Post on 27-Jul-2015
description
ISANG PANANALIKSIK UKOL SA BATAYAN SA PAGPILI NG PAGKAIN AT POPULASYON NG MGA MAG-AARAL AT MGA GURO NA KUMAKAIN SA MED
CAFETERIA
________________________________
Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas
________________________________
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ngAsignaturang Filipino 102, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik
________________________________
ngPangkat III
INUR-11
Marso 19, 2010
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 102,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na
pinamagatang Isang Pananaliksik Ukol sa Batayan sa Pagpili ng Pagkain at
Populasyon ng mga Mag-aaral at mga Guro na Kumakain sa Med Cafeteria ay
inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa INUR-11 na binubuo
nina:
Chua, Nicole Allyson Coronado, Angelo
Crisol, Calvin Joshua Cruz, Katherine Gisselle
Cruz, Krysteene Sonalee Villenas, Patricia Denise
____________________________________________________________________
Tinanggap sa ngalan ng Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas,
bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 102, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik.
Aissa Abegail A. Jimenez
Guro
PASASALAMAT
Taus-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga sumusunod na
indibidwal at tanggapan, mga taong nagbigay-inspirasyon at malaki ang tulong,
kontribusyon, at suportang ibinigay upang magkaroon ng kaganapan ang pamanahong-
papel na ito:
- kay Bb. Aissa Abegail A. Jimenez, ang aming propesor sa Filipino, sa pagtulong
sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa pamamagitan
ng pagtuturo ng tamang paggawa at mga tamang hakbangin sa pagsulat ng
isang pamanahong-papel,
- kay G. Aguedo Florence A. Jalin Jr., isang mananaliksik at propesor sa Theology
sa Unibersidad ng Santo Tomas, sa pagtuturo ng mga esensyal na elemento na
kinakailangang malaman ukol sa pagsusulat ng pamanahong-papel,
- kay Assoc. Prof. Glenda A. Vargas, M.A.N., Assoc. Prof. Jocelyn F. Agcaoili
at Graciela M. Garayblas-Gonzaga M.D., Dekana ng Kolehiyo ng Narsing,
Rehabilitation Sciences, at Medisina, ayon sa pagkasunud-sunod, sa
pagpapahintulot sa amin na makapagsarbey sa mga piling mag-aaral at mga
propesor sa iba’t ibang kolehiyo,
- sa taga-pangasiwa ng Med Cafeteria, sa pagpapahintulot sa amin na siya ay
makapanayam upang madagdagan ang aming kaalaman hinggil sa paksang
ginagawan ng pamanahong-papel,
- sa mga awtor, editor, at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan namin ng
mga mahahalagang impormasyong aming ginamit sa pagsulat ng una at
ikalawang kabanata ng pamanahong-papel na ito,
- sa aming mga respondente, sa paglalaan ng panahon upang matapat na
masagutan ang aming inihandang sarbey-kwestyoneyr,
- sa aming kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa amin
umuwi sa oras na hindi namin kinagawian matapos lamang ang pamanahong-
papel,
- sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin na matapos ang
pagsusulat ng aming pamanahong-papel sa maayos na pamamaraan sa loob ng
itinakdang-panahon, at
- sa lahat-lahat ng mga taong tumulong at nagmalasakit upang maging isang
kaganapan ang pamanahong-papel na ito, maraming-maraming salamat po.
-Mga Mananaliksik
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1
1. Panimula 1
2. Layunin ng Pag-aaral 2
3. Kahalagahan ng Pag-aaral 3
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya 4
6. Balangkas Konseptual 5
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 7
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 16
1. Disenyo ng Pananaliksik 16
2. Mga Respondente 16
3. Instrumentong Pampananaliksik 17
4. Tritment ng mga Datos 17
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 18
Kabanata V: Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon 23
1. Lagom 23
2. Kongklusyon 23
3. Rekomendasyon 24
Listahan ng mga Sanggunian 26
Apendiks 27
A. Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Sarbey (NUR) 27
B. Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Sarbey (CRS) 28
C. Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Sarbey (MED) 29
D. Sarbey-kwestyoneyr 30
E. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Interbyu 32
TALAAN NG MGA GRAP
A. Grap 1: Bilang ng mga Respondenteng Kumakain
sa Med Cafeteria 18
B. Grap 2: Mga Dahilan Kung Bakit Mataas ang Populasyon
ng mga Kumakain sa Med Cafeteria 19
C. Grap 3: Mga Dahilan Kung Bakit ang Ilan ay Hindi
Kumakain sa Med Cafeteria 20
D. Grap 4: Kainan Kung Saan Mas Nais ng mga
Respondente Kumain 21
E. Grap 5: Pananaw ng mga Respondente Hinggil sa
Serbisyong Ibinibigay ng mga Konsesyoner
ng Med Cafeteria 22
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
PANIMULA
Walang hindi makakapagsabi na ang pagkain ay isa sa mga pangunahing
pangangailangan ng isang nabubuhay na nilalang. Mahalaga ang pagkain dahil ito ay
kailangan sa pagpapalaki at pagpapalakas ng katawan. Isa rin ito sa mga mabuting
mapagkukuhanan ng enerhiya upang mabuhay, at sa pagpapanatili ng wastong
pangangatawan.
(http://www.suite101.com/blog/ebishirl/how_important_is_food_to_humans).
Bagaman kailangan ng tamang pagkain at nutrisyon, hindi lahat ng tao ay may
kakayahang bumili ng makakain sa pang araw-araw dahil sa problemang pinansiyal.
(http://www.wsws.org/articles/2008/mar2008/food-m12.shtml).
Tulad ng ibang bagay, ang pagkain ay mayroon ding kasaysayan. Nag-umpisa
ito noong panahon pa ng mga primitibong tao. Natuto silang kumain ng prutas mula sa
mga puno. Noong natuklasan nila ang apoy, natuto silang magluto ng karne na
nakukuha nila sa mga hayop at isda mula sa karagatan. Dumating ang panahon kung
saan ay natuto silang magtanim at gumamit ng kung anu-anong klaseng kasangkapan
tulad ng mga yerba at panimpla. (http://www.cliffordawright.com/caw/food/topics/).
Sa kasalukuyan, ang taong-bayan ay dapat magtipid dahil ang mga presyo ng
mga bilihin ay nagsisitaasan. Nangangailangan ang mga tao ng masarap, de kalidad, at
malinis na pagkain sa mababang halaga.
(http://blogs.ft.com/economistsforum/2008/04/food-crisis-is-a-chance-to-reform-global-
agriculture/).
