Ang pagpaparaya ni aladin

Post on 26-Jun-2015

3.628 views 268 download

description

Do not plagiarize ..

Transcript of Ang pagpaparaya ni aladin

(Saknong bilang 347-372)

Ang Pagpaparaya ni Aladin

Trisha RacraquinCamille ValenciaDustin Jerod ConventoXyra Abegail EfaJoanna BacalaoloyoJorelle Medina

II-Gold

Inihahandog ng Pangkat I

I. Pagtuklas

A. Mga Gawain

1. Ang pagtatanong sa mga mag-aaral kung alam nila ang kwento sa Bibliya tungkol kay Haring Solomon at dalawang ina na nag-aagawan sa isang sanggol (Kung hindi pa ay iparinig sa kanila ang kwentong ito at itanong ang sumusunod na mga gabay na tanong)

TIN-EDYER lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: ‘Solomon, ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?’

Sumagot si Solomon: ‘Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang inyong bayan sa tamang paraan.’

Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya: ‘Dahil sa humingi ka ng karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa sinomang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at karangalan.’

Hindi nagtagal, dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit kay Solomon. Sabi ng isa: ‘Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi namatay ang anak niya, pero samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay na sanggol.’

Sinabi ng ikalawa: ‘Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay kaniya!’ Nagtalo sila. Ano ang gagawin ni Solomon?

Nagpakuha siya ng espada, at sinabi: ‘Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan ang mga babae ng tigkakalahati!’

Ang tunay na ina ay sumigaw: ‘Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay na lang ninyo sa kaniya!’ Pero ang ikalawa ay nagsabi: ‘Sinoman sa amin ay huwag ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.’

Kaya sinabi ni Solomon: ‘Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae. Siya ang tunay na ina.’ Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong mamatay. Nang mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari.

Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang pagkain. Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay. Sagana sila.

a. Ilarawan ang dalawang ina sa kwento.

Ang dalawang ina ay kapwa nag-aagawan sa isang sanggol. Pareho silang nagsasabi na anak nila iyong sanggol. Kapwa pareho sila mapagmahal dahil sa pagpapakita nila ng malasakit sa sanggol. Ngunit ang isa sa dalawang ina ay hindi nagsasabi ng totoo.

b. Sino’ng ina ang nagpakita ng tunay na pagmamahal sa sanggol?

Sa simula parehas sila ngunit nang hahatiin na ni Haring Solomon ang sanggol, isang ina ang pumayag na hatiin ang sanggol at ibigay ang kalahati sa kanya ngunit ang isang ina ay handa ng magparaya upang maging ligtas ang sanggol.

c. Paano natuklasan ni Haring Solomon kung sino talaga ang tunay na ina?

Gumawa ng paraan si Haring Solomon upang malaman kung sino sa dalawang ina ang tunay na ina ng sanggol. Gumawa siya ng isang pagsubok. Nagdesisyon siya na hatiin ang bata sa dalawa. At doon nalaman niya kung sino ang tunay na ina ng sanggol dahil sa pagpaparaya ng isang ina para sa kabutihan ng kanyang anak.

d. Dakila ba ang pag-ibig ng tunay na ina sa kanyang anak? Ipaliwanag.

Opo, sapagkat handa siyang magparaya alang-alang sa kapakanan ng kanyang anak. Inisip niya ng mabuti ang kanyang desisyon upang mapabuti ang kalagayan ng kanyang anak.

e. Anong aral ang nakuha mo sa kwentong ito?-Matutong magparaya-Pag-isipang mabuti ang desisyong gagawin- Huwag maging sinungaling

2. Pagmumungkahi ng mahalagang tanong, tulad ng “Masasabi bang dakila ang pag-ibig na nagpaparaya?”

Opo, dahil pinapakita mong tunay at totoo ang pag-ibig mo sa isang tao. Na handa kang magsakripisyo para sa ikabubuti ng taong mahal mo.

Batay sa sagot ng mga mag-aaral.

3. Pagpapalitan ng opinyon sa mahalagang tanong.

Batay sa sagot ng mga mag-aaral.

4. Paghihinuha sa talakayan ng sagot sa mahalagang tanong.

5. Pagmumungkahi sa isasagawang produkto/ pagganap.

6. Pagbubuo ng kraytirya sa isasagawang produkto/ pagganap.

7. Pag-uugnay ng mga ibang salita sa salitang “Pagpaparaya” gamit ang mga sumusunod na Word Web.

Pagpaparaya

Sakripisyo

Pagpapaubaya

Toleransiya

Pagbitiw Pagpaumanhin

Pagbibigay

Pagpapakawala

Pagsuko

II. Paglinang

A. Pagbabasa ng Teksto

347. "Ang pagkabuhay mo'y yamang natalastas,tantuin mo naman ngayon ang kausap;ako ang Aladin sa Persyang Siyudad,anak ng balitang Sultang Ali-Adab."

