E-LESSON IN HEKASI V

Post on 12-Feb-2016

696 views 2 download

description

E-LESSON IN HEKASI V. Presented by: Malone C. Perez Teacher I Tuban Elementary School. Ilang paalaala. Pindutin ito upang mag patuloy. Ang Panunungkulan ni Ramon Magsaysay. MGA LAYUNIN. MGA LAYUNIN. PANIMULA. PANIMULA. MGA ARALIN. MGA ARALIN. PAGSUSULIT. PAGSUSULIT. - PowerPoint PPT Presentation

Transcript of E-LESSON IN HEKASI V

E-LESSON IN HEKASI V

Presented by:

Malone C. PerezTeacher I

Tuban Elementary School

Pindutin ito upang mag patuloy

Ilang paalaala

Ang Panunungkulan ni Ramon MagsaysayMGA

LAYUNIN

PAGSUSULIT

MGA ARALIN

PANIMULA

MGA LAYUNIN

PAGSUSULIT

MGA ARALIN

PANIMULA

PANIMULAAng Panunungkulan ni Ramon Magsaysay

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957).

Ang Panunungkulan ni Ramon Magsaysay

MGA LAYUNINNaisasalaysay ang

talambuhay ni Pangulong Magsaysay.

Natutukoy ang mga programang pampamahalaan ni Pangulong Magsaysay.

Ang Panunungkulan ni Ramon MagsaysayMGA ARALIN

TALAMBUHAY

MGA PROGRAMA

ALAM NYO BA?

PAGKAMATAY

Talambuhay

Pagsilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales Magulang: Exequel at Perfecta del FieroEdukasyon: Jose Rizal College (Komersyo)Asawa: Luz BanzonAnak: Teresita, Milagros at Ramon Jr.Kamatayan: Marso 17, 1957 sa Mt. Manunggal,

Cebu

Panunungkulang PampublikoMilitary Governor ng

Zambales matapos ang digmaan

Kongresista ng Zambales

Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Administrasyong QuirinoPamilya ni Pang. Magsaysay (standing L-

R) Teresita, Ramon Jr. at Milagros; (Kanan) First Lady Luz Banzon-Magsaysay

Alam nyo Ba?Si Pang. Magsaysay ang

unang gumamit ng barong tagalog sa araw ng kanyang inagurasyon. Ipinatupad nya rin na gawing dress code ang pagsusuot ng barong tagalog sa lahat pormal na programa sa Malakanyang. Dahil dito, naging uso ang pagsusuot nito sa mga pormal na okasyon.

Alam nyo Ba?Ipinag-utos ni Pang.

Magsaysay ang pagsasalin ng ating Pambansang Awit sa wikang Filipino. Sa bisa ng Dept. Order No.5, s. 1956 noong ika-26 ng Mayo 1956, ipinag-utos ang paggamit ng translation na gawa nina Idelfonso Santos at Julian Cruz Balmaceda at isinaayos ni Lt. Col. Antonio Buenaventura.

Alam nyo Ba?Si Pang. Magsaysay ang

unang gumamit ng guerilla campaigning. Ito ay ang paggamit ng mga artista, pag-awit at pagsasayaw, at pagpunta sa mga baryo tuwing nangangampanya. Ito ay karaniwan nang ginagawa ngayon tuwing may halalan.

Mga Programa ng Administrasyong Magsaysay

Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino

Pagpapaunlad ng mga baryo

Pagdinig sa mga karaingan ng mga tao

Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

Social Security ActSa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social

Security System (SSS) noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.

Tulong sa mga MagsasakaSa ilalim ng Land Tenure Law,

bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan.

Itinanatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.

Pagpapa-unlad sa mga BaryoIpinag-utos ni Pang.

Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo.

Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at mga bagong uri ng binhi tulad ng Masagana.

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Itinatag sa Maynila noong Sept. 8, 1954 ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO). Ito ay samahan ng mga bansa na nagkasundong magtutulungan sa paglaban ng komunismo.

Nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang Reparation Agreement noong May 9, 1956. Ito ay bilang kabayaran ng Japan sa pinsalang dulot ng digmaan.

Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)

Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao upang mag-abot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.

Pagkamatay ni Pang. MagsaysayMatapos dumalo sa graduation ceremony sa

Cebu, hindi na nakabalik ng Maynila si Pang. Magsaysay noong Marso 17, 1957. Bumagsak ang eroplano ng pangulo, ang RP Mt. Pinatubo sa Mt. Manunggal, Cebu.

Pagkamatay ni Pang. Magsaysay

Bahagi ng eroplano na ginawang marker sa Mt. Manunggal, Libing ni Pang. Magsaysay at kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery.

Kailan ipinanganak si Pangulong Magsaysay?

Agosto 31, 1907

Agosto 30, 1907

Agosto 29, 1907

Ang GALING

mo!

Subukan ang ibang sagot.....

Anong damit ang naging dress code sa lahat pormal na programa sa Malakanyang.

Amerikana

Barong Tagalog

Kamesa de Tsino

Ang GALING

mo!

Subukan ang ibang sagot.....

Ano ang sinasakyang eroplano ni Pangulong Magsaysay nang siya’y mamatay?

Mt. Manunggal

Mt. Mayon

Mt. Pinatubo

Ang GALING

mo!

Subukan ang ibang sagot.....

PANANDA

Pindutin ang mga sumusunod kung:

Ibalik sa pinanggalingan

Pumunta sa susunod

Pumunta sa main menu

Pindutin upang maka pili ng aralin

Pindutin upang maka pili ng sagot sa tanong

<<<Pindutin