw sa ibabaw ng tubig.

Ayon kay James Hutton – hawig ang materyales na ibinuga ng bulkan sa Negros, Mindoro, Bicol at Mindanao

Ito ay sinuportahan ng pagkakaroon ng hanay ng mga bulkang nakapalibot sa Karagatang Pasipiko na tinatawag na Pacific Ring of Fire.