348. "Sa pagbatis niring mapait na luha,ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata Ay, ama ko! Bakit? Ay Fleridang tuwa!katoto'y bayaang ako'y mapayapa."

349. "Magsama na kitang sa luha'y maagna,yamang pinag-isa ng masamang palad;sa gubat na ito'y hintayin ang wakasng pagkabuhay tang nalipos ng hirap."

350.Hindi na inulit ni Florante naman,luha ni Aladi'y pinaibayuhan;tumahan sa gubat na may limang buwan,nang isang umaga'y naganyak maglibang.

351.Kanilang nilibot ang loob ng gubat,kahit bahagya na makakitang-landas;dito sinalita ni Alading hayagang kanyang buhay na kahabag-habag.

352.Aniya'y "Sa madlang gerang dinaanan,'di ako naghirap ng pakikilabanpara nang bakahin ang pusong matibayni Fleridang irog na tinatangisan."

353."Kung nakiumpok sa madlang prinsesa'ysi Diana'y sa gitna ng maraming nimpa,kaya at kung tawagin sa Reynong Persya,isa si Houris ng mga propeta."

354."Anupa't pinalad na aking dinaigsa katiyagaan ang pusong matipid;at pagkakaisa ng dalawang dibdib,pagsinta ni ama'y nabuyong gumiit."

355."Dito na minulan ang pagpapahirapsa aki't ninasang buhay ko'y mautas;at nang magbiktorya sa Albanyang S'yudad,pagdating sa Persya ay binilanggo agad."

356."At ang ibinuhat na kasalanan ko,'di pa utos niya'y iniwan ang hukbo;at nang mabalitang reyno'y nabawi mo,noo'y hinatulang pugutan ng ulo."

357."Nang gabing malungkot na kinabukasan,wakas na tadhanang ako'y pupugutan,sa karsel ay nasok ang isang heneral,dala ang patawad na lalong pamatay."

358. "Tadhanang mahigpit ay nalis

pagdaka,huwag mabukasan sa Reyno ng Persiya;sa munting pagsuway — buhay ko ang dusa ...sinunod ko't utos ng hari ko't ama."

359."Ngunit sa puso ko'y matamis pang lubhana tuloy nakitil ang hiningang aba,huwag ang may buhay na nagugunita —iba ang may kandong sa langit ko't tuwa."

360."May anim na ngayong taong walang likatnang nilibut-libot na kasama'y hirap ..."napatigil dito't sila'y may namatyag,nagsasalitaan sa loo ng gubat.

361. Napakinggan nila'y ganitong saysay:"Nang aking matatap na pupugutanang abang sinta kong nasa bilangguan,nagdapa sa yapak ng haring

sukaban.".

362."Inihinging-tawad ng luha at daingang kaniyang anak na mutya ko't giliw;ang sagot ay kundi kusa kong tanggapinang pagsinta niya'y 'di patatawarin."

363."Ano'ng gagawin ko sa ganitong bagay?Ang sinta ko kaya'y hayaang mamatay?Napahinuhod na ako't nang mabuhayang prinsipeng irog na kahambal-hambal!"

364."Ang 'di nabalinong matibay kong dibdibng suyo ng hari, bala at paghibik,naglambot na kusa't kumain sa sakitat nang mailigtas ang buhay ng ibig.

365."Sa tuwa ng hari, pinawalan agaddahil ng aking luhang pumapatak;dpuwa't tadhanang umalis sa s'yudadat sa ibang lupa'y kusang mawakawak."

366."Pumanaw sa Persya ang irog ko't buhayna hindi man kami nagkasalitaan;tingni kung may luha akong ibubukalna maitutumbas sa dusa kong taglay!"

367."Nang iginaganya sa loob ng reynoyaong pagkakasal na kamatayan ko,aking naakalang magdamit-gereroat kusang magtanan sa real palasyo."

368."Isang hatinggabing kadilimang lubha,lihim na naghugos ako sa bintana;walang kinasama kung hindi ang nasa —matunton ang sinta kung nasaang lupa."

369."May ilan nang taon akong naglagalagna pinapalasyo ang bundok at gubat;dumating nga rito't kita'y nailigtassa masamang nasa niyong taong sukab

370.Salita'y nahinto sa biglang pagdatingng Duke Florante't Prinsipe Aladin;na pagkakilala sa boses ng giliw,ang gawi ng puso'y 'di mapigil-pigil.

371.Aling dila kaya ang makasasayodng tuwang kinamtan ng magkasing-irog?Sa hiya ng sakit sa lupa'y lumubog,dala ang kanyang napulpol na tunod.

372.Saang kalangitan napaakyat kayaang ating Florante sa tinamong tuwangayong tumititig sa ligayang mukhang kanyang Laurang ninanasa-nasa?

