Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyo

Post on 14-Dec-2014

9.331 views 17 download

description

I hope I had helped you so much. This was been made passionately.. Thank You for visiting... May God Bless U

Transcript of Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyo

Kaisipang Asyano sa Paggawa

ng Imperyo

Mga Dapat Pag-aralan:• Mga Kaisipan• India: Kabihasnang Nakabatay sa Hinduism• Imperyong Mauryan• Imperyong Gupta• Tsina: Kabihasnang Nakabatay sa Sinocentrism

at Propiyedad• Ang Imperyo ng Dinastiyang Chin• Ang Imperyong Han• Japan: Kabihasnang Nakabatay sa Teorya ng

Divine Origin• Ang Kaisipang Devaraja

Imperyo

- ay tumutukoy sa pagpapalawak ng isang teritoryo sa pamamagitan ng pagsakop sa iba pang teritoryo.

Mga Kaisipang Nagsilbing Gabay ng mga Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

• Ang mga kaisipang ito ang naging gabay ng mga Asyano sa paglinang ng kanilang kabihasnan. Nakaktulong din ito sa pagtatamo ng mataas na moralidad ng mga Asyano.

• Ang mga kaisipang ito ang gumising sa isipan ng mga Asyano upang malinang ang mga kahanga-hangang pagbabago sa lahat ng aspekto ng kanilang pamumuhay

India: Kabihasnang Nakabatay sa Hinduism

• Aryan- pangkat na unang sumakop sa India. Sila ay matatangkad at may mapusyaw na balat. Sila ay mga nomad na nakikipagkalakalan sakay ang kanilang mga kabayo

• Dravidians- o “maitim” pangalan na binigay ng mga aryan sa mga taong naabutan nila sa India.

Ang mga diyos ng Aryans:• Indra- diyos ng kidlat• Agni- diyos ng apoy

Ang diyos ng Dravidians• Shiva- nagbibigay liwanag sa mga

prinsipyo sa buhay

India

HINDUISM

- Nagkasundo ang dalawang pangkat na mamuhay sa ilalim ng iisang kaayusang panlipunan at paniniwala

- Mula sa pilosopiyang ito nagsimula ang sistemang caste sa lipunang Indian

Ang Sistemang Caste- Ang lipunan ay napapangkat sa

hindi magkakapantay na katayuan ng bawat tao

- Pinaniniwalaang ang sistemang ito ay pinairal ng mga Aryan upang mapanatili ang mataas na kalagayan ng kanilang pangkat.

Pagpangkat ng Varna sa Rig Veda

Sa pamamagitan ng pag-uuring ito, ang kinabibilangan uri ng isang tao ang siyang nagtatalaga kung ano ang

kanyang magiging hanapbuhay, kung sino ang

kanyang mapapangasawa, at sino ang maaari niyang makasama sa pagkain.

Untouchables- kabilang rito ang mga pulubi, basurero, at iba pang taong nabibilang sa pinakamababang uri ng hanapbuhay na binansagan nilang impure.

Karma at Reincarnation

Reincarnation

• Ang gulong ng Buhay o Samsara- ay sinaunang simbolo na may kaugnay na kahulugan sa Buddhism at Hinduism.

• Ito ay nagsisimbolo ng siklo ng pagkapanganak, buhay, at kamatayan ng isang tao. Sa pagkatapos ng ikot nito, pinaniniwalaan na magkaroon ng reincarnation

Karma

• Ay salitang sanskrit na na ibig sabihin ay “kilos o asal”

• Ipinahahayag nito ang kaugnayan ng kilos o asal at ang maaaring maging bunga nito

• Ang mabuting asal ay nagbubunga ng mabuting kalagayan, samantalang ang di mabuting asal ay nauuuwi sa di- mabuting kalagayan ng isang indibidwal maging ng isang pangkat

Ang ImperyongMauryan

Imperyong Mauryan• Sinakop ni Alexander the Great ang India

noong taoong 326 BCE.• Chandragupta Maurya- dagliang inagaw

ang kapangyarihan mula kay Seleucus I, isang heneral ni Alexander the Great

• Nang matalo ni Chandragupta si Seleucus ang India ay napasailalim ng Imperyong Maurya

• Bumuo si Chandragupta ng 30, 000 hukbo ng kawal upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan

Imperyong Mauryan

• Si Chandragupta ay nanungkulan sa ilalim ng paggabay at pagpapayo ni Kautilya, isang pari ng caste.

