Post on 15-Jun-2015
description
araling panlipunan III
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA
EHIPTO
EGYPT – "Ang Regalo ng Nile"
Noong 3200 BCE, ang Ehipto ay nahati sa dalawang kaharian:
Mataas na kaharian
Mababang
Kaharian
MAPA NG SINAUNANG EGYPT
PHARAOH – ang tawag sa pinuno ng mga Ehipsiyano. Sa katunayan ay hindi raw ito talaga ang tawag nila. Nanggaling ang salitang ito sa Bibliya kaya tinanggap na. Ito ay galing sa salitang “Pero” na nangangahulugang “Dakilang Tahanan” o “Dakilang Tirahan” (Great House sa Ingles).
Magkontrol sa ekonomiya at kalakalanMamahala sa kanyang mga nasasakupanMagpatupad ng mga batas at patakaranManguna sa hukbong sandatahan ng EgyptMagpanatili ng maayos na sistemang pang-
irigasyonMangalaga sa mga tao sa panahon ng
kalamidad at tag-gutomManguna sa mga seremonya at
panrelihiyong ritwalMagpanatili ng katahimikan at kaayusan sa
kaharian
Mga Kapangyarihan at Gawain ng Pharaoh
Ang mga dinastiya sa Ehipto
Panahong ArchaicLumang KaharianUnang IntermediateGitnang KaharianIkalawang IntermediateBagong Kaharian
Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto
Bago pa ang 5000 BCE ay nanirahan na ang mga Paleolithic hunters at gatherers sa Nile Valley.
Dahil sa lupaing laging binabaha ay tumaba ang lupa dahil sa banlik at natutong mamuhay ang mga tao sa permanenteng lugar kaya nag-evolve sa pagiging Mesolitiko hanggang sa Neolitiko ang pamumuhay ng mga Ehipsiyano.
Panahong Archaic
Sa panahong ito ay nahilig na rin ang mga Ehipsiyano sa paggawa ng mga figurines at statuettes ng mga hayop at tao at mga palayok.
Ilan sa mga gamit gaya ng kutsilyo na may hawakang garing at mga palettes ay nagpapakita mga seremonya na kanilang ginagawa.
Ang mga digmaan, pangangaso at mga seremonya ang paborito nilang ililok.
Haring Narmer – pinuno ng Mataas na Egypt na sinasabing nag-unite ng Egypt. Tinawag siyang “Menes” ng mga Griyego na nangangahulugang “founder”.
Lumang Kaharian – "Panahon ng mga Pyramid"
Sa panahong ito ay naging abala ang mga pinuno ng Egypt sa pagpapagawang mga pyramid. Mahigit 80 ang nagawang pyramids sa panahong ito.
Ito ay nagsisilbing libingan ng mga PharaohIto ay nagsisilbing tanda pagkatapos
bumaha ang Ilog Nile.Ito ay nagsisilbing parangal sa diyos ng
arawIto ay sumisimbolo ng pagkalalaki (fertility)Ito ay nagpapakita ng kadakilaan ng isang
PharaohIto ay sumisimbolo sa kalakasan at
kapangyarihan ng estado ng Ehipto.
Anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit gumawa ng napakaraming
Pyramids sa panahong ito?
Zoser – isa sa mga naging Pharaoh sa panahon ng lumang kaharian. Nagpatayo siya ng pyramid na ngayo’y tinatawag na “Step Pyramid”. Ito’y pinagawa noong 2650 BCE. Ito ay may taas na 62 metro(190 ft).
Khufu (Cheops) – ipinagawa niya ang pinakatanyag na pyramid sa Giza na itinuturing na pinakamalaki sa lahat na may volume na 2.59 milyon metrong kubiko. Ito ay ipinatayo noong 2600 BCE.
Unang Intermediate
Noong 2300 BCE, nagsimulang humina ang kapangyarihan ng mga paraon. Naging laganap ang digmaang sibil bunga ng pag-aagawan sa kapangyarihan ng mga lokal na gobernador. Bunga nito sumailalim ang Ehipto sa 200 taong panahon ng kaguluhan.
