LAGOM, KONGKLUSYON at REKOMENDASYON

Post on 17-Jan-2016

239 views 0 download

description

LAGOM, KONGKLUSYON at REKOMENDASYON. Ito ang huling kabanata ng pamanahong papel . Ito rin ang isa sa pinakamahalagang bahagi niyon sapagkat dito : nilalagom ang mga nakalap na datos at impormasyon ; inilalahad ang mga generalization sa anyong kongklusyon batay sa mga - PowerPoint PPT Presentation

Transcript of LAGOM, KONGKLUSYON at REKOMENDASYON

LAGOM,KONGKLUSYON atREKOMENDASYON

Ito ang huling kabanata ng pamanahong papel. Ito rin ang isa sa pinakamahalagang bahagi niyon sapagkat dito: nilalagom ang mga nakalap na datos at impormasyon; inilalahad ang mga generalization sa anyong

kongklusyon batay sa mga datos na nakalap;

at ipinatutungkol sa mga kinauukulan ang mga rekomendasyon tungo sa posibleng kalutasan ng

mga suliranin.

LAGOM

a. Simulan ang lagom sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-aaral, mga respondante,saklaw,limitasyon

at panahon ng pag-aaral,pamamaraan at instumentong ginamit sa

pangangalap ng mga datos at impormasyon at ang disenyo ng pananaliksik. Hindi na kailangan ng anumang eksplanasyon o pagpapalawig.

sa pangangalap ng mga datos at impormasyon at ang disenyo ng pananaliksik. Hindi na kailangan ng anumang eksplanasyon o pagpapalawig.

b. Ilahad ang lagom sa paraang tesktwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga impormanteng datos.

c. Huwag gumawa ng mga deduction, inference at interpretasyon sa lagom dahil mauulit lamang ang mga

iyon sa kongklusyon.

d. Ang mga impormanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom, lalung-lalo na iyong

mga pinagbatayan ng mag kongklusyon

e. Ang mga datos ay hindi dapat ipaliwanag pang muli.

f. Gawing maiikili at tuwiran ang mga pahayag sa lagom.

g. Huwag magdaragdag ng mga bagong datos o impormasyon sa lagom.

KONGKLUSYON

a. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.

b. Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral.

Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.

c. Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga paktwal na napag-alaman sa inkwiri.

d. Huwag bubuo ng kongklusyon batay sa mga implayd o indirektang epekto ng mga datos o impormasyong nakalap.

e. Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon , ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang

impormasyong resulta ng pag-aara na hinihingi ng mga tiyak o ispesipik na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.

f. Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na sila’y may pagdududa o alinlangan

sa validity at reliability ng kanilang pananaliksik.

Kailangan kung gayong iwasan ang mga salitang nagpapahayag ng walang-katiyakan tulad ng siguro,marahil,baka atbp.

g. Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.

h. Ang mga kongklusyon ay hindi dapat bahagi ng pamanahong papel. Samakatwid, ang isang

diwang una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa kongklusyon.

REKOMENDASYON

a. Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon .

b. Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa pag-aaral.

c. Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat isa’y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan.

d. Dapat maging balid at lohikal ang bawat rekomendasyon.

e. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.

• f. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon at/o mga hakbang o paraan kaugnay niyon.

g. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokaliti at populasyon upang ma-verify, ma-amplify o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.

Ang listahan ng mga sanggunian ay matatagpuan sa katapusan ng isang papel-pampananaliksik. Ito ang pinakakatumbas ng Bibliograpi sa M.L.A. Sa A.P.A., ang pahinang ito ay maaaring pamagatang

Listahan ng mga Sanggunian , mga Sanggunian o Talasanggunian.

Ang unang linya ng bawat entri sa listahan ng sanggunian ay nagsisimula sa dulong kaliwa, samantalang ang ikalawa at mga kasunod na linya ay nakapasok nang tatlong espasyo mula sa kaliwang margin. Ang mga entris ay nakaayos ng alpabetikal batay sa apelyido ng awtor o unang awtor.

TUNGKULIN

a. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga ideya, ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o mga materyales na hinalaw.

b. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman.

c. Nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon para sa mambabasa na nagnanais na palawakin pa ang isang

pananaliksik.

d. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik.

e. Nagbibigay ito ng kredibilidad sa pananaliksik na isinasagawa.