Dahil sa mga pangyayaring ito, nagsagawa ang mga mananaliksik ng pag-aaral
tungkol sa mga nakakaapekto sa mga indibidwal sa pag-pili ng nais nilang kainin at
kung ilan ang bilang ng mga taong kumakain sa mga establisyementong Med Cafeteria.
Ang napiling target populasyon ng mga mananaliksik ay ang mga estudyante at
mga guro sapagkat sila ang karaniwang nakikita sa loob ng Med Cafeteria, gayon sila
ang pinakamagandang pagkuhanan ng impormasyon.
Ang mga sagot na ipinahayag ng mga respondente ay kinolekta gamit ang
personal na pagtatanong o sarbey. Nakuha ang mga tugon sa mga mag-aaral at mga
guro ng Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing, Kolehiyo ng Rehabilitation
Sciences, at Kolehiyo ng Medisina. Ang iba pang mga datos ay masusing nakamit mula
sa aklat at internet.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Naglalayon ang pag-aaral na matamo ang mga sumusunod na layunin:
Maipaliwanag ng mabuti ang konsepto ng batayan sa pag-pili ng pagkain at ang
pagtaas ng bilang ng mga kumakain sa Med Cafeteria.
Maipayahag ang mga nagsisilbing mga salik na nakakaapekto sa pagtaas at
pagbaba ng mga kumakain at bumibili sa Med Cafeteria.
Maipakilala ang mga adbentahe at disadbentahe na naidudulot sa mga mamimili
ng pagkain sa Med Cafeteria.
2
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang populasyon at
dahilan ng mga estudyante at gurong mula sa Kolehiyo ng Narsing, Rehabilitation
Science, at Medisina na kumakain sa Med Cafeteria sa loob ng gusali na St. Martin de
Porres.
Magkakaroon ang mga mananaliksik ng pagkakataong mapag-aralan kung ilang
porsyento ng mga mag-aaral at mga guro mula sa piling mga kolehiyo ang kumakain sa
Med Cafeteria. Kasabay dito ang pag-alam kung anu-ano ang mga salik ng kanilang
patuloy o paghinto sa pagkain rito. Mapag-aaralang mabuti ang mga salik na
nakaaapekto sa kanilang mga dahilan tulad ng kasarapan ng pagkain, pagiging malapit
ng lugar, pagkakaroon ng abot-kayang presyo at kasiguraduhan sa kalinisan ng mga
pagkain. Ang nutrisyon ng pagkaing inihahain ay mapag-aaralan din upang malaman
kung sapat ba ang sustansiya na nakukuha ng mga tao rito lalo na’t naturingan itong
Med Cafeteria. Ito ang mga salik na mabibigyang linaw at katibayan sa aming
isinasagawang pag-aaral.
Maipapaalam din ng mga mananaliksik sa konsesyoner kung alin pa sa mga
ibinibigay nilang serbisyo ang dapat pang bigyang pansin at ang nangangailangan pa
ng pagbabago.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Sakop ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral at mga gurong nanggaling sa
iba’t ibang mga piling kolehiyo sa loob ng gusali ng St. Martin de Porres, na kumakain
at bumibili ng pagkain sa Med Cafeteria habang isinasaalang-alang ang mga salik tulad
3
ng kasarian ng mga respondente, paraan ng pagpili ng mga respondente, populasyon
ng mga mag-aaral at fakulty ng mga kolehiyo, badyet ng pangkat at panahong nalalabi
sa pagsasagawa ng pag-aaral. Hindi sakop ng pananaliksik na ito ang pag-aaral sa iba
pang mga kainan maliban sa Med Cafeteria.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
Narito ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at ang kanilang mga kahulugan
upang madaling maintindihan ng mga mambabasa at mananaliksik:
Med Cafeteria – Ito ay isang kainan na matatagpuan sa loob ng gusali ng St.
Martin de Porres.
Populasyon – Ito ang bilang o dami ng mga respondeng kumakain at bumibili sa
Med Cafeteria.
Respondente – Sila ang mga piling mag-aaral at mga guro ng parehong
kasarian, ng mga piling kolehiyo na batayan ng pananaliksik.
Kolehiyo – Kinabibilangan ng Kolehiyo ng Narsing, Kolehiyo ng Rehabilitation
Sciences at Kolehiyo ng Medisina ito.
4
BALANGKAS KONSEPTUAL
Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng populasyon ng
mga kumakain sa Med Cafeteria at ang mga salik na nakakaapekto ng pagtaas nito.
Mayroong dalawang pangunahing dahilan sa pagtaas ng populasyon ng Med
Cafeteria: ang gutom at ang kakulangan sa oras. Kapag nagugutom ang isang
respondente, siya ay nawawalan ng lakas upang maipagpatuloy niya ang kanyang mga
gawain. Kapag ang isang respondente naman ay nagkukulang sa oras, dulot ng
5
masikip na iskedyul, pumupunta na lamang siya sa pinakamalapit na kainan upang
hindi mahuli sa susunod niyang klase at mapawi ang gutom sa mas madaling paraan.
Kumakain ang mga estudyante o guro sa Med Cafeteria dahil sa mga dahilang
ito: antas ng pamumuhay, kaginhawaan, nutrisyon, at serbisyo. Nakatala ang mga ito
sa ayos na pataas, galing sa pangunahing rason ng mga respondente, kung bakit
kumakain sila sa Med Cafeteria.
Nasa pinakababa ang antas ng pamumuhay dahil ito ang pinakamahalagang
salik na nakakaapekto sa dami ng mga kumakain sa Med Cafeteria. Ito ay ang estado
ng isang respondente base sa kakayahan nitong bumili ng mga pagkain sa Med
Cafeteria.
Susunod sa antas ng pamumuhay ay ang kaginhawaan. Dahil ang Med Cafeteria
ay madaling puntahan, masasabi ito ay may taglay na kaginhawaan para sa mga
mamimili. Kasama rin dito ang pagiging malinis, hindi lamang sa pagkain pati na rin sa
kapaligiran, at ang pagkakaroon ng maayos na bentilasyon sa loob ng Med Cafeteria.
Importanteng salik din sa populasyon ang nutrisyon. Ang nutrisyon ay nakukuha
sa iba’t ibang masusustansyang pagkain handog ng Med Cafeteria at ito rin ang siyang
nagbibigay lakas upang maisagawa ang mga gawain sa paaralan.
