G-9 Unity Ikalawang digmaang pandaigdig

Post on 19-Feb-2017

453 views 11 download

Transcript of G-9 Unity Ikalawang digmaang pandaigdig

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

PANANDALIHANG KAPAYAPAAN Hindi naging epektibo ang

kasunduang Versailles upang mapanatili ang kapayapaan

matapos ang unang digmaang pandaigdig.Ito ang pinagmulan ng

tensiyon na hahantong sa ikalawang Digmaang Pandaigdig.

TENSIYON DULOT NG KASUNDUAN

• Maraming hindi nalugod sa kinahahantungan ng kasunduan sa

Versailles.Nariyan na ang Germany a nagkaroon ng matinding galit dahil sa

natanggap nitong parusa.• Ang Japan at Italy na bigong makakuha ng

mas malawak na teritoryo na layunin nito na mapabagsak sa digmaan at ang mga

bansa sa Asya at Africa.Na umasa na makakamit nila ang kalayaan matapos

ang digmaan subalit sa halip ay ipinasailalim sa mandate system.

• Naging malaking kawalan naman para sa League of Nations ang pag tanggi ng makapangyarihan noong US na sumapi rito.

• Para sa US, ang hindi pagsapi sa liga ay paraan upang makaiwas ito sa mga kaguluhan sa Europe.

GREAT DEPRESSION • Matapos ang digmaan, maraming

bansang sadlak sa kahirapan ang sumandig sa US.

• Subalit noong 1929, kasabay sa hiyawan ng mga stock broker sa Wall Street, ay ang pagbagsak ng ekonomiya ng US gayundin ng ekonomiya ng maraming bansa sa Europe.Ang Kaganapang ito ay ang tinawag na Great Depression.

• Bunsod ng Great Depression, marami ang nawalan ng hanap buhay at tirahan .

• Ang matatag na demokrasya ng US, Great Britain, at France ay nakabangon sa krisis noong dekada 1930.Subalit may ilang demokrasyang bigong matugunan ang naturang krisis ekonomiko

PASISMO AT MILITARISMO• Ang pasismo ay ang ideolohiya kung

saan itinuturing na higit na mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa sa mamamayan.

• Dito pinaniniwalaang dapat maging tapat ang mga mamamayan sa pamahalaan at sa bansa. Ito ang tinutukoy na paraan upang makaahon ang bansa mula sa kahirapan.

• Ang totalitaryanismo ay isang sistema kung saan nagkakaroon ng ganap na kapangyarihan ang pamahalaan sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan

• Tatlong diktador ang nakilala sa panahong ito.Ito ay sina Adolf Hitler ng Germany, Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng USSR.

Adolf Hitler Benito Mussolini Joseph Stalin

Mga batayang impormasyon tungkol sa

Holocaust

BAKIT Kinamunihan ni Hitler ang mga jew na itinuring niyang mababang uri tao.Ang mga jew ang iyunurong dahilan ni Hitler para sa lahat ng mga suliranin sa Germany.Ninais ng mga German na lipulin ang mababang uri ng lahi at panatilihin ang kadalisayan ng lahing Aryan , o mga taong Germanic.

PAANO Sa simula tinanggalan ang mga jew ng mga karapatan. Sumunod ay marahas silang itinaboy mula sa Germany.Pagkatapos ay ipinatipon ni Hitler ang mga jew sa mga ghetto.Upang mapabilis ang paglipol sa mga jew, ipinatupad ni Hitler ang Final Solution. Sa ilalim ng patakarang ito may mga jew na agarang pinatay sa kanilang bayan may ilang dinala sa mga concentration camp upang doon ay alipinin, pag eksperimentuhan, at paslangin;at ang iba aya ipinadala sa execution camps, kung saan maramihang pinapaslang ang mga jew sa gas chambers gamit ang cyanide.

SAAN Marami sa concentration camps ang itinatag sa Poland at Germany.Sa kalaunan ay nakapagtatag din ang concentration camps sa mga nasakop na bansa ng Germany.Ang pinakamalaking extermination camp ay itinayo sa Auschwitz

EPEKTO Matapos ng ikalawang Digmaang pandaigdig, tinatayang may anim na milyong katao ang namatay sa holocaust.

MILITARISMO SA JAPAN • Umabot hanggang Asya ang epekto ng Great Depression. Sa

Japan maraming mamamayan ang nawalan ng hanap buhay at naghirap.

• Upang lustasin ang pagkalugmok ng ekonomiya ang Japan, iminungkahi ng mga pinunong militar nito ang pananakop ng mga teritoryo sa Asya.

• Nilayon nilang magtatag ng imperyo sa Asya sa ilalim ng pamumuno ng kanilang emperador na si Hirohito.Sa ganitong paraan nila ipinamalas ang nasyonalismo.