• Kautilya- ang sumulat ng Arthasastra. Sa tulong nito nakapagtatag si Chandragupta ng isang pamahalaang barukrasya.

• Arhasastra- naglalaman ng mga kaalaman sa pamamalakad at pag-iisa ng isang imperyo.

• Pamahalaang Barukrasya- ay pinamumunuan ng hari sa tulong ng ilang opisyal

- 4 na lalawigan na nahahati sa mga loka na distrito.• Ang bawat distrito ay may kani-kanilang

opisyal na siyang nagpapatupad ng batas at nangongolekta ng buwis

Imperyong Mauryan

• Nang namatay si Chandragupta, pinalitan siya ng kanyang anak na naghari ng 32 taon.

Ang Pamumuno ni Asoka at ang

Dhamma

• Si Asoka ang nagdala sa Imperyo sa tugatog ng kadakilaan

• Nakipagdigma siya sa kalapit na lupain upang mapalawak pa ang kanyang imperyo

Asoka at Dhamma

• Ang mga Kalinga ay naninirahan sa timog-silangang bahagi ng India.

• Sa labanan, umabot sa 100, 000 kawal ang namatay at higit pa sa bilang nito ang sibilyang nagdusa

• Nagsisi si Asoka sa kanyang nagawa sa mga Kalinga

Ang mga Kalinga

Buddhism- ay naglalahad ng isang malalim na

pilosopiya na nagbibigay paliwanag sa pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari sa buhay ng sangkatauhan. Ito ay isang organisadong relihiyon na may pangakong kasagutan sa lahat ng paghihirap at pagtitiis ng sinuman sa panahon ng anumang kaguluhan.

- Kabilang sa relihiyong ito si Asoka

• Itinakwil ni Asoka ang pakikidigma at pananakop at sinimulang pamunuan ang kanynang imperyo nang naaayon sa makataong pamaraan.

• Pobisyon ng Serbisyong medikal• Pangaral patungkol sa Personal na moralidad• Pagpapairal ng Katarungan• Pagpapahintulot sa anumang relihiyon• Nagpagawa ng balon ng tubig at lansangan

Ang Pagbabago

- Ang pangkat ng mga opisyal na may tungkuling ipalaganap ang dhamma

- Ang dhamma ay isa sa mga aral ni Buddha na nagbibigay halaga sa prinsipyong walang karahasan at kapayapaan para sa lahat

- Ang pangkat na ito ay naging misyonaryo ni Asoka sa iba’t ibang dako sa Asia

- Dahil dito si Asoka ay kinilalang “Dakilang Tagapagpalaganap ng Buddihism”

Dhamma-mahamat-tas

Pagkatamatay ni Asoka

Ang Imperyong

Gupta

• Itinatag ni Sri- Gupta.• Ang angkan ng gupta ay nagmula sa

Magadha o silangang Uttar Pradesh• Chandragupta I- naging

makapangyarihan bunga ng pagpapaksala sa anak ng isang maharlika. Siya ay tinanghal bilang “Dakilang Hari ng mga Hari”

• Sila ang nagsimula ng tekstong legal sa hukuman

• Ang sanskrit ay napalaganap sa buong imperyo

• Kalidasa- ang dakilang manunulat ng Hindu

• Kama Sutra- isang manwal na may kinalaman sa sining ng pagmamahal

• Pag-aaral ng kaalaman tungkol sa astronomiya

• Aryabhata- isang astronomong hindu: rotasyon at rebolusyong ng mundo

• Ang Panahong ito ay tinawag na “Ginintuang Panahon ng Hinduism”

• Nang namatay si Chandragupta I, siya ay pinalitan ni Chandragupta II

Tsina Kabihasnang nakabatay sa Sinocentrism at Propeyidad

Sinocentrism• Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa

paniniwala at pilosopiya ng mga tsino na ang Tsina ang pinakasentro ng daigdig, o “Gitnang Kaharian”

• Ayon sa sinaunang paniniwala, ang mundo ay binubuo ng 100 bansa: 25- pinapaligiran ng karagatan, 45- kabila ng karagatan, 30- kabila ng sususnod na karagatan.

