Post on 23-Dec-2021
1
Kagawaran ng Edukasyon
MTB-MLE 2 Salitang may Kaugnayan sa Nilalaman at
Terminolohiya sa Matematika at Agham
Bahagi ng Pangungusap Unang Kuwarter - Modyul 5
Jiecel Q. Macayaon Manunulat
Hayde F. Gucor
Tagasuri
Dr. John Albert B. Colle Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
2
Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para sa iyo.
Matutulungan ka nitong magbasa nang may pang-unawa
ang mga salitang may kaugnayan sa matematika at
agham, bahagi ng pangungusap (simuno at panaguri) at
makasunod nang maingat sa mga nakasulat na panuto sa
pagsusulit.
1. Nakababasa ng mga salitang may kaugnayan sa
nilalaman at terminolohiya sa asignaturang
Matematika at Agham. (MT2PWR-le-f-2.5)
2. Nakikilala ang bahagi ng pangungusap (Simuno at
Panaguri)
3. Nakasusunod nang maingat sa mga nakasulat na
panuto sa pagsusulit
Nakatitiyak akong handa at nasasabik ka nang
sagutan ang Panimulang Pagtataya. Ngumiti ka at
magsaya!
3
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilog kung tama ang
ipinapahayag sa pangungusap at ekis (X) naman kung
hindi.
1. Ang simuno ang pinag-uusapan sa
pangungusap.
2. Ang bahay, damit, lugar ay mga halimbawa ng
mga terminolohiyang ginagamit sa Matematika
at Agham.
3. Basahin nang may pang-unawa ang nakasulat
bago sagutan ang pagsusulit.
4. Ang panaguri ay ang bahaging nagsasabi
tungkol sa simuno.
5. Sagutan agad ang pagsusulit nang hindi binabasa
ang panuto.
4
A. Panuto: Bilugan ang pangngalang lansakan sa
pangungusap.
1. Ang grupo namin sa musika ang lalahok sa
paligsahan.
2. Kumuha si Anna ng kumpol ng bulaklak para sa
kaniyang lola.
3. Ang organisasyon ni Arman ang pinakasikat sa
aming paaralan.
4. Ang batalyon ng mga sundalo ang nagroronda gabi-
gabi sa aming barangay.
5. Mabait ang mga mag-aaral sa klase ni Gng. Cruz.
5
B. Panuto: Isulat ang mga panlaping ginamit sa
sumusunod na salita.
1. umawit - ___________
2. magluto- ___________
3. kumain - ___________
4. malusog - ___________
5. umalis - ___________
Matematika Agham
digits matter
tens solid
ones liquid
area gases
figure atom
Basahin ang sumusunod na terminolohiyang may
kinalaman sa Matematika at Agham.
Paano mo binasa ang mga salita sa itaas?
6
Sa pagbabasa ng mga salita ayon sa pabaybay na
pantig nito. Ginagamit ang tamang diin sa bawat pantig
upang maibigay ang wastong kahulugan ng bawat salita.
May dalawang bahagi naman ang pangungusap ito
ay ang Simuno at Panaguri.
Ang Simuno ay bahagi ng pangungusap na pinag-
uusapan.
Halimbawa: Ang mga aklat ay maalikabok.
Ang Panaguri naman ay bahaging nagsasabi tungkol
sa Simuno. Kapag ito ay sumusunod sa Simuno ito ay
matatagpuan sa hulihan ng pangungusap,
pinangungunahan ito ng panandang ay.
Halimbawa: Si Mang Pepe ay nagpatawag ng pulong.
Mahalagang malaman at maunawaan ang mga
bahagi ng pangungusap upang malaman ang buong
diwa nito.
7
Gawain 1
Panuto: Tukuyin at ilagay sa angkop na kolum ang mga
salita sa loob ng kahon.
Matematika Agham
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
number algebra
atom addition
molecules area
solar system factor
gas liquid
8
Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang ang ginamit na simuno sa loob ng
pangungusap.
________1. Ang pinakadakilang bayani ng Pilipinas ay si
Doktor Jose P. Rizal.
________2. Dapat nating igalang ang ating bandila.
________3. Si Lorna ay natuto sa pagpunta niya sa
palengke.
________4. Gumawa ng tinapay ang aking ina.
________5. Si Ginoong Malvar ang nahalal na pangulo ng
samahan.
Gawain 3
Panuto: Ikahon ang panaguri sa pangungusap.
1. Ang papel ay nilipad na ng hangin.
2. Sama-samang nagsimba ang buong pamilya.
3. Bumili ng tatlong kilong bigas si Aling Rosie.
4. Ang mag-ina ay kumain ng meryenda.
5. Ang tsuper ay nagsakay pa ng dalawang pasahero
9
Binabasa ang mga salita ayon sa pabaybay na
pantig nito. Ginagamit ang tamang diin sa bawat
pantig upang maibigay ang wastong kahulugan ng
bawat salita.
Bahagi ng Pangungusap
Simuno – Bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan
Panaguri – Bahaging nagsasabi tungkol sa simuno.
Kapag ito ay sumusunod sa simuno at matatagpuan sa
hulihan ng pangungusap, pinangungunahan ito ng
panandang “ay”
10
A. Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga
terminolohiyang ginagamit sa Matematika at Agham.
B. Panuto: Sumulat ng pangungusap na may simuno at
panaguri tungkol sa larawan. Bilugan ang simuno at
salungguhitan ang panaguri.
Sanggunian: https://tinyurl.com/vv2xzy9t
place
value
molecule expanded
ordinal galaxy space
11
1. ___________________________________________________.
2. ___________________________________________________.
3. ___________________________________________________.
A. Panuto: Tukuyin kung ang terminolohiya ay ginagamit
sa Matematika o Agham.
1. fraction ___________________________
2. digits ___________________________
3. planet ___________________________
4. liquid ___________________________
5. space ___________________________
B. Panuto: Kilalanin kung Simuno o Panaguri ang mga
salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.
12
________1. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria
at Gemma.
________2. Ang mga turista ay hinikayat na sumali sa
sa parada noong pista.
________3. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang
Lupang Hinirang.
________4. Nagluluto ng masarap na ulam si Aliza.
________5. Si Henry ay aking matalik na kaibigan.
Mga Sanggunian
https://tinyurl.com/cu8m2ax7
https://tinyurl.com/u6ksmww3
https://tinyurl.com/vv2xzy9t
Susi sa Pagwawasto: Unang Pagsubok
1. √ 2. X 3. √ 4. √ 5. X
Gawain 2
1.Doktor Jose Rizal 2. Bandila 3. Lorna 4. Mama 5. Ginoong
Malvar
Pangwakas na pagsusulit
1.Panaguri 2.Panag-uri 3. Simuno 4. Simuno 5. Panaguri