Mga kasangkapan at kagamitang kailangan sa paghahanda ng

Post on 12-Jan-2017

878 views 2 download

Transcript of Mga kasangkapan at kagamitang kailangan sa paghahanda ng

Mga Kasangkapan at Kagamitang Kailangan sa Paghahanda ng Lupang Pagtatamnan

Pala -ito ay ginagamit sa paghuhukay at pag-aayos lupa sa kamang taniman. Ginagamit din sa paghahalo ng lupa, dumi ng hayop at patabang organiko.

Kalaykay -ito ay ginagamit na pangpatag ng lupa at pang-alis ng malalaki at matitigas na tipak ng lupa o bato sa lupang taniman. Ginagamit din sa pagtitipon ng mga kalat o dumi sa halamanan.

Palang-tinidor -ito ang kasangkapang ginagamit sa paghuhukay at pagdurog ng malalaking tipak na lupa.

Piko -mainam din itong gamitin sa pagdurog ng matitigas at malalaking tipak na lupa at sa paghuhukay ng mga ugat at batong malalaki.

Regadera -ito ang kasangkapang angkop gamitin sa pagdidilig ng mga pananim.

Kartilya -ito ay ginagamit sa paghahakot at paglilipat ng lupa sa ibang lugar.

Dulos -mahusay itong gamitin sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman at sa paglilipat ng mga punla.

Tulos at Pisi -ang mga ito ay ginagamit sa gabay sa paggawa ng mga hanay sa kamang taniman.

Asarol -ito ay ginagamit din sa paghuhukay at pagdudurog ng matigas na lupa.

Pag-aalaga ng mga kasangkapan 1. Maglaan ng isang matibay at maayos na lalagyan. 2. Hugasan at patuyuin ang mga kasangkapan at kagamitan pagkatapos gamitin. 3. Ilagay at isalansan nang maayos ang mga kagamitan at kasangkapang ginamit sa tamang lalagyan. 4. Kumpunihin at langisan ang mga kagamitan at kasangkapang kinakalawang at sira na.

5. Hasain nang madalas ang mga kasangkapang may talim tulad ng itak, bolo at iba pa. 6. Bitbitin o dalhin nang maayos ang mga kagamitan at kasangkapang gagamitin. 7. Gamitin sa angkop na gamit ang bawat kagamitan at kasangkapan.