Katangiang Pisikal ng Daigdig

Post on 29-Jul-2015

404 views 16 download

Transcript of Katangiang Pisikal ng Daigdig

Katangiang Pisikal ng Daigdig

Prepared by: NERISSA R. DIAZ (Teacher 1)James L. Gordon Integrated School

Olongapo City

Ano ang Heograpiya?

▪Ang Heograpiya ay galing sa dalawang salitang griyego na"GEO" na ang ibig sabihin ay mundo at "GRAPHIEN"na ang ibig sabihin ay paglalarawan.▪Ito rin ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig o mundo.

PAANO MO MAILALARAWAN ANG MUNDO?

Mga Paniniwalang Pinagmulan ng Daigdig

▪Makaagham –Teorya ng mga siyentista tungkol sa pinagmulan ng daigdig.may sari-sariling bersyon ngunit ang pangkalahatan ay mapapangkat sa tatlong uri :

1. Gas at Ulap na nabuo 2. Bangaan ng mga Bituin

2. 3. at Pagsabog

▪Panrelihiyon – Nagmula sa bibliya.

MAKAAGHAM NA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG DAIGDIG

- NEBULAR

- DUST CLOUD

- DYNAMIC

- KONDESASYON

- SOLAR DISRUPTION

- PLANETESIMAL

- COLLISION

- BIGBANG O SUPERSONIC TURBELENCE

NEBULAR THEORY

▪ nagmula sa nebular ang sistemang solar kasama na ang daigdig. Ito’y may namumuong gas at alikabok at nakikita sa pamamagitan ng mga radyasyon na ULTRAVIOLET na mula sa mainit na bituin.

DUST CLOUD

▪Kasintulad lang ito sa teoryang nebular pinagkaiba lamang ay sa alikabok ng mga meteorite nabuo sa halip na gas.

Dynamic Encounter

▪Ito’y nagmula sa Sistemang Solar sa banggang ng isang araw at malaking kometa.

Solar Disruption▪ Ito’y tungkol sa pangbangga ng bituin at araw dahil sa lakas nito, ito’y nagtalsikan sa kalawalakan. Pero patuloy parin itong umiikot sadil sa pwersang centrifugal.

Planetesimal

▪Ito’y tungkol sa pagbuo ng planeta at daigdig dahil sa pagsama-sama at padikit-dikit ng planetoid.

Big Bang o Supersonic Turbulence

▪ 10 hanggang 15 bilyong taong nakakaraan may malaking pagsabog na yumanig sa kabuuan nito. At ang malaking tipak ay patuloy sa pagbuo dahil sa Hydrogen. Steady State Theory ang tawag sa walang katapusang paulit-ulit na pagbuo.

Panrelihiyon

-Ito’y paniniwala na ang daigdig ay gawa ng diyos.

-Nakasaad sa Aklat ng Genesis.

Nasaan ang planetang daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa posisyon ng daigdig sa solar system?

▪ Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito.

▪ Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis.

▪ Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.

ESTRUKTURA NG DAIGDIG

Crust

▪Ang matigas at mabatong bahagi ng planeta.

▪Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro palalim mula sa mga kontinente.

▪Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km.

Mantle

▪Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.

Core

▪Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.

Estruktura ng Daigdig

Tectonic Plates

▪Malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ito ay gumagalaw mga balsang inaanod ng Mantle.▪Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na ito. Sa katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.

Tectonic Plates

▪Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas.

▪ Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente ay nagbabago-bago.

Hemisphere

▪Ang daigdig ay may 4 na hating globo:▪Ang Northern at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator.

▪Ang Eastern at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.

Pangunahing Kasangkapan Upang Mailarawan ang Daigdig

 - Globo - Mapa

Pagtatakda ng Lokasyon

▪Meridian▪ Parallel▪ Latitude▪ Longitude

Meridian o Prime Meridian

▪ -nasa Greenwich, England ay tinatalagang “ zero degree longitude”

▪ - galing sa wikang Latin na ang ibig sabihin ay “tanghali”

▪ -lahat ng pook na bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit ng meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng katanghalian.

▪ - dito kunuha ang pinaikling na “A.M.” o bago sumapit ang tanghali, “P.M.” o post meridian o pagkalipas ng tanghali.

PARALLEL

▪Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila magsalubong.

PARALLEL▪May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang

1.Arctic Circle,

2.Tropic of Cancer,

3.Tropic of Capricorn

4.Antarctic Circle

Latitude

▪ay ang distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng 2 parallel patungo sa hilaga o timog ng equator

Longitude

▪distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang meridian patungo sa silangan o kanluran ng Prime Meridian.

Equator

▪humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere.

Tropic of Capricorn

▪ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemisphere kung saan direktang sumisikat ang araw.

Tropic of Cancer

▪pinakadulong bahagi sa Northern Hemisphere kung saan direktang sumisikat ang araw.