Aralin 1 (ALS LESSON)

Post on 19-Jan-2016

143 views 2 download

description

FOR ELEMENTARY

Transcript of Aralin 1 (ALS LESSON)

1

Tungkol Saan Ang Modyul Na Ito?

Ang usapin ng kapayapaan ay usapin ng lahat.Indibidwal man oinstitusyon ay malaki ang magagawa. Kailangan nating makiisa dahil tayoay bahagi ng lipunan. Bahagi rin tayo ng mga suliranin, nito at nang mgasolusyon dito.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin at gawaingpangkaalaman na maaaring makatulong sa iyo upang maliwanagan angmasalimuot na usapin ng kapayapaan. Ipaliliwanag nito ang kaugnayan ngSARILI,PAMILYA,at PAMAYANAN bilang mga salik na maaaring makaapektosa paksang ito.

Nahahati sa tatlong aralin ang modyul na ito:

Aralin 1 : Sino Ako?

Aralin 2 : “Housemates”: Ok ba Tayo?

Aralin 3 : KKK Tayo! Kapuso, Kapamilya, Kabaranggay

2

Anu-ano ang Matututuhan sa Modyul na ito?

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nanggawin ang mga sumusunod:

• nasasabi ang kaugnayan ng sarili, pamilya at pamayanan sa usapinng kapayapaan;

• naipahahayag ang saloobin tungkol sa dayalogo at mga kasabihan;

• naisusulat ang mga sumusunod:

- mga positibo at negatibong ugali ng sarili;- mga positibo at negatibong gawain ng pakikipagkapwa-tao;- mga katagang naglalarawan ng mga papel na ginaganapan

ng bawat kasapi ng pamilya.

• nababasa nang wasto ang mga sumusunod:

- Panuto sa pagsagot ng tseklis;

3

- Sanhi na maaaring makaapekto sa relasyon ng bawat kasapi ngpamilya at epekto nito sa bawat isa;

- mga katagang may kinalaman sa pakikipagkapwa –tao;

• natutukoy ang pagkakaiba ng bawat tao o pangkat-tao sa isangpamayanan.

• nasasagot nang tama ang suliranin gamit ang kaalaman ng pagkuhang kabuuang halaga ng pera;

• nagagamit nang tama ang mga sumusunod:

- mga tanda sa pahahambing tulad ng : <, >, =- ang kalendaryo

4

Ano-ano na ang Alam Mo?

Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul na ito, sagutin ang mgasumusunod na katanungan upang mabatid mo kung ano na angnalalaman mo tungkol sa paksang ito.

I. Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

1. Tawag sa sakit ng mga taong madalas magbago ang ugali.

a. multiple personality disorderb. dual personalityc. hidden personality

2. Tinaguriang “ haligi ng tahanan.”

a. ina b. anak c. ama

3. Tawag sa katutubong naninirahan sa Mindanao bago padumating ang mga Kristiyano at Muslim.

a. Bisaya b. Lumad c. Moro

5

_______4. Tanda na ginagamit sa paghahambing ng mga bagay naang ibig sabihin ay magkakapareho o pantay.

a. < b. > c. =

5. Tawag sa bagay o salapi na iniaalay ng pamilya ng lalake sapamilya ng babaeng pakakasalan niya batay sa kaugalianng mga Muslim.

a. dote b. pabuya c. alay

6. Simbolo sa paghahambing na ang ibig sabihin ay higit namalaki ito kaysa pinaghahambingan.

a. < b. > c. =

7. Tinaguriang “ ilaw ng tahanan.”

a. ina b. anak c. ama

8. Lugar na sinasabing “ Lupang Pangako.”

a. Pilipinas b. Mindanao c. Muntinlupa

6

9. Sinasabing pinakamaliit na yunit ng lipunan.

a. pamilya b. pamahalaan c. barangay

10. Tawag sa mga mandirigmang grupo sa Mindanao na patuloyna nakikibaka para sa kasarinlan nito.

a. Mujahedeen b. Moro c. Tablig

II. Tukuyin ang tamang sagot.

A. Pag-aralan ang mga sumusunod na ugali. Isulat sa puwang ang titikT kung positibo at M kung negatibo.

1. mataray

2. palabiro

3. disiplinado

4. pintasero

5. mahinahon

7

B. Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ay tungkol sa papel ng ama,ina o anak. Isulat ang titik A para sa ama, I para sa ina at S para saanak. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. taga-disiplina ng mga anak

2. nangunguna sa desisyong pampamilya

3. taga-ayos ng tahanan

4. taga- tulong sa mga gawaing bahay

5. tinataguyod ang kalinisan sa tahanan

C. Tukuyin ang mga sumusunod na kaugalian kung ito ay sa Kristiyano,Muslim o Katutubong Lumad. Isulat ang titik K para sa Kristiyano, M saMuslim at L para sa Katutubong Lumad.

