Post on 27-Oct-2014
description
1
GABAY SA PAGHINUHA
ANTICIPATION GUIDE
Panimula
Pamamaraan
1. Simulan ang nasabing gawain sa pamamagitan ng paghahanap at pagsusuri
ng kagamitan o materyal na maaring gamitin sa klase.
2. Piliin at ayusin ang mahahalagang impormasyon at konsepto nito sa
pamamagitan ng maikling pahayag. Inaasahan na ang mga pahayag na ito
ay nakasulat sa paraang nakakakuha ng pansin ng babasa nito.
3. Ilahad sa klase ang mga pahayag na nabuo sa pamamagitan ng pagsulat sa
pisara, paggamit ng hand-awts, naka-project sa OHP o LCD o kaya ay
ipabasa ito nang malakas sa mag-aaral.
Kailan Ginagamit Saan Ginagamit
√
Bago Bumasa
√
Isahan
Habang
Bumabasa
√
Pangkatan
Pagkatapos
Bumasa
√
Buong klase
Ang ANTICIPATION GUIDE (Head and Readance, 1986) ay istratehiya na ginawa para
gawing aktibo ang sanligang kaalaman (prior knowledge)ng mag-aaral at buuiin ang kanilang
kuryosidad sa bagong paksa. Makikita sa istratehiyang ito na ang mag-aaral ay nakikinig o
nagbabasa ng iba’t ibang pahayag na naglalaman ng mahahalagang konsepto mula sa tekstong
babasahin. Karaniwan ang mga pahayag na ginagamit sa istratehiyang ito ay pasalaysay na
nakalahad kung saan tutukuyin nila ang tugon kung sang-ayon ba o di sang-ayon/tama o mali
ba ang inilalahad nito sa kanilang babasahin. Layunin ng istratehiyang ito na pukawin ang
kaalaman ng mga mag-aaral bago magbasa at gabayan sila sa patuloy na pagbabasa.
Mr. Arjohn V. Gime Instructor, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) myarjohngime@yahoo.com
2
4. Bigyan ang mga mag-aaral ng mga pagpipiliang tugon tulad sang-ayon o
di sang-ayon, totoo o hindi, o tama o mali at iba pang paraan ng tugon
para sa isasagawang paghihinuha sa tekstong babasahin.
5. Pagkatapos tumugon ng mga mag-aaral sa mga pahayag, sabihan sila na
maghanap ng isang katuwang (partner) na pagbabahaginan ng kanilang
mga tugon o sagot sa bawat pahayag.
6. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang tugon sa bawat pahayag. Tiyakin
lamang na iwasan ang direktang pagbibigay ng mag-aaral ng tamang sagot
dahil sa nagiging sabik ang mga mag-aaral na malaman kung tugma ba o
hindi ang kanilang tugon.
7. Ipabasa ang teksto sa mga mag-aaral. Inaasahang matutukoy nila kung ang
kanilang mga paunang tugon (first response) sa anticipation guide ay tugma o
tama o kaya ito ay hindi tugma o mali. Kung hindi man tugma o mali ang
kanilang tugon sa inilalahad ng teksto, pasulatin sila ng isang maikling
paliwanag sa nilalaman ng tamang sagot sa isang papel o kaya’y hand-awts.
8. Habang nagbabasa, maari ring isa-isahing talakayin ang nilalaman ng teksto
sa pamamagitan ng pagbasa ng bawat bahagi nito. Hilingin din sa mga mag-
aaral na habang bumabasa, maari nilang alamin ang mga detalye ng mga
pahayag sa kanilang anticipation guide sa pamamagitan ng pagsalungguhit,
paghahaylight o paglalagay ng sticky notes sa bahagi ng teksto.
9. Pagkatapos basahin ang teksto, hilingin sa mga mag-aaral na ibahagi ang
kanilang mga tugon sa pagkatuto (learning responses) kaugnay ng kanilang
paliwanag sa anticipation guide. Alamin din kung nagkaroon ba ng
pagbabago sa kanilang tugon dahil sa isinagawang pagbasa. Kung may
lumabas mang malabong konsepto sa isinagawang pagbabasa ng teksto,
agad na linawin ito.