Ang serbisyo naman ay ang kalidad ng pakikitungo ng mga konsesyoner sa
bawat respondente at ito rin, tulad ng ibang salik, ay importante at nakakaapekto sa
pagtaas o pagbaba ng populasyon ng mga kumakain sa Med Cafeteria.
6
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon sa aklat na pinamagatang Quality Food Production, Planning, and
Management (Knight & Kotschevar, 2000), ang serbisyong pang pagkain ay isa sa
pinakamalaking industriya sa buong mundo. Ang nakukuha dito ay mahigit P16,284
bilyon sa taong 1999 lamang dahil sa bawat P117 na nakukuha sa pagkain, P50 rito ay
napupunta sa serbisyong pang pagkain. Bago pa ang World War II, nagsimula na ng
paglago ng industriyang ito at tumataas ng 5% sa bawat taon kaya naman masasabi
nating ito ang may pinakamabilis na paglaki sa lahat ng mga tingian sa buong mundo.
Ayon kay VanEgmond-Pannell (1990), sa aklat na pinamagatang Foodservice
Management, nag-umpisa ang pagunlad ng school foodservice o ang serbisyong pang
pagkain, sa pamamagitan ng National School Lunch Act na itinatag noong 1946. Ang
school foodservice ay lumawak at naisama ang agahan, merienda, a la carte, at sa
ibang kaso, hapunan sa mga nakakatanda at sa mga kabataan.
Sa industriyang ito, makikita na walang bagay sa mundo ang hindi nagbabago
dahil pagdating sa pagkain ang sinusunod ay ang mga mamimili dahil may mga taong
mahilig sa karne, mayroon din namang may ayaw dito, mayroong masustansyang
pagkain lamang at marami pang iba. Ito ang nagdudulot ng kompetisyon sa industriya
kaya minabuti na ng marami ang pagkakaroon ng tama at masusing pag-aaral ng
pagkain. Dito nagsimula ang mga kursong nakapokus sa serbisyong pang pagkain at
mga pagsasanay na dinadaluhan ng mga manggagawa.
Maraming taon na ang nakalipas at maliban sa lasa ng pagkain isa rin sa mga
talagang nakakaapekto ng serbisyong pang pagkain ay ang kasanayan ng mga
manggagawa. Marami nang nagsisilabasang mga eskwelahan at samahang nagbibigay
ng mga programa upang sanayin sila para mas mapadali at mapaunlad ang
industriyang ito. Dito, pipili sila kung saan nila nais maging dalubhasa, ilan sa mga ito
ay ang pagiging tagapamahala ng inumin, tagapamahala sa benta ng kainan,
tagapamahala sa mga salu-salo, punong taga-luto at pagtutustos ng pagkain. Marami
ay isinasama na lamang ang mga kasanayang ito sa mga kursong pang negosyo ngunit
marami pa rin ang mga kursong nakatugon lamang sa pag-aaral ng iba’t ibang aspekto
ng pagkain.
Sa pagsasanay ng mga manggagawa, dapat binibigyang halaga rin ang
pagkakaiba-iba sa kultura. Hindi lamang kasarian at relihiyon ang dapat nabibigyang
pansin dito. Isinasama na rin ngayon ang edad, “sexual preference”, estado sa buhay,
sweldo, napag-aralan, heograpikong lokasyon, pamilya, paraan ng pamumuhay, hilig at
ugali.
Ang serbisyong pang pagkain ay nagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ay nagiging
mas epektibo sa pangangalap ng mamimili, pananatili ng kalidad ng mabuting
pamamahala, mas mataas na “market share” at produksyon, at mas mababang gastos
dahil maiiwasan na ang mga empleyadong palipat-lipat. Kahit ang pag-unlad ng
ganitong pamamahala sa pagkakaiba-iba ay napakahirap isakatuparan mas marami pa
rin ang nakukuhang benepisyo dito kung ikukumpara sa hirap ng pagpapasakatuparan.
Kaya nangangailangan ito ng maingat na pagpapasakatuparan.
8
Isa pa sa mga labis na nakakaapekto sa pagtaas ng lagay ng serbisyong pang
pagkain ay ang pagiging produktibo ng isang empleyado. Dapat siguraduhing ang isang
manggagawa ay may labis na kagustuhan sa kanyang trabaho. Ayon sa maraming mga
pag-aaral, hindi hamak na nagiging mas produktibo ang isang taong gusto ang kanyang
ginagawa. Ang mga pabuya ang susi sa pagbibigay halaga ng indibidwal na
kontribusyon ng bawat empleyado.
Ang pagtutulungan ay dapat din ipalaganap upang mapanatili ang
pagkakapareho ng nagagawa para hindi lamang isa o dalawa ang nakikitang magaling
sa isang uri ng serbisyo. (Knight & Kotschevar, 2000).
Ayon sa The Culinary Institute of America (2009) sa aklat na pinamagatang
Remarkable Service, ang kalidad ng serbisyo ay ang pinakaimportante upang magtagal
ang isang establisyemento. Ang serbisyo ay kung papaano inihanda ang pagkain sa
tamang oras, kasama din sa serbisyo ang kalinisan ng mga kubyertos, at mga mantel
na ginagamit bago kumain.
Ayon sa Restaurant & Cafeteria Management Service (Villanueva, 2010), ang
kahalagahan ng serbisyo ng pagkain ay hindi lamang upang magbigay ng pagkain,
ngunit, ang magbigay ng pinakamagandang pagkaing maaaring kainin at maayos na
inihanda sa ilalim ng katanggap-tanggap na istandard ng kalinisan at ang maihain ito
nang may murang halaga.
Ang dedikasyon ng mga nagtatrabaho sa isang establisyemento ng pagkain ay
naging responsable sa pagsulong ng magandang programang nutrisyonal sa nakalipas
na mga panahon. Ang manggagawa na may ugaling “iyan lang ang makukuha mo;
9
kunin mo na at huwag kang mapili,” ay napalitan na ng gilas at ng nasa na mapasaya
kahit ang mapamili na kliyente. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Ang susi sa pagkakaroon ng kalidad na serbisyong pang pagkain ay ang maayos
na sistema sa pagpaplano kung paano gawing masaya ang mga sa simula’y hindi
nasiyahang mamimili. Sa kadahilanang ang mga mamimili ang nagbibigay ng buhay sa
serbisyong pang pagkain, dapat silang mapanatiling masaya kung hindi, malaki ang
mawawala sa negosyo. Kaya dapat may magandang kasanayan sa pakikipanayam sa
mga hindi masayang mamimili. Ayon sa mga pag-aaral, siyam sa sampu (9 sa 10)
serbisyong ibinibigay ang irereklamo ng isang hindi masayang mamimili at apat sa lima
(4 sa 5) serbisyo lamang ang ikinasaya ng isang nasiyahang mamimili. Ang
pamamahala ng pangkalahatang kalidad ay dapat parating inuuna sa batas at isip ng
lahat ng nagbibigay serbisyo.