MGA

TUKLAS

• Papel• Pulbura• Paraan ng Paglilimbag• Magnetic Compass

- Pinaniniwalaan nilang ang mga ito ay higit na nakakatulong sa pagbabago ng daigdig.

Hindi naayon sa kanilang kultura ang mangibang bansa

upang mapalaganap ang kanilang kultura sapagkat

naniniwala silang hindi na nila kailangang humikayat dahil

alam nilang tatanggapin na ng iba ang kanilang kultura

Panahong Nag- aalitang Estado• Matapos ang 300 taong mapayapang

pamumuno ng mga Chou, sila ay ginambala ng pag-aalitan ng mga estadong kanilang pinamamahalaan na tinawag na Age of the Warring State

• Dahil dito nagsimulang humina ang Distaniyang Chou

• Noong 771 BCE, ang Han, na kabisera ng Chou, ay pinasok ng mga nomad.

• Namatay ang Hari ng Chou

• Nakatakas ang ibang miyembro nito at muling nagtatag ng kabisera sa Louyang na higit na malapit sa Huang River

• Sa panahong ito, ang angkan ng mga Chou ay namuno lamang bilang tau-tauhan na di naglaon ay nagupo ng Dinastiyang Chin

Age of the Warring States

“ANG PILOSOPIYA”

ANG PILOSOPIYA NI CONFUCIUS

• Si Confucius ang pinakamaimpluwensiya sa lahat ng mga pilosopong makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lupain

• Ang teorya at ideya ni Confucius ay nagbibigya-halaga sa lipunang may pagkakasundo bunga ng maayos na pamamahala.

Maibabalik ang maayos na Pamahalaan sa Tsina sa Pamamagitan ng Limang Pangunahing maayos na relasyon:

1. Namumuno at Nasasakupan

2. Ama at anak

3. Mag-asawa

4. Nakakatandang kapatid na lalaki at nakakabatang kapatid na lalaki

5. Magkaibigan

Ayon kay Confucius, mahalagang makagawian ng mga anak ang pagsunod sa filial piety, o paggalang at pagmamahal sa mga magulang at nakakatanda.

Ang Imperyong Dinstiyang Chin

Ang Dinastiyang Chin

• Ito ay pinamunuan ni Shih Huang-ti, isang 13 taong gulang na emperador na nagmula sa angkang Chin

• Sa ilang panahon, itinanghal niya ang sarili bilang 1st emperador ng Tein-hsia (all under heaven) at ginamit ang pangalang Shih Huang-ti

• Nagtalaga sa kaisipang sinocentrism bilang opisyal na ideolohiya ng Tsina

• Sinimulan ni Shih Huang-ti ang pananalakay at pananakop sa mga estadong taumatanggi sa kanyang pamumuno upang mapag-isa ang bansa

• Higit na pinalaki ang kanyang tagumpay sa pananakop ang kalakhang sukat ng Tsina

• Sa tulong ng ministrong si Li Si, ginamit niya ang ideya ng mga legilista upang masupil ang mga nagdidigmaang estado.

Ang Dinastiyang Chin

Mga nagawa ni Shih Huang – Ti

• Imperial Highway• paggamit ng magkakatulad na uri ng

salapi• sistema ng pagsulat• pagpapasunod ng batas• paraan sa pagtimbang at sukat.• ipinaayos ang mga irigasyon• Great Wall of China

Ang Pilosopiya ng Legilista

• Ang mga legilista ay naniniwala na isang makapangyarihang pamahalaan lamang ang makapagpanumbalik ng katiwasayan sa Tsina.

• Sina Hanfei Zi at Li Si ay ilan lamang sa mga nagtatag ng legalismo sa panahong ito

• Ayon sa legalista: kailangang pagkalooba ng gantimpala ang gumaganap ng kanilang tungkulin at parusahan nman ang hindi

• Naniniwala rin silang kailangang mapigilan ang lumaganap na ideya at kilusang maaring magbuyo sa mga taong pulaan ang pamahalaan

• Iminumungkahi rin nila ang pagsunog sa lahat ng kasulatan at pahayag na maaaring magbigay ng ideya sa mga tao upang mag-alsa.