3
Plano ng Gawain
I. Layunin Layuning Mag-aaral
A. Nakabubuo ng mga bagong salita mula sa salitang-ugat
B. Naibibigay ang paghihinuha sa teksto gamit ang pahayag
C. Natutukoy ang ebidensya sa mga hinuhang pahayag
D. Nakabubuo ng mga pahayag ayon sa hinuha
E. Natutukoy kung tama o mali ang hinuha sa pahayag
2. Paksang Aralin
A. Pamagat ng Teksto: Pinakamalaking Isda sa Buong Mundo
B. Uri ng Teksto: Ekspositori
C. Istratehiyang ginamit: Anticipation Guide
D. Kagamitan: Larawan, Sipi ng Anticipation Guide
E. Antas ng Gagamit: Baytang 4 & 5
3. Pamamaraan
A. Bago Bumasa
1. Paggamit ng Dating Kaalaman
a. Laro: Buuin mo ang Larawan Ko
i. Ipakita ang puzzle na larawan ng isang
butanding. Ipabuo ito sa mga mag-aaral sa loob
ng ilang minuto.
Layuning Pangguro: Maipahinuha sa mga mag-aaral ang nilalaman ng teksto
gamit ang mga pahayag ng Anticipation Guide.
4
ii. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong ng
guro tungkol sa larawan.
i. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
ii. Paano ninyo ilalarawan ang hayop na
ito? ilahad.
2. Pagpapayaman ng Talasalitaan
a. Buuin ang mga pangungusap gamit ang angkop na
salita. Gawaing gabay ang salitang-ugat na ibinigay.
i. Sinasabing mas __(laki)___ ang katawan ng
elepante kaysa sa leon.
ii. Halinang __(tuklas)___ ang ganda ng mga
tanawin sa Pilipinas.
iii. Maraming __(kita)___ bagong hayop sa ating
bansa na hindi makikita sa ibang panig ng
mundo.
iv. __(sabi)___na ang pagmamahal sa kalikasan ay
pagmamahal sa Diyos.
v. __(pinsala)___ ang mga plastik na itinatapon
natin sa ating karagatan.
5
3. Pagbibigay ng Layunin
a. Ilahad sa klase ang pamagat ng babasahing teksto at
ibigay ang layunin sa isasagawang pagbabasa nito.
b. Bigyan ng inihandang hand-awts ng anticipation guide
ang mga mag-aaral at ipasagot ito sa loob ng 5 minuto.
(Tingnan ang sipi sa likod ng gawaing pangguro para sa
tsart na ginamit)
c. Pagkatapos ng limang minutong ibinigay, pahanapin
ang mga mag-aaral ng kanilang ka-partner o katuwang
na pagbabahaginan ng kanilang tugon sa anticipation
guide. Sabihin sa kanila na ipaliwanag ang kanilang
tugon kung bakit sila sumasang-ayon o hindi sumasang-
ayon sa pahayag.
d. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na sa gagawing
pagbabasa, tutukuyin nila ang mga konseptong
susuporta sa kanilang tugon sa anticipation guide.
B. Habang Bumabasa
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto at magkaroon ng talakayan tungkol sa nilalaman nito.
2. Ipahanap sa mga mag-aaral ang sagot sa isinagawang paghihinuha.
Pinakamalaking Isda sa Buong Mundo
(1) Ang butanding o whale shark na itinuturing na isa sa pinakamalaking isda sa mundo na makikita sa Donsol, Sorsogon sa lalawigan ng Bikol.
(2) Ito ay may habang 18 hanggang 35 talampakan at kumakain lamang ng
mga plankton, isang uri ng hayop na nabuhay sa dagat na nakatutulong
para linisin ang ating mga karagatan.
6
(3) Sinasabi rin na ito ay karaniwang nakikita sa mga bansang malapit sa
ekwador o equator dahil sa mas maraming pagkain silang nakukuha rito,
at ang klima sa lugar na ito ay hindi malamig na mas makakabuti sa
kanilang kalagayan.
(4) Ayon sa mga pag-aaral, sinasabing nakita ng mga Pilipong maninisid ang
mga butanding noong Enero 2, 1998.
(5) Dahil sa pagkakatuklas ng mga ito, naging malawak ang mga paniniwala
ng mga nakatira sa lugar na iyon na ang mga hayop na ito ay hindi
nakapipinsala sa kanilang mga lugar lalong lalo na sa pangingisda.
(6) Dahil sa pagpapalawak ng mga impormasyon tungkol sa mga isdang ito,
nagsidatingan ang mga media at naibalita ito sa iba’t ibang istasyon na
nagpatanyag sa Sorsogon.
(7) Sa kasalukuyan, ito ay naging isang tanyag na destinasyon ng mga turista
sa ating bansa na nagbigay din ng maraming trabaho sa lalawigang ito.