Pareho rin ito sa produksyon ng pagkain. Kapag ang pagkain na ibinigay ay hindi
ayon sa pamantayan ng isang kainan dapat gawan agad ng aksyon para maitama agad
ito. Panatiliin parati ang “checklist” sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng mga
taga-luto. (Knight & Kotschevar, 2000).
Ang ilan sa mga salik na dapat bigyang pansin upang malaman ang bilang ng
mga empleyado at bilang ng oras ng trabahador na kinakailangan ay ang sistemang
ginagamit ng food service, bilang ng pagkaing ihahain, uri ng pagkaing ginagamit,
bilang at haba ng oras para sa kainan, uri at ayos ng mga kagamitan, at ang karanasan
at sapat na pag-eensayo ng mga manggagawa. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Ang mga foodservices na pang paaralan ay itinatag dahil ito ay may layunin na
tumulong sa pagpapanatili ng mabuting nutrisyonal na estado ng mga malulusog na
10
bata, at pagpapabuti ng mga nutrisyonal na estado kung kinakailangan. (VanEgmond-
Pannell, 1990).
Ayon kay Villanueva (2010), ang nutrisyon ay ang pundasyon ng magandang
kalusugan, kung kaya’t kinakailangan maturuan ang bawat indibidwal nang tamang
pagpili ng mga pagkaing tiyak na makabubuti para sa ating kalusugan.
Nangangailangan ang mga tao ng iba’t ibang dami ng pagkain depende sa edad,
kasarian, mga gawain sa araw-araw, at laki. Ang ibang mga katawan ay nakakagamit
ng pagkain ng mas mabuti kaysa sa iba. Ngunit, kapag ang pagkain ay sumobra sa
kinakailangan ng katawan, ito ay naiipon sa katawan sa anyong lipido o taba.
(VanEgmond-Pannell, 1990).
Ang mga katangian na taglay ng mga malulusog na tao ay: (1) matibay na mga
buto, bisig at mga ngipin; (2) makinis na balat at malinis na dugo; (3) hindi
nakakaramdam ng sakit o kawalan ng gana kumain; (4) sapat na enerhiya para sa pang
araw-araw na gawain; at (5) maaliwalas at malakas na itsura. Ang kakulangan sa sapat
na nutrisyon ay nangyayari kung mali ang kinakain o kulang sa nutrisyon ang
natatanggap ng katawan. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Dapat suriing mabuti ang sustansya ng mga pagkain, dahil hindi lahat ng pagkain
ay naglalaman ng mga esensyal na nutrisyon na kinakailangan ng katawan. Ang mga
nilalaman ng mga pagkaing nakabubuti sa katawan ay ang mga sumusunod: calcium at
phosphorous, magnesium, sodium, potassium, chloride, iron, zinc, iodine, selenium,
fluoride, chromium, at copper. (Drummond & Brefere, 2010).
Ayon kay Jones (1992), ang artipisyal na pampatamis ay hindi magandang
pamalit sa asukal, dahil ito ay may mga kemikal na nakasasama sa katawan. Ang isang
11
taong palaging kumokunsumo ng artipisyal na asukal, pagtagal, ay mahihirapan ng
malasahan ng tamis nito dahil sa bawat gamit nito ay nasasanay ang panlasa ng isang
tao kung kaya naman mapapadami ang kunsumo nito na pwedeng magdulot ng
malubhang sakit. Kailangan ding umiinom ng anim hanggang walong basong tubig sa
isang araw upang mapanatili ang kalusugan at maging ang magandang kutis ng balat.
Ang tamang pag-inom ng tubig ay ang nagpapakita ng epekto ng mga sobrang basura
sa katawan na sinasala upang hindi mahirapan ang bato.
Limampung porsyento ng kinikita ng isang pamilya ay inilalaan sa pagkain.
Samakatuwid, ang tamang praktis ng pamimili ay nakakagawa ng malaking pagkakaiba
kung mayroong tubo o pagkalugi, at ang pag-alam ng kalidad ng pagkaing binili. Ang
pamimili ng tamang produkto sa kinakailangang bilang sa oras ng pangangailangan na
sang-ayon sa presyong makakaya ay, ayon kay Lendal Kotschevar, ang mga hamon sa
pamimili. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pinamimili, ayon kay VanEgmond-
Pannell, ay ang menu, badyet para sa pagkain, labor cost at kabihasnan ng mga
tauhan, ang panahon at pagkakaroon ng pagkaing ibinibenta, imbakan, bilang ng
pagkaing inihahain, at mga abeylabol na kagamitan.
Ayon sa Population and Food (Dyson, 1996), sapagkat hindi nahuhulaan ang
takbo ng ekonomiya, hindi masisigurado na mababawasan ang mga pagkakataong
magkaroon ng biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pandaigdigang pamilihan.
Ang magandang pagkain ay ang malinis na pagkain. Ang malinis na pagkain ay
ligtas sa kemikal, mikrobyo at banyagang kalamnan, tulad ng basag na salamin. Upang
maging malinis ang pagkain, kinakailangan nitong mabili nang malinis at hindi panis o
12
bulok. Kinakailangang inihanda rin ang mga ito sa malinis na pamamaraan.
(VanEgmond-Pannell, 1990).
Ayon sa aklat na pinamagatang, Food Hygiene (Marwaha, 2007), ang kalakalan
ng mga pagkain at pakikihalubilo sa ibang mga bansa ay patuloy na umuunlad habang
lumilipas ang panahon, at nagdadala ng hindi lamang pang-ekonomiko ngunit pati
pang-sosyal na mga benepisyo. Kung gayon, ang epektibong kontrol sa kalinisan ng
pagkain ay mahalaga upang maiwasan ang masamang epekto sa kalusugan ng tao at
mga ekonomikong dulot ng “foodborne illness, foodborne injury and food spoilage.”
