Mga Anyo Ng Panitikan Sa Pilipinas

Post on 05-Sep-2014

452 views 25 download

Tags:

Transcript of Mga Anyo Ng Panitikan Sa Pilipinas

Chapter 3: Elements and Organization

Chapter 3: Elements and Organization

Sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Chapter 3: Elements and Organization

“Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.” ( G. Azarias )

“ Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.” (G. Abadilla)

“ Ang panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin.” (W. J. Long)

“ Ang panitikan ay bungang isip na isinatitik at sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon ngayon at bukas. “ ( Rufino Alejandro )

• Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.

• Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang ditto ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editoryal.

1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing

ating pinagmulan.

2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang

tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya

ng ibang mga kabihasnang

nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.

3. Upang mabatid natin ang mga

kaisipan sa ating panitikan at

makapagsanay upang maiwasto ang

mga ito.

4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa

pagsulat at mapagsikapang ito

ay mapagbuti at mapaunlad.

5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at

mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan

ang ating panitikan. Tayo higit kanino man

ang dapat magpahalaga sa

sariling atin.

5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at

mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan

ang ating panitikan. Tayo higit kanino man

ang dapat magpahalaga sa

sariling atin.

6. Upang mabatid ang magagandang

kaugalian, tradisyon at kulturang ikinaiba natin

sa ibang mga lahi.

7. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay may mga mahuhusay na manunulat na di pahuhuli

sa mga manunulat ng ibang bansa o lahi.

8. Upang mabatid natin ang magaganda at mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang

sa gayon ay natutunan nating pahalagahan at

pagmalasakitan ang mga ito

9. Upang mabatid ang mga sariling kahusayan sa

panitikan, gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti ng

mga ito.

10. Upang tuklasin ang ating mga kakayahan o

aydentidada bilang mga Pilipino.

11. Upang lubusang makilala at madama ang

pagiging Pilipino.

12. Upang maipakita bilang Pilipino ang pagmamahal sa

sariling panitikan.

Inihanda ni:

ALEXIS RAMIREZ, M.Ed.