C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagtalakay sa Binasa
a. Balikang muli ang sinagutang anticipation guide bago
bumasa. Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahagi ng sipi ng
anticipation guide pagkatapos bumasa.
b. Ipatalakay sa mga mag-aaral ang kanilang tugon sa mga
pahayag kung tama ba o hindi ang isinagawang
antisipasyon/paghihinuha. Magbigay rin ng karagdagang
suporta o ebidensya tungkol sa mga sagot.
7
c. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod tungkol sa
paggamit ng anticipation guide
i. Ano ang mga bilang na tumama ang inyong tugon
bago at pagkatapos bumasa? Magbigay ng patunay
tungkol dito.
ii. Ano ang mga bilang na nangangailangan ng
pagbabago ng tugon dahil sa nabasang teksto?
Magbigay ng patunay tungkol dito.
iii. Ano-ano ang mga bahagi ng teksto na malabo sa
inyo? Ano-ano ang tanong ninyo tungkol sa tekstong
binasa natin?
d. Ipasagot at ipagawa sa mga bata ang mga tanong:
i. Paano mo mapapangalagaan ang mga butanding sa
ating bansa dahil sa pabago-bago ng klima ng ating
panahon? Iguhit ang isdang tinalakay at isulat sa
loob ng katawan nito ang magagawa mo para
pangalagaan ito.
ii. Ano ang pangunahing kaisipan na nais iparating ng
tekstong binasa?
D. Pagsasanay ng Kasanayan
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto. Ipatukoy sa kanila kung
tama o mali ang hinuhang pahayag na ibinigay.
Kagaya ng mga Pinoy, ang mga Chinese ay umuuwi sa kanilang probinsya bago mag
New Year upang makapiling ang pamilyang matagal na nawalay sa kanila. Ang
“busiest travel time of the year” ay tinatawag na “chun yun” kung kailan ang lahat
ng klase ng transportasyon ay abala sa pagbibiyahe upang maihatid ang mga
Chinese sa kanilang kamag-anak sa probinsya na nais makapiling sa pagdiriwang ng
New Year.
Pagsapit ng 12:00 midnight, sila ay nagbabatian sa pamamagitan ng pagsigaw ng
mga salitang magdudulot ng good luck.
8
Mga 15 araw na ipinagdiriwang ng mga tao ang New Year. Tumatama sa Full Moon
ang last day of celebration at ito ay tinatapos ng Lantern Festival. Kaya ang New
Year ay nagsimula sa New Moon at nagtatapos sa Full Moon.
Ginagawa sa kalye ang dragon at lion dance upang takutin ang masasamang ispiritu.
Ang pagsasagawa ng fireworks at pagpapaputok ng labintador ay nagpapalayas
daw ng evil spirits. Kailangan lumayas ang mga ito upang magkaroon ng
pagkakataong lumapit ang god of wealth sa mga tao.
Kagaya rin sa Pilipinas, marami sa kanila ang nasusugatan at ang iba ay namamatay
dahil sa mga paputok na nagmula sa mga illegal na pabrika. Ilang beses nang
ipinagbawal ang paputok ngunit sa bandang huli ay tinatanggal din ang
pagbabawal dahil marami ang hindi sumusunod. Nagisnan na raw nila ang fireworks
at paputok sa New Year kaya mahirap na itong tanggalin sa tradisyon.
Bulgar, Enero 20, 2012
____________ 1. Pinapahalagahan ng mga Chinese ang Bagong
Taon.
____________ 2. Ang “Chun Yun” ay nagiging bahagi ng Chinese
New Year.
____________ 3. Mabilis lamang ipagdiwang ang Chinese New Year.
____________ 4. Mahalaga ang pag-iiba ng buwan sa Chinese New
Year.
____________ 5. Nakikita ng mga Chinese na umaalis ang
masasamang espiritu tuwang Bagong Taon.
____________ 6. Hindi kayang pigilan ng pamahalaan ang
pagpapaputok tuwing Bagong Taon.
____________ 7. Marami ang hindi natutuwa tuwing Bagong Taon.
____________ 8. Marami ang napipinsala ng mga paputok tuwing
Bagong Taon.
9
____________ 9. Ang “good luck” sa mga Chinese ay mahirap sabihin
kaya sila sumisigaw.
____________ 10. Marami ang gumagamit ng paputok kapag
Bagong Taon.
E. Pagtataya
a. Ipabasa ang seleksyon sa mga mag-aaral at ipatukoy kung
tama o mali ang hinuhang binuo.
