Araling Panlipunana I: Mga pinagkukunang yaman ng pilipinas

Post on 19-Jun-2015

5.038 views 15 download

description

Likas na Yaman at Yamang Tao ng Pilipinas

Transcript of Araling Panlipunana I: Mga pinagkukunang yaman ng pilipinas

MGA PINAGKUKUNANG YAMAN NG PILIPINAS

Prepared by:

Ms. Julie Anne Portal

Likas na Pinagkukunang Yaman

•Yamang Likas- lupain, tubigan, kabundukan at kagubatan

•Yamang Tao

Kagubatan

•Pinagkukunan ng troso, tabla, halamang komersiyal, halamang gamot, orkidya at bakawan

•May mahigit na 750 uri ng ibon sa bansa

TIPOL –pinakamalaking ibon sa bansa

AGILA NA KUMAKAIN NG UNGGOY–pinakamalaking agila sa mundo

Kalaw Limbas

LAWIN

MAYA

LABUYO

PEACOCK PHEASANT (Palawan)

Lupang Minahan

Dalawang Uri ng Mineral:- Metalik Nikel, Bakal, Tanso, Ginto, Chromite, Karbon at Manganese

- Di Metaliko Marmol, Semento, Batong Apog, Asin, Asupre, Asbestos at Langis

Metalikong Mineral•Nikel – Metalikong mineral na

pinakamarami - matatagpuan sa pulo ng Nonoc (Surigao del Norte), Davao, Palawan, Romblon, at Samar

Metalikong Mineral

•Bakal – matatagpuan sa Ilocos Norte, Camarines Norte, Cotabato at Nueva Ecija

PANGISDAAN•Mayaman ito sa Pilipinas•May mahigit na 40 mga lawa, ilog at dagat na napagkukunan ng yamang-dagat

•Hal. Dagat ng Sulu, Lawa ng Laguna, Ilog ng Agusan at baybayin ng Batangas, eksklusibong sonang ekonomiko

•Matatagpuan ang mahigit 2000 na uri ng isda

Bangus

BANAK

DILIS AT LAPU-LAPU

PANGISDAAN

•Bukod sa isda meron ding sugpo, alimango, alimasag, hipon, koral at mga lamang dagat sa kabibe at halamang dagat

PANGISDAAN

•Maunladana industriya ng pagpaparami ng ng bangus at sugo

– Bulacan, Pangasinan, Pampanga, Quezon at Iloilo

SEAFDEC (Tigbauan, Iloilo)

BULACAN

PANGISDAAN

•Maunlad rin ang pagpapatubo ng agar (halamang dagat) at perlas

•Sa Davao makikita ang Samal Pearl Colony

•Ipinagmamalaki din ng Pilipinas ang whale shark (pinakamalaking isda sa daigdig) at ang Pearl of Allah (pinakamalaking perlas sa buong daigdig)

WHALE SHARK

PEARL OF ALLAH

PINAGKUKUNAN NG ENERHIYA

•Lakas Hydroelektrik (Talon) - Talon ng Pagsanjan (Laguna), Talon ng Daranak (Tanay), Talon ng Maria Cristina (Iligan), Talon ng Coyaoyao (Camarines Sur)

Pagsanjan

Daranak

Pinagkukunan ng Enerhiya

•Lakas Geothermal (maiinit na bukal)- Bukal ng Tiwi (Albay), Bukal ng Tongonan (Leyte)

Geothermal Plant (Tiwi)

Mga Pang-akit sa Turista

•Ang bansa ay isa sa pinakamagandang bansa sa daigdig.

•Maunlad ang industriya ng turismo

Hagdan-hagdang Palayan

•Inuka sa tagiliran ng bundok ng Banawe

•Kapag pinagdugtong-dugtong ay maaaring umabot sa 14,000 milya ang sukat

(10 beses higit kaysa “Great Wall of China”)

Banaue Rice Terraces

Hidden Valley (Laguna)

Hundred Islands (Pangasina)

Crystal Cave (Baguio)

Salt Springs (Nueva Vizcaya)

Underground River (Palawan)

White beaches (Zambales)

Tagaytay

Enchanted River (Surigao)

YAMANG TAO•May mahalagang ginagampanan sa pag-unlad ng bansa

Basura sa Manila Bay lalong dumami(Aug., 2012)

Basura sa Manila Bay lalong dumarami

Gabay na Tanong:a. Paano nakaapekto ang mga tao sa

naging problema?b. Paano nakaapekto ito sa buhay ng

mga tao (partikular na sa Maynila)?c. Anong hakbang ang ginawa ng

pamahalaan (lokal man o nasyonal)?d. Sa iyong sariling kakayahan, paano

ka makakatulong sa problemang ito?