1. nag- eembalsamo ng patay

2. pangangaso ang karaniwang ikinabubuhay

3. nagsisisi at nagsasakripisyo tuwing Semana Santa

8

4. naniniwala kay Allah bilang Diyos

5. Nagdiriwang ng “Eidil Fitri”

III. Numerasi

A. Sagutin ang Suliranin

1. Si Said ay masinop na tao, kaya bawat gastos niya ay kanyanginililista upang masubaybayan ang paggamit ng kanyang pera.Ito ang talaan ng kanyang gastos sa nakaraang buwan:

Unang linggo Php 510.95 Pangalawang linggo 1,172.25 Pangatlong linggo 498.75 Pang-apat na linggo 522.95

Tanong:

1. Aling linggo ang pinakamalaki ang kanyang nagastos?2. Aling linggo ang pinakamababa ang kanyang nagastos?3. Magkano ang kabuuang ginastos ni Said?

9

B. Pagbasa ng Kalendaryo

Agosto 2011

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado1 2 3 4

5 6 7 8 9 10 11

12 13 14 15 16 17 18

19 20 21 22 23 24 25

26 27 28 29 30 31

Gamit ang kalendaryong nasa itaas, sagutin ang sumusunod natanong:

1. Sa anong araw nagsimula ang buwan ng Agosto 2007? 2. Anong petsa papatak ang pangatlong linggo? 3. Sa anong araw matatapos ang buwan ng Agosto?

10

SINO AKO?

11

Tungkol Saan ang Araling ito?

Malimit na kapag napag- uusapan ang isyu ng kapayapaan, ang agadna sumasagi sa ating kaisipan ay ang Mindanao. Wari’y inihihiwalay natinang ating sarili sa usaping ito. Ngunit ang totoo, malaki ang magagawa ngbawat indibidwal tungo sa ikalulutas ng problemang ito. Mahalaga na angbawat tao ay may kapayapaan sa sarili sa pagsulong ng kapayapaan samundo.

Matutunghayan mo sa araling ito ang relasyon sa ating sarili, lalung-lalona ang pag-uugali natin, sa usapin ng kapayapaan. Matapos mong pag-aralan ang aralin na ito, makakaya mo nang gawin ang mga sumusunod:

• nasasabi ang kaugnayan ng pansariling pag-uugali sa usapin ngkapayapaan;

• naisusulat ang positibo at negatibong ugali ng sarili;• naipahahayag nang wasto ang diwa ng mga kasabihan;• naisusulat ang positibo at negatibong pag-uugali;• nasusunod nang wasto ang panuto sa pagsagot ng tseklis;• nasasagot ang suliranin gamit ang kaalaman sa pagkuha ng

kabuuang ng halaga ng pera

12

Pag-usapan Natin

Bigyang pansin ang pag-uugali ng mga tauhan sa larawan.

Bakit ba madaliakong magalit?

Sabi nila pintaseradaw ako, hmmp, wala

akong pakialam! Kailangan lagingpositibo para

masaya.

13

Basahin Natin

KAIBIGAN

Sa mundong ginagalawanMayroon sa ‘yo’y nakalaan,Sa’yo’y handang tumulong,Umunawa’t dumamay,At mangarap nang sabay-sabay,Sa panahon ng kawalanSiya ang sandigan

Maraming nakilalaNgunit siya’y ibang-ibaKamalian ko’y nababatid

Upang buhay maituwid

Sagutin:

1. Ano-ano ang magagawa sa iyo ng isang kaibigan?

14

Subukin NatinTseklis sa Pagkilala ng Sarili

Alamin kung gaano kadalas mo nararamdaman ang mga nakatalangdamdamin sa unang hanay ng tseklis. Lagyan ng tsek (!) ang hanay namaglalarawan ng iyong sagot.