MITSA NG DIGMAAN • Taong 1931 nang sinakop ng hukbong

sandatahan ng Japan ang Manchuria.Ipinagwalang-bahala nito ang protesta ng League of Nations at sa halip ay tumiwalag mula sa liga.Ito ang unang banta sa bagong-kamit na kalayaan at ang una ring pagkakataon na hinamon ng isang bansa ang kapangyarihan ng League of Nations.

SETYEMBRE 1931

Sinakop ng Japan ang Manchuria.

OKTUBRE 1935 Sinakop ng Italya ang Ethiopia .

MARSO 1936 Sinakop ng Germany ang Rhineland, na buffer zone sa pagitan ng France at Germany.

HULYO 1937 Sinakop ng Japan ang Beijing at iba pang hilagang lungsod at Nanjing sa China.

SETYEMBRE 1938

Sinakop ng Germany ang Sudetenland

MARSO 1939 Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia.

• Ipinatupad naman ng Great Britain at France ang patakarang Appeasement , o pagpapanatili ng kapayapaan, sa harap ng ga paglabag ng Germany sa Kasunduan sa Versailles.

• Alinsunod din sa patakarang appeasement ang pagganap ng Kumpernesiya sa Munich sa pagita ng Germany, Great Britain,France at Italy noong ika-29 ng Setyembre 1938, napagkasunduang mananatili sa Germany ang Sudetenland sa kondisyong ititigil na nito ang pananakop ng mga bagong teritoryo.

• Samantala, upang patatagin lalo ang puwersa laban sa Germany, nakipagkasundo ang France at Great Britain kay Joseph Stalin ng USSR.

PAGSIKLAB NG DIGMAAN • Hindi tumupad ang Germany sa

Kasunduan sa Munich.Noong ika-isa ng Setyembre 1939, sinalakay ng Germany ang Poland gamit ang estratahiyang Blitzkrieg o “lightning war.”

• Mabilis at biglaang sinalakay ng Germany ang Poland.Sa pagkakataong ito hindi na pinalagpas ng Great Britain at France ang Germany.

ABRIL 1940

• Nag lunsad ng blitzkrieg ng Germany laban sa Denmark at Norway.

• Nagapi ang Denmar matapos lamang ng apat na oras

MAYO 1940 • Napasakamay ng Germany ang Netherlands, Luxembour at Belgium.

HUNYO 1940

• Pumanig ang Italy sa Germany.Nagdeklara ng digmaan ang Italy laban sa France at Great Britain.

• Pagsuko ng France sa Germany.• Inilunsad ng Germany ang Operation

Sea Lion laban sa Great Britain.

1941 • Sa banta ng pananakop ng Germany, sumapi ang Bulgaria,Romania, at Hungary sa Axis Powers.

• Sinakop ng Germany ang Yugoslavia at Grece, mga bansang kaalyado ng Great Britain.

10 MAYO 1941

• Sa harap ng matatag na puwersa ng mga British, inabandona ni Hitler ang planong pananakop sa Great Britain.

22 HUNYO 1941

• Inilunsa ni Hitler ang Operation Barbarossa upang sakupin ang dating kaalyadong USSR

DIGMAAN SA ASYA-PACIFIC • Sa Asya-Pacific, ipinagpatuloy ng Japan ang

pagpapalawak nito ng imperyo sa ilalim ng Propagandang The Great East Asia Co-Prosperity Sphere.

• Layunin ng Japan na sama-samang pag-unlad ng mga bansa sa Asya sa ilalim ng pamumuno nito. Iginiit di nito na ang “Asya ay para sa mga asyano “.

• Noong 1937 ay pormal na umanib ang Japan sa Axis Powers.Dahil sa banta ng US sa ambisyon ng Japan sa Asia-Pacific sinalakay ng hukbong Hapones ang baseng Amerikano sa Hawaii.

• Ikapito ng Disyembre 1941 nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor. Bunsod nito, nagdeklara ng digmaan ang US sa Japan noong ikawalo ng Disyembre.

PAGWAWAKAS NG KARAHASAN 1941HUNYO

• Sa South Africa, nagapi ng Allied Forces ang kaalyadong Afrika Krops ng Germany.

1941HUNYO•Sa Russia, bigong salakayin ng hukbong German ang Moscow dahil sa taglamig doon. Nag yelo ang mga kagamitang pandigma ng mga German at mula sa kanilang hukbo ay nasawi ang may 500,000 sundalo.

1943PEBRERO •Sumuko ang mga German sa Stalingrad.

1943SETYEMBRE

• Sumuko ang Italya sa Allied Powers bagamat nagpatuloy ang pakikidigma ng mga Italian hanggang sa pagsuko ng Germany noong 1945.

1944HUNYO

• Sa tinaguriang D-Day ginapi ng pinagsamang puwersa ng British, Amerikano, French, at Canadian ang mga German sa Normandy. Tagumpay ng mga itong palayain ang France, Belgium,Luxembourg, at malaking bahagi ng Netherlands.

1944DISYEMBRE

• Natalo ng Allied Forces ang Germany sa Battle of the Bulge.

1945ABRIL

• Nagpakamatay si Hitler at asawang si Eva Braun.

• Tinanggap ng Allied Forces ang walang kondisyong pagsuko mula sa hukbong militar ng Germany noong ikapito ng Mayo 1945.

• Ikawalo ng Mayo nang opisyal na nilagdaan ang pagsuko sa Berlin. Dito nagwakas ang ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe.

• Samantala napipinto na rin ang pagwawakas ng ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pacific sa mga panahong iyon.

ABRIL 1942

• Sumuko ang Allied Forces sa Pilipinas sa hukbong Hapones.

• Naganap ang Bataan Death March

HUNYO 1942

• Nagapi ng Allied Forces ang puwersa ng Japan sa Battle of Midway.

PEBRERO 1943

• Nagapi ng Allied Forces ang mga Hapones sa Battle of Guadalcanal.

OKTUBRE 1944

• Nagapi ng Allied Forces ang Japan sa Battle of Leyte Gulf.

• Muling nabawi ng US ang Pilipinas mula sa Japan.

AGOSTO 1945 • Sa pasya ni Pangulong Harry Truman ng US, pinasabugan ng atomic bomb ang mga lungsod ng Hiroshima at Nagsaki sa Japan.

• Matapos ang pagpapasabog sa Hiroshima at Nagasaki noong ikalawa ng Setyembre 1945 ay pormal na sumuko ang Japan.

• Naganap ang seremonya sa barkong Missouri sa pangunguna ni Heneral Douglas MacArthur. Dito nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pacific at sa daigdig.

EPEKTO NG DIGMAAN Bago matapos ang opisyal na pagwawakas ng

digmaan ay ginanap ang dalawang kumperensiyang nilayong talakayin ang kapalaran ng Europe matapos ang Digmaan: ang kumperensiya sa Yalta noong pebrero 1945 at ang Kumperensiya sa Potsdam noong Hulyo 1945.

Ang unang kumperensiya ay dinaluhan nina Stalin, Churchill, at Roosevelt. At ang ikalawa naman nina Stalin,Churchill, at ng humalili sa yumaong si Roosevelt na si Harry Truman. Sa ilalim ng dalawang kumperensiya, napagpasyahan ang:

Demilitarisasyon ng Germany; Paghahati ng Germany- sa kanlurang

Germany sa ilalim ng US at silangang Germany sa Ilalim ng USSR;

Pagpapabayad sa Germany ng bayad-pinsala; at

Pagbibigay ng mga nasakop na teritoryo ng Japan-kabilang ang Sakhalin Island, Kurile Island at Port Arthur- sa USSR.

MARAMING PAGBABAGO

ANG NAGANAP SA DAIGDIG DULOT NG IKALAWANG

DIGMAANG PANDAIGDIG

PINSALA SA BUHAY AT ARIARIAN

May 40 milyong Europeo ang nasawi sa digmaan. May 2/3 ito ng kabuoang bilang ng mga nasawi noong digmaan. Maraming lunsod ang nawasak tulad ng London, Warsaw, Berlin, Hiroshima, Nagasaki at Maynila.

PAGKAMIT NG KATARUNGAN

Nilitis sa Nuremberg Trials ang mga paglabag sa karapatang pantao noong Holocaust sa Germany. Labindalawa sa 22 nasakdal na opisyal ng Nazi ang pinatawan ng parusang kamatayan.Pinagbayad ang Germany ng $20 bilyon sa bayad-pinsala. Nagbigay rin ng bayad-pinsala ang Italy sa mga naging biktima ng digmaan.

Sa Japan pinarusahan ng kamatayan ang pitong opisyal na Hapones na sangkot sa digmaan, kabilang si Punong Ministro Hideki Tojo.

PAGTATAG NG UNITED NATIONS Bunga rin ng Kumperensiya sa Yalta,

itinatag noong ika-24 ng Oktubre 1945 ang United Nations. Ito ay isang samahang pandaigdig na layuning protektahan ang mga kasapi nito mula sa agresyon at panatilihin ang kapayapaan. Binuo ito ng 50 kasapi sa pagkakatatag nito.

PAGBABAGO SA PAMAHALAAN Sandaling napasailalim ang Japan sa US. Sa

panahong ito, binago ng US ang konstitusyon ng Japan at itinatag ang isang constitutional monarchy. Pinaamin ang emperador ng Japan, na noon ay itinuring na banal, na hindi siya diyos.Ang emperador ang tumayong monarong konstitusyonal,isang simbolo ng Japan.

Samantala, itinatag ng USSR ang komunistang pamahalaan sa poland, Czechoslovakia, Hungary, Yugoslavia, Romania, at Bulgaria

Logo Ng United Nations

GUSALI NG PUNONG TANGGAPAN NG SAMAHAN SA NEW YORK

Allies vs. Axis PowersAllies

Great BritainFranceSoviet Union (after June/1941)

U.S. (after Dec./1941)

Plus many smaller European nations

Axis PowersGermanyItalyJapan