Batayang impormasyon na kailangang matukoy sa Listahan ng Sanggunian:

a. Awtor/mga awtorb. Pamagatc. Lugar ng Publikasyon d. Publisher/Tagalimbage. Petsa/taon ng ublikasyonf. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)

• MGA TAGUBILINSi Burgess (1995) ay nagtala ng mga tagubilin sa paggawa ng listahan ng sanggunian sa akda niyang A Guide for Research Paper.

a. Aklat na may isang awtor1. Simulan sa apelyido ng awtor, sundan ng kuwit at inisyal ng awtor (o buong pangalan kung abeylabol ang datos na iyon), at tuldukan.2. Isunod ang taon ng publikasyon. Tuldukan.

3. Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang unang salita ang nagsisimula sa malaking titik at ang mga pangngalang pantangi at subtitle na karaniwang sumusunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng pamagat.

Aguino, B. 1990. The taming of the millionaire. New York: Random House.Bernales, Rolando A. 1995. Bukal 3:Pagbasa. San Mateo,Rizal: Vicente Publishing House, Inc.

b. Aklat na may dalawa o higit pang awtor1. Simulan sa may apelyido nng unang awtor,

kuwit at inisyal o pangalan (kung abeylabol). Huwag babaguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga awtor na nakatala sa aklat.

2. Isunod ang apelyido ng (mga) ko-awtor. Tularan ang pormat ng unang awtor. Paghiwalayin ang mga pangalan ng

awtor ng kuwit, maliban kung dalawa lamang ang awtor at bago ang huling awtor na ginagamitan ng ampersand (&).

3. Sundin ang tuntunin a.2, a.3 at a.4

Davis, K. & Newstorm, J. 1989. Human behavior in organization. New York: Mc Graw-Hill

Tumangan, Alcomtiser P., Bernales, Rolando A., Lim,Dante C. & Mangonon, Isabela A. 2000. Sining ng pakikipagtalastasan: Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Ang et.al (et alibi,and others,atbp) ay hindi ginagamit sa listahan ng sanggunian kahit pa mahigit sa dalawa ang awtor ng isang sanggunian. Sa dokumentasyon(talang-parentetikal) lamang ginagamit ang et al.

c. Inedit na bolyum ng isang aklat1. Simulan sa apelyido ng editor ng bolyum.

Bantasan katulad ng sa awtor o mga awtor ng isang aklat. Kung dalawa o higit pa ang editor, gumamit ng ampersand sa pagitan ng dalawang editor at huling editor kung tatlo o higit pa.

2. Isunod ang Ed. (nag-iisang editor) o Eds. (dalawa o higit pa) na nakapaloob sa parentesis. Tuldukan.

3. Sundin ang tuntunin a.2, a.3 ay a.4.

Almario, Virgilio S. (Ed.). 1996. Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog. Lungsod ng Quezon: UP Diliman.

Darling, C.W., Shields, J. & Villa V.B. (Eds.). 1998. Chronological looping in political novels. Hartford: Capitol Press.

Halos ganito rin ang mga tuntunin sa mga isinalin at kinumpayl na akda. Palitan lamang ang Ed. o Eds. ng Tran. o Trans. para sa translator/s at Comp. o Comps. para sa compiler/s. Kung konsultant naman ang given, gamitin ang Con. o Cons. sa halip.

d. Mga hanguang walang awtor o editor 1. Simulan sa pamagat ng akda at tulduakan.2. Sundin ang tuntunin a.2 at a.4

Webster’s new collegiate dictionary.1961. Springfield, MA: G and G Merriam.

The personal promise pocketbook. 1987. Makati: Alliance Publishers,Inc.

e. Multi-bolyum, inedit na akda 1. Sundin ang tuntunin c.1 at c.22. Sundin ang tuntunin a.33. Isunod ang bilang ng bolyum na nakapaloob sa parentesis. Tuldukan.4. Sundin ang tuntunin a.4.

Nadeau, B.M. (Ed.). 1994. Studies in the history of cutlery. (Vol 4). Lincoln; University of Nebrasca Press.

