Mga epiko sa pilipinas

Post on 29-Nov-2014

1.124 views 18 download

description

 

Transcript of Mga epiko sa pilipinas

MGA EPIKO SA PILIPINAS

Inihanda ni Gng. Charisse B. Mendoza

BIDASARI

Ang Bidasari ay isang epiko-romansang Malay na nasasalig sa

matandang paniniwalang napatatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay

pinaiingatan sa isang isda, hayop, bato, o punongkahoy.

BIDASARI

Ang Bidasari, bagamat laganap sa Kamorohan ay hindi katha ng mga

Moro. Ito hiram sa Malay. Ang orihinal na Bidasari ay nasusulat sa wikang

Malay.

BIDASARI

Itoý isinalin ni Chauncey C. Starkweather mula Malay patungong

Ingles.

BIDASARI

MGA EPIKO NG MGA BISAYA

MARAGTASAng Maragtas ay hinggil sa sampung

datung Malay na tumakas sa Kalupitan ng Sultang Makatunaw ng Borneo at sama-samang nakarating sa Panay. Ang pulong itoý binili nila sa haring

Agta na si Marikudo.

HARAYAAng Haraya ay katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang-asal at ng

mga salaysay na panghalimbawa sa mga nasabing tuntunin.

LAGDAAng Lagda ay katipunan ng mga

salaysay at pangyayaring nagpapakilala ng mabuting

panunungkulan sa pamahalaan. Kasama sa Lagda ang balitang Kodigo

ni Kalantiyaw.

HARI SA BUKIDAng Hari sa Bukid ay salaysay na

nahihinggil sa kapangyarihan ng isang haring hindi nakikita ngunit alam na

nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon sa Negros. Ang haring itoý

parang bathala sa pagbibiga-biyaya at pagpaparusa.

HINILAWODAng Hinilawod ay tungkol sa Panay na pinagmula ng Capiz, Iloilo at Antique.

Ito ay binubuo ng mga pakikipagsapalaran ng tatlong anak

na lalaki ng bathalang babaing si Alusina at ng mortal na si Paubari.

Inaawit ito ng isang HINUKOT sa mga kasalan, anihan, pista, lamayan at iba

pang mahahalagang okasyon.

MGA EPIKO NG MGA TAGALOG

KUMINTANGAng epikong Kumintang ng mga

Tagalog, hanggang ngayon ay hindi pa nabubuong mapagtahi-tahi ng mga

mananaliksik, ngunit malinaw na nakikita sa mga watak-watak na

awiting pandigmang natatandaan pa ng matatanda sa Batangas,

Laguna,Quezon, Rizal at Kabite.

KUMINTANGAng Kumintang ay kasaysayan ng mga

pandirigma ng mga kawal nina Datu Dumangsil ng Taal at Datu Balksusa

ng Tayabas at ng Bai at Talim

MGA EPIKO NG MGA BIKOL

IBALONAng Ibalon ay isang epikong

nagbibigay ng kamula-mulaan ng mga unang nanirahan sa mga lupaing

Aslon at Ibalon. Ang epiko ay inawit daw ng isang matandang Bikol na

isang makatang manlalakbay (wandering ministrel) na ang pangalan

ay Kadugnung.

MGA EPIKO NG MGA ILOKO

Si PEDRO BUKANEG

BIAG NI LAM-ANGAng epiko ay tungkol sa natatangi at

kakaibang buhay ni Lam-ang.

Ang TUWAANG NG MGA BAGOBO

TUWAANGAng epiko ay tungkol sa mala-diyos na

bayaning si Tuwaang at ang mensaheng inihatid tungkol sa

Dalagang taga-Langit ng Buhong.