Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Post on 03-Jul-2015

963 views 1 download

Transcript of Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Reaksiyon ng mga Pilipino saKristiyanismo

Like sign kung tama ang pahayag at dislike sign kung mali.

1. Nagdala ng pananampalatayang Islam sa Sulu ay siSayyid Abu Bakr

2. Pagsamba sa ispiritu, kalikasan at iba pang bagay aypagano o paganismo.

3. Relihiyon ng mga Muslim ay Islam

4. Bahagi ng Mindanao kung saan unang nakilala angrelihiyong Islam ay Sulu

5. Katolisismo ang relihiyong ipinakilala ng mgaEspanyol

Balik-Aral

A ang HeKaSi

A ang HeKaSi

Halina Halina’t pag-aralan….

Pagganyak

Pagbuo ng Tanong

Anu- ano ang iba’t- ibang reaksiyon ng mgaPilipino sa Kristiyanismo?

Paglalahad

Hindi maikakailang ang Katolisismo angpinakamalaking impluwensiya ng mga Espanyol sating mga Pilipino. Sa Asya, tanging Pilipinaslamang ang kinikilalang Katolikong bansa.

Ang paniniwalang pagano ng mga Pilipinonoon ay napalitan ng bagong paniniwalangitinuro ng mga misyonerong Espanyol.

Paglalahad

Nanguna sa pagpapalaganap ngpaniniwalang ito ang mga misyonerongAugustino na kasama ni Legazpi sa kanyangpagdating sa Pilipinas noong 1565 sapangunguna ni Padre Andres de Urdaneta.

Ang mga Pilipino noon ay tinuruan nilngmagdasal at magsimba, at magbasa ng Bibliya-banal na aklat ng mga Katoliko.

Pangkatang Gawain

Pangkat 1:

Pangkat 2:

Pangkat 3:

Pangkat 4:

Pangkat 5:

Pag-uulat

PagtalakayMga Pilipinong Sumampalataya- Ang

pagbibinyag at paggamit ng pangalang Kristiyano aytanda ng pagsampalataya sa Kristiyanismo. Maaalalana si Raha Humabon at ang kanyang asawa aynagpabinyag sa Kristiyanismonang dumating siMagellan noong 1521.

Tanda pa rin ng pagsampalataya ang paniniwalasa kapangyarihan ng Diyos, gayundin ang pagsunod sakautusan ng relihiyong Katoliko.

PagtalakayMga Pilipinong

Hindi Sumampalataya-Ang mga Muslim aypangkat ng mgaPilipino na hindisumampalataya saKristiyanismo. Matibayang kanilangpaniniwala sarelihiyong Islam.

PagtalakayMga Pilipinong Hindi

Sumampalataya- Ang mgaIfugao ay isa pang pangkat ngPilipino na hindi nasakop ngmga Kastila. Hindi silanahikayat na magingKristiyano. Nakatira sabulubunduking lugar sadakong Hilagang-KanlurangLuzon. Mahirap marating ngmga Misyonero ang kanilangtahanan.

Pagtalakay

Sa kabundukannakatira ang mga Negritoo Ita, sila man ay hindinahikayat na magingKristiyano. Patuloy pa rinang kanilang paniniwalasa sinasambang bathala.

Pagtalakay

Mga Pag-aalsa : Noong ika-17 dantaon, nag-alsa ang ilang Pilipinong Kristiyano laban sapaglagananp ng Kristiyanismo. Nais nilangmaibalik ang katutubong relihiyon. Ito ang nagingreaksiyon ni Tamblot. Hinikayat niya angmaraming taga-Bohol na magbalik sa datingpananampalataya.

Pagtalakay

Mga Pag-aalsa : Noong 1744, namuno sapag-aalsa laban sa simbahan si FranciscoDagohoy, isa ring taga-Bohol, hindi niyanagustuhan ang pagtanggi ng mga paringipalibing ang kanyang kapatid sa pamamaraangKatoliko.

Pagtalakay

Mga Pag-aalsa : Noong 1841, nag-alsa siApolinario dela Cruz na kilala sa tawag naHermano Pule. Isa siyang Pilipino na gustongmag-pari ngunit tinanggihan ng kura dahilansiya’y isang katutubo. Hindi rin kinilala angitinatag niyang samahang panrelihiyon sapagkathindi ito Katoliko. Ito ang Cofradia de San Jose.

Paglalahat

Iba’t-iba ang naging reaksiyon ng mga Pilipinosa Kristiyanismo, may sumampalataya, may hindisumampalataya, at may nag-alsa.

Paglalapat

Iba’t-iba man ang uri ng ating panahanan,kailangan na ito ay ating _______________.

Pagtataya: Basahin ang mga tanong at guhitan ang wastong sagotsa loob ng panaklong.

1. Ang mga misyonero ang nagturo ng (musika,kristiyanismo, pagluluto) sa mga Pilipino

2. Itinuro sa mga katutubo ang Kristiyanismo sapamamagitan ng larawan at pagsesermon ng (Pari,Datu,Babaylan)

3. Nagpalimbag ang mga misyonero ng mga (babasahin,talatinigan, Encylopedya) para sa relihiyon

Pagtataya: Basahin ang mga tanong at guhitan ang wastong sagotsa loob ng panaklong.

4. Ang tumanggap ng Kristiyanismo ay (nagsakripisyo,nagpabinyag, nagnobena)

5. Minsan, pag-umalis ang mga opisyales ng bansa, ang mgamisyonero ang (pumapalit, nagtuturo, nagtatrabaho sasimbahan.

Takda.

Ano ang naging epekto sa pamumuhay ng mga Pilipinongtumanggap sa Kristiyanismo, at mga Pilipinong ditumanggap ng relihiyong ito? Isulat sa kwaderno.