Kung ang multi-bolyum na akda ay hindi inedit at sa halip ay isinulat ng isang awtor, sundin lang ang tuntunin a.1, a.2, a.3,e.4 at a.4. Kung dalawa o higit pa ang awtor,

sundin ang tuntunin b.1, b.2, a.2, a.3, e.4 at a.4.

f.Di-nalathalang disertasyon, tisis, pamanahong-papel

1. Sundin ang a.1 at a.2.2. Sundin ang tuntunin a.3 at salungguhitan.

• 3. Isunod ang salitang di nalathalang-disertasyon/tisis/pamanahong-papel (o anumang anyo ng papel pampananaliksik o akademikong papel), sundan ng kuwit, ng pangalan ng kolehiyo o unibersidad at tuldukan.

De Jesus, Armando F. 2000. Institutional research capability at the Santo Tomas:Proposed model for managing research in private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST.

Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis,

UP Diliman

g. Mga artikulo mula sa journal, magasin, dyaryo, newsletter

1. Sundin ang tuntunin a.1 kung nag-iisa ang awtor; b.1 at b.2 kung dalawa o higit pa.

2. Isunod ang taon, buwan (kung abeylabol ang petsa, idagdag din ito) na

pinaghihiwalay ng kuwit. Tuldukan matapos.

3. Isunod ang pamagat ng artikulo, tulad ng sa a.2. Tuldukan.

4. Isunod ang pangalan ng journal, magasin, dyaryo o newsletter, sundan ng kuwit,

ng bilang ng pahina (huwag gagamit ng p. o pp.).

Dauz, Florentino. 2003, Agosto 10. Ang bayan ng Gapan. Kabyan,4. Maddux, K. 1997, March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-98.

Nolasco, Ma. Ricardo. 1998, Hunyo. Ang linggwistiks sa pagsasalin sa wikang pambansa. Lagda, 12-20.

h. Pelikula, kaset, cd, vcd1. Sundin ang tuntunin a.1. Palitan lamang ang

awtor ng direktor kung pelikula at artist/speaker/lecturer kung kaset,vcd o cd.

2. Sundin ang tuntunin a.2.

3. Kung di-given ang mga pangalan sa h.1, magsimula na agad sa h.4, tuldukan, isunodn ang taon ng unang distribusyon at tuldok muli.

4. Sundin ang tuntunin a.3 ngunit bago tuldukan, isingit ang salitang “Pelikula,Kaset,VCD o

CD” sa loob ng braket

5. Isunod ang lugar kkung saan prinodyus (kung given) sundan ng tutuldok, isunod ang prodyuser at tuldukan. Kung di-given ang lugar, isunod agad ang prodyuser at tuldukan.

Leonardo: The inventor [VCD]. 1994. Future Vision Multimedia Inc.

Redford, R. 1980. Ordinary people [Pelikula]. Paramount.

Sound Effects [CD]. 1999. Network Music Inc.Villaluz,E. & Reyes, L. 1990. Sing!sing!sing!: A vocal course for pop singers [kaset]. Ivory Records.

Maga dokumento mula sa mga tanggapan ng gobyerno

1. Simulan sa pangalan ng ahensyang pinagmulan ng dokumento at tuldukan.

2. Isunod ang aton ng publikasyon at tuldukan.3. Isunod ang pamagat ng dokumento, ang

bilang ng publikasyon (kung mayroon) sa loob ng parentesis at tuldukan.

4. Isunod ang lugar ng publikasyon, tutuldok at pablisher.

National Institute of Mental Health. 1982. Television and behavior: Ten years of scientific progress (DHHS Publication No. A82-1195). Washington, DC: US Government Printing Office.

j. Mga hanguang elektroniko1. Kung nakapost sa internet ang panagalan ng

awtor o kontribyutor, taon at pamagat, sundin ang tuntunin a.1, a.2 at a.3 at

isunod ang sinalungguhitang website o path. Tapusin sa tuldok.

2. Kung pamagat lamang ang abeylabol, simulan sa pamagat, tuldukan at isunod ang website o path na sinalungguhitan.

3. Kung hindi abeylabol ang datos sa j.1 at j.2, ilagay na lang ang sinalungguhitang website.

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style. http://webster.commet.edu/apa/apa intro.htm#content2.