Post on 21-Jan-2018
ARALIN 6: ANG KOLONISASYON AT DAHILAN NG
PANANAKOP NG ESPANYA SA PILIPINAS
PAGGANYAK: TUKUYIN KUNG ANONG LARAWAN ANG MGA SUMUSUNOD.
G _ N _ _
PA_P__AS_ O S_IC_S
K_IST___N__MO
C__S_DE_
S_AI_ _OR__GAL
KOLONYALISMO•Patakaran ng isang bansa na
may kinalaman sa pagpapalawak ng mga lupain
sa pamamagitan ng pananakop.
LAYUNIN NG KOLONYALISMO1. KRUSADA
• Isang manlalayag o manlalakbay na taga-Venice, Italy na unang nakarating sa China. Siya ay nakasulat ng isang aklat na naglalaman ng kanyang mga karanasan at nasaksihan nang maglakbay siya sa Silangan na pinamagatang “The Travels of Marco Polo.
LAYUNIN NG KOLONYALISMO2. MGA KWENTO NI MARCO
POLO
Mahalaga sa mga taga -Europa ang mga rekado o mga sangkap na nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta, luya, sili , bawang at oregano.
Sa pagpalipas ng panahon, lumaki ang kanilang pangangailangan sa mga pampalasa ng pagkain, mga sangkap sa pag-iimbak ng pagkain at sangkap sa panggagamot.
LAYUNIN NG KOLONYALISMO3. PAGHAHANAP NG
PAMPALASA O SPICES
--- ANG KAPULUANG MOLUCCAS O MALUKU AY ISANG KAPULUAN SA INDONESIA NA BAHAGI NG REHIYONG TIMOG SILANGANG ASYA
4. PAGGAGALUGAD AT PAGTUKLAS
LAYUNIN NG KOLONYALISMO
Dahil ang dating rutang kalakalan ay nasakop na ng mga Muslim na Turko at ang mga mangangalakal na Italyano mula sa Venice, Pisa, at Genoa lamang ang nakagagamit nito dahil sa mataas na buwis na ipinapataw ng mga Turko.
Ang panggagalugad ng mga produkto ay isang pamamaraan na naisip ng mga Espanyol upang palawakin ang kanilang kolonya.
Layunin ng mga bansa sa Europa na madagdagan ang kanilang kayamanan at pangkabuhayan.
Ang mga produktong matatagpuan sa Silangan ay malaking motibasyon para sa mga Espanyol na maghangad ng panibagong rutang pangkalakalan.
LAYUNIN NG KOLONYALISMO5. MERKANTILISMO
MERKANTILISMOIsang sistemang pankabuhayan
na lumaganap sa Europe noong ika-16 hanggang ika-18 siglo kung saan ang batayan ng kaunlaran at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak na pag-aari nito.
Sa pamamagitan ng patakarang merkantilismo ay nagkaroon ng kolonya ang Espanya kung saan ang lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng nalikom na kayamanan sa anyo ng mamahaling metal tulad ng ginto at pilak.
Dala ng ganitong kadahilanan ay kinailangan na madagdagan ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng paghakot ng kayamanan buhat sa mga bansa na kanilang kolonya.
KOLONYA- TAWAG SA
BANSANG NASAKOP NG ISANG
MALAKI AT MALAKAS NA
BANSA.
ANG PAGHAHATI NG MUNDO SA PAGITAN
NG PORTUGAL AT SPAIN
SPAIN PORTUGAL
- Ang dalawang bansa na nanguna sa paglalayag at pananakop ng lupain.
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Ang dalawang bansang ito ay parehong bansang Kristiyano kung kayat humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI na ipalaganap ang Kristiyanismo sa mga bansang kanilang mai-kolonya.
-Sa pagnanais ni Pope Alexander VI na lubos na maipalaganap ang KRISTIYANISMO, nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng SPAIN at PORTUGAL. - nagpalabas si Pope Alexander VI ng dalawang dekreto o papa bull noong Mayo 3, 1493.
Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and dalawang bansa sa kagustuhang maipahayag ang Kristiyanismo sa maraming lugar sa mundo.
Magkatunggali noon ang Portugal at Espanya sa gagawing ekspanisasyon kung kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na hakbang upang magsilbing gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa kolonisasyon nito. Bunga nito ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas. (HUNYO 7, 1494)
Ang Kasunduang Tordesillas ay paghati ng daigdig sa Portugal at Espanya. Ang Silangan ay para sa Portugal at ang Kanluran ay para sa Espanya.
DAHILAN NG ESPANYA SA PANANAKOP SA PILIPINAS
1.Misyong manakop ng mga lupain2.Makatuklas ng bagong ruta
patungong Silangan.3.Bahagi na rin ng pagkakatuklas ng
mga lupain noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo
1.Kristiyanismo- bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang pagpapalaganap ng KATOLISISMO.
2.Kayamanan- itinuturing na kayamanan ang mga lupaing nasakop sapagkat napakikinabangan nila ang yamang tao at kalikasan nito.
3.Karangalan- itinuturing na karangalan ng mga mananakop na bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain.
Noong 1519 ay nagpasimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang Espanya sa ilalim ng pamamahala ni Haring Carlos V. - Sa ilalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng rutang pa-Kanluran tungo sa Silangan.
Natagpuan niya ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang bansang Brazil sa kasalukuyan, isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of Magellan,
pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang Pasipiko, at
hanggang sa marating nila ang sa
kasalukuyang bansa ng Pilipinas.
Bagama’t di nagtagal si Magellan sa Pilipinas dahil tinalo ito ng pangkat ni Lapu-Lapu, hindi ito naging dahilan upang hindi ituloy ng Espanya ang pagnanasang sakupin ang bansa.
Pinagpatuloy ni Haring Philip II, anak ni Haring Carlos, ang pagpadala ng mga ekspedisyon sa bansa.
Nagtagumpay ang ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 at ganap na nasakop ng Espanya ang Pilipinas
Tumagal ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas 333 na taon