Post on 18-Feb-2022
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN: ARALIN 1
PAKSA: ANG LOKASYON AT TERITORYO NG PILIPINAS
LAYUNIN:
➢ Malaman ang dalawang paraan ng pantukoy lokasyon ng Pilipinas ➢ Maintindihan ang kasaysayan ng Pilipinas ➢ Matukoy ang kahalagahan ng ng lokasyon ng Pilipinas
TALASALITAAN:
• Archipelagic Doctrine
• Exclusive Economic Zone
• Indias Orientales Espanolas
PAGTATALAKAY:
Mahalagang isaalang-alang sap ag-aaral ng pagbubuo ng bansa ang mga
katangian nito, lalo na ang lokasyon at teritoryo. Isa sa mga salik sa paglaganap
ng mga ideya mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang lokasyon ng Pilipinas.
Batay sa kasaysayan, nagkaroon ng mga pagbabago sa hangganan at
teritoryong sakop ng bansa.
ANG LOKASYON NG PILIPINAS
2 Paraan ng pagsasabi ng lokasyon ng Pilipinas
➢ Absolutong Lokasyon – Paglalarawan ng tiyak na kinaroroonan ng isang
lugar sa mundo. Matutukoy ito sa pag gamit ng mga likhang guhit na
makikita sa mapa o globo. (Halimbawa: Guhit latitude at guhit longhitud)
➢ Relatibong Lokasyon – Paglalarawan sa isang lugar batay sa relasyong
kinaroroonan nito sa mga nakapaligid na katubigan at lupain.
ANG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS
Nakasaad sa Saligang-Batasa ng 1987 ang pambansang teritoryo ng Pilipinas .
Inilalarawan dito ang sakop at saklaw ng buong kapuluan, kabilang ang iba
pang teritoryong pag-aari nito sa pamamagitan ng karapatang kinikilala sa
kasaysayan o sa batas.
1. Batay sa mapang Politikal – May teritoryo ang bansa dahil sa mga
sumusunod.
a. Matiyak ang hangganan ng bansa
b. Matukoy ang mga lugar na sakop ng soberanya ng pamahalaan
c. Mataya ang mga lugar na maaaring panahanan ng mga Pilipino
d. Maitakda ang mga lugar na maaaring pagkunan ng kabuhayan at likas
na yaman
e. Maprotektahan ang mga teritoryo sa illegal na pagpasok ng mga
dayuhan.
ARTIKULO I
ANG PAMBANSANG TERITORYO
Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat
ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga
teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo
ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal,
ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang
iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid,
nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang
lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng
Pilipinas.
Sakop at saklaw ng pambansang teritoryo:
➢ Panlupa – Terrestrial
➢ Pantubig – Fluvial
➢ Panghimpapawid – Aerial
Ang pagtatakda ng teritoryo ng Pilipinas ay alinsunod sa mga sumusunod
➢ Archipelegic Doctrine – Doktrinang Pangkapuluan
➢ UNCLOS – United Nations Convention on the Law of the Seas
a. Batayang guhit na pangkapuluan – Archipelagic baseline
b. Panloob na karagatan – Internal water
c. Katubigang pangkapuluan – Archipelagic water
d. Dagat teritoryal – Territoril sea
e. Kailaliman ng lupa – Continental shelf
➢ EEZ – Exclusive Economic Zone
2. Batay sa Kasaysayan
Ang Pilipinas ay pormal na napasailalim sa pananakop ng mga Espanyol noong
1565. Unang Kabisera nito ay ang Cebu at inilipat sa Maynilla noong 1571.
Kabilang ang Pilipinas sa Spanish East Indies (Indias Orientales Espanolas) mga
teritoryong sakop ng Espanya na nasa Karagatang Pasipiko. Natapos ang
pananakop noong 1898 at ang Pilipinas ay napasailalim ng Estados Unidos ng
Amerika.
➢ Treaty of Paris 1898 – Nagsasaad ng mga lupain sa loob ng itinakdang
hangganan kapalit ang halagang 20 milyong dolyar.
➢ Cession Treaty 1900 – kasunduan sa pagitan ng Espanya at ng Estados
Unidos binigyan linaw ang sakop na lupain ng Pilipinas isinama dito ang
pulo nhg Cagayan de Sulu at Sibutu.
KAHALAGAHAN NG LOKASYON NG PILIPINAS
Sagana sa yamang lupa at tubig ang kapuluan. Ginawang kolonya ang Pilipinas
ng mga bansang Espanya, Estados Unidos at Hapon dahil sa estratehikong
lokasyon nito sa kontinente at sa pandaigdigang layunin
1. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Nakarating ang mga Espanyol sa Pilipinas sa paghahanap nila sa Mollucas o
Spice Island nabighani sila sa Pilipinas sa angkin nitong likas na yaman. Sumunod
sa kanila ang bansang Estados Unidos napaunlad ng bansang Amerika ang
kanilang industriya sa pamamagitan ng mga raw materials na nakukuha nila sa
Pilipinas.
2. Kahalagahang Pampolitika
Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang Pilipinas ay nagging
mahalagang tanggulan ng Espanya upang pangalagaan ang interes nito sa
Asya Pasipiko. Sa panahon ng mga Amerikano ginamit din ng Estados Unidos ang
estratehikong lokasyon ng Pilipinas upang pangalagaan ang kanilang
kapangyarihan at impluwensya sa Asya.
KAHALAGAHAN NG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS
Nakagagawa ng batas ang isang bansa para sa kapakanan ng mamamayan
na sakop nito. Naiiwasan ang hidwaan ng mga bansa sa isat-isa.
PAGSASANAY:
A. Sagutin sa tatlong pangungusap ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ilarawan ang kinaroroonan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mga guhit
longhitud at latitude.
2. Paano matutukoy sag lobo ang absolutong lokasyon ng isang bansa
gaya ng Pilipinas.
3. Bakit mahalagang matutunan ang mga paraan ng pantukoy sa lokasyon
ng Pilipinas.
4. Bakit kailangang itakda ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas
5. Ano ang Treaty of Paris?
TAKDANG ARALIN:
Mangalap ng ibat-ibang larawang nagpapakita ng kahalagahanng lokasyon
ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo. Gumawa ng
presentasyon sa Powerpoint ng mga nakalap na larawan na may tatlong
bahagi.
I. Introduksyon – ipakita ang absolutong lokasyon ng Pilipinas sa mapa at
globo na nagpapatunay sa estratehiko o magandang lokasyon nito
sa mundo.
II. Katawan – lagyan ng maikling kapsiyon o paliwanag ang mga
nakalapat na larawan
WAKAS