Ang Pilosopiya ng Legilista

ANG PAMAHALAANG AWTOKRATIKO NI

SHI HUANG-TI

• Awtokrasya ang pamahalaang ipinatupad ni Shih Huang-ti sa Tsina.

• Sa pamamahalang ito, walang takda ang kapangyarihan ng namumuno

• Dagliang niyang nilansag ang kapangyarihan ng mga noble na dating namamahala ng kani kanilang lupaing pyudal

• Sa payo ng kanyang punong ministro, pinapatay ni Shih Huang-ti ang daan-daang scholar ng Confucian at ipinasunog ang mga aklat.

Pamahalaang Awtrokatiko

• Ipinagawa ni Shing Huang-ti ang Imperial Highway upang mapanatili ang sentralisado niyang kapangyarihan.

• Ipinagawa niya ang bantog na Great wall of China upang maitaboy ang pangkat ng mga barbarong nagnais na masakop ang imperyo

Pamahalaang Awtrokatiko

• Ang Great Wall of China ay meron lamang 2500 km sukat nang ipinagawa ni Shing Huang-ti. Sa kasalukuyan ito ay may habang 6700km. na nagmula Shanhaiguan sa silangan ng Tsina hanggang Lop Nur sa Kanluran.

• Ito ay may watchtower sa bawat sukat na 300 yarda.

• Ang Great wall of China ay kinikilala bilang isa sa 7 wonders of the World

Great Wall of China

Great Wall of China

2500kilometro

• Sa kabila ng mga pagbabagong ito, si Shih Huang-ti ay hindi naging malapit sa puso ng mga Tsino, ang mabibigat na buwis at mapanupil niyang pamamahala ang ikinagagalit ng mga mamamayan

• Ikinagalit rin ng mga skolar na Confucian nang ipinasunog niya ang mga aklat

• Kinasusuklaman rin siya ng mahihirap na mambubukid ng pinilit silang patrabahuin para sa Great walll of China.

Pamahalaang Awtrokatiko

• Sa daan- daang libong Tsino na gumawa ng Great wall of China, daang libo rin ang nangamatay sanhi ng klima.

• Nang namatay si Shi Huang-ti, siya ay pinalitan ng kanyang anak na higit na malupit, ngunit mahina namang emperador.

• Sa loob lamang ng 3 taon, nagambala ang imperyo sanhi ng pag-aalsa ng mga dating katunggali ni Shi Huang-ti

• Ang anak ni Shi Huang-ti ay napatalsik ng isang pinunong nagmula sa lupain ng Han

Pamahalaang Awtrokatiko

ANG IMPERYONG

HAN

IMPERYONG

HAN

• Ang Dinastiyang Han ay itinatag ni Liu Pang

• Ang Dinastiyang ito ay nahahati sa dalawang panahonn ng tig-dadalawang siglo

• Minana nila ang ediya ng sinocentrism• Itunuturing ng sinaunang Tsino ang

kanilang sarili bilang “Man of Han” o “people of Han”

Sentralisadong Pamahalaan ni

Liu Pang

• Nagtatag siya ng sentralisadong pamahalaan upang mapuksa ang kanyang mga katunggali sa kapangyarihan

• Hinati niya ang kanyang imperyo sa mga lalawigan na tinawag niyang commaderies.

• Iniwasan niya ang legalistang pamaraan upang makuha ang simpatiya ng kanyang nasasakupan.

Sentralisadong Pamahalaan

• Binabaan niya ang buwis at pinagaan ang mahigpit na kaparusahan sa mga may sala.

• Ipinagpatuloy niya ang paggawa ng Great Wall

• Ang bawat nasasakupan niya ay tinakdaan lamang niya ng isang buwang sapilitang paggawa at pagsisilbi sa hukbo.

• Dahil dito, naging mapayapa ang buhay ng mga Tsino sa Pamahalaang ito

Sentralisadong Pamahalaan

Ang Mga Martial

Emperor

Ang mga Martial Emperor

• Nang naging emperador ang apo ni Liu Pang na si Wu Ti, ipinagpatuloy niya ang pamaalaang sentralisado at pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng pakikidigma

• Dahil sa pananakop niya sa mga lugar sa hilagang kanluran ng Tsina, Manchuria(Korea), at katimugan ng Tsina: siya ay tinawag na “Martial Emperor”.

