Mahalagang konsepto sa ekonomiks

Post on 14-Nov-2014

66.734 views 21 download

description

Our powerpoint presentaion in Economics

Transcript of Mahalagang konsepto sa ekonomiks

Mahalagang Konseptosa Ekonomiks

Group 3

Tala-EkonomiksAlokasyo

nKagustuhanKonsyumer

MakroekonomiksMaykroekonomiksPangangailangan

Sistemang pangkabuhayan

AlokasyonAng paraan ng pangangasiwa at pamamahagi

g mga produkto at serbisyo upang makamit ang kasiyahan sa limitadong pinagkukunang-yaman.

KagustuhanAng kailangan ng tao na maituturing

na luho at maaaring ipagpaliban.

KonsyumerMamimili o kumokonsumo ng mga

produkto at serbisyo

MakroekonomiksIsang sangay ng ekonomiks na tumutukoy

sa galaw ng kabuuang ekonomiya at mga kaugnay na pangkalahatang gawain, pag-uugaling pang-ekonomiko ng sambahayan, at pag-aaral ng panlipunang pagpapasya

MaykroekonomiksIsang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa

galaw ng maliit na bahagi o yunit ng kabuhayan at may kaugnayan sa pag-aaral ng indibidwal na pagpili

PangangailanganMga bagay o serbisyo na kailangan ng tao

upang mabuhay.

Sistemang PangkabuhayanPamamaraan ng pagtugon ng pamahalaan

sa tatlong batayang katanungan: 1. Ano ang gagawin?

2. Paano isasagawa?

3. Para kanino ang gagawing serbisyo?

Kakapusan -suliraning pang-ekonomiko

Matalinong pagpapasya salapi

Materyal panahon

Dalawang Mahahalagang Konsepto sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Walang hanggang pangangailangan

Limitado

Walang Hanggang Pangangailangang Materyal ng Tao at Lipunan

Ang pagkakamit ng pangangailangang material ng isang tao ay walang katapusan. Walang ibang hinangad ang isang tao kundi ang matugunan ang kanyang mga pangangailangan para mabuhay.

May dalawang uri ng pangangailangan ang tao upang mabuhay ito ay ang Pangunahin at Sekundaryang Pangangailangan.

Pangunahing Pangangailangan:

Sekundaryang Pangangailangan:

Ang Kakapusan at ang KakulanganNagkakaroon ng kakapusan sa yaman dahil sa paglaki ng bilang populasyon at pagtaas ng demand sa pinagkukunang-yaman. Ang kakapusan ay isang kalagayan dulot ng walang hanggang pangagailangan ng tao ngunit limitado ang pinagkukunang-yaman. Pwede rin ituriong ng bahagi ng kakulangan ang kakapusan dahil sa huli ay nauubos. Ang kakulangan naman ay isang kalagayan ng pwede pang mapunan.

Alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman

Tinatawag na alokasyon ang wastong pangangasiwa at pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao at lipunan. Dahil limitado lamang ang pinagkukunang-yaman, mahalagang malinang ng husto ang anumang limitadong mapagkukunan nito nang sa gayon ay makamit ang lubos na kasiyahan o utilidad mula rito.

Dalawang uri ng pagpili sa lipunan upang higit na maunawaan ang konsepto ng alokasyon:1. Indibidwal na pagpili

- nakatutulong ang kaalaman sa maykoekonomiks upang makapaglapat ng wastong alokasyon ang tao sa panahon at pananalapi sa pang araw-araw na buhay. Ang indibidwal na pagpili sa maykroekonomiks ay tumutukoy sa pagsusuri ng ginagawang pagpapasya ng indibidwal o isang tao at kumpanya.

2. Panlipunang pagpili

- ang pagpapasyang tumutugon sa pangangailangan ng lipunan. Sa bahaging ito, nakatutulong ang pag-aaral ng maykroekonomiks. Halimbawa, paano matutugunan ng pamahalaan ang mga suliranin ng bansa tulad ng implasyon, kawalan ng trabaho, at pagkukunan ng pondo. Samaktwid, kailangang suriin at pag-aralan ng mabuti ng pamahalaan ang gagawing pag-pili batay sa Alokasyon sa pinagkukunang-yaman bago magsagawa ng isang pasya.