B. Mga Gawain

1. Pagpapalawak ng talasalitaan: bigyan ng kahulugan ng mga salita.

Natatalastas

Maunawa

Maintindihan

Ma-wa-ta-san

Ma-ri-nig

Tantuin

Isipin

Pag-nilayan

Ma-la-man

Ta-ru-kin

Pinalad

Sinuwerte

Biniyayaan

Pi-nagpa-la

Tumahan

Tumigil

Hu-min-to

2. Pagsasadula ng mga pangyayari sa aralin ayon sa pagkakaunawa rito.(Pangkatang gawain)

Magpangkat ang klase ayon sa bilang ng

pangkat na gusto ng guro.

3. Pagpapalitan ng puna at mungkahi sa ginawa ng bawat pangkat.

Gawin ito ng bawat pangkat upang mas lalo pang maintindihan

ang aralin.

4. Pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

a. Bakit pinarusahan ni Sultan Ali-adab ang kanyang anak na si Aladin?

Pinarusahan ni Sultan Ali-Adab si Aladin dahil gusto niyang mailayo ito kay Flerida kaya niya ito pinapili kung siya’y papatayin o magpakalayo-layo sa Persya.Dahil dito mapapasakaniya na si Flerida.

b. Paano tinanggap ni Aladin ang pagpaparusa sa kanya ng kanyang ama?

Pinili niyang magpakalayo-layo sa Persya kaysa sa siya’y patayin ng ama dahil kapag siya’y lumayo lamang ay maaari pa niyang maligtas ang kanyang minamahal na si Flerida sa kamay ng kanyang ama.

c. Paano napunta si Laura sa gubat?

Napunta si Laura sa gubat dahil inutusan ni Adolfo ang kanyang tauhan upang igapos siya. At doon pagtangkaang halayin.

III.PAGPAPALALIM

A. Mga Gawain

1. Pagpapaliwanag

a. Para sa iyo, ano ang dakilang pag-ibig?

Ang dakilang pag-ibig ay ang pag-ibig na kung saan mayroong pagsasakripisyo at pagpaparayang naisasagawa.

b. Paano maipapakita ang kadakilaan ng pag-ibig?

Sa pamamagitan ng paglalaban na mahal mo siya kahit ano man ang

maging kapalit.

2. Pagbibigay ng interpretasyon. Nangyayari ba sa tunay na buhay ang nangyari kay Aladin at sa kanyang ama? Patunayan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng katulad na pangyayari.gOpo, mayroon pa ring nangyayaring ganito dahil marahil ang kanyang ama ay biyudo na at nagkataon na ang iniibig niya ay iniibig ng anak niya. Ngunit kung minsan, ang ama ang nagpaparaya. Mayroon din namang ang ama ang gumagawa ng masama upang mapasakanya ang minahal niya at ang minamahal ng anak niya.

3. Pagbubuo ng opinyon

a. Makatarungan ba ang pagpaparusa ni Sultan Ali-Adab sa kanyang anak? Ipaliwanag.

Hindi, kasi anak niya si Aladin at kahit anong gawin ng kanyang anak dapat

mapatawad niya ito. At ang dahilan ng kanyang pagpaparusa ay mali dahil ang gusto niya ay mailayo si Aladin

kay Fleridang iniirog upang maagaw ni Sultan Ali-Adab.

b. Masasabi bang dakila ang pag-ibig ni Aladin kay Flerida? Bakit?

Opo, dahil handa siyang magsakripisyo para sa kanyang

minamahal.

c. Sa iyong palagay, wasto ba ang magparaya at bigyan ng kalayaan ang minamahal? Ipaliwanag ang sagot.

Hindi, kasi kung mahal mo ang taong ito ipaglalaban mo siya kahit ano man

ang kapalit dahil iyon ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

4. Pag-unawa at pagdama sa damdamin ng iba.a. Ano sa palagay mo ang damdamin ng Sultan Ali-Adab habang pinarurusahan ang kanyang anak na si Aladin?

Nagalit siya sa kanyang ama.

b. Ano sa palagay mo ang damdamin ni Aladin sa kanyang ama habang pinarurusahan siya nito?

Meron siyang galit at sama ng loob sa kanyang ama.

5. Pagkilala sa sarili:

a. Kung ikaw si Aladin, magpaparaya ka ba? Bakit?

Opo, dahil alam kong dadating ang panahon na magkikita

kaming muli at maililigtas ko siya at mailalayo sa aking ama.

c. Naapektuhan o nabago ba ng aralin ang iyong paniniwala sa pag-ibig? Paano?

Hindi , dahil sa panahon ngayon bihira na ang ganitong sitwasyon.

6. Sintesis. Batay sa iyong natutuhan sa aralin, masasabi bang dakila ang pag-ibig na nagpaparaya? Bakit?

Hindi, kasi mahal mo siya at mahal ka rin niya kaya dapat

ipaglaban niyo ang inyong pagmamahalan kahit na anong mangyari dahil pag hindi baka

magsisi lang sila sa huli.

Salamat at nawa’y may natutunan kayo ^_^