Lahat, hindi lamang mga taong may kinalaman sa produksyon at distribusyon ng
pagkain, ngunit pati ang mg konsyumer ay may responsibildad na siguraduhing ligtas at
maaring konsyumin ang mga pagkaing ito. Ang kaligtasan ng pagkain o “food safety” ay
nangangahulugang hindi lamang kalinisan ng pagkain, ngunit kasama rin ang lahat ng
gawaing may kinalaman sa proteksyon ng pagkain mula sa kontaminasyon, pag-iwas
sa pagdami ng mikrobyo sa pagkain na umabot sa lebel na maaring magdulot ng
pagkalason, at pagpatay sa mga mikrobyo sa pagkain sa pamamagitan ng pagluto at
iba pang mga proseso.
Nangangailangan ng sapat na kaalaman patungkol sa epektibong “safe food
handling practices” lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagproseso, pagimbak,
distribusyon, at pagbenta ng mga pagkain. Lahat ng mga taong may kinalaman sa “food
handling” ay mahalagang makatanggap ng sapat na edukasyon at pagsasanay
patungkol sa kaligtasan ng pagkain, na makasisigurong alam nila ang mga masamang
dulot ng mababang kalidad ng “food handling,” at may sapat silang kaalaman upang
13
mawasak ang di-maiwasang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na magdudulot
sa pagkalason. (Marwaha, 2007).
Ayon sa aklat na pinamagatang Food Service and Bartending (Roldan & Edica,
2008), ang pagkakaroon ng kaso sa “food borne diseases” ay sadyang nakakapekto sa
imahe ng isang kainan. Ang pagkakaroon ng isang kaso lamang ay sadyang
makakaapekto at pwedeng maging dahilan ito sa mga konsyumer upang hindi na
bumalik sa kainan na iyon. Ang isang empleyado ng kainan na hindi marunong
mangalaga sa kalinisan ng pagkain at katawan ay pwedeng maging instrumento sa
paglipat ng kontaminasypn at “food borne diseases”. Kung kaya’t nararapat lamang na
ang mga taong may kinalaman sa “food handling” ay mahalaga at nararapat na
makatanggap ng sapat na edukasyon at pagsasanay tungkol sa kaligtasan at kalinisan
ng pagkain. Dahil ang isang “food handler” ay pwede maging tulay sa kontaminasyon,
nararapat lamang na sundin nito ang mga rules ng tamang kalinisan sa katawan.
Nararapat na siya’y maging libre sa kahit anong mikrobyo, nararapat na siya’y malinis
alinsunod sa “grooming standards” habang ito ay nagtatrabaho.
Mahalaga ang kalinisan para sa ligtas na serbisyo ng pagkain, upang maiwasan
ng mga mamimili ang mga insidenteng tulad ng food poisoning, impeksyon, diarrhea,
gastrointestinal diseases, at iba pang mga sakit; mga gawaing pangkalinisang
mahalagang ipatupad sa trabaho; mga sakit, klasipikasyon nito at mga paraan upang
maiwasan ang mga ito; mga istandard na dapat panatilihin, upang mabawasan ang
posibilidad ng pagkalason; tamang pagtago ng mga pagkain; pag-iwas sa
kontaminasyon ng pagkain; mga sakit; at mga dapat alalahanin upang maiwasan ang
mga masasamang epektong mga ito. (Villanueva, 2010).
14
Ayon sa aklat na pinamagatang “Introduction to the Hospitality Industry“,
(Barrows & Powers, 2009) isa ang pagtatapon ng basura sa mga malalaking problema
na kinakaharap ng ating lipunan kaya naman pinagtutuunan na itong mabuti ng pansin
ng mga tao. Isa sa paraan para matapon ang basura ng maigi ay ang pagkakaroon ng
“sanitary landfill” kung saan meron itong “groundwater monitoring system” na nagtse-
tsek kung nako-kontamina ba ang tubig sa ilalim nito at “methane collection system” na
nagbabawas sa amoy na inilalabas ng mga basura. Ang pagkakaroon ng isang
“sanitary landfill” ay mahal kaya naman sinabi sa aklat na ito ang iba pang paraan tulad
ng pag “reduce”, ”reuse”, “recycle”, ”composting”, at “incineration”. Reduce ay ang
pagbabawas ng basura sa pamamagitan ng paggamit ng mas maliit na “packaging
material”. Reuse ay ang paggamit ng mga materyal na pwedeng magamit ulit tulad ng
plastik na gamit sa kainan sa halip na mga styrofoam. Recycle ang pag bubukod sa
mga basura. Composting ay ang pagkokolekta ng mga tira na pagkain at pagsama nito
sa mga dahon at iba pang “bulking agent” na nagpapalipat-lipat sa hangin para ito ay
mabulok at magamit upang maging mas mainam ang lupa sa paghahalaman. Ang
incinerating naman ay ang pagsusunog ng basura ngunit ito ay nakasasama sa ating
kapaligiran dahil ito ay nagdadagdag sa “greenhouse effect” kung saan umiinit pa lalo
ang ating mundo.
Ang foodservice, ayon kay VanEgmond-Pannell (1990), pang paaralan ay
pinapalakad dapat sa walang salit na batayang pang pinansyal. Hindi maaaring maging
hit-or-miss na sitwasyon.
15
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang
deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang
mga pananaw, at dahilan ng mga respondente, sa pamamagitan ng isang sarbey.
MGA RESPONDENTE
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral at mga
guro ng iba’t ibang antas ng Kolehiyo ng Narsing, Rehabilitation Sciences, at Medisina
sa ikalawang semestre ng taong-akademikong 2009-2010.
Kumuha ang mga mananaliksik ng mga mag-aaral sa bawat lebel ng bawat
kolehiyo, at mga guro sa bawat kolehiyo, sa pamamagitan ng random sampling upang
magkaroon ng pantay na representasyon ang mga datos na natamo. Sa kabuuan, 80
ang total na bilang ng mga respondente.
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sapagkat sila ang
pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa pamanahong-papel na ito.
Dahil sila ang karaniwang nakikita sa loob ng Med Cafeteria, sila ang
pinakamagandang pagkuhanan ng impormasyon.
INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap
ng mga datos upang masuri ang pananaw at mga kadahilanan ng mga respondente
kung bakit sila kumakain at bumibili sa Med Cafeteria.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa
iba’t ibang mga hanguan katulad ng mga aklat at internet.
Bukod sa mga nabanggit na, nag-interbyu ang mga mananaliksik ng ilan sa mga
konsesyoner ng Med Cafeteria upang makukuha ng mahahalagang impormasyon ukol
sa serbisyong hinahandog nila sa mga mamimili.
TRITMENT NG MGA DATOS
Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at
hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri tulad ng tisis at disertasyon,
walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa
pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami
lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem ng kwestyoneyr ang inalam
ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang
ang kinakailangan gawin ng mga mananaliksik.