• Sa Pagtatapos ng kapangyarihan ni Wu Ti, ang kanyang imperyo ay umabot hanggang sa kasalukuyang hangganan ng Tsina

Martial Emperor

Wu Ti

• Matinding Suliraning ng Dinastiya: ang pagkakaroon ng di-pantay na pamumuhay sa pagitan ng mahihirap at mayayaman

• Ayon sa Tradisyong Tsino, ang lupain ng isang pamilya ay kinakailangang hatiin sa mga anak na lalaki bilang pamana. Paano na ang mga magsasaka?

• Dahil sa problema ito, unti-unting nauwi sa pagwawakas ng kapangyarihan ng mga Han

Martial Emperor

Japan: Kabihasnang Nakabatay sa

Teorya ng Divine Origin

• Naniniwala ang mga Hapones na ang kanilang emperador ay walang kapantay.

• Naniniwala sila na ang kanilang emperador ay apo ni Amaterasu o Sun goddess.

• Mahalaga ang ginampanan ng teoryang Divine Origin sa gawi at kaparaanang tinahak ng mga hapones sa paglilinang ng kabihasnan ng kanilang bansa

Japan

Ang Simula ng Japan

• Ang mga Ainu ang unang naninirahan sa bansang Japan.

• Ainu= “Tao”. Sila ang mga pangkat- etnikong nagsimulang naninirahan sa Hokkaido atbp.

• Ang mga Hapones ay binubuo ng pinagsalong pangkat ng mga Mongol, Tsino, Malay, at Ainu

• Walang sariling wika ang mga Hapones hanggang noong ika apat na siglo.

• Nasimula lamang nabanggit ang mga kasaysayan sa pamamagitan ng alamat at awitin

• Ang bansa ay binubuo lamang ng mga angkan na nagmamahala sa kani-kanilang teritoryo na nanalig sa kani-kanilang diyosa ng kalikasan

Japan

• Shinto- o ang “daan ng diyos” ay pinagsanib sa isang relihiyon na tradisyon.

• Ang relihiyong ito ay nakabatay sa paggalang sa kalikasan at pagsamba sa mga ninuno

• Kami- pinaniniwalaan nilang diyos ng kalikasan

Japan

• Noong ikalimang siglo, ipinahayg ng angkang Yamato ang kanilang sarili bilang pangunahing angkan sa bansa

• Jimmu- nagtatag ng Imperyong Yamato at siya rin ang naging unang emperador ng Japan. Siya ay tinawag na Tenno na ang ibig sabihin ay “Anak ng Kalangitan”.

• Ang Teorya ng Divine Origin- ay maaring naging gabay ng mga Hapones sa kanilang pag-aakalang sila ay tanging tagapagtanggol ng mga bansa sa Asya

Ang Imperyong Yamato

• Greater East Asia Co-Prosperity Sphere-programa kung saan nag-uudyok sa mga Hapones na tangkaing sakupin at pamunuan ang buong kontinente ng Asya.

• Ang Divine Orijin ang naglinang ng kinikilala at hinahangaang pag-uugali sa paggawa

• Dahil sa pagnanais nilang mapatunayan ang pagiging isang superyor, pnagsikapan nilang maituwid ang kanilang pagkakamali at pagkakaroon ng daigdigan pagkakaisa.

Imperyong Yamato

KaisipangDevaraja

• Ito ay isang kulto na itinatag ni Jayavarman II, ang nagtatag ng imeryong Khmer ay kilala bilang mga “God King,” na nagtataglay ng malaharing kapangyarihan

• Ang mga hari sa Asya ay sinsamplataya bilang mga diyos ng sinasakupan

• Ang mga kapangyarihan ng “God King” ay malinaw na inilalarawan ng mga naglalakihang mga templong karaniwang matatagpuan sa mga liblib na pook kabundukan ng Timog-Silangang Asya

Kaisipang Devaraja

• Ang mga eskulturang ito ay naglalarawan ng kapangyarihan ng mga haring magkaloob ng katatagan, kapayapaan, at tagumpay sa kanyang kaharian

Kaisipang Devaraja

FOR LISTENING