“ANARCHY”
Gitnang Kaharian– "Panahong Feudal”
Pinapalagay na nagsimula ang Gitnang Kaharian noong 2040 BCE .
Nakilala ang Thebes bilang kabisera nito.
Hindi katulad ng Lumang Kaharian, mas binigyang tuon ng mga paraon ang mga bagay na kapaki-pakinabang kaysa sa pagpapagawa ng mga piramide. Mas binigyang importansya ang pagpapagawa ng mga kalsada, dike at sistemang irigasyon.
Amenemhet I – siya ang nagtayo sa Thebes bilang bagong kabisera ng Ehipto. Nasugpo niya ang mga mapanggulong maharlika.
Amenemhet III – anak ni AI na sinasabing nagpagawa ng kanal na nagdurugtong sa Ilog Nile at Red Sea. Dahil dito ay umunlad ang Ehipto sa larangan ng kalakalan.
Sa panahong ito ay naitayo ang imbakan ng tubig na tinawag na Faiyum.
Sa huling bahagi ng Gitnang Kaharian ay sinakop ng mga Amorites mula sa Fertile Crescent ang Ehipto noong 1730 BCE.
Tinawag silang mga “Hyksos” ng mga Ehipsiyano na nangangahulugang “Rulers of Foreign Land”.
Mahigit sa 150 taon nilang pinamunuan ang Ehipto.
Bagong Kaharian– "Panahon ng Imperyong Egyptian”
Sa panahong ito ay hindi naging kuntento ang mga pinunong Egyptian sa teritoryong sakop ng kanilang kaharian kung kaya’t nagsimula nang manakop ng lupain. Pinagbayad nila ng buwis (sapilitan) ang kanilang mga nasakop.
Mga Tanyag na Pharaoh ng Bagong Kaharian
Thutmose II – naging pharaoh noong 1512 BCE. Idinagdag niya ang Nubia sa Egypt at sinakop niya ang Palestine at Syria.
Hatshepsut – tinaguriang “kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan”. Napalago niya ang kalakalan. Naging tanyag ang Egypt dahil sa mga ekspedisyong kanyang ipinadala.
Thutmose II I– isa sa dakilang pharaoh ng Egypt. Siya ang tinaguriang “Alexander the Great ng Egypt”. Pinagtuunan niya ang pakikipaglaban at pagpapalakas ng kanyang hukbong militar.
Amenhotep IV - naging tanyag dahil sa pagtatatag niya ng iisang relihiyon na sumasamba sa iisang diyos na si Aton. Pinalitan niya ang kanyang pangalan sa Akhenaton. Namatay siya noong 1362BCE.
Rameses II – namahala sa Egypt ng halos 70 taon. Sa panahon ng kanyang pamamahala naganap ang mahigit 15 taon pakikidigma sa mga Hittites na nasa Asia Minor. Siya ang isa sa huling dakilang pharaoh ng Egypt. Pinalitan siya ng mga mahihinang pinuno na naging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga nasasakupan ng imperyo.
Kontribusyon ng mga Egyptian sa Daigdig
Paggawa ng papel (papyrus), stylus
Sinaunang kalendaryoPyramidsGeometryLarangan ng Surgery at AnatomyShadoof at LoomMummificationHieroglyphics
A
PICTURE
PAINTSA
THOUSAND
WORDS
EGYPT
AKO AY SI NARMER YOU CAN ALSO
CALL ME MENES. ASTIG NO?
HEY WAZZUP? BY THE WAY I’M
ZOSER, ADD NIYO KO SA FRIENDSTER
HA?
Great Pyramid
HYKSOS
Hieroglyphics
Amenemhet III
Amenhotep IV
Hatshepsut
Nefertiti
Thutmose III
Thutmose I
Tutankhamen
Rameses II
UFC Ketchup Lotion for my body
555 Sardines for my hair
Microsoft Corporation for my teeth
Belo shoes
McDonald’s Innerwear
Philippine Hairlines
Pond’s Bagoong
Sunsilk Patis
ALL RIGHTS RESERVED July, 2008
We would like to thank our sponsors: