Post on 12-Jan-2022
FILIPINO 8 UNANG MARKAHAN
UNANG LINGGO
ARALIN 1 : KARUNUNGANG BAYAN
Para sa mga mag-aaral,
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng ng Self-Learning
Module (SLM) para sa Aralin 1 : Karunungang Bayan.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan,
aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay
maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa modyul na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang
mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong
mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
ANG MODYUL AY MAY MGA BAHAGI AT ICON NA DAPAT MONG MAUNAWAAN :
ALAMIN NATIN - Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutunan sa modyul.
SUBUKIN NATIN – Sa paunang pagsusulit na ito,
matataya natin ang mga kaalaman mo sa bawat aralin
na nakapaloob sa modyul.
BALIKAN NATIN - Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa nakaraang leksyon.
TUKLASIN NATIN - Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa paraang tulad ng kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
SURIIN NATIN - Sa bahaging ito, ay magbibigay ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
PAGYAMANIN NATIN – Binubuo ito ng mga Gawain
para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pag-unawa at mga kasanayan sa paksa.
ISAISIP NATIN - Naglalaman ito ng mga katanungan o
pagpupuno ng patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutunan mo mula sa aralin.
SAGUTIN NATIN - Ito ay gawain na naglalayong matasa
o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutunang kompetensi.
SANGGUNIAN - Sa katapusan ng modyul, makikita mo
rin ang talaan ng lahat ng pinagkukunan sa paglikha o
paglinang ng modyul.
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito.
Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito
Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kuwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa
modyul.
Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong
mga kasagutan.
Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit
upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang
magiging batayan kung may kakailanganin ka pang
dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.
Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit
ang modyul na ito.
Aralin 1
Mga Karunungang-bayan
Layunin :
a. Nasusuri ang mahalagang kaisipan ng
karunungang-bayan
b. Nakapaglalahad ng karanasan kaugnay sa
kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan
c. Naiuugnay ang mga kaugalian, kilos o gawi batay
sa karunungang-bayan
d. Nakabubuo ng sariling bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan batay sa kasalukuyang
kalagayan
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul, huwag mag-aalinlangang konsultahin
ang inyong guro o tagapagdaloy. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito.
Balikan Natin
Ang bahaging ito ay susubok sa iyong dating kaalaman sa
mga bagay-bagay na napakinggan o nabasa.
Gawain 1.1
Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang para
makabuo ng pahayag.
1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ________,
minsan nasa ilalim.
2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang ________.
3. Kuwarta na naging ________ pa.
4. Madali ang maging tao, mahirap ang _________.
5. Daig ng maagap ang _________.
6. Kung ano ang _________, siya ring aanihin.
7. ‘Pag di-ukol, ‘di _________.
8. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di-makararating
sa _________.
9. Nasa Diyos ang ________, nasa tao ang gawa.
10. Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng _______.
Gawain 1.2
Panuto: Hanapin sa loob ang sagot sa bugtong na makikita
sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
2. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
3. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
4. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
5. Nagbibigay na, sinasakal pa.
6. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
7. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
8. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
9. Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali.
10. Banga ng pari, pauli-uli.
Bumbilya Sinturon Zipper Payong
Kalendaryo Sapatos Kandila Baril
Bote Duyan Gunting BIgas
Sa yunit na ito, pag-aaralan natin ang tungkol sa mga
karunungang-bayan na ipinamana sa atin ng ating mga
ninuno. Ilan sa mga halimbawa ng karunungang –bayan
ay ang bugtong, bulong, kasabihan, palaisipan,
salawikain, sawikain, kawikaan.
BUGTONG
ginamit upang libangin ang mga tao sa oras na wala
silang ginagawa. Isa itong larong pahulaan. Ito ay
binubuo ng dalawang taludtod na maikli.
ang bugtong (riddles) ay isang uri ng laro na
nagpapatalas sa isip ng ating mga ninuno noon. Ito ay
binubuo ng isang pangungusap o tanong na may
nakatagong kahulugan na nangangailangan ng tiyak
na kasagutan.
Mga halimbawa :
1. Kaisa-isang plato, 2. Hindi tao, hindi ibon
Kita sa buong mundo. Bumabalik kung itapon
Sagot : buwan Sagot : yoyo
BULONG
isang matandang katawagan sa orasyon na
ginagamit sa panggagamot, pangkukulam, o pang-
eengkanto. Ginagamit din itong panalangin ng mga
taong nagnanais na makamtan ang isang
pangyayari o pagbabago sa hinaharap. Sa
kasalukuyan ay iba na ang kahulugan nito lalo na sa
Kamaynilaan at mga karatig na lugar, ngunit
nananatili pa rin ang tunay tunay na kahulugan nito
sa ilang lalawigan sa Katagalugan, Kabisayaan, at
Kabikulan.
Karaniwang ang BABAYLAN ang
nagsasagawa ng ganitong
ritwal.
Ang babaylan ay isang salitang
katawagan para sa mga
katutubong Pilipinong
manggagamot (karamihan ay
mga kababaihan) at pinuno ng
pamayanan.
Mga halimbawa :
1. Huwag magalit, kaibigan Aming pinuputol lamang Ang sa ami’y napag-utusan.
2. Dagang Malaki, dagang maliit Heto ang ngipin kong sira at pangit Bigyan mo ng bagong kapalit
KASABIHAN Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa
kilos ng isang tao. Kaiba sa salawikain at kawikaan,
ito ay hindi gumagamit ng mga talinhaga at payak
ang kahulugan. Karaniwang bukambibig lamang ng
matatanda ang mga kasabihan. Ang kilos, ugali at
gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga
kasabihan.
Mga halimbawa :
1. Huwag kang magtitiwala 2. Utos na sa pusa Sa ‘di mo kilala utos pa sa daga
PALAISIPAN
Naglalahad ng isang sitwasyon na may suliranin.
Ito ay isang uri ng tagisan ng talinokung saan ay
pahuhulaan sa mga kasali kung ano ang
pinakamabuting gawin o wastong pamaraan sa
paglutas ng suliranin. Kailangan ang malalim na
pag-iisip para rito.
Halimbawa : May isang prinsesa sa tore ay nakatira. Balita sa kaharian, pambihirang ganda, Bawal tumingala upang siya’y Makita Ano ang gagawin ng prinsipeng sumisinta? Sagot : Iinom ng tubig upang mapatingala at makita ang prinsesa
SALAWIKAIN
Mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng
matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo
tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala
tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang
patalinhaga o may nakatagong kahulugan.
Karaniwang nasusulat ito nang may sukat at tugma,
kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga halimbawa :
1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ‘di makararating sa paroroonan. 2. Ang taong matiyaga natutupad ang ninanasa
SAWIKAIN (idioms)
Isang paraan ng pananalita o pagpapahayag na
hindi gumagamit ng marahas na salita upang hindi
makasakit ng damdamin. Gumagamit ito ng mga
tayutay upang maging kaaya-aya ang paraan ng
pagpapahayag.
Mga halimbawa :
1. Balat-sibuyas
Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang
damdamin
Halimbawa: Hindi ka dapat maging pangulo sa klase
dahil balat-sibuyas ka.
2. Butas ang bulsa
Kahulugan: Walang pera
Halimbawa: Butas ang bulsa ni Mang Karyo kung kaya’t
hindi siya nakabayad agad ng kuryente.
3. Dalawa ang mukha
Kahulugan: Taksil, Kabilanin, Balik-harap
Halimbawa: Hindi maiiwasan na mayroon talagang dalawa
ang mukha sa grupo niyo.
4. Pusong mamon
Kahulugan: Maramdamin
Halimbawa: Hindi ko na sana biniro si Bong kung alam ko
lang na pusong mamon pala siya.
5. Pusong-bakal
Kahulugan: Hindi marunong magpatawad
Halimbawa: Namatay na ang mga salarin ngunit pusong-
bakal pa rin si Alfred.
KAWIKAAN
Mga pahayag na karaniwang hango sa mga aral sa
Bibliya. Nagbibigay ito ng aral at tuwiran ang
pagpapahayag.
Mga halimbawa :
1. Nasa Diyos ang awa, 2. Pagkatakot sa Diyos
Nasa tao ang gawa ang simula ng karunungan