(1) Isang uri ng kulisap ang ipis. May ilang daang uri ito. Ang ilan sa mga ito ay ang karaniwang nakikita sa bahay lalo na sa maruruming lugar. Naninirahan naman ang iba sa mga bato o sa mga punongkahoy at mga dahon nito.
Ang mga ipis ay hindi lamang nakikita sa bahay kundi sa kagubatan din.
(2) Mahalaga ang mineral na nakukuha natin sa pagkain para sa ating katawan. Kung magkulang sa mineral ang ating katawan, ang gawain ng iba’t ibang bahagi nito ay hindi magagampanan nang maayos.
1. Ang mga mineral na nakukuha sa pagkain ay nagdudulot lamang ng mabuti sa katawan.
(3) Katulad ng mga taong-bundok, kawili-wili ang mga Batak. Sinasabing sila ang tanging tribo sa Palawan na nagmula sa Australia. Mapapansin din na may kapuna-punang pagkakatulad ang mga ito sa mga Ita sa Zambales.
Ang mga Batak ay may natatanging katangian na tulad din ng ibang pangkat etniko sa Pilipinas.
10
(4) Si Efren Penaflorida Jr. ay isang social worker. Ang kanyang ama ay isang traysikel drayber at simpleng maybahay naman ang kanyang ina. Nagtapos siya sa tulong ng scholarship. Ginamit niya ang kanyang kurso para magturo sa mga bata sa lansangan sa pamamagitan ng kariton. Kung kayat siya ay tinaguriang CNN Hero of the Year 2009.
1. Si Efren Penaflorida ay nagmamalasakit sa kapwa Pilipino na matuto gamit ang kanyang talento.
(5) Ang bahaging tubig ng mundo ay tinatayang 71% o halos tatlong kapat o (¾) ng ibabaw ng mundo. Ito ay binubuo ng karagatan, dagat, lawa, ilog at iba pang anyong tubig. Mga 3% ang tubig tabang. May limang karagatan ang mundo at ito ay ang Karagatang Pasipiko, Atlantiko, Indian, Artiko, at Timog Karagatan.
1. Ang tubig sa mundo ay dapat pangalagaan ng bawat isa.
11
SIPI NG ANTICIPATION GUIDE
Pangalan:
Baitang at Seksyon:
Petsa:
Guro: Panuto: Layan ng tsek (√) kung sang-ayon o di sang-ayon ka sa pahayag. Talakayin ito sa iyong kamag-aral. BAGO
MAGBASA PAGKATAPOS
MAGBASA Paliwanag/
Ebidensya Sang-
ayon Hindi Sang-ayon
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
1. Ang butanding ay isang mammal.
2. Ang butanding ay tinatawag sa Ingles na bull shark.
3. Kumakain ng isda ang mga butanding.
4. Karaniwang nakatira ang mga butanding malapit sa bahaging timog ng mundo.
5. Makakakita ng butanding sa Pilipinas.
12
Pinakamalaking Isda sa Buong Mundo
Ang butanding o whale shark na
itinuturing na isa sa pinakamalaking
isda sa mundo ay makikita sa Donsol,
Sorsogon sa lalawigan ng Bikol. Ito ay
may habang 18 hanggang 35
talampakan at kumakain lamang ng
mga plankton, isang uri ng hayop na
nabuhay sa dagat na nakatutulong
para linisin ang ating mga karagatan.
Sinasabing rin na ito ay karaniwang nakikita sa mga bansang malapit sa ekwador o
equator dahil sa mas maraming pagkain silang nakukuha rito at ang klima sa lugar
na ito ay hindi malamig na mas makakabuti sa kanilang kalagayan.
Ayon sa mga pag-aaral, sinasabing nakita ng mga Pilipong maninisid ang mga
butanding noong Enero 2, 1998. Dahil sa pagkakatuklas ng mga ito, naging malawak
ang mga paniniwala ng mga nakatira sa lugar na iyon na ang mga hayop na ito ay
hindi nakakapinsala sa mga kanilang lugar lalong lalo na sa pangingisda. Dahil sa
pagpapalawak ng mga impormasyon tungkol sa mga isdang ito, nagsidatingan ang
mga media at naibalita ito sa iba’t ibang istasyon na nagpatanyag sa Sorsogon. Na sa
kasalukuyan, ito ay naging isang tanyag na destinasyon ng mga turista sa ating bansa
na nagbigay rin ng maraming trabaho sa lalawigang ito.
ni: Arjohn Gime