KAYAMANANG LIKAS SA DAIGDIG AT MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

Post on 26-Jun-2015

366 views 1 download

Transcript of KAYAMANANG LIKAS SA DAIGDIG AT MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

KAYAMANANG-LIKAS SA DAIGDIG

LIKAS NA YAMAN

Isa sa mga natatanging katangian ng daigdig

Tumutugon sa mga pangangailangan ng lahat ng nilalang

Napananatili ang buhay sa daigdig at napauunlad ang pamumuhay ng mga tao

2 URI NG LIKAS NA YAMAN

BIOTIC- mga yaman na may buhay

(mga halaman at hayop)

ABIOTIC- mga yaman na walang buhay

(mga bagay na makikita sa hangin, lupa o tubig)

MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN NG

DAIGDIG

DEFORESTATION

Ito ay ang permanenteng pagkasira ng mga kagubatan.

Ang mabilis na pagkasira ng kagubatan ay dulot ng mga sumusunod:

a. kainginb. pagpapatayo ng mga subdivision at

mga gusaling komersyal

c. walang habas na pagputol ng mga puno upang maging materyales

MGA DI-MABUBUTING EPEKTO NG DEFORESTATION:

nagbubunga ng paglabas ng carbon dioxide na nagdaragdag sa pagkasira ng ozone layer (GREENHOUSE) na nagbibigay-proteksyon sa mundo mula sa mapaminsalang ultraviolet ray ng araw

nagbibigay-daan sa mabilis na pagguho ng mga lupa at pagkakaroon ng flashflood

maraming mga hayop at halaman ang unti-unting nauubos at napapabilang sa listahan ng mga endangered specie

POLUSYON

apektado nito ang hangin, kalupaan at katubigan

malaki ang epekto nito sa pamumuhay ng mga tao gaya ng paglaganap ng sakit sa katawan at pagkamatay ng iba pang uri ng mga halaman at hayop

MGA SANHI NG POLUSYON

HANGIN- mga usok na nagmumula sa mga pabrika at

sasakyan KATUBIGAN

- pagtatapon ng mga basura mula sa mga pabrika at kabahayan sa tubig

- hindi inaasahang pagtatapon ng langis mula sa mga barko (oil spill) KALUPAAN

- nagmumula sa mga basurang itinatapon at ang labis na paggamit ng mga fertilizer sa mga sakahan

GLOBAL WARMING

Ito ay bunga ng prosesong tinatawag na GREENHOUSE EFFECT.

Ang greenhouse ang nagsisilbing harang ng mundo upang mapanatili ang kailangang init ng araw.

CHLOROFLUOROCARBON at CARBON DIOXIDE

Ito ay ang mga gas na nagpakapal ng harang sa mundo at naging dahilan ng pagpapanatili ng mas maraming init ng araw at siyang nagpainit sa temperatura ng mundo.

MGA EPEKTO NG GLOBAL WARMING:

a. Pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan dahil sa pagkatunaw ng mga yelo sa rehiyong Polar

b. Maraming baybaying-dagat at mababang lugar ang lulubog gaya ng mga bansang Bangladesh, China, India at Egypt

MGA EPEKTO NG GLOBAL WARMING:c. Maaapektuhan ang presipitasyon ng daigdig

d. Pagtaas ng insidente ng heatwave

e. Pagkaubos ng tubig na maiinom at paglaho ng maraming specie

f. Pagdami ng mga sakit tulad ng malaria

Mga dapat gawin upang malimitahan ang di-mabuting epekto ng Global Warming:

Reforestation

Di-paggamit ng mga bagay na naglalabas ng CFC (chlorofluorocarbon)

wastong patakaran sa paggamit ng petrolyo

El Niño at La Niña

Di-pangkaraniwang lagay ng atmospera sa rehiyong Pasipiko na maaaring magbunga ng di-mabuting kalagayang pangkabuhayan at panahon sa mga apektadong lugar.

El Niño

salitang Peru na nangangahulugang

“Batang Hesus”

naglalarawan ng kakaibang init ng temperatura sa gitna at silangang Pasipiko na nagdudulot ng pagbabago sa panahon

La Niña

di-pangkaraniwang lamig ng temperatura sa karagatang Pasipiko

mas matinding pag-ulan ang nararanasan ng mga bansang Australia at Indonesia tuwing panahon ng La Niña