Mga Damdamin ng Tao PanukatMadalas Minsan Hindi

1. masayahin2. mahiyain3. maalalahanin4. kulang sa pasensiya5. palakaibigan6. mapanghusga7. matulungin8. pikon9. mapagkawanggawa

10. mayabang Kabuuan

15

Pag-isipan Natin

A. Mag-isip ng 2 tao na iyong hinahangaan. Isulat sa magkabilang bilogang kanilang mga pangalan at ang mga ugali at kilos na nagustuhanmo sa kanila. Sa gitna naman ay isulat mo ang iyong mga ugali. Maypagkakapareho ba?

16

B. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng kasabihang ito?

“Sabihin mo sa akin ang iyong

mga kaibigan

At sasabihin ko sa iyo kung sino ka.”

17

Kwentahin Natin

Isulat ang halaga ng mga bagay na nakadikit sa katawan ni AsyongMayabang sa mga puwang sa ibaba at kunin ang kabuuang halaga ngmga ito.

Mga Gamit Halaga

1. cellphone P2. sapatos3. Ipod4. sombrero5. pantalon6. salamin7. t-shirt8. relo Kabuuan P Asyong Mayabang

Hehehe,Ayos ba ang

dating ngporma ko?

18

Sagutin Natin

Magsulat ng mga positibo at negatibong ugali ng tao. Isulat ito sa mganakalaang puwang sa ibaba. Magbigay ng mga mungkahi kung paanopalaguin ang mga nasulat na positibong ugali at paano naman baguhinang mga negatibo.

Positibo Paano Palaguin Negatibo Paano Baguhin

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

19

Tandaan Natin

• Iba-iba ang personalidad ng tao.

• May mga tao na madaling magbago ang ugali. Sila ay may sakitna MULTIPLE PERSONALITY

• Ang tunay na sagot sa suliraning pangkapayapaan ay nagsisimulasa sarili.

20

Ano-ano ang iyong natutuhan?

A. Lagyan ng tsek (! ) ang mga sumusunod na larawan kung ito aynagpapakita ng magandang pag-uugali at ekis (") kung sa hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

21

B. Dugtungan ng mga salita na maglalarawan ng iyong pag-uugali.

Sino Ako? Ako ay…..

1.

2.

3.

4.

5.

22

Batayan Sa Pagwawasto

Ano-ano na ang alam mo?

I. 1. a 4. c 7. a 10. b2. c 5. a 8. b3. b 6. b 9. a

Numerasi

II. 1. M B. 1. A C. 1. K A. 1. Pangalawang Linggo2. T 2. A 2. L 2. Pangatlong Linggo3. T 3. I 3. K 3. P 2,704.904. M 4. S 4. M B. Kalendaryo5. T 5. I 5. M 1. Miyerkules

2. Ika-193. Biyernes

23

Kwentahin Natin

1. salamin P 500.002. pantaloon 699.953. t-shirt 230.004. sombrero 185.005. sapatos 1,254.756. cellphone 5,870.507. Ipod 1,250.258. relo – 999.95

P10,990.40Sagutin Natin

Positibo Paano Palaguin

1. mapagbigay - Isabuhay araw-araw2. mapag-aruga - Magbasa ng mga babasahin ukol dito3. maalalahanin - Isabuhay araw-araw4. matulungin - Sumali sa mga “volunteer groups”5. palakaibigan - Magbasa ng karagdagang babasahin

ukol dito

24

Negatibo Paano Baguhin

1. mapanghusga - Pag-aralan ang kultura, paniniwala atkaugalian ng iba

- Subuking makihalubilo sa iba’t ibang uring tao o pangkat-tao.

2. kulang sa pasensiya - Sanayin ang sarili. Humanap ng mgasitwasyon kung saan masusukat angsariling pasensiya.

3. sobrang prangka - Magbasa ng mga babasahin ukol dito- Subuking ilagay ang sarili sa katayuan

ng iba.

4. mahiyain - Magkaroon ng tiwala sa sarili- Sumali sa mga gawaing panlipunan- Magbasa ng mga babasahing ukol dito- Makipagkaibigan

5. mayabang - Pakinggan ang mga reaksiyon ng mga

25

taong nakapaligid sa iyo at gumawa ngparaan na itama ang mga gawaing dikanais-nais.

- Maging sensitibo at simple sa mga kilos atgawa.

Alamin ninyo ang inyong natutuhan

A. B. Mga posibleng sagot.

1. " 1. masayahin2. ! 2. palakaibigan3. " 3. mahiyain4. ! 4. masipag5. " 5. medyo makulit