17
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
Ayon sa mga piling respondente, 91% ang kumakain sa Med Cafeteria,
samantalang 9% lamang ang hindi kumakain dito. Pansinin ang kasunod na grap:
Oo91%
Hindi9%
Grap 1Bilang ng mga Respondenteng Kumakain sa Med
Cafeteria
Sa mga respondenteng nagsabing kumakain sila sa Med Cafeteria, 39% ay
kumakain doon dahil sa kalapitan ng lugar, 35% ay kumakain sa kadahilanan na
kakulangan sa oras, 6% ay nagsasabing maayos ang serbisyong ibinibigay ng mga
tauhan ng Med Cafeteria, at 10% naman ang nangangatwiran na malinis ang mga
inihahain na pagkain doon. Samantala, 1% ng mga respondente lamang ang nagsabing
abot kaya ang mga bilihin at masarap ang mga ito. 2% naman ay may ibang
kadahilanan. Pansinin ang kasunod na grap:
Kalapitan ng lugar39%
Kakulangan sa oras35%
Abot kayang mga presyo
1%
Masarap na pagkain at
nakakabusog1%
Maraming pagpipiliang
pagkain4%
Maayos na serbisyo6%
Masus-tansyang
mga pagkain
2%Kalinisan ng mga pagkain
10%Iba pang mga
dahilan2%
Grap 2Mga Dahilan Kung Bakit Mataas ang Populasyon
ng mga Kumakain sa Med Cafeteria
Ayon sa kasunod na dayagram, 29% ay hindi kumakain sa Med Cafeteria dahil
masyadong mataas ang presyo ng mga pagkain dito kung ikukumpara sa ibang kainan.
18% naman ay hindi kumakain sa Med Cafeteria dahil hindi nakakabusog ang pagkain
at kung ikukumpara sa ibang kainan ay mas masarap sa iba kaysa sa Med Cafeteria.
Dahil kakaunti lamang ang mapagpipiliang mga pagkain, 19% sa bilang ng lahat ng
respondente ay hindi kumakain ng mga pagkain na ibinibenta ng Med Cafeteria. Ang
19
iba pang mga dahilan kung bakit hindi kumakain ang ilan sa Med Cafeteria ay ang mga
sumusunod: 13% ang nagsabing nakakasawa ang pagkain dahil paulit-ulit ang mga ito
at walang variety; 8% ang may dahilan na hindi maganda at maayos ang serbisyong
inilalaan ng mga tauhan ng Med Cafeteria sa kanilang mga kustomer; 6% ang
nagsasabing hindi gaanong masustansya ang mga inihahain dito; 4% ang
nangangatwiran na hindi malinis ang lugar at pagkaing inihahain sa Med Cafeteria; at
3% ay may ibang kadahilanan. Pansinin ang grap:
Mahal ang presyo ng mga pagkain
29%
Hindi nakakabusog at mas masarap sa ibang
kainan17%
Kakaunti lamang ang mapagpipilian
19%
Nakakasawa ang pagkain dahil paulit-
ulit13%
Hindi maganda ang serbisyo
8%
Hindi masustansya ang pagkain
6%
Hindi malinis ang pagkain at lugar
4%
Iba pang mga dahilan3%
Grap 3Mga Dahilan Kung Bakit ang Ilan ay Hindi
Kumakain sa Med Cafeteria
Base sa mga sagot ng mga respondente, mas makakatipid at makakamura sila kung
kakain sa labas at hindi sa Med Cafeteria. Makikita sa grap na 91% ang nagnanais
kumain na lamang sa ibang kainan upang makatipid, habang 9% naman ang
tumataliwas sa ideya ng nakararami. Pansinin ang kasunod na grap:
20
Med Cafeteria9%
Sa ibang kainan91%
Grap 4Kainan Kung Saan Mas Nais ng mga Re-
spondente Kumain
21
Sa palagay ng 91% na respondente na kumakain sa Med Cafeteria, 40% ang
nagsasabing mahusay ang serbisyo ng mga konsesyoner, 4% ang nagsasabing
mahiyain sila, 7% ang nagsasabing masungit kung makitungo ang mga tauhan, at ang
pinakamalaking porsyento, 49%, ang nagsasabing walang reaksyon ang mga mukha
nila. Pansinin ang kasunod na grap:
Mahusay Mahiyain Masungit Walang reaksyon0
5
10
15
20
25
30
35
40
Grap 5Pananaw ng mga Respondente Hinggil sa Ser-
bisyong Ibinibigay ng mga Konsesyoner ng Med Cafeteria
49%
7%4%
40%
22
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang malaman ang pananaw ng mga
estudyante at mga gurong nasa Kolehiyo ng Narsing, Rehabilitation Sciences at
Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa
dami ng mga kumakain sa Med Cafeteria, na mahahanap sa loob ng gusali ng St.
Martin de Porres.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo
ng sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa walumpung (80) respondente.
KONGKLUSYON
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na kongklusyon:
a) Karamihan sa mga mag-aaral at fakulti mula sa iba’t ibang kolehiyo ay kumakain
sa Med Cafe sa kadahilanang higit itong malapit kumpara sa ibang kainan at
dulot ng kakulangan ng oras sa kanilang iskedyul.
b) Ang pangunahing disabentahe ng pagkain sa Med Cafe ay dulot ng mataas na
presyo ng mga bilihin kung kaya’t kanilang nasabing hindi nakabubusog ang mga
pagkain rito.
c) Karamihan ng mga mag-aaral at fakulti na kumakain sa Med Cafe ay kuntento sa
serbisyong ibinibigay ng mga tauhan rito at kung hindi man ay hindi na nila
pinapansin ito.
d) Malaking bahagi ng populasyon ng kumakain sa Med Cafe ay sumasang-ayon
na higit silang makatitipid kung sa ibang kainan sila kakain at hindi sa Med Cafe.
REKOMENDASYON
Kaugnay sa kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a) Para sa taga-pangasiwa ng Med Cafeteria:
Malaking kaginhawaan ang madudulot sa mga kumakain sa Med
Cafeteria kung magkakaroon ng pagbababa ng presyo sa pagkain. Sa
kaunting pagbababa ng presyo, malaking porsyento ang madadagdag sa
magnanais na kumain dito kaya’t ang mababawas na kita sa pagbababa
ng presyo ay maibabalik muli dahil sa higit na madadagdag na mga
kakain dito. Hindi nalalayo sa pagbababa ng presyo ang mabuting
maidudulot ng pagkakaroon ng pagdami sa mapagpipiliang mas
masasarap at mas malalasang pagkain. Maaaring kumalap na lamang ng
mga putaheng gagamit ng sangkap na mas mura ngunit masarap pa rin,
upang hindi magkaroon ng pagkalugi.