YAMANG TAOKatangian:1. Kakayahang paunlarin ang sarili2. Nagmamahal sa bansa ng buong katapatan

3. Nangangalaga sa likas na yaman ng bansa

4. Nagtataglay ng kasanayan at karunungan na iniaalay sa Diyos at sa kapwa

POPULASYON NG PILIPINAS•105,720,644(July 2013 est) – 12th in the world

0-14 years: 34.3% (male 18,175,763/female 17,452,488) 15-24 years: 19.1% (male 10,107,717/female 9,753,268) 25-54 years: 36.6% (male 19,065,843/female 18,941,091) 55-64 years: 5.6% (male 2,663,592/female 3,102,247) 65 years and over: 4.3% (male 1,948,152/female 2,564,841) (2012 est.)

POPULASYON NG PILIPINAS

•Growth rate: 1.873% (2012 est.)•Birth rate- 24.98 births/1,000 population (2012 est.)

•Death rate- 4.98 deaths/1,000 population (July 2012 est.)

POPULASYON NG PILIPINAS

•Literacy (edad 15 pataas na marunong bumasa at sumulat) total population: 92.6% male: 92.5% female: 92.7% (2000 census)

PANGANGALAGA SA YAMANG TAO AT

LIKAS NA YAMAN NG BANSA

Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987)

ARTIKULO XII (Pambansang Pamana at Ekonomiya)

(Sec. 2) – “ang eksplorasyon at paglinang ng likas na pinagkukunang yaman ay ipapailalim sa kontrol at superbisyon ng estado”

(Sec. 14) – “itataguyod ng estado ang patuloy na paglinang ng bukal na pambansang talino na binubuo ng mga siyentipiko, entreprenyur, propesyonal, tagapamahala, teknisyan, dalubhasa at mga manggagawa”

Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987)

ARTIKULO XIV (Edukasyon, Siyensya at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports)

(Sec. 1) – “pangangalagaan at itataguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mataas na uri ng edukasyon sa lahat ng antas at magsasagawa ng mga kaukulang hakbang upang ang nasabing mataas na uri ng edukasyon ay maging bukas para sa lahat ”

Epekto ng Heograpiya sa Kasaysayan

Istratehikong Lokasyon ng Pilipinas

•Naging sentro ito ng kalakalan (pagitan ng mga mangangalakal na Intsik, Hapon, Annamese at mga Arabe)

•Nagkaroon ng interes ang mga Amerikano at Hapon na masakop ito

•Pagkatatag ng base militar (Amerikano) – Angeles (Pampanga), Subic (Zambales) at Sangley Point (Cavite)

SUBIC BAY (US NAVAL BASE)

Istratehikong Lokasyon ng Pilipinas

Subic (1991) – ginawang malayang puwerto ng kalakal

- pinangunahan ng dating Tagapangulo na si Richard Gordon

- Isinailalim sa pamamahala ng SBMA (Subic Bay Metropolitan Authority) sa pangangasiwa pa din ni Gordon

- may malaking naitulong sa ekonomiya ng bansa

Nasa “Ring of Fire”“Ring of Fire”- sonang bumabagtas sa baybayin ng Karagatang Pasipiko

- Matatagpuan ang 75% ng 850 aktibong bulkan sa mundo

- Sa Pilipinas ay may 36 na bulkan kaya nagkakaroon ng pagsabog ng bulkan.

- Madalas ding magkaroon ng paglindol sa bansa

Daanan ng bagyo ang Pilipinas•Taun-taon na binabagyo ang Pilipinas mula Hulyo – Nobyembre

3 kategorya ng tropical disturbance:1. Depresyon – bilis ng hangin ay kulang

sa 63 kilometro 2. Sigwadang Tropikal – ang bilis ng

hangin ay mula 63 hanggang 118 kilometro bawat oras

3. Bagyo – ang bilis ng hangin ay mahigit sa 118 kilometro bawat oras