Likas na yaman ayon sa uri

Post on 18-May-2015

26.530 views 7 download

Transcript of Likas na yaman ayon sa uri

Likas na Yaman ayon sa Uri

May apat na uri ang mga likas na yaman ang ating bansa. Anu-ano ang mga ito?

1. YAMANG PANSAKAHAN

• Makikita sa kapatagan at sa mga lambak• Pinagtatamnan ng mga palay, mais, gulay,

mga punongkahoy at iba pang panamin• 32.4% o 9,725,155 ektarya ay lupang sakahan• Dito makukuha ang pangunahing

pangangailangan ng mga tao• Sa lupa din umaasa ang mga halaman at

hayop

Lambak ng La Trinidad

Banawe Rice Terraces

Talampas ng Bukidnon

2. YAMANG GUBAT

• Ang kabuuang lawak ng yamang gubat sa bansa ngayon ay mga 5.7 milyong ektarya

• Tinatayang ¼ ng kabuuang lupa ay binubuo ng komersyal na kagubatan – May 3,500 na uri ng puno at may 60% lang

ang nagagamit na pangkomersyal

• Kabilang sa mga kakahuyan ng ating bansa ay ang mga dipterocarp

• Dipterocarp, ay isang uri ng kagubatan. Matatagpuan ang kagubatang ito kung saan malakas ang buhos ng ulan. Ilan sa mga specie ng punong kahoy sa kagubatang ito ay tangili, apitong, pulang lauan, puting lauan, yakal at iba pa na pawang tinatatakan na Philippine Mahogany kapag iniluluwas ng Pilipinas sa iba't ibang karating bansa.

• Sa Palawan makikita ang pinakamalaking kagubatan sa bansa

• 45.2% ng lupain sa Mindanao ay mga kagubatan, ang pinakamalaking kakahuyan ay nasa silangang bahagi ng Mindanao

• Sa Luzon, ang lalawigang Bulubundukin o tinatawag na Rehiyon ng Cordillera at ang Lambak ng Cagayan o Rehiyon II ay kilala sa mga kagubatan nito

• Sa Visayas ay mga 26.4% ang kabuuang lupain ang kagubatan, makikita ito sa mga lalawigan ng Leyte, Panay at Samar.

3. YAMANG PANGISDAAN

• 2.2 milyong kilometro kwadrado – kabuuang lawak ng pangisdaan ng Pilipinas

• 1,666,300 kilometro parisukat ang sakop ng tubigan nito

• Maraming uri ng isda ang kilala sa Pilipinas

Rhineodon Typus

• Pinakamalaking isda sa daigdig na may anim na metro ang haba

Pandaca Pygmea

• Pinakamaliit na isda – 9 – 11 milimetro ang haba

Sampung Pinakasaganang Pangisdaan sa Pilipinas ayon sa BFAR:

• Dagat Visayas• Golpo ng Moro - The Moro Gulf is a sea

in Mindanao in the Philippines. It is part of Celebes Sea and is surrounded by the Zamboanga Peninsula and the central part of Mindanao. Sibuguey Bay and Illana Bay are its major branches. Wikipedia

• Dagat ng Kanlurang Sulu

Sampung Pinakasaganang Pangisdaan sa Pilipinas ayon sa BFAR:

• Dagat Timog Sulu• Dagat ng Samar• Dagat ng Bohol• Golpo ng Leyte at • Look ng Tayabas• Dagat ng Palawan• Dagat ng Mindoro

4. YAMANG MINERAL

• Ayon sa datos ng DENR mayroon 5,817,427,512 metric ton ng mga depositong metal

• 28,037,532,412 metric ton ng mga di-metal na mineral

3 Uri ng Mineral sa Bansa

• Mineral na bakal– Bakal, chromium, nikel, zinc, tingga, asoge,

aluminum, ginto at pilak

• Mineral na di-bakal– Ceramic at refactory magnesite, luwad at mga

mineral na kemikal at pataba tulad ng asupre, guano, phospate, gypsum, asbestos, talc, marmol at aspalto

• Mineral na panggatong o pang-enerhiya– Langis at karbon

• Ang mga enerhiyang geothermal ay matatagpuan sa Albay, Laguna, Cotabato, Negros, Surigao, Quezon at Leyte

• Matatagpuan naman ang Malampaya sa Palawan ang deepwater gas-to-power project.

• Nasa Cebu, albay, at Naga ang pinakamalalaking deposito ng carbon sa Pilipinas

Isagawa Mo: Pangkatin ang mga likas na yaman ayon sa uri

Pansakahan Pangisdaan Mineral Gubat

1. pusit2. bakawan3. marmol4. mababangis na hayop5. mais6. balyena7. langis8. hipon9. palay10.Chromite

11.magnesium12.korales13.tubo14.carbon15.troso16.mercury17.niyog18.saging19.natural gas20.pinya