24
Isa pa rin ang pagiging mas malinis ang mga konsesyoner sa
paghahanda ng pagkain sa patuloy na paggamit ng gwantes, ang pag-
iwas sa pagpupunas ng pawis habang naghahain ng pagkain at ang
pagtaguyod sa paggamit ng alcohol o iba pang disinfectants upang
mapanatili ang kalinisan ng lugar.
Dapat maging mas maalaga ang mga empleyado ng isang
establisyemento. Dapat ay isaalang-alang ng isang responsableng
empleyadong mga pangangailangan ng kanilang kustomer, at nang ito ay
mabigyan ng sapat na atensyon sa kanyang nais bilhin.
Higit ding makakatulong sa paghikayat ng mga kakain ang pagkakaroon
ng “suggestion box” para sa pag-alam ng mga nais na kumakain.
b) Para sa mga kustomer ng Med Cafeteria:
Iparating ang mga saloobin, suhestyon at komento sa Med Cafeteria
upang malaman ng mga nangangasiwa kung ano ang ninanais. Ang
pagkakaroon ng mabuting pakikitungo ay magdadala ng magandang
ugnayan sa pagitan ng mga mamimili at ng mga tauhan ng Med Cafeteria
na makapagbibigay din sa kanila ng kaganahang magbigay ng maayos
na serbisyo.
c) Para sa iba pang mananaliksik:
Ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng
marami at higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaaring
makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa mga
establisyementong tulad ng Med Cafeteria.
25
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Barrows, C.W., Powers, T. (2009). Introduction to the hospitality industry (7th ed.). Canada: John Wiley & Sons, Inc.
Drummond, K. & Brefere L. (2010). Nutrition for foodservice and culinary professionals (7th ed.). Hoboken, New Jersey: John Wiley & Sons, Inc.
Dyson, T. (1996). Population and food: Global trends and future prospects. London: Routledge.
Gregory S. (2007). How important is food to humans? Retrieved February 23, 2010 from: http://www.suite101.com/blog/ebishirl/how_important_is_food_to_humans
Jones, J. (1992). Eating smart: ABC's of the new food literacy. New York: Macmillan.
Katsigris C. & Thomas, C. (2009). Design and equipment for restaurants and foodservice: A management view (3rd ed.). Hoboken, New Jersey: John Wiley & Sons, Inc.
Knight, J.B. & Kotschevar, L.H. (2000). Quantity food production, planning, and management (3rd ed.). New York: John Wiley & Sons, Inc.
Marwaha, K. (Ed.). (2007). Food hygiene. New Delhi: Gene-Tech Books.
Roldan, A. & Edica, B. (2008). Food service and bartending. Manila: Skill Development & Management Services.
Spencer, N. (2008). US food prices increase sharply. Retrieved February 23, 2010 from International Committee of the Fourth International (ICFI): http://www.wsws.org/articles/2008/mar2008/food-m12.shtml
The Culinary Institute of America (2009). Remarkable service (2nd ed.). Hoboken, New Jersey: John Wiley & Sons, Inc.
VanEgmond-Pannell, D. (1990). School foodservice management (4th ed.). New York: Van Nostrand Reinhold.
Villanueva, B. (2010). Restaurant & cafeteria management service. Manila: Mindshapers.
Wolf, M. (2008). Food crisis is a chance to reform global agriculture. Retrieved February 23, 2010 from: http://blogs.ft.com/economistsforum/2008/04/food-crisis-is-a-chance-to-reform-global-agriculture/
Wright, C. (nd). Food history. Retrieved February 23, 2010 from: http://www.cliffordawright.com/caw/links.html
APENDIKS A
3/8/2010
Assoc. Prof. Glenda A. Vargas, M.A.N.Dekana, UST Kolehiyo ng NarsingEspaña, Manila
Mahal na Dekana Vargas:
Magandang araw po.
Kami po ay mga mag-aaral mula sa klase ng INUR-11 na kasalukuyang nagsasagawa ng isang pamanahong-papel sa kursong Filipino 2. Ito po ay may paksang Isang Pananaliksik Ukol sa Batayan sa Pagpili ng Pagkain at Populasyon ng mga Mag-aaral at mga Guro na Kumakain at Bumibili sa Med Cafeteria. Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng pahintulot na makapag-sarbey sa mga piling mag-aaral mula sa ikauna hanggang ikaapat na taon, at ang ilan sa mga piling guro. Ang oras po ng aming pagsasarbey ay itatapat sa aming mga bakanteng oras gayundin po sa mga mapipiling respondente.
Kalakip po ng liham na ito ay ang kopya ng kwestyoneyr, at ang kabuuang bilang ng mga respondente. Umaasa po kami sa inyong pagpayag para sa ikatatagumpay ng aming pamanahong-papel.
Lubos na gumagalang,
HOME USERPinuno ng Pangkat 3 (INUR-11)
Binigyang-pansin:
Bb. Aissa Abegail A. JimenezPropesor sa Filipino 102
APENDIKS B
3/8/2010
Assoc. Prof. Jocelyn F. AgcaoiliDekana, UST Kolehiyo ng Rehabilitation SciencesEspaña, Manila
Mahal na Dekana Agcaoili:
Magandang araw po.
Kami po ay mga mag-aaral mula sa klase ng INUR-11 na kasalukuyang nagsasagawa ng isang pamanahong-papel sa kursong Filipino 2. Ito po ay may paksang Isang Pananaliksik Ukol sa Batayan sa Pagpili ng Pagkain at Populasyon ng mga Mag-aaral at mga Guro na Kumakain at Bumibili sa Med Cafeteria. Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng pahintulot na makapag-sarbey sa mga piling mag-aaral mula sa ikauna hanggang ikaapat na taon, at ang ilan sa mga piling guro. Ang oras po ng aming pagsasarbey ay itatapat sa aming mga bakanteng oras gayundin po sa mga mapipiling respondente.
Kalakip po ng liham na ito ay ang kopya ng kwestyoneyr, at ang kabuuang bilang ng mga respondente. Umaasa po kami sa inyong pagpayag para sa ikatatagumpay ng aming pamanahong-papel.
Lubos na gumagalang,
HOME USERPinuno ng Pangkat 3 (INUR-11)
Binigyang-pansin:
Bb. Aissa Abegail A. JimenezPropesor sa Filipino 102
28
APENDIKS C
3/8/2010
Graciela M. Garayblas-Gonzaga M.D.Dekana, UST Kolehiyo ng MedisinaEspaña, Manila
Mahal na Dekana Gonzaga:
Magandang araw po.
Kami po ay mga mag-aaral mula sa klase ng INUR-11 na kasalukuyang nagsasagawa ng isang pamanahong-papel sa kursong Filipino 2. Ito po ay may paksang Isang Pananaliksik Ukol sa Batayan sa Pagpili ng Pagkain at Populasyon ng mga Mag-aaral at mga Guro na Kumakain at Bumibili sa Med Cafeteria. Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng pahintulot na makapag-sarbey sa mga piling mag-aaral mula sa ikauna hanggang ikaapat na taon, at ang ilan sa mga piling guro. Ang oras po ng aming pagsasarbey ay itatapat sa aming mga bakanteng oras gayundin po sa mga mapipiling respondente.
Kalakip po ng liham na ito ay ang kopya ng kwestyoneyr, at ang kabuuang bilang ng mga respondente. Umaasa po kami sa inyong pagpayag para sa ikatatagumpay ng aming pamanahong-papel.
Lubos na gumagalang,
HOME USERPinuno ng Pangkat 3 (INUR-11)
Binigyang-pansin:
Bb. Aissa Abegail A. JimenezPropesor sa Filipino 102
29
APENDIKS D
Para sa Propesor/Mag-aaral ng NUR/CRS/MED: Magandang araw! Kami ay mga mag-aaral ng unang taon mula sa Kolehiyo ng Narsing
na nagsasagawa ng isang pag-aaral patungkol sa Med Cafeteria. Hinihingi namin ang inyong kooperasyon at kung maaari sana ay sagutin ninyo ang ilang katanungan sa sarbey na ito. Sinisiguro namin ang ang inyong mga sagot ay magiging konpidesyal. Maraming salamat po.
- Mga Mananaliksik
Direksyon: Itiman lamang ang bilog katabi ng inyong sagot at punan ang patlang ng kinakailangan.
Pangalan: _________________________________________ (opsyunal)Kolehiyo : _______________ Antas at Pangkat: ______________ Kasarian: Lalaki BabaePetsa: _____________ Edad: ____ Okupasyon: Estudyante Propesor
1. Kumakain ka ba sa Med Cafeteria? Oo Hindi(kung OO, sagutin ang mga sumusunod na katanungan; kung HINDI, sagutin mula sa bilang 6)
2. Ano ang iyong dahilan sa pagkain sa Med Cafeteria? (maaaring humigit sa isa ang maging sagot)
Kalapitan ng lugarKakulangan sa orasAbot kayang mga presyoMasarap na pagkain at nakakabusogMaraming pagpipiliang pagkainMaayos na serbisyoMasustansyang mga pagkainKalinisan ng mga pagkainIba pang mga dahilan: ____________________________
3. Kung marami kang oras sa iyong iskedyul, pipiliin mo pa rin ba sa Med Cafeteriateria kumain?
Oo Hindi
4. Bakit? _________________________________
5. Ano ang iyong masasabi sa mga nagtatrabaho sa Med Cafeteria?Mahusay Mahiyain Masungit Walang reaksyon ang mukha
6. Ano ang iyong mga imumungakahi upang mas mapaganda ang serbisyo ng Med Cafeteria?(maaaring humigit sa isa ang maging sagot)
Babaan ang presyo ng mga bilihin
30
Sarapan ang mga pagkainDagdagan ang mga pagpipiliang pagkainDagdagan ang mga masusustansyang pagkainPaunlarin ang kalinisanMaging approachable ang mga nagta-trabahoIba pang dahilan: ______________________________
7. Ano ang iyong dahilan sa hindi pagkain sa Med Cafeteria? (para sa may sagot na HINDI sa unang bilang)
Mahal ang presyo ng mga pagkainHindi nakakabusog ang mga pagkain; mas masarap sa ibang kainanKakaunti lamang ang mga pagkaing pagpipilianNakakasawa ang mga pagkain dahil paulit-ulitHindi maayos ang serbisyoHindi gaanong masustansya ang mga pagkainHindi malinis ang pagkain o ang lugarIba pang dahilan: ______________________________
8. Nahihikayat mo ba ang iyong mga kamag-aral na hindi kumain sa Med Cafeteria kung may pagkakataon at sa ibang kainan na lang kumain? Oo Hindi
9. Kung OO ang iyong sagot sa bilang 8, gaano kadalas? Madalas Minsan Hindi
10. Magkano ang iyong baon sa isang araw?Mas mababa sa P50 P251-P300P50-P100 P301-P350P101-P150 P351-P400P151-P200 P401-P500P201-P250 Mas mahigit sa P500
11. Magkano ang iyong nagagastos sa isang meal kapag kumakain sa Med Cafeteria? Mas mababa sa P50 P251-P300P50-P100 P301-P350P101-P150 P351-P400P151-P200 P401-P500P201-P250 Mas mahigit sa P500
12. Sa iyong palagay, saan ka mas makatitipid ng baon?Sa Med Cafeteria Sa ibang kainan
Maraming salamat sa paglalaan mo ng panahon sa kwestyoneyr na ito!
31
APENDIKS E
3/8/2010
Med Cafeteria ManagementUST St. Martin de Porres Bldg.
Sa Kinauukulan:
Isang pagbati.
Kami po ay mga mag-aaral mula sa klase ng INUR-11 na kasalukuyang nagsasagawa ng isang pamanahong-papel sa kursong Filipino 2. Ito po ay may paksang Isang Pananaliksik Ukol sa Batayan sa Pagpili ng Pagkain at Populasyon ng mga Mag-aaral at mga Guro na Kumakain at Bumibili sa Med Cafeteria. Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng pahintulot na makapanayam ang ilan sa mga tauhan ng Med Cafeteria upang makakuha ng mahahalagang impormasyon
ukol sa serbisyong hinahandog nila sa mga mamimili.
Ang inyo pong pahintulot ay lubos naming inaasahan. Kami po ay tutugon sa bakanteng oras na inyong ibibigay.
Kalakip po ng liham na ito ay ang kopya mga tanong para sa panayam. Marami pong salamat at magandang araw.
Lubos na gumagalang,
HOME USERPinuno ng Pangkat 3 (INUR-11)
Binigyang-pansin:
Bb. Aissa Abegail A. JimenezPropesor sa Filipino 102
32